You are on page 1of 2

Gian B.

Silva Grade XI – Angel Raphael

GAWAIN 3: LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD

 Lingguwistikong Komunidad
 Termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga
taong gumagamit sa iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa
mga ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.
 Nagkakasundo ang mga miyembro sa kahulugan ng wika at
interpretasyon nito, maging ang kontekstong kultural na kaakibat nito.
 Etimolohiya
 Lingguistiko or Linguistics
(Linguist) + (ics)
- Linggwistiko – pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang
linggwista ang mga dalubhasa nito.
 Komunidad
(comunidad) – Espanyol
- Komunidad/pamayanan – tumutukoy sa isang yunit na panlipunan
o pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahanan,mag-
anak o pamamahay.
 Teorya
 Ayon kay Yule(2014) – ang wika at pamamaraan ng paggamit nito’y isang
porma ng panlipunang identidad at ginagamit upang ipahiwatig o maging
palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak na grupong
panlipunan.

Mga Ilang Wika sa Komunidad sa Pilipinas

1. Kapampangan – isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas.


- Pangunahing wika ng Pampanga.
- Tinatawag ding “Pampango,Capampangan/Capampañgan”.

Halimbawa:
Saan – nukarin maliit – malati
Panaginip – paninap ilalim – lalam

2. Cebuano – (Sebwano:Sinugboanon)
- Sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 33 milyong tao at nasa
ilalim o kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya.
- Pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas kahit
na hindi ito pormal na itinuturo sa mga paaralan.

Halimbawa:
Usà – isa tulò – tatlo limà – lima
Duhà – dalawa upàt – apat unòm – anim

3. Bicol – wikang Austronesyano na ginagamit sa Pilipinas tangi sa tangway ng


Bikol sa silangan ng pulo ng Luzon,sa pulo ng Catanduanes, Burias at sa
lalawigan ng Masbate.

Halimbawa:
Magayon – maganda Patal - bobo
Marinsalun – makukit bua-bua – baliw
4. Ilocano – (Iloko,Ilokano o Ilocano)
- Wikang gamit ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon,Rehiyon ng
Ilocos,Cagayan,Abra at Pangasinan.
- Marami ring nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija,Tarlac at sa ilang
lalawigan sa Mindanao.
- Mahigit 9 milyong tao ang gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas.

Halimbawa:

Napintas – maganda papanam – saan ka pupunta


Naimas – masarap manganen – kain na
Napudot – mainit

5. Hiligaynon – ang wikang Ilonggo ay tumutukoy sa wika at kultura na may


kaugnayan sa Negros Occidental,Bacolod,Iloilo,Capiz,Antique ginagamit din ito
sa ibang parte sa Mindanao tulad ng Koronadal at Cotabato.
- Tinatawag ding Wikang Hiligaynon.
- Kabilang ito sa pamilya ng Wikang Bisaya na kung saan ay
kabilang din ito sa mga pangunahing dayalekto sa Pilipinas.

Halimbawa:

Karon na lang – Mamaya na lang Tagbalay – Tao po


Maayong gab-i – Magandang gabj Malakat kana? – Aalis kana?

You might also like