You are on page 1of 1

Cebu Technological University

Naga Extension Campus


Central Poblacion, City of Naga,Cebu

MALA MASUSING BANGHAY-ARALIN

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag aaral ay inaasahan na:
Nakapagpapahayag ng kaalaman ayon sa paksang tatalakayin
Pinahahalagahan ang wika at ang pagkatuto ng mag-aaral sa pagamit nito sa pakikipagtalastasan.
Mahusay na nakakapagsalita at nakikipagtalastasan ang mga mag-aaral gamit ang target na wika.

II. PAKSANG-ARALIN
Simulaing Linggwistik
Sanggunian:Metodolohiya at Pagtuturo ng/sa Filipino
Mga Teorya, Simulain, at Istratehiya, pahina 202-204
Paquito B. Badayos (May-Akda/Patnugot)
Kagamitan:
LCD projector, at mga pantulong biswal (Powerpoint Presentation)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng Silid
4. Pag-uulat ng liban

B. Pagbabalik Tanaw
-Pagtatanong ukol sa mga nakaraang aralin.

C. Pagganyak
(Lakbay-Aral)
Hatiin sa dalawang pangkat ang klase. Ang guro ay may inihandang dalawang istasyon at ang bawat istasyon ay
naglalaman ng isang katanungan na dapat sagutin ng pangkat. Ang bawat grupo ay bibigyan lamang ng dalawang minuto
upang sagutin ang tanong na matatagpuan sa bawat istasyon. Kapag natapos na ang dalawang minuto, maari ng lumipat
ang pangkat sa susunod na istasyon hanggang masagutan nila ang lahat ng tanong sa dalawang na istasyon. Ang bawat
pangkat ay pipili ng isang representante na maglalahad ng kanilang sagot sa harapan.

Unang Istasyon: Ano ang unang papasok sa iyong isipan kapag sinabing “Linggwistiks”?
Pangalawang Istasyon: Bakit kailangan nating pag-aralan ang linggwistiks?

D. Paglalahad
Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang Simulaing Linggwistika.
(D I S K U S Y O N)
E. Pangkatang Gawain
Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang pangungusap o talata na may tugma o kaya’y sarili nilang kasabihan na may
kinalaman sa pag-aaral ng linggwistiks at isusulat ito sa isang bondpaper. Pipili ang pangkat ng isang representante para
maglahad o mag-ulat sa nalikhang pangungusap.

F. Paglalapat
1. Ano ang papel na ginagampanan ng guro sa pagkatuto ng wika?

G. Pagpapahalaga
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng linggwistiks?

H. EBALWASYON Gumawa ng isang sanaysay ukol sa mga nalamang konsepto ng simulaing linggwistik. Isulat ito sa
kalahating papel.
I. TAKDANG-ARALIN

Mag-aral para sa susunod na aralin.

You might also like