You are on page 1of 51

1

Patnubay ng Guro

Unit 1

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi .

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

1
Filipino – Unang Baitang
Patnubay ng Guro
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9981-95-4

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda
ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan
o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin
ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.
Kawaksing Kalihim: Elena R. Ruiz, Ph.D.

Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro

Consultant: Dina Ocampo, Ph.D.


Editor at Tagasuri: Ani Rosa Almario
Mga Manunulat: Jeanne Christine Ramos, Ruth Martin, Ria Ciabal-dela Cruz, at
Camille Quiambao
Tagasuri: Angelika D. Jabines
Naglayout: Ma. Leonor M. Barraquias

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Book Media Press, Inc. Printwell, Inc.


21-E. Boni Serrano Ave., Q.C 38 Dansalan St., Mandaluyong
City 721-2803, 726-6647 533-2388

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

2
TALAAN NG NILALAMAN
Yunit 1
Linggo 1 - Ako at ang Aking Pamilya 1

Linggo 2 - Mga Tao at Bagay na Gusto Ko 6

Linggo 3 - Mga Paborito Kong Hayop at Halaman 11

Linggo 4 - Ang Aking Pamilya 16

Linggo 5 - Ang Aking Pamilya at ang Aking 21


mga Gampanin

Linggo 6 - Pagkalinga sa Isa’t isa - Sa Aming Tahanan 25


at Kapaligiran; Kaligtasang Pampamilya

Linggo 7 - Ang Aking Pamayanan Pangangalaga 30


sa Kapaligiran

Linggo 8 - Ang Mga Pagbabago 34


sa Ating Pamayanan

Linggo 9 - Ang Ating mga Bayani 38

Linggo 10 - Ako at ang Aking Pamayanan 43

3
Yunit 1

Linggo 1

Tema : Ako at ang Aking Pamilya


Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Napakikinggan at nakatutugon sa mga tanong ukol sa sarili
2. Gramatika: Natutukoy ang pangalan ng tao, bagay, pook, o hayop
3. Kamalayang Ponolohikal: Naipapalakpak ang pantig ng salita

Unang Araw
Layunin : Natatanong at nasasagot ang “Ano ang pangalan mo?”
Naipapalakpak ang pantig ng pangalan
Mga Kagamitan: metacard at yarn na sapat sa bilang ng
mga bata tsart ng awiting “Sino ang Kaibigan
Ko?” Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya
Bigyan ang bawat bata ng metacard.
Sabihin: Kunin ang pangkulay.
Gamit ang paborito mong kulay, isulat ang iyong
pangalan sa metacard na aking ibinigay.
Lagyan ito ng yarn at isabit sa leeg.
2. Tukoy-Alam
Isagawa ang larong "“Hot Potato.”"
Sabihin:Magpapatugtog ako ng musika kasabay ng pagpapasa
ng bola. Sa pagtigil ng tugtog, sino man ang may hawak ng
bola ay magpapakilala sa harap ng mga kaklase.
3. Paglalahad
Iparinig sa mga bata ang rap na ito:
Ikaw, ako,
Malaya dito
Pangalan ko ay _____________________
Bigay ng nanay at tatay ko
Kaya ako bibong bibo
Ituro sa mga bata ang rap.
I-rap muli ang tugma kasabay ang mga
bata. 4. Pagtuturo at Paglalarawan I-
rap muli ang tugma.
Tumawag ng ilang bata upang mag-rap sa harap ng klase.
Isulat sa pisara ang ilang pangalan ng mga bata.
Itanong sa bawat isa: Ano ang pangalan mo?

4
Pumili ng isang pangalan ng bata.
Isulat ito sa pisara.
Basahin ito sa mga bata.
Ipaulit ang sinabing pangalan sa mga bata.
Ipalakpak ang pangalan. Ulitin ito kasabay ang mga bata.
Itanong: Ilang palakpak ang narinig?
Ipakita ang pagpapantig ng pangalan.
Basahin ito nang papantig sa mga bata.
Ipapalakpak muli ito sa mga bata.
Ilang pantig mayroon sa pangalan?
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Pabilugin ang mga bata.
Umikot at itanong sa bawat bata: Ano ang pangalan mo?
Hayaang sagutin ito ng batang katapat kasabay ng
pagpalakpak ng pantig ng kanyang sariling pangalan.
b. Malayang Pagsasanay
Hayaang pagandahin ng mga bata ang ginawang nametag
sa pagsisimula ng klase.

Ikalawang Araw
Layunin: Nasasagot ang mga tanong na “Ilang taon ka na?”
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ipaawit sa mga bata ang "Maligayang Kaarawan."
Magsagawa ng mini-survey sa loob ng klase kung sino ang may
kaarawan sa bawat buwan ng taon.
2. Paglalahad
Hayaang maglahad ang mga bata ng kanilang karanasan nang
nagdaang kaarawan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan Itanong sa mga bata:
"Ilang taon ka na?"
Gabayan ang mga bata na sagutin ito gamit ang:______taong
gulang na ako.
Tawagin ang ilang mga bata upang masubok ang pagsasabi
nito.
4. Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin ngayon?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Bumuo ng sariling pangkat na may limang kasapi.

5
Kailangan ang mga kasapi ay pare-pareho ng edad.
Hanapin ang magiging kasapi sa pamamagitan ng
pagtatanong ng "Ilang taon ka na?"
Ang pangkat na makakatapos ay papalakpak.
Ihanda ang sasabihin sa harap ng klase gamit
ang: Kami ay ___ taong gulang.
b. Malayang Pagsasanay
Hayaang iguhit ng mga bata ang pangarap nilang disenyo
ng cake. Sa ibabaw nito isulat ang sagot sa tanong na
"Ilang taon ka na?"

Ikatlong Araw
Layunin: Nasasagot ang tanong na “Saan ka nakatira?”
at "Saan ka pumapasok?"
Kagamitan: mapa ng pamayanan
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Hayaang iguhit ng mga bata ang pamayanang kinabibilangan.
Ipalarawan ito sa harap ng klase.
2. Paglalahad
Ipakita ang mapa ng isang pamayanan.
Ano-ano ang makikita rito?
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Itanong sa mga bata: Saan ka nakatira?
Gabayan ang mga bata sa tamang pagsagot sa tanong na ito.
Itanong: Saan ka pumapasok?
Gabayan ang mga bata sa tamang pagsagot sa tanong na ito.
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Ipalabas muli sa mga bata ang iginuhit na pamayanan sa
paguumpisa ng klase. Bilugan ng pulang krayola kung saan
ka nakatira at asul na krayola naman kung saan ka
pumapasok.
b. Malayang Pagsasanay
Bigyan ang bawat bata ng ID.
Papunuan ito ng mga impormasyong hinihingi.

6
Pangalan : ___________
Edad : ___________
Paaralan : ___________
Tirahan : ___________

Ikaapat na Araw
Layunin : Natutukoy ang pangalan ng tao, bagay, o pook
Kagamitan : mga larawan ng katulong sa komunidad at
lugar ng kanilang hanapbuhay Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ano ang gusto mo paglaki mo?
Saan mo gustong magtrabaho?
2. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng mga katulong sa komunidad at ang
lugar ng kanilang hanapbuhay.
Sabihin: Pagtambalin ang mga larawan na dapat magkasama.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Kilalanin ang bawat katulong sa komunidad.
Isulat ang mga ito ng isang hanay sa pisara.
Itanong: Saan nagtatrabaho ang bawat isa?
Isulat ang mga ito ng isang hanay sa pisara.
Itanong: Ano ang tawag natin sa mga salita sa unang hanay?
Pangalawang hanay?
Ano ang pangalan ng kaklase mo sa kaliwa mo?
Sa kanan mo? (Isulat ang sagot sa
pisara) Paano ito isinulat?
Saan ka nakatira?
Pumapasok? Paano ito
isinusulat?
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Paano isinusulat ang ngalan ng tao? Ng pook o lugar?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang
Pagsasanay
Sabihin: Lumukso kung ang salita ay ngalan ng tao.
Kumembot kung ang salita ay ngalan ng lugar o pook.

7
1. Marissa 6. Paaralang Elementarya ng
2. Maynila San Dionisio
3. Bernard 7. Shaw Boulevard
4. Isidoro 8. Angela
5. Barangay 2 9. Vicente
b. Malayang
Pagsasanay Punan
ang tsart.
PANGALAN NG TAO PANGALAN NG POOK

Ikalimang Araw
Layunin: Natutukoy ang pangalan ng bagay
Napag-uuri-uri ang mga ngalan ng bagay
Kagamitan : metacard na may sulat ng ngalan ng mga bagay
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Magsagawa ng isang paglalakbay sa loob ng paaralan.
Ipakilala ang bawat lugar na matatagpuan dito.
2. Paglalahad
Itanong: Ano-ano ang nakita mo sa
paglalakbay? Saan ito nakita?
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Basahin ang mga itinalang sagot ng mga bata.
Ipabasa ito sa mga bata.
Itanong: Paano isinulat ang bawat ngalan?
Alin-alin ang dapat
magkakasama? Bakit ito ang
pinagsama-sama?
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Paano isinusulat ang ngalan ng mga bagay?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang
PagsasanayIpangkat ang
klase.
Bigyan ang bawat pangkat ng mga metacard na may sulat
ng mga ngalan ng mga bagay.

8
Sabihin: Pagsama-samahin ang mga ngalan na dapat
magkakasama. Bigyan ng sariling pamagat ang bawat pangkat
na magagawa.
b. Malayang Pagsasanay
Sabihin: Iguhit at kulayan ang paborito mong bagay.Isulat
ang ngalan nito.

Linggo 2

Tema : Mga Tao at Bagay na Gusto Ko


Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Nakikinig at tumutugon sa mga tanong tungkol sa pamilya
2. Gramatika:
Nasasagot nang wasto ang tanong na ano___ at ano-ano,
sino at sino-_______ _________ sino ___
Nagagamit nang wasto ang mga salitang ang/ang mga,
si/sina sa mga pariralang may pangngalan
3. Kamalayang Ponolohikal: Nabibigkas ang pangalan nang may
tamang pagpapantig (pangalan ng mga kasapi ng pamilya)

Unang Araw
Layunin : Nasasagot ang tanong na ano/ano-ano gamit ang mga
impormasyon mula sa mga pangungusap na bigay ng guro
Nagagamit nang wasto ang ang/ang mga
Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya Ano ang paborito mong gulay?
Ano-ano ang ayaw mong gulay?
2. Tukoy-Alam
Magsagawa ng isang mini-survey sa loob ng klase.
Itanong: Anong gulay ang kinakain ng bawat kasapi ng pamilya
mo?

TATAY NANAY ATE KUYA BUNSO

3. Paglalahad
Ipaawit sa mga bata ang "Bahay-Kubo" o anumang awitin na
may mababanggit na ngalan ng mga gulay.
Itanong: Ano-ano ang gulay na nabanggit sa awit?
4. Pagtuturo at Paglalarawan

9
Ipakita sa mga bata ang larawan ng isang upo.
Itanong: Ano ang nasa larawan?
Ilang gulay mayroon sa larawan?
Gabayan ang mga bata sa pagbibigay ng ngalan sa larawan
gamit ang ang.
Itanong: Anong salita ang ginamit sa unahan ng salitang upo?
Ano ang ipinahihiwatig nito?
Magpakita muli ng isang larawan ng dalawang kalabasa.
Itanong: Ano-ano ang nasa larawan?
Ilang kalabasa mayroon sa larawan?
Gabayan ang mga bata sa pagbibigay ng ngalan sa larawan
gamit ang ang mga.
Itanong: Anong salita ang ginamit sa unahan ng salitang
kalabasa? Ano ang ipihihiwatig nito?
5. Paglalahat
Ano ang isinasagot sa tanong na ano? Ano-ano? ___ _______
Kailan ginagamit ang ang? Ang mga? ___ _______
6. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Bago magsimula ang klase, maglagay na ng mga laruang
gulay sa loob ng silid-aralan. Siguraduhin na ang ilang
gulay ay tig-iisa lamang samantalang ang iba naman ay
dalawa o higit pa.
Itanong: Anong gulay ang nasa may ________?
Ano-anong gulay ang nasa may ________?
(Punan ng lugar sa silid-aralan kung saan inilagay ang mga
gulay.)
b. Malayang Pagsasanay
Balikan ang iginuhit na gusto at ayaw na mga gulay bago
magsimula ang klase.
Lagyan ang mga ito ng tamang label gamit ang ang/ang
mga.

Ikalawang Araw
Layunin : Nasasagot ang tanong na sino/sino-sino
gamit ang mga ___________ impormasyon
mula sa mga pangungusap na bigay ng guro
(mga bagay sa paligid)
Nagagamit nang wasto ang si/sina sa pangungusap
Mga Kagamitan : tsart na talaan, tsart ng awiting “Bahay
Kubo” Pamamaraan:
1. Tunguhin
Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya?

10
Sino ang iyong matalik na kaibigan?
2. Paglalahad
Ipaawit muli sa klase ang “Bahay Kubo.”
Maaaring gawing laro ang pagbabahagi ng mga larawan ng
gulay sa mga bata at pagpapatayo sa mga ito sa tuwing
babanggitin sa awitin ang nakalarawang gulay.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Magsagawa ng mini-survey sa loob ng klase.
Sino ang kumakain ng _____?
Itala ang sagot sa tsart na katulad ng nasa ibaba.
Talaan Kung Sino ang Kumakain ng Gulay
Singkamas Talong XXXX XXXX
Tina
Pag-aralan ang natapos na tsart.
Itanong: Sino ang kumakain ng singkamas?
Isulat sa pisara ang sagot ng bata sa pormat na:
si ______
Itanong: Sino-sino ang kumakain ng talong?
Isulat sa pisara ang sagot ng bata sa pormat na:
sina ____,____ , at _______
Itanong: Ilang ngalan ng tao ang isinagot natin sa tanong na
sino? ___
Sino-sino? _______
Ilang ngalan ng tao ang tinutukoy sa salitang si? Sina? _
____
4. Paglalahat
Ano ang isinasagot sa tanong na sino? Sino-sino? ___ _______
Kailan ginagamit ang si? Sina? _ ____
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Bigyan ang mga bata ng larawan ng mga tao.
Ipadikit ang mga ito sa tamang hanay.
Sino? Sino-sino?

Itanong: Sino ang nasa larawan?


Sino-sino ang nasa larawan?
b. Malayang Pagsasanay
Sagutin gamit ang si/sina ang mga tanong
na: _____ Sino ang paborito mong
artista?

11
Sino-sino ang bago mong kaibigan?

Ikatlong Araw
Layunin : Nasasagot ang tanong na ano/ano-ano gamit ang
_________
mga impormasyon mula sa mga pangungusap na bigay
ng guro
Kagamitan : larawan ng isang rural at urban na pamayanan
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Itanong: Saan mo gustong tumira? Bakit gusto mo rito?
2. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng isang rural at urban na pamayanan.
Hayaang sabihin ng mga bata ang pagkakaiba ng dalawang
pamayanan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Magbigay ng isang pangungusap tungkol sa rural na
pamayanan. Gamitin ang salitang ang.
Magtanong tungkol sa pangungusap na sinabi. Simulan ang
tanong sa ano.
Kailan ginagamit ang ang? Ano? ___ ___
Magbigay ng isang pangungusap tungkol sa urban na
pamayanan.
Gamitin ang salitang ang mga. _______
Magtanong tungkol sa pangungusap na sinabi. Simulan ang
tanong sa ano-ano.
Kailan ginagamit ang ang mga /ano-ano? _______ _______
4. Paglalahat
Kailan ginagamit ang ano/ano-ano? Ang/ang mga? ___ ______
___ _______
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Magpakita ng ilang mga larawan.
Hayaang magbigay ang mga bata ng tanong tungkol sa
larawang ipinakita gamit ang ano/ano-ano/. __________
b. Malayang Pagsasanay
Gumuhit ng mga larawan ayon sa hinihingi.

12
ang ________ ang mga _____

Ikaapat na Araw
Layunin : Nasasagot ang tanong na ano/ano-ano ang nasa
__________________ may (posisyon ng
gamit) ___
Mga Kagamitan : larawan ng kapaligiran ng bahay kubo (kung saan
may mga hayop, halaman, at piling gamit) Pamamaraan:
1. Tunguhin
Sabihin: Ano ang nasa bag mo?
2. Paglalahad
Ipakita at ipasuri sa mga bata ang larawan ng isang bakuran.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Hikayatin ang mga bata na bigyang- pansin ang mga bagay sa
paligid gamit ang larawan ng bahay kubo.
Gamit ang batayang pangungusap na “Ano ang nasa may
(halimbawa: hagdan) ng bahay kubo?” Bigyang-diin ang
paggamit ng ang/ang mga __________ sa pagbibigay ng
tamang sagot.
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
Bigyang pagkakataon ang bawat isa na magbahagi ng
posisyon ng iba’t ibang bagay na maaaring matatagpuan
sa kanilang tahanan. Bigyang-diin ang paggamit ng
ang/ang mga. __________ Halimbawa: Nasa hagdan ang
mga tsinelas ni Tatay. Nasa kusina ang kawali
ni Nanay.

Ikalimang Araw
Layunin : Nakapagbibigay impormasyon tungkol sa paborito ng
isang miyembro ng pamilya
Kagamitan : larawan ng mga kasapi ng pamilya
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ano ang hilig mong gawin?

2. Pagtataya

13
Ipakitang muli ang mga ginupit na larawan ng iba’t ibang
kasapi ng pamilya. Tukuyin ang bawat isa (Tatay, Nanay,
atbp.). Ipakita ang papalakpak na pagpapantig ng mga
pangalan nito. Tanungin ang bawat isa kung ano ang
kanilang nalalaman ukol sa natuklasang hilig o gawain ng
kanilang napiling kapamilya, at papalakpak ang sagot
nang papantig.

Linggo 3

Tema : Mga Paborito Kong Hayop at Halaman


Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Tumutugon sa mga tanong tungkol sa napakinggang
salaysay Nagtatanong, nakapagbibigay ng opinyon at hinuha
ukol sa salaysay ng iba
2. Gramatika:
Nagagamit nang wasto ang mga salitang si/sina sa mga
_____ pariralang may pangngalan
Natutukoy ang kasarian ng mga kasama sa tahanan
3. Kamalayang Ponolohikal:
Nabibigkas ang pangalan na may tamang pagpapantig
kasabay ng pagpalakpak

Unang Araw
Layunin : Nagagamit nang wasto ang si/sina sa parirala
_____ Natutukoy ang kasarian ng pangngalan
Kagamitan: Prediksiyon Tsart; kopya ng kuwentong "Ang Aking
Bayani"
Pamamaraan:
1. Paunang Pagtaya
Itanong: Ano ang alaga mong hayop sa bahay?
Sabihin: Sa pamamagitan ng clay, ipakita ang alagang
hayop.
2. Tukoy-Alam
Itanong: Paano mo inaalagaan ang alaga mong hayop?
3. Paglalahad
Ipakilala ang pamagat ng kuwento/may-akda at tagaguhit ng
gagamiting kuwento.
Pag-usapan ang isang larawan na mula sa kuwento.
Itanong: Ano kaya ang nangyari sa kuwento?
Paggawa ng Prediksiyon Tsart.

14
MGA HULANG PANGYAYARI TUNAY NA PANGYAYARI

Pagkukuwento nang tuloy-tuloy.


Ang Aking Bayani
Isang araw, dumating si Tatay na may dalang malaking kahon.
Dali-dali ko itong binuksan.
Isang kulay puting pusa ang dala ni Tatay para sa akin.
Mula noon, kahit saan ako magpunta kasama ko si Muning.
Lagi rin kaming naglalaro ng bola.
Isang gabi, ginising niya ako sa paghila ng aking damit.
Pagmulat ng mata ko, mausok na ang aking paligid.
Binuhat ko si Muning at tumakbo kami palabas ng
bahay. Isang mahigpit na yakap mula kay Tatay at
Nanay ang sumalubong sa akin.
Salamat kay Muning, ang aking bayani.

4. Pagtuturo at Paglalarawan
Balikan ang Prediksyon Tsart na ginawa bago basahin ang
kuwento.
Itanong: Sino ang dumating?
Ano ang dala niya?
Bakit siya may dalang regalo sa kaniyang anak?
Ano ang nakita ng bata sa loob ng kahon?
Bakit hinila ng pusa ang damit ng bata?
Sino-sino ang yumakap sa bata?
Bakit naging bayani si Muning?
Balikan ang sagot sa tanong na sino/sino-sino.
___________ Itanong: Ano ang ipinahihiwatig ng si/sina
sa simula ng parirala? _____
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Sino-sino ang babae/lalaki sa kuwento?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Balikan ang talaan ng mga may alagang hayop.
Itanong:Sino sa kaklaseng babae ang may alagang ___?
Sino-sino sa kaklaseng babae ang may alagang ____?
Sino sa kaklaseng lalaki ang may alagang _____?
Sino-sino sa kaklaseng lalaki ang may alagang
____? b. Malayang Pagsasanay
Itanong: Sino-sino ang lalaki/babae na kasama mo sa bahay?
Sino ang katabi mo sa pagtulog?

15
Sino ang nagbabasa sa iyo sa bahay?

Ikalawang Araw
Layunin: Nasasabi ang pangalan ng lugar kung saan
natatagpuan ang mga hayop at halaman
Napapantig ang pangalan ng lugar
kung saan natatagpuan ang mga
hayop at halaman Mga Kagamitan: larawan ng
zoo Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ipakita ang larawan ng isang zoo.
Itanong: Nakarating ka na ba rito?
2. Paglalahad
Hayaang maglahad ang mga bata ng kanilang sariling
karanasan sa pamamasyal sa zoo.
Itala sa pisara ang mga nakita ng mga bata sa zoo.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ano-ano ang nakita ninyo sa zoo?
Basahin sa bata ang mga pangalan ng hayop na naitala.
Saan ba talaga nakatira ang (magbigay ng isang hayop mula sa
talaan ng mga hayop na nakita ng mga bata)?
Alin-aling mga hayop sa talaan ang dapat magkakasama?
Bakit sila ang dapat magkakasama?
Saan sila makikita?
Ipalakpak natin ang ngalan ng lugar kung saan nakatira ang
bawat pangkat ng mga hayop.
Bukod sa mga hayop, anong mga halaman ang nakita ninyo sa
zoo?
Saan ang mga ito makikita?
Ipalakpak ang ngalan ng lugar kung saan makikita ang mga
nabanggit na halaman.
4. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Tumawag ng mga bata at ipapantig ang pangalan ng lugar kung
saan maaaring makakita ng mga hayop at halaman sa
pamamagitan ng pagpalakpak habang binibigkas ito.
b. Malayang Pagsasanay
Sabihin: Kumuha ng kapartner. Pantigin ang ngalan ng lugar
na nakakita ka ng hayop/halaman. Pahulaan ito sa
kapartner.

16
Ikatlong Araw
Layunin : Nagagamit ang si at sina sa pagtukoy ng pangalan
ng _ ___ isa o higit pang mga kamag-aral na may magkatulad
na alagang hayop Kagamitan : larawan ng mga hayop
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Sino ang iyong matalik na
kaibigan? Ano ang kanyang
alagang hayop?
2. Paglalahad
Ipaguhit ang alagang hayop.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipahanap sa mga bata ang kanilang magiging kapangkat sa
pamamagitan ng paghahanap ng tatlong kaklase na katulad
ng hayop na inaalagaan.
Bigyan ng oras ang bawat pangkat na pag-usapan ang
kanilang alaga.
Sino ang walang kapangkat? Bakit?
Gabayan ang mga bata na sagutin ito gamit ang pormat na:
Si ______ ay may alagang __________.
Sina _______, _______, ________, at _______ ay may
alagang _______.
4. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Sabihin: Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan
ng paglalagay ng tamang sagot.
Si ______ ay may alagang __________.
Sina _______, _______, ________, at _______ ay may
alagang _______.
b. Malayang Pagsasanay
Ipaguhit ang tatlong kaklase at ang kanilang alagang
hayop. Lagyan ng tamang label.

si ________ sina _____, at _______

17
Ikaapat na Araw
Layunin : Nasasagot ang “Ano-ano ang ginagawa ng mga
lalaki at babae sa tahanan?”
Kagamitan : bond paper, lapis, at mga pangkulay
Pamamaraan:
1. Tukoy-Alam
Bigyan ng bond paper ang bawat bata.
Ipaguhit sa kanila ang tatlo (3) sa kanilang mga hilig o
paboritong gawain.
2. Paglalahad
Tanungin ang mga bata kung saang hilig sila ng kanyang
mapipiling kapamilya magkakapareho at magkakaiba.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ano-ano ang ginagawa ng mga lalaki at babae sa tahanan?
Puwede bang gawin ng mga babae ang ginagawa ng mga
lalaki? Ng mga lalaki ang mga ginagawa ng mga babae?

4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Gawain
Sa tulong ng Venn Diagram itala ang pagkakatulad at
pagkakapareho mo at ng iyong katabi sa hilig na
gawain.
b. Malayang Pagsasanay
Ipaguhit ang pamilya ng mga bata. Ipakita ang hilig ng
bawat kasapi ng pamilya.

Ikalimang Araw
Layunin : Nasasabi kung sino-sino ang mga lalaki at babae sa
tahanan
Nailalarawan ang mga hilig ng mga babae at lalaki
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Sino-sino ang kasapi ng iyong
pamilya? Ano ang kanilang hilig?
2. Pagtataya
a. Gabayan ang mga mag-aaral na makagawa ng isang stick
puppet ng isang kasapi ng sariling pamilya.
b. Idikit ito sa isang papel.
c. Iguhit ang isang bagay upang maipakita ang kanyang hilig.

18
Linggo 4

Tema : Ang Aking Pamilya


Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakikinig
nang wasto sa binabasang kuwento
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento
2. Gramatika:
Natutukoy ang pangngalan na di-tiyak ang kasarian
3. Kamalayang Ponolohikal:
Nabibigkas ang pangalan nang may tamang
pagpapantig kasabay ang pagpalakpak ang ngalan ng
tao sa pamayanan

Unang Araw
Layunin : Nasasagot ang tanong tungkol sa napakinggang
kuwento Kagamitan : larawan ng isang pamayanan at ng isang
pamilya Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ano ang pangarap mo paglaki mo?
2. Paglalahad
Sino-sino ang tao sa inyong pamayanan?
Hayaang magkuwento ang mga bata ng isang karanasan na
may kinalaman sa isang tao sa pamayanan.
Hayaang piliin ng mga mag-aaral kung aling kuwento ang
pinakagusto nila. Isulat sa pisara ang mga pangungusap mula
sa mga bata upang makumpleto ang kuwento.
Basahin sa mga bata ang natapos na kuwento.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Sino-sino ang kasapi ng pamilya ng bida sa kuwento?
Sino-sino ang kabilang sa pamayanan?
Magpakita sa mga bata ng larawan ng mga tao.
Ipatukoy kung ito ay kasapi ng pamilya o ng pamayanan.
4. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hatiin ang klase sa ilang pangkat.
Hayaang isakilos ng isang pangkat ang gawain ng isang
katulong sa pamayanan upang hulaan ng ibang pangkat.
b. Malayang Pagsasanay
Ipaguhit sa mga bata ang kanilang paboritong tauhan sa
napakinggang kuwento. Kung ito ay bahagi ng pamilya

19
iguhit ito sa loob ng bahay at sa labas naman kung kasapi ng
pamayanan.

Ikalawang Araw
Layunin : Naiuugnay ang napakinggang teksto sa personal
na karanasan
Kagamitan : larawan ng mga katulong sa pamayanan
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Pumili ng kapareha at pag-usapan ang isang kapitbahay.
2. Paglalahad
Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang pinag-usapan nila ng
kaniyang kapareha.
Ipakita ang larawan ng mga katulong sa pamayanan.
Kilalanin ang bawat isa.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Sino sa mga nasa larawan ang iyong kapitbahay?
Ano ang ginagawa ng bawat isa?
Bakit sila mahalaga sa pamayanan?
Ano ang posibleng mangyari kung ang isa sa kanila ay hindi
gaganap sa kaniyang tungkulin?
Sino sa mga nasa larawan ang gusto mong gayahin paglaki mo?
Bakit gusto mong maging katulad niya?
Ano-ano ang gagawin mo upang maging katulad niya?
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hatiin ang klase sa ilang pangkat.
Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang
maghanda ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng isang
sitwasyon na ang bawat isa ay may mahalagang ginagampanan
bilang katulong sa pamayanan.
b. Malayang Pagsasanay
Iguhit ang sarili bilang isang katulong sa pamayanan.

Ikatlong Araw
Layunin : Natutukoy ang mga tao sa pamayanan batay
sa kasarian Kagamitan : mga larawan ng mga tao sa
pamayanan Pamamaraan:
1. Tunguhin

20
Sino-sino ang babae/lalaki sa klase?
2. Paglalahad
Bigyan ang mga bata ng larawan ng mga tao sa pamayanan.
Hayaang pangkatin ito ng mga bata.
Hayaang ipaliwanag ng mga bata ang kanilang dahilan sa
pagpapangkat ng mga larawan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan Sino-sino ang katulong sa
pamayanan?
Sino-sino ang babae? Ang lalaki?
Ano ang tawag sa bawat isa kung
babae/lalaki? Punan ang tsart.
KATULONG SA LALAKI BABAE
PAMAYANAN
doktor doktor doktora

4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Magbigay ng pangalan ng mga tao sa pamayanan .
Sabihan ang mga bata na pumalakpak kung ito ay may
kasariang panlalaki at pumadyak naman kung ito ay may
kasariang pambabae.
b. Malayang Pagsasanay
Sino ang kakilala mo na katulong sa inyong pamayanan?
Babae ba siya o lalaki?

Ikaapat na Araw
Layunin : Natutukoy ang kasarian ng
pangngalan Kagamitan : larawan ng hayop, bagay, at
tao Pamamaraan:
1. Tunguhin
Bigyan ang mga mag-aaral ng larawan ng hayop, bagay, o tao.
Hayaang ipangkat ito ng mga bata. Tanungin sila ng dahilan sa
ginawang pagpapangkat-pangkat.
2. Paglalahad
Turuan ang mga bata ng isang awitin/tula na magpapakita ng
kasarian ng pangngalan.
* Maaaring gamitin ang “Mama, Mama Namamangka”
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Tanungin ang mga bata kung ano-ano ang pangngalan na
ginamit sa natutuhang awitin/tula. Isulat ito sa pisara.

21
Basahin sa mga bata ang mga isinulat na pangngalan.
Hayaang tukuyin nila kung ang pangngalan ay panlalaki o
pambabae. Ipaliwanag sa mga mag-aaral kung ano ang ibig
sabihin ng di-tiyak na kasarian batay sa mga natirang mga
pangalan sa talaang ginawa.
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Sabihin ang di-tiyak na pangngalan, panlalaking katawagan,
at pambabaeng tawag sa ipapakitang katulong sa
pamayanan sa larawan.
b. Malayang Pagsasanay
Gumawa ng ng mga pangngalang di-tiyak ang
kasarian Word Wall kasama ang mga bata.

Ikalimang Araw
Layunin: Nabibilang ang mga pantig sa pangalan ng mga
kapitbahay Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ilang pantig mayroon sa iyong
pangalan? Sino ang kapitbahay mo?
2. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng isang
kapitbahay. (Halimbawa:
bumbero) Itanong: Sino siya?
Hayaang magbigay ang mga bata ng ideya nila tungkol sa
kapitbahay na nasa larawan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Isulat sa pisara ang sagot ng bata.
Pantigin ang pangalang nakasulat sa pisara.
Ipapalakpak ito sa mga bata.
Itanong: Ilang palakpak ang narinig mo?
Ilang pantig mayroon sa pangalan na ito?
4. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Tumawag ng mga batang makapagbibigay ng mga pangalan
ng kapitbahay.
Isulat ang mga sagot sa magkakahiwalay na hanay ayon sa
kasarian ng mga ito (panlalaki, pambabae, di-tiyak).
Pumili ng isang pangalan mula sa talaan. Ipakita sa mga bata
kung paano ito papantigin. Ipalakpak ang pantig nito at

22
ipabilang sa mga bata. Ipalakpak muli ang mga pantig ng
pangalan kasabay ng pagbilang ng mga bata.
Tumawag ng isang pares ng mga bata. Ipapalakpak muli sa
isang bata ang mga pantig ng pangalan habang binibilang
ito ng kapareha niya.
b. Malayang Pagsasanay
Hayaang bilangin ng mga bata ang pantig ng sariling
pangalan at ipatukoy kung ilan ito.
Tumawag ng ilang bata upang ipalakpak ang pantig ng
kanilang sariling pangalan. Tanungin ang klase kung ilan ang
pantig ng pangalan ng batang tinawag.
Gawin muli ang gawaing ito pero ngayon gamitin naman ang
pangalan ng kapitbahay.
5. Pagtataya
a. Umisip ng panibagong pangalan ng kapitbahay.
b. Ipalakpak ang pantig nito.
c. Bilangin ang pantig nito.
d. Humanap ng dalawang kaklase na may kaparehong bilang
ng pantig ng pangalan ng kapitbahay.
e. Kung nakakita na ng kapangkat, isa-isang ipapalakpak ng
bawat bata sa pangkat ang pantig ng pangalan ng
kapitbahay.
Ipasabi kung ilang pantig mayroon sa pangalang
ipinalakpak.

23
Linggo 5

Tema : Ang Aking Pamilya at ang Aming mga


Gampanin Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Nagtatanong at nagbibigay ng opinyon at hinuha
tungkol sa kuwentong napakinggan
2. Gramatika: Natutukoy ang mga pangngalang walang kasarian
3. Kamalayang Ponolohikal: Natutukoy ang bilang ng pantig ng
salita

Unang Araw
Layunin : Nakikinig at sumasagot sa mga tanong tungkol sa
napakinggang kuwento
Nagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang
kuwento Pamamaraan:
1. Paunang Pagtaya
Magsabi ng mga pangalan sa mga bata.
Ipatukoy sa mga bata ang kasarian ng babanggiting mga
pangalan sa pamamagitan ng pagpila sa tapat ng ngalan ng
kasarian. (Basahin muna sa mga bata ang
PANLALAKI/PAMBABAE/WALANG KASARIAN bago
isagawa ang pagsasanay na ito).
2. Tukoy-Alam
Pag-usapan ang mga gawain ng bawat kasapi ng sariling
pamilya.
3. Paglalahad
Sabihin ang pamagat, may-akda at tagaguhit ng kuwentong
babasahin.
Buklatin ang bawat pahina ng aklat. Walang gagawing
pagtatanong.
Ano kaya ang nangyari sa bata sa kuwento?
Pagbasa ng kuwento.
Ikalawang pagbasa ng kuwento. Maaaring tumigil sa ilang
pahina upang magtanong sa mga bata.
** Maaaring gumamit ng ibang kuwento na may katulad
na tema ng kuwentong na narito sa Patnubay ng Guro.

24
Si Mariah, ang Batang Masipag Araw-araw,
maagang gumigising si Mariah.
Matapos niyang magdasal, inaayos niya ang kaniyang hinigaan.
Paglabas ng silid-tulugan, agad niyang kinukuha ang walis tingting.
Ngunit hindi niya nakita si Kuya Rene na nagwawalis ng kanilang
bakuran.
Kaya’t pinuntahan niya ito sa kaniyang kuwarto. May sakit pala siya.
Nakita naman niya si Ate na katulong ni Nanay sa paghahanda ng
kanilang agahan.
Si Tatay naman ay abala sa pagpapakain ng kanilang alagang mga
hayop.

4. Pagtuturo at Paglalarawan
Tanungin ang mga bata kung aling tagpo ng kuwento ang
nagustuhan nila. Bigyang-katuwiran ang sagot.
Itanong: Ano kaya ang naging wakas ng kuwento?
Pabigyang-katwiran sa mga bata ang kanilang naging sagot.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hatiin ang klase sa dalawa o tatlong pangkat.
Bigyan ng ilang minuto ang bawat pangkat upang
makapaghanda ng isang dula-dulaan tungkol sa
napakinggang kuwento. Pagsasadula ng bawat pangkat.
b. Malayang Pagsasanay
Iguhit ang sariling wakas sa napakinggang kuwento.

Ikalawang Araw
Layunin : Naipapalakpak ang mga pantig ng ngalan ng
bagay Kagamitan : mga totoong bagay na makikita sa loob ng
silid-aralan Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ngayong araw, susubukin nating maipalakpak ang mga pantig
ng mga pangalan ng bagay sa ating paligid.
2. Paglalahad
Gawin ang Dugtungan
Simulan ang pagsasalaysay muli ng kuwentong ipinarinig sa
mga bata. (Si Mariah, ang Batang Masipag o anumang
kuwento na ginamit)
Ano-ano ang kagamitang ginamit ng bawat kasapi ng
pamilya sa pagsasakilos ng kanilang gawain sa bahay?
Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.

25
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Pumili ng isang pangalan. Basahin ito sa mga bata.
Pantigin ang salitang napili.
Ipalakpak ang pantig ng napiling salita.
Ipatukoy sa mga bata ang bilang ng pantig.
Ipagawa ang ipinakita sa ilang bata.
Pumili ng iba pang pangalan sa talaan. Ipagawa ang
pagsasanay sa mga bata.
4. Kasanayang Pagpapayaman
a. Hayaang kumuha ang bawat bata ng isang bagay sa loob
ng silid-aralan o sa kanyang sariling bag.
b. Sabihin sa mga bata na ipakita sa klase ang napiling gamit.
Banggitin ang pangalan nito. Pantigin ito sa pamamagitan
ng pagpalakpak.

Ikatlong Araw
Layunin : Nakapagbibigay ng mga pangngalang walang
kasarian mula sa kapaligiran
Kagamitan : larawan ng mga pangngalan
Pamamaraan:
1. T unguhin
Ano-ano ang nasa paligid mo?
2. P aglalahad
Tanungin ang mga bata kung ano-ano ang gamit na makikita
sa loob ng kani-kanilang bag.
Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipaliwanag sa mga bata ang katuturan ng pangngalang
walang kasarian.
4. P aglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagkabisa
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hatiin ang klase ilang pangkat.
Bigyan ang pangkat ng manila paper o anumang papel na
maaari nilang pagguhitan.
Pakuhanin ang bawat bata ng isang pangkulay upang
gamiting pangguhit.
Sa hudyat ng guro, sabay-sabay guguhit ang bawat bata sa
pangkat ng isang pangngalan na walang kasarian.
Paalalahanan ang mga bata na isang beses lamang silang
makaguguhit. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat
pangkat.

26
b. Malayang Pagsasanay
Gumawa ng sariling talaan ng mga pangngalan na walang
kasarian. Maaaring gumuhit o gumupit ng mga larawan para
dito.

Ikaapat na Araw
Layunin : Nagtatanong at nakapagbibigay ng opinyon at hinuha
tungkol sa napakinggang kuwento
Kagamitan : iba’t ibang larawan ng pamilya
Pamamaraan:
1. T unguhin
Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang pamilya at hayaang
ilarawan ang mga ito ng mga bata.
2. P aglalahad
Muling balikan ang binasang kuwento nang unang araw.
Basahin muli ito sa mga bata.
Pagtalakayan ang kuwentong binasa muli.
3. Pagtuturo at Paglalarawan Sino-sino ang tauhan sa
kuwento?
Anong ugali ang ipinakita ng bawat isa?
Dapat ba siyang tularan?
Ang pamilya ba sa kuwento ay katulad ng sarili mong pamilya?
Ipaliwanag ang sagot.
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Aling bahagi ng kuwento ang naibigan mo?
Bakit? Aling bahagi ang hindi mo naibigan?
Bakit?
b. Malayang Pagsasanay
Iguhit ang sariling mukha upang ipakita ang damdamin mo
sa napakinggang kuwento.

Ikalimang Araw
Layunin : Nakapagsasabi ng natatandaang bahagi ng
napakinggang kuwento gamit ang payak na
pangungusap
Pamamaraan:
1. T unguhin
Gawin ang Kadenang Kuwento.
Balikan ang binasang kuwento sa mga bata nang unang araw.
Sabihin sa mga bata ang unang pangyayari sa kuwento.

27
Hayaang ibigay ng mga bata ang mga sumunod na pangyayari.
2. Paglalahad
Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
Biglang laya ang bawat pangkat kung paano nila ipapakita ang
mga pangyayari sa napakinggang kuwento. Maaaring ito ay sa
pamamagitan ng dula-dulaan, pagguhit, o anumang paraang
maisip at mapag-usapan ng pangkat.
Hayaang ipakita ng bawat pangkat ng inihandang pagtatanghal
ng napakinggang kuwento.
3. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
4. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hayaang gumawa ang mga bata ng maliit na aklat ng
napakinggang kuwento.
Paalalahanan ang mga bata na ang bawat pahina ng aklat
ay maglalaman lamang ng mga guhit ng bawat pangyayari
ng kuwento.
b. Malayang Pagsasanay
Hayaang gumawa ang mga mag-aaral ng sariling kuwento
na may katulad na tema ng napakinggang kuwento.

Linggo 6

Tema : Pagkalinga sa Isa’t Isa sa Aming Tahanan at


Kapaligiran; Kaligtasang Pampamilya Lingguhang
Layunin:
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan
ang sarili
2. Gramatika:
Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay
3. Kamalayang Ponolohikal:
Natutukoy kung magkatugma o hindi ang pares ng salita

Unang Araw
Layunin : Natutukoy ang salitang magkakatugma
Nakikibahagi nang buong sigla sa pag-awit ng isang
awitin
Kagamitan : mga tunay na bagay
Pamamaraan:
1. Paunang Pagtaya
Itanong sa mga bata ang kinalalagyan ng ilang mga gamit sa
loob ng silid-aralan.

28
2. Tukoy-Alam
Ipalaro sa mga bata ang “Mahiwagang Bagay.”
Tumawag ng isang bata para maging “it.” Palabasin siya saglit
sa loob ng silid-aralan. Habang nasa labas ang “it,” ituro sa mga
bata ang bagay na pahuhulaan sa “it.”
Pagpasok ng “it,” hahanapin at huhulaan niya ang mahiwagang
bagay. Kapag malapit ang “it” sa mahiwagang bagay
papalakpak nang malakas ang mga bata, at mahina naman
kung malayo.
3. Paglalahad
Sabihin: Mayroong isang bata na ang paboritong bagay ay ang
kaniyang lobo.
Alamin natin ang kuwento niya.
Ituro sa klase ang tamang pag-awit ng “Ako Ay May Lobo.”
Magtanong kung saan lumipad ang lobo.
Tanungin ang mga bata tungkol sa laman ng awit at sa
mensaheng ipinahihiwatig nito.
4. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipakita ang lobo sa mga bata at ilagay ito sa isang lugar sa
silid.
Sabihin: Nasa ______ ang lobo.
Ilagay ito sa iba pang mga lugar at sabihin kung nasaan ito.
Tawagin ang ilang mga bata upang subukang sabihin kung
nasaan ang lobo. Magpakita ng larawan na nagpapakita ng
iba’t ibang kulay ng lobo ng nakalagay sa iba’t ibang lugar.
Itanong kung nasaan ang lobong may ganoong kulay.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hayaang magpahula ng isang bagay na nasa loob ng silid-
aralan ang “it.” Pahuhulaan niya ito sa pamamagitan ng
pagsasabi ng mga clue katulad ng kung saan ito
matatagpuan. Ang makahuhula ang susunod na “it.”

b. Malayang Pagsasanay
Sabihin : Gumuhit ng isang bagay na may paborito mong kulay.
Kumpletuhin ang pangungusap: Ang _____ ay nasa ____.

Ikalawang Araw
Layunin : Natutukoy ang mga salitang magkakatugma
Nakapagbibigay ng magkatugmang salita
Kagamitan : tsart ng awit na “Ako Ay May Lobo,” lobo na may iba’t
ibang kulay, roleta ng mga salita
Pamamaraan:
1. Tunguhin

29
Ipaawit sa mga bata ang “Ako Ay May Lobo.”
Sabihin: Basahin at salungguhitan ang mga huling salita sa
bawat linya ng awit.
2. Paglalahad
Magparinig ng iba’t ibang tunog sa paligid.
Ipasabi kung ano ang mga bagay na nagbibigay ng tunog.
Magparinig ng tatlong tunog ng mga bagay na nagbibigay ng
tunog.
Ipasabi ang mga parehong tunog.
Ipaawit muli sa klase ang “Ako Ay May Lobo.”
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Sabihin sa mga bata ang mga salitang magkakatugma sa awit
gaya ng
“lobo” at “ako.”
Tumawag ng ilang bata upang magbigay ng iba pang salita na
katugma ng naunang halimbawa.
4. Paglalahat
Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Awitin ang “ Ako Ay May Lobo” habang ipinapasa ng mga
bata ang lobo. Kapag tumigil ang awit, ang batang may
hawak ng lobo ay kailangang magbigay ng katugma ng
salitang babanggitin ng batang nasa kaliwa ng may hawak
ng lobo.
b. Malayang Pagsasanay
Sabihin: Paikutin ang roleta ng mga salita.
Ibigay ang salitang katugma ng salitang tinigilan ng
panturo ng roleta.

Ikatlong Araw
Layunin : Natutukoy kung ang magkapares na salita ay
magkatugma o hindi
Kagamitan : plaskard ng mga magkakatugmang salita
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Bigyan ang bawat bata ng larawan ng isang bagay.
Hayaang hanapin ng bawat isa ang kanilang kapareha.
Humarap sa klase at sabihin kung bakit sila ang dapat
magkasama.
2. Paglalahad
Bigyan ang mga bata ng plaskard ng mga salita.
Hayaang pagtambalin ng mga bata ang magkakatugmang
salita.
3. Pagtuturo at Paglalarawan Alin-aling salita ang
magkakatugma?

30
Bakit sila magkatugma?
Magbigay ng salitang hindi katugma ng pares na nasa pisara.
4. Paglalahat
Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Sabihin kung magkatugma o hindi ang mga ipakikitang
pares ng mga salita.
b. Malayang Pagsasanay
Paggawa ng Puno ng Magkakatugmang mga Salita
Sabihin: Sumulat ng isang pares ng salita.
Ipakita ito sa mga kaklase. Itanong sa kanila kung
magkatugma ang mga ito o hindi.
Kung oo idikit ito sa puno, kung hindi naman
idikit ito sa ilalim ng puno.

Ikaapat na Araw
Layunin : Nailalarawan ang sarili at nasasabi kung
paano makatutulong sa pag-aalaga sa mga gamit sa ating
tahanan Pamamaraan:
1. T unguhin
Magpakita ng larawan ng pamilyang nagtutulungan sa
paglilinis ng bahay.
Ano ang ipinapakitang kaugalian ng pamilya sa larawan?
Itanong: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga paraan
kung paano mapangangalagaan ang mga
kagamitan sa bahay?
2. Paglalahad
Ano ang nangyari sa lobo sa awitin?
Bakit kaya ito lumipad?
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Kung ikaw ang batang may lobo, ano ang gagawin mo upang
hindi ito lumipad?
Ano-ano ang gamit ninyo sa inyong bahay?
Saan ito ginagamit?
Paano ito dapat ingatan?
Bakit kailangang pag-ingatan ang mga kagamitan natin sa
ating bahay?
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hatiin ang klase sa ilang pangkat.
Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang
makapaghanda ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng
pangangalaga sa mga pansariling kagamitan.

31
b. Malayang Pagsasanay
Sabihin: Ano ang paborito mong gamit sa bahay?
Paano mo ito mapapangalagaan?

Ikalimang Araw
Layunin : Naisasalaysay muli ang kuwentong napakinggan
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ipalaro sa mga bata ang Message Relay.
2. Paglalahad
Ipakilala ang kuwento.
Basahin sa mga bata ang kuwento.
3. Pagtuturo at Paglalarawan Ano ang pamagat ng kuwento?
Sino-sino ang tauhan?
Saan ang tagpuan ng kuwento?
Ipasalaysay muli sa mga bata ang napakinggang kuwento.
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Basahan ng isang maikling kuwento ang mga bata.
Ipangkat ang klase.
Hayaang isadula o isalaysay muli sa isang
malikhaing pamamaraan ang napakinggang
kuwento. Pagbabahagi ng bawat pangkat.
b. Malayang Pagsasanay
Hayaang ibahagi ng mga bata ang isang kuwentong
napakinggan
nila mula sa kanilang nanay, lolo o lola, kapatid

Linggo 7

Tema: Ang Aking Pamayanan: Pangangalaga sa Kapaligiran


Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Nailalarawan ang mga kasama sa tahanan
2. Gramatika:
Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at
labas” sa isang pangungusap
3. Kamalayang Ponolohikal:
Nakapagbibigay ng salitang magkatugma

Unang Araw
Layunin : Natutukoy ang mga tauhan sa kuwento

32
Kagamitan : mga larawan ng mga tauhan at iba’t ibang gamit
na makikita sa kuwento
Pamamaraan:
1. Paunang Pagtaya
Ipadyak ang paa kung magkatunog ang mga salitang babanggitin
ko at ipalakpak naman ang mga kamay kung hindi.
a. payat - malat
b. kahapon - mamaya
c. tatay - nanay
d. tunog - kulog
e. kidlat - sikat
2. Tukoy-Alam
Ano-ano ang ginagawa ninyo upang mapanatili ang kalinisan
ng inyong bahay?
3. Tunguhin
Ipakilala ang kuwento .
Sabihin ang pamagat, may-akda, at tagaguhit.
Pag-usapan ang larawan sa pabalat ng aklat.
Buklatin ang mga pahina ng aklat upang makita ng mga bata
ang mga larawan nito.
Itanong: Ano ang gusto ninyong malaman sa kuwento?
* Maaaring gumamit ng ibang kuwento na may katulad na
tema - pangangalaga sa kapaligiran o maaari rin namang
gumawa ang guro ng sariling kuwento.
4. Paglalahad
Basahin ang kuwento nang tuloy-tuloy.
Basahin muli ang kuwento. Tumigil paminsan-minsan upang
magtanong sa ilang bahagi ng kuwento.
5. Pagtuturo at Paglalarawan Sino-sino ang tauhan?
Ano-anong lugar/bagay ang nabanggit sa kuwento?
Ano ang hulihang tunog ng bawat salita?
Hayaang magbigay ang mga bata ng katunog na salita sa
bawat salitang itinala buhat sa kuwento.
Kailan nagiging magkatugma ang dalawang salita?

Ikalawang Araw
Layunin : Napag-iiba ang loob at labas
Natutukoy kung ang isang bagay ay nasa loob o labas
Natutukoy ang mga salitang magkatugma
Kagamitan : mga larawan ng mga bagay na makikita sa
kuwentong binasa nang unang araw Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ipalaro sa mga bata ang "“Open the
Basket.”" Itanong pagkatapos ng bawat ikot.
Sino ang nasa labas ng basket? Nasa loob ng basket?
2. Paglalahad

33
Sa tulong ng mga larawan, basahin muli ang kuwentong binasa
nang unang araw.
Ano-ano ang bagay na nabanggit sa kuwento?
Ituro ito sa aklat.
Saan ito matatagpuan? Sa labas ba? Sa loob?
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Idikit sa pisara ang mga larawan na nagmula sa kuwento.
Ano ang pangalan ng bawat larawan?
Pagtambalin ang dalawang larawan na magkatugma.
Paano sila naging magkatugma?
Idikit sa loob ng malaking kahon ang mga larawan na
magkatugma. Idikit sa labas ng kahon ang walang katugmang
larawan.
4. Kasanayang Pagpapayaman
Magsagawa ng isang field trip sa loob ng paaralan.
Kumpletuhin ang tsart.
Isulat ang limang bagay na nakita sa pamamasyal.
Sa tapat nito, isulat ang katugmang salita nito.
Tukuyin kung nasa loob o labas ito.
(Magbigay ng point of reference para masabi ng mga bata
kung nasa loob o labas ito.)
NGALAN NG KATUGMANG NASA LOOB NASA LABAS
BAGAY SALITA BA? BA?

Ikatlong Araw
Layunin : Nakapagbibigay ng pangungusap gamit ang mga
salitang loob at labas___ ____
Kagamitan : mga larawan na nagpapakita kung ang isang
bagay ay nasa loob o labas Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ipalaro ang “Aso’t Pusa.”
Paano nakakaiwas ang pusa sa aso?
2. Paglalahad
Magpakita ng iba’t ibang larawan kung saan nasa maling
posisyon ang mga bagay (ang mga nasa loob ay nasa labas at
kabaligtaran).
Sabihin : Pansinin ang mga larawan. Sabihin kung ano ang
pagkakaiba nila.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Linangin muli ang salitang loob at labas.

34
Sabihin: Sa larawang ipinakita, ano-ano ang bagay na nasa
labas? Nasa loob?
Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap upang
ilarawan ang kinalalagyan ng isang bagay na nakita sa
larawan. Bakit mahalagang ang mga bagay ay nasa
tamang lagayan?
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang
Pagsasanay
Magpakita ng ilang mga larawan sa mga bata.
Hayaang ilarawan nila ang kinalalagyan ng mga bagay na
makikita sa larawan gamit ang loob at labas.
b. Malayang Pagsasanay
Ipagawa:
Gumuhit ng isang bahay.
Iguhit sa loob nito ang isang upuan.
Iguhit sa labas nito ang iyong sarili.

Ikaapat na Araw
Layunin : Nakapagbibigay ng salitang katugma ng salitang
naibigay ng kaklase
Kagamitan : mga larawan ng mga bagay na ang pangalan ay
magkatugma
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Umisip ng tunog ng isang hayop.
Hanapin ang kapareha sa pamamagitan ng tunog.
2. Paglalahad
Tumawag ng isang bata. Hayaang magbigay siya ng isang
salita.
Hayaang magbigay ang mga bata ng katugmang salita na
ibinigay ng unang bata.
3. Paglalahat
Kailan magkatugma ang isang pares ng salita?
4. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hatiin ang klase sa ilang pangkat.
Magkaroon ng paligsahan sa padamihan ng pares ng
magkakatugmang salita na maitatala.
b. Malayang Pagsasanay
Magpakita ng mga larawan. Sabihin sa mga mga bata na
magbigay ng katugmang salita ng pangalan ng nasa larawan.

Ikalimang Araw

35
Layunin : Nakapagbibigay ng isa o dalawang pangungusap
tungkol sa pamayanan
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ano ang nais mong gawin para sa iyong pamayanan?
2. Paglalahad
Iguhit ang isang pamayanan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ilarawan ang sariling pamayanan na kinabibilangan.
Magbigay ng mga pangungusap na maglalarawan sa
pamayanang kinabibilangan.
Ano ang suliranin na nakikita mo sa iyong pamayanan?
Paano ka makatutulong para malutas ang suliraning nabanggit?
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hatiin ang klase sa ilang pangkat.
Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang makabuo ng
isang sanaysay tungkol sa pamayanang kinabibilangan.
b. Malayang Pagsasanay
Kumpletuhin:
Ako si _______________.
Nakatira ako sa _________________.
Ang aking pamayanan ay _______________.

Linggo 8

Tema : Ang mga Pagbabago sa Ating Pamayanan


Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Naisasalaysay ang iba’t ibang gawaing tahanan at
pampaaralang gamit ang payak na salita
2. Gramatika:
Nagagamit nang wasto ang salitang tumutukoy ng
lokasyon
3. Kamalayang Ponolohiya:
Nagbibigay ng dalawa o higit pang magkakatugmang
salita

Unang Araw
Layunin : Naibabahagi ang mga gawaing pambahay sa sariling
tahanan
Kagamitan : larawan ng iba’t ibang gawaing bahay
Pamamaraan:

36
1. Paunang Pagtaya
Tumawag ng isang pangkat ng bata at patayuing magkaharap
sa klase.
Maglagay ng desk sa harapan.
Sabihin: May mga larawan akong ipakikita sa inyo.
Kung ang larawang ipakikita ko ay gawaing pambahay,
pumunta sa harap ng desk. Kung ang larawang ipakikita ko ay
gawaing pampaaralan, pumunta sa likod ng desk.
2. Tunguhin
Itanong: Ano-ano ang gawain mo sa bahay?
3. Paglalahad
Ipakilala ang pamagat at may-akda ng kuwento.
Ipakita ang isang larawan na may kinalaman sa kuwento. Pag-
usapan.
Basahin nang tuloy-tuloy ang kuwento sa mga bata.

Masisipag na Bata
ni Daisy Z. Miranda
“Sabihin ninyo kung ano-ano ang inyong ginagawa sa bahay
tuwing Sabado at Linggo,” sabi ni Bb. Andaya. “Tumutulong
ba kayo sa nanay at tatay ninyo?”
“Sumasama po ako sa aking nanay sa palengke. Ako po ang
nagdadala ng basket,” ang sagot ni Ariel.
“Sumasama rin po ako sa aking tatay sa palengke.
Tumutulong po ako sa pagtitinda ng bigas,” sabi naman ni
Renato. “Tumitigil po ako sa bahay para maglinis,” sabi ni
Marina.
“Naglilinis po ako ng aming bahay at inaalagaan ko ang aking
kapatid na maliit,” sabi ni Rowena.

Basahin muli ang kuwento. Itanong ang sumusunod:


Ano ang pangalan ng guro?
Paano tinutulungan ni Ariel ang kanyang nanay?
Ano ang trabaho ng tatay ni Renato?
Bakit sa bahay lamang si Marina?
Ano-ano ang ginagawa ni Rowena sa kanilang bahay?
Angkop ba ang pamagat sa kuwento?
4. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipakumpleto sa mga bata.

PANGALAN NG BATA GAWAING-BAHAY

37
Itanong: Ano-ano pa ang gawaing-bahay na kayang gawin ng
isang bata?
Tama bang tumulong ka sa mga gawaing-bahay? Bakit?
Katulad ka din ba ng mga bata sa kuwento? Paano?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Gawain
Hatiin ang klase sa ilang pangkat.
Hayaang magpakita ng dula-dulaan ang bawat pangkat
upang ipakita ang mga gawaing-bahay na ginagawa ng
isang bata.
b. Malayang Pagsasanay
Iguhit ang sariling gawain sa bahay na ginagawa tuwing
Sabado at Linggo.

Ikalawang Araw
Layunin : Naibabahagi ang mga karanasan ukol
sa gawaing pampaaralan Kagamitan : puzzle ng paaralan
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Hayaang buuin ng bawat pangkat ang puzzle na ibibigay.
Ano ang nabuong puzzle?
2. Paglalahad
Ano-ano ang nagawa mo na mula nang dumating ka sa
paaralan?
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ano-ano ang gawaing inaasahang dapat mong
gawin sa loob ng silid-aralan? Sa paaralan?
Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan sa
pagsasagawa ng mga gawaing pampaaralan.
Ano kaya ang posibleng mangyari kung hindi mo gagawin ang
isang gawain na inaasahang ikaw ang gagawa?
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Magbigay ng ilang mga gawain sa paaralan. Ipataas ang
kamay ng mga bata kung ginagawa nila ito. Kung hindi
naman, ipadyak ang paa.
b. Malayang Pagsasanay
Ibahagi sa klase ang isang gawain sa paaralan na gustong-
gusto mong gawin. Bigyang paliwanag ang sagot.

Ikatlong Araw
Layunin : nakapagbibigay ng salitang
magkakatugma Kagamitan : flash card Pamamaraan:
1. Tunguhin

38
Hayaang mag-isip ng tunog ng hayop o sasakyan ang
bawat bata. Ipahanap ang kapartner sa pamamagitan ng
paggawa ng tunog na naisip.
Sabihin sa mga bata na pumalakpak kung kasama na ang
kanilang kapartner o kapangkat.
2. Paglalahad
Ipabasa ang isang tugma.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipabasa sa mga mag-aaral ang may salungguhit na mga salita
sa tugmang binasa.
Paano sila nagkakatulad?
Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?
4. Paglalahat
Kailan magkakatugma ang mga salita?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang
Pagsasanay
Bigyan ang bawat mag-aaral ng flash card na may
nakasulat na salita. Hayaang pagtambalin nila ang mga
magkakatugmang salita.
Ipadikit ito sa pisara at ipabasa sa mga mag-aaral.
Hayaang gamitin ng mga mag-aaral ang mga ito sa
sariling pangungusap.
b. Malayang Pagsasanay
Dugtungan tayo.
Magbigay ng isang salita. Hayaang magbigay ang mga bata
ng salitang katugma nito.

Ikaapat na Araw
Layunin : nagagamit nang wasto ang mga salitang tumutukoy
ng lokasyon
Kagamitan : mapa
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ipalaro: Nasaan?
Bago magsimula ang klase, maglagay ng mga bagay na
pahuhulaan sa mga bata ang lokasyon. Itanong:
Nasaan ang ________?
2. Paglalahad
Hatiin ang klase sa ilang pangkat.
Bigyan ang bawat pangkat ng mapa upang mahanap ang
bagay na nasa loob ng silid-aralan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Saan ninyo nakita ang ipinahahanap sa inyo?
Paano mo ito nakita?

39
Ano-ano ang salitang nakatulong sa inyo upang madaling
makita ang kinaroroonan ng bagay na ipinahanap?
4. Paglalahat
Ano-ano ang salitang tumutukoy sa lokasyon ng isang bagay?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Tumawag ng isang bata upang magbigay ng mga panuto
gamit ang mga salitang tumutukoy sa lokasyon ng
pahuhulaan niyang bagay. Tumawag pa ng isang bata
upang magsagawa ng panutong ibibigay ng naunang bata.
b. Malayang Pagsasanay
Ano ang paborito mong lugar sa paaralan?
Magbigay ng panuto gamit ang mga salitang tumutukoy sa
lokasyon upang masabi ng kaklase ang inilalarawang lugar
sa paaralan.

Ikalimang Araw
Layunin : nakapagbabahagi ng mga natatanging
karanasan patungkol sa mga tao sa pamayanan Kagamitan :
mga larawan ng mga katulong sa pamayanan
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Kilalanin ang mga tao sa pamayanan sa pamamagitan ng larawan.
2. Paglalahad
Sino sa mga katulong sa pamayanan na nasa larawan ang
nakasama mo na?
Hayaang magbahagi ang bawat bata ng sariling karanasan na
may kinalaman sa mga katulong sa pamayanan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Pag-usapan sa klase kung alin sa mga ibinahaging kuwento
ng mga mag-aaral ang nais nilang isulat ng buong klase.
Pagsulat ng napiling kuwento.
Basahin sa mga mag-aaral ang natapos na kuwento.
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Ipangkat ang klase.
Pag-usapan sa pangkat kung alin sa kanilang mga sariling
karanasan na may kinalaman sa katulong sa pamayanan
ang isasadula ng pangkat.
Paghandain ang pangkat ng isang maikling dula-dulaan.
Pagpapakita ng inihandang dula-dulaan.
Bigyang halaga ang dula-dulaang isinagawa ng bawat
pangkat.
b. Malayang Pagsasanay

40
Iguhit ang isang karanasang hindi malilimutan kasama ang
isang katulong sa pamayanan.

Linggo 9

Tema : Ang Ating mga Bayani


Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Naisasalaysay ang pangyayaring nasaksihan gamit ang payak
na
salita
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang
kuwento Nakapagbibigay ng opinyon o palagay sa
napakinggang teksto
2. Gramatika:
Nagagamit nang wasto ang mga salitang ibabaw, ilalim_____ ____
, at
____gitna sa pagngungusap
3. Kamalayang Ponolohikal:
Nagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita

Unang Araw
Layunin : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang
kuwento
Kagamitan : larawan ni Dr. Jose Rizal o ng iba pang bayani
Pamamaraan:
1. Paunang Pagtaya
Itanong sa mga bata kung sino ang bayani para sa kanila.

2. Tukoy-Alam
Itanong sa mga bata kung ano ang pumapasok sa isip nila sa
tuwing maririnig ang salitang bayani.
Isulat ang sagot ng mga bata sa word web .

BAYANI

3. Paglalahad
Itanong: Sino ang bayani para sa iyo?
Basahin nang tuloy-tuloy ang kuwento sa mga bata.

41
Basahin muli ang kuwento sa mga bata na may pagtigil sa ilang
bahagi nito para itanong ang mga inihandang katanungan.
4. Pagtuturo at Paglalarawan
Punan ang graphic organizer sa tulong ng mga bata:
Pamagat
May-Akda
Tagpuan
Tauhan
Simulang Pangyayari
Katapusan
Sino ka sa mga tauhan sa kuwento?
Ipaliwanag ang sagot.
Dapat bang tularan ang bata sa kuwento? Bakit? Bakit hindi?
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa kuwento ?
6. Kasanayang Pagpapayaman
Iguhit ang paborito mong bahagi ng kuwento.

Ikalawang Araw
Layunin : Naisasalaysay ang mga pangyayaring nasaksihan
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ano ang narinig mong balita sa radyo o napanood na balita sa
telebisyon?
2. Paglalahad
Ano-ano ang nakita mong pangyayari habang papunta ka sa
paaralan?
Hayaang magsalaysay ang mga bata sa kani-kanilang
kapartner. Bigyan ng pagkakataon ang ilang mga bata na
maibahagi ang kanilang nasaksihang pangyayari.
3. Pagtuturo at Paglalalarawan
Bigyang-halaga ang ginawang pagbabahaginan ng mga
bata. Ano ang dapat tandaan sa pagbabahagi ng isang
nasaksihang pangyayari sa iba?
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang
Pagsasanay Gawin:
Buhay na Larawan
Ipangkat ang mga
mag-aaral.
Hayaang maghanda ang bawat pangkat ng isang dula-
dulaan mula sa mga ibinahagi ng kapangkat.
Pagpapakita ng dula-dulaan.

42
Pag sinabi ng guro na “Tigil” ang mga bata sa pangkat ay
titigil o magfii-freeze.
Itanong: Ano ang nasaksihan ninyo sa dula-dulaan?
b. Malayang
Pagsasanay
Iguhit ang isang pangyayaring nasaksihan sa loob ng silid-
aralan.

Ikatlong Araw
Layunin : Natutukoy kung ang bagay ay nasa ibabaw,
ilalim, o gitna
Kagamitan : mga tunay na bagay, plaskard na may nakasulat na
ibabaw, ilalim, at gitna_____
____ ____ Pamamaraan:
1. Tunguhin
Itanong kung nasaan ang ilang mga gamit na makikita sa loob
ng silid- aralan.
2. Paglalahad Suriin ang larawan.
Hayaang magbigay ang mga bata
ng pangungusap tungkol sa
larawan.
3. Pagtuturo at Paglalalarawan
Nasaan ang bag? Upuan? Mesa?
Paano natin dapat alagaan ang
ating mga gamit?
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayam an
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Sabihin kung nasaan ang mga gamit na itatanong.
Pumila sa tapat ng salitang ____gitna kung nasa gitna ang
gamit na tinutukoy, sa ilalim ____ kung nasa ilalim, at sa
ibabaw_____ kung nasa ibabaw.
Halimbawa: Nasaan ang plorera?
b. Malayang Pagsasanay
Paggawa ng sandwich
1. Gumupit ng tatlong parisukat na papel.
2. Kulayan ang isang papel ng dilaw.
3. Ilagay ang kinulayang papel sa gitna ng dalawang
parisukat na papel.
4. Sa ibabaw ng isang parisukat na papel lagyan ito ng
tatlong guhit na brown.
5. Sa ilalim ng natapos na sandwich lagyan ng isang
ginupit na bilog na papel.

43
Ikaapat na Araw
Layunin : Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Sabihin kung magkatugma o hindi ang mga pares ng salitang
ibibigay. a. Halaman - bulaklak
b. Ugat - tangkay
c. Dahon - kahon
d. Buko - siko
2. Paglalahad
Basahan ng isang maikling tula ang mga bata. (Malaya ang guro
na pipili ng tulang gagamitin.)
3. Pagtuturo at Paglalalarawan Talakayin ang binasang tula.
Ano-ano ang salitang magkakatugma sa binasang tula?
Ipaulit ang mga ito sa mga bata.
Hayaang magbigay ang mga bata ng katugmang salita sa mga
nabanggit na pares ng magkatugmang salita.
4. Paglalahat
Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Ipagawa: Banderitas ng Magkakatugmang mga Salita
Bigyan ang bawat bata ng plaskard na may nakasulat
na salita.
Hayaang hanapin nila ang kanilang magiging
kapangkat. Ipadikit ang mga magkakatugmang salita
sa ibinigay na tali sa bawat pangkat.
b. Malayang Pagsasanay
Tapusin ang tren ng magkakatugmang salita. Hayaang
magsulat ang mga bata ng apat na magkakatugmang salita.

Ikalimang Araw
Layunin : Nakapagbibigay ng opinyon o pahayag sa napakinggang
teksto

44
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ano ang narinig mong balita sa radyo o napanood na balita sa
telebisyon?
2. Paglalahad
Ano-ano ang nakita mong pangyayari habang papunta ka sa
paaralan? Hayaang magsalaysay ang mga bata sa kani-
kanilang kapartner. Bigyan ng pagkakataon ang ilang mga bata
na maibahagi ang kanilang napakinggang pangyayari.
3. Pagtuturo at Paglalalarawan
Bigyang-halaga ang ginawang pagbabahaginan ng mga
bata. Ano ang dapat tandaan sa pagbabahagi ng isang
napakinggang pangyayari sa iba?
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang
Pagsasanay Gawin:
Buhay na Larawan
Ipangkat ang mga mag-
aaral.
Hayaang maghanda ang bawat pangkat ng isang dula-
dulaan mula sa mga ibinahagi ng kapangkat.
Pagpapakita ng dula-dulaan.
Pag sinabi ng guro na “Tigil,” ang mga bata sa pangkat ay
titigil o magfii-freeze.
Itanong: Ano ang nasaksihan ninyo sa kanilang dula-
dulaan? b. Malayang Pagsasanay
Iguhit ang isang pangyayaring napakinggan sa loob ng silid-aralan.

Linggo 10

Tema : Ako at ang Aking Pamayanan Lingguhang


Layunin:
1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Nakikinig nang mabuti sa nagsasalita upang matukoy
ang mga mahahalagang pangyayari sa napakinggang
teksto Naiuugnay ang sariling karanasan sa
napakinggang teksto Nasasagot ang mga tanong
tungkol sa kuwentong napakinggan
2. Kamalayang Ponolohiya:
Natutukoy ang kaibahan ng mga tunog na napakinggan
3. Gramatika:
Natutukoy ang salitang pangalan ng tao, hayop, o bagay
Napag-uuri-uri ang mga salitang pangalan

45
Unang Araw
Layunin: Nakikinig nang wasto upang makatugon nang naaayon
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong
napakinggan Pamamaraan:
1. Paunang Pagtaya
Piliin sa bawat pangungusap ang pangngalan.
a. Si Alice ay may nakitang isang sugatang ibon.
b. Kinuha niya ito at dinala sa kanilang bahay.
c. Kumuha siya ng gamot at nilagyan ang sugat ng ibon.
d. Pinakain ito ng kaniyang kuya ng maliliit na buto.
2. Tukoy-Alam
Think-Pair-Share
Ano- ano ang ginagawa ninyo kapag umuulan at nasa bahay
lamang kayo? Kung naabutan sa paglalakad?
3. Paglalahad
Hayaang maglahad ang mga bata ng kanilang karanasan
kapag umuulan.
Pagdesisyunan kung alin sa mga kuwento ang naibigan ng
lahat. Isulat sa pisara ang napiling kuwento sa pamamagitan
ng pagsulat ng ibibigay ng mga bata na pangungusap upang
mabuo ang kuwento.
Kapag tapos na, basahin sa mga bata ang natapos na
kuwento. Itanong sa mga bata kung may nais pa silang
idagdag o bawasin sa natapos na kuwento.
Basahin muli ang kuwento sa mga bata.
4. Pagtuturo at Paglalarawan
Ano ang puwedeng maging pamagat ng natapos na kuwento?
Bigyang-katwiran ang ibibigay na pamagat ng kuwento.
Isulat at ipakita sa mga bata ang tamang pagsulat ng
pamagat ng kuwento.
Ikalawang Araw
Layunin : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang
kuwento
Naiguguhit ang mga pangyayari sa kuwentong
napakinggan nang may wastong pagkakasunod-sunod Kagamitan :
tsart ng natapos na kuwento ng nakaraang araw Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ano ang nararamdaman ninyo kapag umuulan?
Ano ang napapansin ninyo sa inyong kapaligiran kapag
umuulan?
2. Paglalahad
Kuwento Ko, Dugtungan Mo
Balik-aralin ang ginawang kuwento ng klase.

46
Umpisahan ito sa pamamagitan ng simulang pangyayari.
Tumawag ng mga bata upang dugtungan ang kuwento
hanggang sa masabi ang katapusan ng kuwento.
3. Pagtuturo at Paglalarawan Sino-sino ang tauhan sa
kuwento?
Ilarawan ang bawat tauhan sa kuwento.
Tama ba ang ginawa ng mga tauhan sa kuwento? Ipaliwanag
ang sagot.
Dapat ba siyang tularan? Bakit? Bakit hindi?
Linangin ang salitang baha.
Bakit kaya bumabaha tuwing umuulan?
Paano natin maiiwasan ang pagbaha?
Paano ka makatutulong bilang isang bata?
4. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hatiin ang klase sa ilang pangkat.
Ipaguhit sa bawat pangkat ang mga pangyayari sa
kuwento.
b. Malayang Pagsasanay
Iguhit ang nais mong katapusan ng kuwentong
napakinggan.

Ikatlong Araw
Layunin : Natutukoy ang mga salitang ngalan ng bagay at hayop
Nagagamit nang wasto ang mga salitang ngalan ng tao, hayop, at
bagay sa pagpapahayag ng ideya Pamamaraan:
1. Tunguhin
Magsagawa ng field trip sa loob ng paaralan.
Ano-ano ang mga nakita ninyo sa paglalakbay?
2. Paglalahad
Pagsasagawa ng bugtungan
Iparinig at pasagutan sa mga bata ang mga
bugtong: - Mataas kung nakaupo,
Mababa kung nakatayo.
- Hindi hari, hindi
pari Ang damit
ay sari-sari.
- Isang prinsesa
Nakaupo sa
tasa.
- Isang tampipi
Puno ng salapi.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ano-ano ang sagot sa mga bugtong?
Ipakita ang larawan ng mga sagot sa bawat bugtong.
Sabihin ng tatlong beses: Ito ay ________.

47
Tumawag ng isang bata na sasabay sa guro sa pagsasabi ng
pangalan ng nasa larawan.
Tumawag ng isang bata na magsasabi mag-isa ng pangalan ng
nasa larawan.
Ano ang ipinapahiwatig ng mga salitang sagot sa bugtong?
4. Paglalahat
Ano ang pangngalan?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Basket ng mga Larawan
Hayaang kumuha ng isang larawan ang batang
makahahawak ng Basket ng mga Larawan sa pagtigil ng
musika. Sasabihin ng bata kung ano ang nasa larawan sa
pormat na:
Ito ay __________.
Ito ay ngalan ng
(bagay,hayop). b. Malayang
Pagsasanay
Gumupit ng isang larawan mula sa magasin o dyaryo.
Kung walang dyaryo, maaaring magpaguhit na lamang.
Ipakita ito sa klase at sabihin kung ano ito gamit ang
pormat na: Ito ay _________. Ito ay bagay/hayop.

Ikaapat na Araw
Layunin : Natutukoy ang mga ngalan ng tao at
lugar Kagamitan : concept map Pamamaraan:
1. Tunguhin
Itanong : Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo
ang salitang piyesta?
Paggawa ng concept map.

Piyesta

48
2. Pag lalahad
Basahin ang "Sa Plasa."
Maagang ginising si Chacha ng kanyang ina.
Binihisan siya at sumakay sila sa isang traysikel.
Takang-taka si Chacha kung saan sila pupunta.
Bumaba sila sa harapan ng simbahan.
Matapos magdasal, namasyal sila sa plasa.
Nakita niya ang maraming laruan at iba pang paninda.
Narinig din niyang tumugtog ang banda ng mga
musiko. Hindi nagtagal, umuwi na sila sa kanilang
bahay.
3. Pagtuturo at Paglalahad
Talakayin ang kuwentong napakinggan.
- Ano ang mayroon sa plasa?
- Ano-ano ang makikita sa plasa?
- Paano mo maipakikita ang paggalang sa kultura ng
ibang pamayanan?
Ipakita ang larawan ng "Sa
Plasa." Saan naganap ang
kasayahan?
Sino-sino ang narito?
Ipaturo sa mga bata ang sagot nila gamit ang pormat na:
Ito ay ____________. Ito ay lugar/tao.
Anong uri ng salita ang plasa/tindera/musiko/mga bata?
4. Paglalahat Ano ang pangngalan?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Sabihin kung ang ngalan na babanggitin ay ngalan ng
tao o ngalan ng lugar. Pumunta sa may pintuan kung
ngalan ng tao at pumunta naman sa bintana kung
ngalan ng lugar. ospital doktor
palengke guro paaralan
panadero simbahan
kartero
pamahalaang bayan magsasaka
b. Malayang Pagsasanay
Isagawa ang isang paglalakbay sa loob ng silid-aralan. Idikit ang
mga larawan ng mga lugar/mga tao sa silid-aralan. Hayaang
kumuha ng isang larawan ng tao at isang lugar ang mga bata.
Sabihin sa klase kung ano ang kinuha. Himukin din ang mga bata
na sabihin ang dahilan ng pagpili ng larawan.
Gamitin ang pormat na:
Ito ay (si) ________.
Ito/Siya ay lugar/tao.

49
Ikalimang Araw

Layunin : Napag-uuri-uri ang mga salitang ngalan ng tao, bagay,


hayop, at lugar
Nagagamit nang wasto ang mga ngalan ng tao, bagay,
hayop at lugar sa usapan , mapa
Kagamitan : ng isang pamayanan
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Magparinig ng iba't ibang tunog sa mga bata.
Ipatukoy kung ano ang mga ito.
2. Paglalahad
Iparinig sa mga bata ang nakateyp na eksena sa
palengke/simbahan/bukid.
Hayaang itala ng mga bata ang pinagmulan ng mga tunog na
maririnig.
TAO HAYOP BAGAY

Pag-uulat ng bawat pangkat.


Pagbibigay-halaga sa ginawa ng bawat pangkat.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Saan naganap ang napakinggang eksena?
Kani-kaninong boses ang narinig mo sa eksena?
Ano-anong bagay/hayop ang narinig mo sa eksena?
Ano-ano pa kaya ang mga bagay/hayop ang nasa
lugar na pinangyarihan ng eksena?
Alin-alin ang ngalan ng tao/bagay/hayop/lugar?
4. Paglalahat Ano ang pangngalan?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Bigyan ang mga bata ng mga larawan ng tao/bagay/hayop/lugar.
Ang mga batang may hawak ng larawan ng tao ay pupunta sa
tapat ng berdeng tatsulok; bilog na pula kung bagay; parisukat
na dilaw kung hayop, at parihabang asul kung lugar ang
makukuhang larawan.
Magbigay ng isang pangungusap tungkol sa hawak na
larawan. b. Malayang Pagsasanay
Kumuha ng kapareha. Pumili ng isang paksa at pag-usapan ito
sa harap ng klase.
1. Paboritong Pagkain 3. Ang Aking Pamayanan
2. Ang Aking Nanay 4. Ang Nais Kong Alagaang Hayop

50
51

You might also like