You are on page 1of 1

“2+2=5”

(Isang maikling pelikula)

Repleksyon:
Ang maikling pelikula ay nagtamo ng iba`t ibang mga parangal sa iba`t ibang bahagi ng
mundo. Ang likha na ito ay nag karoon ng maraming enterpretasyon mula sa mga kritiko. Ito
ay nagpapakita ng bariyasyon ng mga senaryo sa tunay na takbo ng realidad sa kasalukuyan.
Mula sa loob unang pahiwatig nito na sa loob ng silid-aralan hanggang sa panlipunang isyu.
Para sa akin ito ay may mas malalim pang kahulugan maliban sa mga ideyang kumukulong sa
apat ng sulok ng silid na iyon. Ika nga naaapektuhan ang kabuuan kung may nagaganap na
pagbabago sa pinaka-basic na parte nito. Base sa aking napanood at sa aking sariling
enterpretasyon. Ito ay sumasalamin sa mga klase ng tao sa lipunan. Napapangkat ito sa lima
base sa kanilang ginagampanan sa lipunan.
Unang klase ng tao ay ang unang estudyante na tumayo at nagsalita. Ito ang mga may
pinahahalagan. Sarili man o iba, mananatiling manahimik matapos masabi ang alam niyang
tama upang hindi na masangkot pa. Ito ang mga taong pinahahayag sa madla kung ano ang
alam nilang tama ngunit hindi nila kayang ipaglaban hanggang sa dulo. Madalas, ang sanhi
nito ay takot na kalabanin o kwestyunin ang awtoridad at sa nakaka-taas sa kanila.
Pangalawang klase ng tao ay ang pangalawang estudyante na tumayo, ipinakita sa
klase ang tama at ipinaglaban ito hanggang dulo. Mapapanood na sa ginawa niyang iyon, nag
dulot ito ng kaniyang pagkasawi sa kamay ng mga estudyanteng nabibilang na top students.Ito
ay ang mga aktibista. Ito ay ang mga taong minumulat ang nakararami at inililigtas sa kanilang
pagkabulag dulot ng taliwas na manipulasyon ng may kapangyarihan. Kaya niyang magbigay
ng mga proweba sa kaniyang pinaglalaban at isusulong ang pinaniniwalaan niyang tama kahit
kapalit pa nito ay ang kaniyang kalayaan at sariling buhay.
Pangatlo ay ang mga itinuring sa pelikula na mga top students ng kanilang paaralan
dala ng kanilang pagsunod ng walang pag aalinlagan sa mga inuutos ng kanilang guro at ng
paaralan. Ito ay ang mga bulag at tuta. Ito ay ang mga taong susunod at susunod sa kung ano
mang ini-atas sa kanila ng kanilang itinuturing na may kapangyarihan. Walang tanong, walang
analisasyon at ni walang pasubaling isasakatuparan ang lahat ng ito.
Pang-apat ay ang estudyangteng nagsulat sa kaniyang papel ng tamang sagot ng
palihim upang hindi malaman ng kanilang guro. Ito ay ang mga takot. Ito ay ang mga taong
walang kakayahang ipayahag ang kanilang pinaniniwalaang tama. Maari dahil sa wala
talagang kakayahan upang sumalungat dala ng kanilang sadlak na sitwasyon o sadyang takot
lamang talaga.
Pang-lima ay ang guro na may hawak ng desisyon mali man ito o hindi. Ito ay ang
diktador o may kapangyarihan. Ito ay ang mga taong masasabi nating may awtoridad upang
magbigay ng utos at kanilang nais sa ibang mga tao. Sila rin ang mga taong naniniwalang
absolute ang kanilang mga salita. Pagsalungat ay katumbas ng kamatayan.
-ZS

You might also like