You are on page 1of 6

10/1/2019 Bienvenido Lumbera – kritikasatabitabi

kritikasatabitabi

Bienvenido Lumbera

Kritika ng Kritika ng Kritika nang Kritikang


si Lumbera

Oktubre 1, 2008Oktubre 1, 2008 | kritikasatabitabi | abot-tanaw, balik-tanaw, Bienvenido Lumbera,


kritika ng kritika, kritikang makaLumbera, pag-akda ng bansa, pag-akda ng sarili, revalwasyon | Mag-
iwan ng puna
Kritikang MakaLumbera: Tungo sa Kritikang Filipino at MakaFilipino

ni rhod v. nuncio

(Binasa sa International Book Fair, Pistang Panitik, Pagbibigay-pugay sa Pambansang Alagad ng Sining
Bienvenido Lumbera, Agosto 30, 2007, World Trade Center, Pasay City.)

Si dinami-daming sinulat ni Lumbera, sigurado akong marami na rin tayong mapupulot para itaguyod
ang isang kritikang Filipino. Sa malawak na karanasan niya bilang guro at alagad ng sining, alam kong
marami na siyang tagasunod na ginagawang inspirasyon ang mga turo’t akda niya. Marangal kong
sasabihin na isang bigating intelektuwal ng ating panahon si Lumbera. Isang bigating iskolar ng sining
at lipunan na tumatagos ang impluwensiya at presensiya sa iba’t ibang institusyong panlipunan at
pangkultura sa bansa. Sa ganang akin, isang dambuhalang mohon si Lumbera sa mga larangan tulad ng
panitikang pambansa, teatro, pelikula’t kulturang popular at kritika. Para sa okasyong ito, pinili ko ang
larang ng kritika para itampok ang mga kritikal na akda at texto ni Lumbera hinggil sa
nabuo/mabubuong praktis/pamantayan ng pagbasa ng panitikan at kultura batay sa mga
kaisipan/pananaw/teorya niya. Itatampok ko rito ang tatawagin kong Kritikang MakaLumbera.

Sa mahigit limang dekada, nagningning ang mga ideya ni Lumbera sa maraming usaping pangkultura
at panlipunan na kinaharap/kinahaharap din ng ibang mga manunulat, guro, kritiko, kultural na
manggagawa, artista, at ng mamamayan sa kabuuan. Sa mahabang panahon ng danas at diwa,
https://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/bienvenido-lumbera/ 1/6
10/1/2019 Bienvenido Lumbera – kritikasatabitabi

nakaluklok siya bilang tinitingalang intelektuwal ng ating bansa. Kung kaya’t may pangangailangan na
tanawin ang kanilang kontribusyon, usisain at pag-ukulan ng masusing pag-aaral kagaya ng ginagawa
sa mga kritiko/pilosopo sa mundo ng kritika/teorya/pilosopiya. Pag-aaral sa kritiko at kanyang kritika
ang kabuuang tunguhin ng papel na ito. Mahalaga sa pag-aaral na ito ang pag-abang at pagsubaybay
sa mga kritikal na akda, kung alin sa mga ideya niya ang konsistent sa pilosipiya niya bilang
kritiko/iskolar. Kung ano sa mga ito ang nabago, tinalikdan at alin pa ang inihahaing bago?

Nais kong ihapag sa inyo ang mga puntos na tatalakayin ko:

pagtatangkang pagbuo ng isang kritikang Filipino batay sa kritikang makaLumbera

paglilinaw sa pagbasa/panunuri/kritikang makaLumbera ayon sa proyekto ng kanyang


pagsulat/panulat sa mahabang panahon (abot-tanaw, revaluation, pag-akda ng bansa)

Moda ng pagbasang MakaLumbera, yugto-yugto, cyclical

1. abot-tanaw (aproksimasyon, pook-lunan-sityo, espasyo)

Ang abot-tanaw ay inisyal na tumutukoy sa pook, espayo o tindig ng bumabasa/kritiko. Bilang pook,
lokalidad ito ng kinagisnang kultura na nagdidirehe sa pagbulwak ng pananagisag ng isang kritiko. Ibig
sabihin sa mata ni Lumbera, ito ang paksaing bayan, ang paksaing pambayan o sa sariling bayan. Abot-
tanaw ng isang kritiko ang wika ng pananagisag “sa mga akdang likha ng mga Filipino sa konteksto ng
aktuwal na mga kondisyon sa lipunang Filipino” (2000: 210). Ibig sabihin, kailangan nating unawain ang
isang akda dahil unang-una, malapit ito sa ating mga sarili at ikalawa inululuwal tayo ng mga
kondisyong humuhubog sa atin bilang mga tao sa lipunang ito. Kailangan nating lumikha ng sariling
pamantayang umiikot sa pagtataya ng akda at sa pag-unlad ng ating kritika. Malinaw na ipinaliwanag
ni Lumbera (Breaking Through and Away) ang sanhi at bunga ng kontradiksyon ng gahum ng
Kanluraning teorya/kritika at kung bakit hindi maaaring gamitin sa lahat ng pagkakataon upang
basahin/suriin ang ating mga akdang pampanitikan.

Malaki ang ambag ng sanaysay na “dating”: panimulang muni sa estetika ng panitikang Filipino sa tunguhin
ng isang maka-Lumberang pagbasa sa panitikan. Maraming kaisipan, paniniwala, katawagan, praktis,
tradisyon ang maaring gawing sangkalan sa pag-usisa sa masining na paglikha’t pag-akda ng mga
Pinoy. Naniniwala akong abot-tanaw ng kritiko ang mga kasangkapang teoretikal/intelektuwal kung
lilingon lamang tayo pabalik, kundi man papunta, sa sariling bayan. Sabi nga ni Isagani R. Cruz, isa
ring kritikong makaLumbera, “dapat na maging kasangkapan ng paglaya at hindi ng kanluraning
gahum ng mga naghaharing uri ang kritikang Pinoy”(2003: 11). Siya ring nagsabing “mas mayaman ang
ating wika kaysa banyagang wika dahil mas marami tayong salitang maitutumbas sa konseptong
langyaw” (2003: 84). Bilang dating estudyante ni Lumbera, dala-dala ni IRC bilang kritiko ang kahalagan
ng sariling konsepto sa sariling wika para sa kritikang Filipino. Ang wikang Filipino, samakatuwid, ang
isang komunikatibong espasyo na abot-tanaw ng ating mga kritiko.
https://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/bienvenido-lumbera/ 2/6
10/1/2019 Bienvenido Lumbera – kritikasatabitabi

Idagdag pa sa abot-tanaw bilang moda ng pagbasa, ang demokratisasyon ng espasyo – ang pag-akay,
hangga’t maaari, sa lahat bilang kabuuan o ang lahat bilang kasama sa tinatanaw na kabuuan. Sa
ganitong paliwanag, nilalansag ni Lumbera ang distinksyon o ang pagtatalabang baynaryo katulad ng
panitikang pambansa vs. panitikang vernakular, mataas na kultura vs. kulturang popular, sining vs.
politika, paksain vs. estetika, at marami pang iba. Sa kanya, ang lahat ng ating panitikan mula sa iba’t
ibang rehyon ay panitikang pambansa, walang distinksyon. Isa pa, may puwang sa kritika ang pagbasa
hindi lamang ng mga dakilang obra, kundi pati ang Valentine’s Card, Zuma, Bakekang, Captain Barbell
na laman ng komiks, rock opera at mga pelikula. Katulad ng katanungang laging sumasagi sa isip ni
Lumbera, para kanino ang panitikan? Ano ang kapangyarihan nito para mabago ang kalagayan ng
mamamayan? May implikasyon din ito sa kritika. Kailangan din nating tanawin at abutin, at sagutin
hindi ang nag-iisang katanungang deal or no deal o pagkompromiso sa pagbasa’t pagsuri, kundi ito:
para kanino ang kritika? Ano rin ang kapangyarihan nito sa buhay ng ating sarili’t bansa?

1. revalwasyon

Katulad ng abot-tanaw, ang rebalwasyon ay isa ring moda ng pagbasa.

pagpapakinang sa binaon o nilimot na halaga/saysay ng akda/texto/diskurso. Kasama sa proyekto ng


rebalwasyon ang pagbabalik-muli sa nakaraan, sa kasaysayan. Ito ang premis ng naratibo, dito
nakasandig ang kapangyarihan ng texto upang ipaunawa sa atin ang kinalalagyang abot-tanaw (ang
tindig, at ating posisyon). Kay Lumbera napakahalaga ng kasaysayan, kaugnay nito, napakahalaga ring
tukuyin ang puntodebista ng pagsulat ng kasaysayan. Sa mga nasabi nang tala ng mga kritiko/iskolar
tungkol dito, malaki ang naging impluwensya ng ating mga historyador lalong-lalo na si Renato
Constantino kay Lumbera. Sa ganitong maalab at marubdob na pagbabalik-tanaw, tiniyak ni Lumbera
na ang kanyang kritika at lahat ng produksyong pampanitikan/pangkultura ay nakaangkla sa pagtanaw
sa kasaysayang Filipino. Nariyan ang mga sanaysay na Towards a revised history of Philippine Literature,
problems in philippine film history, the nationalist literary tradition, at iba pa.

Pag-alingaw-ngaw ng makabayan, makaFilipinong tilamsik/himagsik ng diwa. (makulit,


nakapanliligalig na diwa). Usapin ito ng pagbalikwas sa ideolohiya ng kolonyalismo – ang mga tinuring
galamay ng pananakop, anino man o pisikal, na kumukulong sa isipan at katawan ng mga Filipino
magpahanggang-ngayon. Isa na rito ang lisyang edukasyon. Bago o dagdag na perspektibo rin ang
inihahatid ng rebalwasyon, katulad ng pagsasabing ang kulturang popular ay politikal, at ang pag-
uusigang, kaya ba tayong palayain ng pelikula? Sa sanaysay na pelikula bilang mapagpalayang sining,
(2000:307), kapangyarihan ng mambabasa/manonood….

Pagragasa ng patuloy na bisyon (abot-tanaw) at rebisyon (rebalwasyon). Katahi palagi ang patuloy na
problematisasyon ng nasyonalismo, wika, panitikan, kultura, sining, kamalayan, at halos lahat na
maaaring paksain natin sa pag-aaral ng ating mga sarili (kaakuhan) at ng ating bansa. Nandyan ang
paalala, tagubilin, paanyaya sa mga kritiko, dalubwika, manunulat, makata, historyador, pilosopo, social
scientist na tahakin ang landas sa makabayan at makaFilipinong pag-aaral. Masasabi kong
tagapangunang palaisip si Lumbera sa mga larangang tinatahak ngayon ng mga iskolar ng bansa.

https://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/bienvenido-lumbera/ 3/6
10/1/2019 Bienvenido Lumbera – kritikasatabitabi

1. pag-aakda ng bansa (kasaysayan ng bansa, ang pagsulat ay metapora (ang sarili, diwa at ang
bansa)

ang bansa ay metapora, ang pag-aakda/pagsulat ay isang proyekto tungo sa imahinasyon ng bansa.

“The revolution as transformation continues. We, Lumbera seemingly suggests, have yet to achieve our
nation. His works as poet, scholar and libre ist bear witness to the essential Lumbera: Lumbera writes
the nation, the nation is wri en in Lumbera.” (www.lumbera.ph)

Ibig sabihin patuloy nating itampok ang bayan/bansa sa ating mga gawain bilang akademiko.
Hindi natin masasagot marahil kung kailan ganap na mabubuo ang bansa, subalit sa ating maramihang
pakikisangkot, sa ating aktibong pakikilahok sa usapin ng ating sining, ng ating paninindigan bilang
akademiko, at katuwang ng mamamayan sa paglaya’t pag-unlad, unti-unti nating iginuguhit sa ating
imahinasyon ang iba’t ibang hibla ng pagkabansa. Sa ganang akin, “pagsibol ito ng binhi sa kaisipan
tungkol sa sarili at sa bansa. Pagpapatatag ito ng haligi ng karunungang Filipino at pagsasanga-sanga ng
matatayog na puno ng kalinangang Filipino. Pagdami ito ng mga hitik na prutas ng diskurso’t praktika,
hanggang maging binhi, ang mga buto, muli’t muli, para sa mas malalim at mas malawak na larangan sa
loob at labas ng ating sarili’t bansa.”(Nuncio at Morales-Nuncio, 2004:3) Sa anumapang tunguhin at
tungkulin natin, bilang mga kritiko at alagad ng sining, inaakda natin ang bansa. Malay man tayo o
hindi sa ganitong proyekto, kabahagi tayo sa bisyong makaLumbera.

1. pag-aakda ng sarili (paninindigan, politika, sabjektiviti) (biograpiya bilang kritika) buhay na


kritika. Ang mga dambuhalang intelektuwal sa Europa at Amerika ay nakikibaka’t humihimok sa
iba para sa panlipunang pagbabago, una sa posisyon nila bilang mga publikong intelektuwal, at
ikalawa’y pagturing sa kritika/pilosopiya bilang buhay na kritika. Ito ang politiko ng sarili, ang
biograpiya bilang kritika. Alam na natin na malaki ang kontribusyon ni Foucault sa gay rights
movement, ang pakikisangkot ni Giddens sa pagbubuo at paglilinaw ng pilosopiya ng labor party ni
Tony Blair, ang makabuluhang komento ni Chomsky sa buhay-politika ng Estados Unidos at marami
pang iba. Sa mga nakakakilala kay Lumbera, hindi ko na iisa-isahin, ang aktibo niyang pakikilahok
sa usapin ng politika. Bilang kritiko, bahagi ito ng pag-aakda ng sarili. Simple lang naman ang
ipinapahiwatig nito sa atin, naniniwala ako na tayong mga mag-aaral, iskolar, guro, kritiko at iba pa
na nasa akademya ay may responsibilidad sa bayan. Sa mga landas na tinahak ni Lumbera, maaari
nating piliin ang ating kalalagyan sa mundo ng kritika at sa mundo ng makaFilipinong pag-aaral.
Maaari din tayong magsimula ng bagong tunguhin, bagong pananaw, na lagpas at lalayo sa
nasimulan ni Lumbera. Hindi malayong mangyari ito. Subalit dahil sa makabuluhang mga diskurso
at dalumat tungkol sa kaakuhan, kalinangan at bansa ang ipinupukol sa ating isipan ni Lumbera,
mahirap, kung inyong tatanggapin, ang kumalas sa MakaLumberang pagbasa. Sa bansang tulad ng
Pilipinas na dumaan sa mahabang panahon ng pananakop, problematiko lagi ang usapin ng sarili,
nasyonalismo, panitikan, wika, at iba pa. Kung sa kritikang Filipino (uulitin ko sa kritikang Filipino)
natin ito tatalastasin, lagi’t laging sasagi sa isip natin ang makaLumberang pagbasa. Lagi’t lagi natin
itong sasangguniin.

https://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/bienvenido-lumbera/ 4/6
10/1/2019 Bienvenido Lumbera – kritikasatabitabi

Elemento ng kritikang makaLumbera, (1) historikal, kritikal, intertextual, estetikong mapagpalaya.

Alam kong sasabihin ninyong walang pinagkaiba iyan sa ibang pagbasa o kritikang mula sa kanluranin.
Sabi nga ni Soledad Reyes, si Lumbera ay Marxista. Si Isagani Cruz naman, binansagan siyang kritikong
postkolonyalista. Marahil ang debate ay hindi sa pagkakatulad ng mga diskurso, kundi sa usapin ng
kaibahan at pagkakaiba. Ito ang kontexto, texto, ng ating sarili’t, diwa at bansa na nakapaloob sa mga
kritikal at pampanitikang akda ni Lumbera.

Siguro ngay hindi pa tayo sanay na tawagin ang isang dulog o moda ng pagbasang makaLumbera o
makaCruz at iba pa dahil nasanay ang tenga natin sa pagbasang Marxista, Foucauldian, Feminista at
kung anu-ano pa.

Ang hangarin ko’y sentral sa pagsusuri ng sarili nating akdang pampantikan at pangkultura.
Naniniwala akong sapat na at nasimulan na ang tradisyon ng ganitong pagbasang makabayan, makatao
at makaFilipino. Sapat at hinog nang sabihing isa sa maaaring maging uri ng ating pagbasa ang
kritikang makaLumbera.

https://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/bienvenido-lumbera/ 5/6
10/1/2019 Bienvenido Lumbera – kritikasatabitabi

Advertisements

REPORT THIS AD

REPORT THIS AD

SUMULAT NG BLOG SA WORDPRESS.COM.

https://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/bienvenido-lumbera/ 6/6

You might also like