You are on page 1of 19

PAGBABANAT-BUTO NI TOTO: ANG PANANALIKSIK UKOL SA

PAKIKIBAKA NG MGA BATA SA LANSANGAN

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Sining at Agham, Cavite

State University – Bacoor City Campus

Ipinasa nina:

XXXX, YYYYY V. ZZZZ

Ipinasa kay:

Bb., RPm

Ika- ng
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

“Ama, ina at anak” – mga tao na bumubuo sa konsepto ng pamilya, ang pinakamaliit na

yunit ng lipunan kung saan nagsisimula ang paghubog ng pagkatao ng isang indibidwal. May

kanya kanyang gampanin ang bawat miyembro ng pamilya, tulad ng marangal na pagtatrabaho

ng isang ama para maitaguyod ang pamilya, maayos na pag aaruga at pagkalinga ng isang ina sa

kanyang anak, at ang pagsunod, pag galang at pagrespeto ng anak sa kanyang magulang. Ngunit

sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng isang maayos, kumpleto at masayang pamilya ay hindi

natatamasa ng iilang kabataan sa lipunan. Ang tungkulin ng ama at ina ay nagiging isang

malaking responsibilidad ng anak na nagmimistulang: “ama, ina ay anak”.

Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO),

(2017) na ang kabataan ay ang mga taong nasa labing lima (15) hanggang dalawapu’t apat (24)

na taon. Ayon din sa kanila na ang karanasan ng 'pagiging bata pa' ay lubhang nag-iiba sa mga

rehiyon at sa loob ng mga bansa."

Sa konteksto ng Pilipinas, ang mga taong masasabing kabataan o “bata pa” ay nasa edad

labing walo pababa. Sila ay may kanya kanyang pangarap sa buhay. Isa sa karapatan ng kabataan

sa Pilipinas ay ang makapag-aral, ito ay ayon sa Artikulo 26 ng Universal Declaration of Human

Rights (UDHR), (2011) Ito ang konteksto na dapat isinasabuhay ng mga Pilipino ngunit dahil sa

napakaraming problema at balakid, marami sa mga kabataan ang hindi nabibigyang-tuon ang

edukasyon at maging ang kalusugan.


Kung susuriing mabuti, ang mga naka paligid sa atin, hindi lahat ng kabataan ay

nararanasan ang mga ito. Maaaring sa kadahilanang sila ay maagang namulat sa kalupitan ng

kahirapan na kahit nakakalungkot isipin, sa murang edad ay kailangan na nilang maghanap-

buhay para sa pamilya upang matugunan ang pangangailangan sa araw araw. Sa halip na libro at

kwaderno, paninda ang kanilang hawak. Kalsada ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga

kabataan.

Kahirapan, ang isa sa mga rason kung bakit sa murang edad ng mga kabataan, ay natuto

na silang magbanat ng buto. Iba ibang hanap buhay ang maaaring pasukin ng isang bata para

makatulong sa kanilang magulang. Pagtitinda ng basahan, pagpupunas ng sasakyan habang

trapik, pagpupunas ng sapatos ng mga pasahero, paglalako ng pagkain at iba pang produkto gaya

ng mga “takatak boys” na kung saan ay hindi nila iniinda ang sikat ng araw na kahit maghapon o

hanggang gabi ay pinagsisikapan nilang gawin. Hindi na nila iniisip ang sariling kaligtasan sa

gitna ng kanilang pang araw araw na pakikipagsapalaran. Marahil ginagawa nila ito upang

matugunan ang kanilang pamilya o di kaya’y upang masustentuhan ang kanilang pansariling

pangangailangan.

Ang mga karanasang ito ay maaring magdulot ng matinding pagbabago sa pagkatao ng

isang indibidwal. Ito man ay maaaring maging positibo o negatibong pagbabago, naka depende

pa rin ito sa kanilang pagtanggap upang maging isang ganap na indibidwal.

LAYUNIN NG PAG AARAL

Sa kasalukuyan, ating mapapansin na hindi lubos na napapahalagahan ng nakararami ang

kalagayan ng bawat batang Pilipino sa kanilang paligid, lalo na sa mga batang nasa murang edad
ay naghahanapbuhay na sa lansangan. Hindi nabibigyang pansin ang mga batang

nakikipagsapalaran sa kalsada, mga dahilan kung bakit nila ito ginagawa at anong klaseng

pamumuhay ang kanilang kinakaharap.

Layunin ng pananaliksik na ito na mabuksan ang isip at kamalayan ng mga tao ukol sa

mga kaganapan at kalagayan ng mga bata na naghahanapbuhay sa lansangan. Mga batang

nakikipagsapalaran para lamang mairaos ang isang araw ng kanilang buhay. Mga batang

naghahanapbuhay para lamang matugunan ang kanilang kagustuhan. Layunin din nito na

magbigay ng malawak na impormasyon at sapat na kaalaman sa mga mambabasa patungkol sa

kahalagahan ng pamilya sa buhay ng isang pausbong pa lamang na indibidwal.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na:

1. Makapagbigay ng sapat na impormasyon patungkol sa dahilan ng paghahanapbuhay ng

kabataan sa murang edad.

2. Malaman ang mga iba pang uri ng hanapbuhay na naranasan ng mga bata sa lansangan.

3. Makapagbigay ng impormasyon patungkol sa kung saan inilalaan ng mga kabataan ang

kanilang mga kita.

4. Mailahad ang iba’t ibang suliranin ng mga kabataan na kanilang nararanasan sa

pagtitinda sa lansangan.

5. Malaman ang kalagayan ng pamilya ng mga kabataan.

6. Maunawaan ang palagay ng kabataan sa kanilang magulang.

7. Mailahad ang pananaw ng kabataan patungkol sa kanilang sarili bago maghanapbuhay at

sa kasalukuyang paghahanapbuhay.

8. Mailahad ang epekto ng paghahanapbuhay sa kanilang sarili, pamilya, at kaibigan.


9. Mabatid ang mga pangarap ng mga kabataang naghahanapbuhay sa lansangan.

10. Malaman ang palagay ng kabataan sa kanyang maaaring maging buhay sa hinaharap.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito na may paksang patungkol sa pakikibaka ng mga bata sa

lansangan. Ito ay sumasaklaw lamang sa mga piling kabataan sa lungsod ng Maynila.

Ang pag aaral na ito ay naka tuon lamang sa mga kabataan na; (1) may edad labingwalo

pababa; (2) nagtatrabaho ng higit pa sa isang taon sa lansangan at (3) nagtatrabaho ng mahigit

kumulang walong oras kada araw. Kasama rin sa pag aaral na ito ang pagkalap ng impormasyon

patungkol sa uri ng hanapbuhay ng mga bata sa lansangan.

DEPINISYON

Upang higit ang pagkatuto ng mambabasa, minarapat ng mga mananaliksik na ilagay ang

mga mahahalagang terminolohiya na nakapaloob sa pag-aaral na ito. Ito ang mga sumusunod:

Kabataan. Isang indibidwal na nasa edad labing walo pababa.

Pamilya. Ang pinakamaliit na yunit ng lipunan kung saan nagsisimula ang paghubog ng

pagkatao ng isang indibidwal

Lansangan. Tirahan ng mga batang lansangan.


Hanapbuhay. Maaari ring tawaging trabaho, tumutukoy sa pinagkukuhanan ng pera ng isang

indibidwal upang may maipangtustos sa pang araw-araw na gastusin.

Kalinga. Pag-aalaga ng isang indibidwal sa kanyang kapamilya.


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang pag aaral na ito ay maipagpapatibay sa pamamagitan ng mga kaugnay na pag aaral

mula sa mga propesyonal at mga may akda ng mga kaugnay na literatura. Ang mga mananaliksik

ay nag hanap ng iba pang mahahalagang impormasyon mula sa mga literaturang maiuugnay

patungkol sa paksang pakikibaka ng mga bata sa lansangan upang mapalalim at mabigyang

katuturan ang mga nakalap na impormasyon mula sa mga piling bata sa lansangan.

Kabataan sa Lansangan

Isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ngayon ay ang kabataan sa lansangan. Mga batang

nakikipagsapalaran sa kalsada, nakikipagpatentero sa mga sasakyan, at mga batang

naiimpluwensyahan ng mga karahasan. Ayon kay Jose Rizal, (1887) ang kabataan ay ang pag-

asa ng bayan. Sa kasalukuyan ang pag-asa ng ating bayan ay nasa lansangan, naghahanap buhay

o dikaya’y nagnanakaw. Sila’y nakikipag habulan sa mga sasakyan para lamang makapanlimos

at mairaos ang isang buong araw.

Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA) ang insidente ng kahirapan sa sektor ng

mga kabataan sa taong 2012 ay nasa 35.2%, (Pascual, 2012) Ayon naman sa Childhope Asia,

isang Non-government Organization (NGO) na nag aalaga at kumakalinga sa mga batang

lansangan, umaabot sa 30,000 ang mga kabataan sa Metro Manila at National Capital Region ang

walang tirahan at sa lansangan naninirahan. Ayon din sa kanila, ang mga kabataang nasa

lansangan ang bumubuo sa isa (1) hanggang (3) porsyento ng populasyon ng mga kabataan sa

mga pangunahing siyudad sa bansa.


Ang mga kabataan sa kalsada ay lapitin ng kapahamakan, ito may ay sinsadya o di

sinasadya. Ang ibang mga bata sa kalsada ay marunong ng gumamit ng ipinagbabawal a gamut,

marunong na ring magbisyo at magnakaw. Hindi lamang mga kalalakihan ang biktima ng

karahasan sa kalsada pati narin ang mga kababaihan at tila hindi ito nabibigyang pansin ng

kanilang pamilya pati narin ng lipunan.

Ang mga street children ay ang mga batang naninirahan sa lansangan na nasa labing walo

pababa ang edad kung saan wala silang proteksyon, gabay, at walang siguradong direksyon na

kanilang tatahakin. Ayon sa Stairway Foundation, ang mga batang lansangan ay may tatlong uri:

ang mga bata sa lansangan, bata ng lansangan, at mga batang naulila ng tuluyan. (Wikipedia,

2005).

Ang mga “bata sa lansangan” ay halos 75% ng batang lansangan sa Pilipinas. Sila ang

mga bata na nagtatrabaho sa kalye ngunit hindi sila dito nakatira, sapagkat sila ay mayroong

sariling mga bahay na inuuwian. Ang iba sa kanila ay patuloy na nag-aaral habang nagtatrabaho.

Ang mga “bata ng lansangan” naman ay ang mga musmos na itinuturing ang lansangan

na kanilang tirahan. Sila ay halos 25 hanggang 30% ng mga batang lansangan sa Pilipinas.

Karamihan sa kanila ay nakatatagpo ng pamilya sa mga katulad nilang batang lansangan. Ang

iba rin ay mayroon pang mga pamilya ngunit halos hindi na ito magkapagkita.

Ang huli ay ang mga “batang naulila ng tuluyan.” Sila ang mga bata na wala ng kilalang

kapamilya. Umaasa na lamang ito sa sariling kakayahan upang mabuhay. Umaabot ng halos 5

hanggang 10% ang binubuo nila sa mga batang lansangan sa Pilipinas. (Wikipedia, 2005)
Ayon sa UNICEF, “Para sa karaniwang bata, ang pagtulog sa labas ay tinatawag na

camping; Para sa batang kalye, ito’y tinatawag na surviving.” (Iso, 2017)

Ang pamilya ang isa sa dahilan ng kabataan sa kanilang pananatili sa lansangan. Marami

sa bata sa lansangan ay mga biktima ng physical abuse ng kanilang mga kaanak, kaya’t mas

pinipili na lamang nila ang lumayas kaysa manatili sa bahay. Mayroon namang produkto ng

broken families kung saan hindi na nakikita ng mga kabataan ang halaga ng pamilya sa tahanan

at marami rin namang kasama na nila ang kanilang pamilya manirahan sa lansangan.

Kahirapan

Malaki ang nagiging epekto ng kahirapan sa isang kabataan. Halimbawa nito ay ang

maagang pabubuntis, kawalan ng edukasyon, kagutuman at hindi payak na kalusugan. Hindi sila

nabibigyan ng sapat na impormasyon patungkol sa pagbubuo ng isang pamilya maging ang mga

kaakibat na responsibilidad sa mga aksyon na kanilang tatahakin, na maaaring mag bunga ng

paglaki ng populasyon ng ating bansa.

Dulot ng kahirapan, lumiliit ang tyansa ng mga kabataan mabigyan na sapat na

edukasyon dahil ang mga pamilyang nasa laylayan ng lipunan ay iisipin na lamang ang paraan

para mabuhay sa pang-araw-araw at hindi binibigyang-pansin ang hinaharap ng kanilang mga

anak o ang iba pang miyembro ng pamilya. Isa pang epekto ng kahirapan sa mga kabataan ay

ang kagutuman na kung saan ay maaring makapagdulot ng hindi payak na kalusugan o

pagkakaroon ng mga iba’t-ibang uri ng sakit sa mga ito.

Ang malnutrisyon sa Pilipinas ay ang nananatiling problema ng bansa ayon sa

Department of Health (DOH). Isa sa bumubuo ng porsyento ng populasyon ng malnutrisyon ay

ang mga nasa mabababang antas ng lipunan. Dito na nga makikita na ang pinaka naapektuhan sa
isyung ito ay ang mga kabataan. Sa bawat kalsada at pasilyong madadaanang may batang

lansangan ay kakikitaan ng mahinang pangangatawan kumpara sa mga batang nabubuhay ng

payak kasama ang pamilya. Ito ay dulot ng kawalan ng masusustansyang pagkain at pagkain ng

tama. Sinasabing ang pinaka sapat na pagkain ng isang tao ay tatlong beses na kain sa isang araw

ngunit marami sa mga kabataang nasa lansangan ay hindi natutugunan ang pangangailangang ito.

Kadalasan sa mga kabataang ito ay pinagtitiisan na lamang ang pagkaing kung tawagin ay

“pagpag”, mga pagkaing matatagpuan na lamang sa mga basurahan, panis at tira-tira na lamang

na pagkain na kung makikita ay hindi karapat-dapat na kinakain ng mga tao.

Karapatan ng mga Kabataan

Ang karapatan ay ang batayan ng karapat-dapat na kalayaan para sa lahat ng tao, ano man

ang kanyang edad, lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, paniniwalang politikal, nasyonal o

panlipunang pinanggalingan. Mahalaga na malaman ng isang tao ang kanyang karapatan upang

magkaroon ng kamalayan tungkol sa nangyayari sa kanyang paligid at kung ano ang maaaring

gawin at matamasa.

Mayroong sampung (10) karapatan ang isang kabataan (UNICEF): Una na rito ang

maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad. Mahalaga na magkaroon ng pangalan ang

isang bata upang makilala ito ng kanyang magulang o kapamilya pati na rin sa komunidad na

kinabibilangan nito. Ang pangalawang karapatan ng isang kabataan ay ang, magkaroon ng

tahanan at pamilyang mag-aaruga sa akin. Karapatan ng isang kabataan na magkaroon ng

tahanan na mauuwian upang makapag bigay kaligtasan sa ano mang kapahamakan. Karapatan

din nila na magkaroon ng pamilya dahil hindi pa kaya ng isang bata na mamuhay mag-isa, at

kailangan pa nila ng magulang na mag gagabay at mag aaruga. Pangatlo, ang manirahan sa
payapa at tahimik na lugar. Kasama sa karapatang ito ang pagbibigay proteksyon ng magulang

sa kanyang anak, mailayo ang sarili sa ano mang uri ng kapahamakan.

Pang apat, ang magkaroon ng sapat na pagkain, malusog, at aktibong katawan. Sapat na

pagkain para sa mga kabataan upang maging malusog at magkaroon ng malakas na

pangangatawan na makakatulong sa pang araw-araw na gampanin. Ang panglimang karapatan

ng isang kabataan ay mabigyan ng sapat na edukasyon. Mahalaga na mabigyan ng sapat na

edukasyon ang isang bata dahil ang pag-aaral ay makakatulong upang magkaroon ng sapat na

kaalaman ang isang kabataan sa mga nangyayari sa paligid. Lahat ng kabataan ay may

karapatang mag-aral kahit ano man ang mayroon siyang estado ng pamumuhay. Ang pang-anim,

ay ang mapaunlad ang kanyang kakayahan. Pagpapaunlad ng kakayahan ng isang bata na

maaaring makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya, pag papahusay ng kanilang pakikisalamuha sa

mga tao, pagpapa lawak at pagpapa husay ng kanilang potensyal.

Pang pitong karapatan ng isang kabataan, mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at

makapaglibang. Ang mga kabataan ay may karapatan na makipag salamuha sa mga kapwa

kabataan, makipag laro, at makapag libang. Ang pang walo, mabigyan ng proteksyon laban sa

pang-aabuso, panganib, at karahasan. Hindi dapat inaabuso ang isang kabataan, dahil maari

itong makaapekto sa sikolohikal at pisikal na pangangatawan nito. Ang Republic Act No. 9262 o

kilala bilang Violence against Women and their Children (VAWC), ay ang batas na tumutugon

sa mga kababaihan o anak na nakakaranas ng pang-aabuso, pisikal, sekswal, at emosyonal man.

Ang pang siyam, ay ang maipoagtanggol at matulungan ng pamahalaan. Mahalaga na

maipagtanggol ang mga kabataan, lalo na ang mga kabataang nasa laylayan dahil sila ay

maaaring hindi mabigyan ng pansin dahil nga sa kanilang estado ng pamumuhay. At kailangan

ng tulong ng pamahalaan sa kung anong hinaing mayroon ang kabataan na dapat na pakinggan.
At ang pang huli, makapag pahayag ng sariling pananaw. Mahalaga na makapag

pahayag ng sariling damdamin ang isang kabataan at kailangan na respetuhin kung ano man ang

kanyang pananaw sa kung ano mang bagay.

Uri ng trabaho sa lansangan

Sa pang araw-araw na paglalakbay o pagbiyahe, pati na rin ang pagmamasid sa ating

paligid, maraming mga tao ang ating nakikita at ang iba sa kanila ay nagtitinda sa mga gilid gilid

ng mga kalsada. Mayroong mga nasa gilid lamang at may mga kariton, or food cart naman kung

pagkain ang kanilang tinitinda at naghihintay lamang ng mga mamimili. Pantawid uhaw tulad ng

mga juice, at mga palamig, mga pagkain tulad fishball, kikiam, turon, lumpia at kung anong turo-

turong pagkain na maaaring ibenta sa lansangan.

May mga tindero at tindera na sinunuong ang bawat lansangan, at minsa’y sumasakay sa

mga pampublikong sasakyan tulad ng bus at mga jeep at naglalako ng mga paninda tulad ng

mani, kasoy, at ibang pagkain. May mga tindero at tindera naman na nakikipag sapalaran sa

kalsada tuwing may trapik at hindi iniisip ang mga kapahamakan na maaaring mangyari sa

kanila. Mga nagtitinda ng basahan, souvenirs, mga gamit para sa kotse, mga “takatak boys” na

nagtitinda ng kendi, sigarilyo, chichirya, pati na rin ang inumin.

Programa ng pamahalaan at organisasyong di-pampamahalaan

Kagawaran ng Panlipunang Paglilingkod at Pagpapaunlad (DSWD)

Ang Kagawaran ng Panlipunang Paglilingkod at Pagpapaunlad (Department of Social Welfare and

Development) ay ang kagawaran kung saan tumutulong sa mga naghihirap sa buhay upang mapatatag

ang pamumuhay kung saan ang mga musmos at kapus-palad ay kabilang. Isa sa programang kanilang
inilunsad para sa mga “street children” o batang lansangan ay ang “Activity Centers” na kung saan ang

DSWD ay nakipag-ugnayan sa Local Government Agencies (LGU) upang makapagbukas at

makapagpagana ng mga aktibidad para mabawasan at unti-unting mawala ang mga kabataang

natitirahan sa lansangan kung saan sila ay nahaharap sa mga mapanganib na maaring mangyari dulot ng

mga sasakayan at iba pang elemento sa lansangan at maiwas ang mga ito sa masasamang impluwensya.

Ang aktibidad na ito ay nagbibigay ng pagtutulong serbisyo (tutorial services), pagsasanay sa kakayanan

(skills training), libreng paligo (free showers) at libreng pagkain (free foods). (DZRH News Online, 2017)

Loving Care Street Kids Foundation

Naglalayon na makapagbigay ng libreng tatlong beses na pagkain sa mga libo-libong kabataang

wala nang matitirahan sa lugar partikular sa Angeles, Pampanga. Naglalayon rin ang programa na ito na

magkaroon ng interaksyon sa ibang kabataan at mabigyan ng libreng edukasyon at mga kagamitang

pampaaralan.

Street Contact For Children

Ang proyekto na ito ay pagkakaroon ng ugnayan ng social workers sa mga grupo ng mga batang

lansangan. Ito ay naglalayon na makuha ang tiwala ng mga bata, makapagbigay ng legal at personal na

proteksyon laban sa mga mapang abusong awtoridad at makatulong upang mailabas ang kabataang

nasa kulungan o di kaya ay ma-dismiss ang kanilang pagkakasala. Isa rin sa mga layunin ng proyekto ay

ang makapag abot ng pangunahing pangangailangan ng mga kabataan tulad ng kasuotan, pagkain,

tulong pangkalusugan at masisilungan kung kinakailangan. Ginagawan ng mga ito ng paraan upang

makipag-ugnayan sa mga magulang at hayaang bisitahin sila ng mga ito. Nagbibigay rin sila ng

pagkakataon sa iilang kabataan upang makapagtrabaho bilang part time.

Bahay Bata Center


Institusyon na nagbibigay ng aruga sa mga batang lansangan, mga batang ulila at mga

naabusong kabataan sa lungsod ng Angeles. Ito ay tinatag bilang sentro ng pagbibigay ng tulong sa mga

kabataan sa pamamagitan ng paglalaan ng tahanan, edukasyon at ispiritwal na gabay sa kanila.

Subic Bay Children's Home

Ito ay naglalaan ng tahanan para sa mga batang lansangan sa lungsod ng Olangapo. Ang mga ito

ay naghahanap ng daan sa pamamagitan ng lokal na simbahan at mga indibidwal na kayang makapag

abot ng tulong para sa mga hindi kanais-nais, hindi minamahal, mga kabataang mapang gulo sa

pamamagitan ng pag bibigay ng tahanan, pag uunawa at Kristyanong pag gabay.

Tiwala Kids and Communities

Ang Tiwala Kids and Communities ay nagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng

pagbibigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga batang lansangan sa lungsod ng Legazpi. Ito ay

may sentro kung saan ay nakakapagpatakbo para sa mga batang lansangan at ang kanilang foster

placement program. Ang mithiin nito ay mag-iligtas, maibalik at mabigyang kalinga ang mga

batang naabandona na ninirahan sa lansangan at makapagbigay ng oportunidad para mabuhay sa

sakahan kung saan sila ay maaaring mailipat.


KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo, mga tagatugon at instrumento sa

pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa pamaraang deskriptib na pananaliksik. Sa

paraang ito, ang pag-aaral ay naglalayong mailahad ang mga impormasyon tungkol sa pakikipag

sapalaran o pakikibaka ng batang lansangan. Ito ay isang exploratory paper; binigyang-diin ang

mga dahilan ng mga kabataan kung bakit sila naghahanap-buhay sa murang edad; mga dahilan

kung kanino nila inilalaan ang kanilang kita sa paghahanap-buhay; mga dahilan ng patuloy

nilang paghahanap-buhay; mga karanasang kanilang pinagdaanan na maaring maging sanhi para

sila ay magtrabaho; mga suliranin na kanilang naranasan sa pagtatrabaho; mga iba pang uri ng

trabaho na kanila ng naranasan; epekto ng paghahanap-buhay sa sarili; pamilya at kamag-anak

at; kanyang pananaw patungkol sa kanyang sarili at pamilya.

Isa itong kwalitatibong pag-aaral na naglalayong alamin ang mga pananaw mula sa mga

tagatugon at maunawaan ang kanilang kalagayan sa lipunan. Upang maunawaan din ang mga

kahulugan at interpretasyon na ibinibigay nila sa kanilang mga kilos at karanasan sa buhay

(Bailey et al, 2011). Ang kwalitatibong paraan ay kinakailangan sa pag aaral na ito upang

matulungan ang mga mananaliksik na maintindihan o maunawaan ang mga dahilan ng mga

kabataan kung bakit sila patuloy na naghahanapbuhay sa lansangan.


Ang kwalitatibong pamamaraan ay ginagamit sa pagsusuri ng isang paksang may piling

respondene. Makikita dito ang proseso ng pakikipagpalagayang-loob ay nagbibigay ng

komportableng pakiramdam para sa pagkuha ng impormasyon. Isang uri ng kwalitatibong

pamamaraan ay ang In-depth Interview na ginagamit upang malaman kung paano bigyang

pakahulugan ng mga tao ang mundo (Alin et al, 2008). Ito rin ay isang pagkakataon upang

malinawna maipakita ang mga pananaw ng mga tagatugon sa pinag-uusapang paksa. Ito ay

ginamit upang mahikayat ang mga tagatugon na ibahagi ang kanilang nararamdaman, pananaw,

opinyon at karanasan.

Ang mananaliksik ay gumamitdin ng mga Katutubong Pamamaraan sa pangangalap ng

datos gaya ng pakapa-kapa, pakikipagkwentuhan at patanong-tanong .Sa pamamagitan ng mga

pamaraang ito, ang mananaliksik ay nagkaroon ng malawak at malalim pang pangunawa ukol sa

kadahilanan ng mga kabataan sa patuloy na paghahanap-buhay sa murang edad.

Ang pakapa-kapang pamamaraan ay ginamit upang makapapalagayang-loob ng mga

mananaliksik ang mga tagatugon. Sa pamamaraang ito, tinukoy kung paano tinimbang ng mga

mananliksik ang mga usapin hingil sa panayam. Ito ay isinagawa upang hindi mabigla ang mga

kinakapanayam sa mga katanungan at para rin magkaroon ng maayos at magandang daloy ang

susunod ng pagpapanayam.

Ang pakikipagkwentuhan naman ang sumunod na pamamaraan kung saan sa paraang ito

magkakaroon ng pagkakaunawaan at pagiging isa ng isip at diwa ang kakapanayamin at

pumapanayam. Ang huli ay ang patanung-tanong na pamamaraan tungkol sa ginagawang

pananaliksik.
Deskripsyon ng mga Respondente

Ang mga tagatugon ay pinili sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamantayan: (1) ang

mga tagatugon ay mga kabataan, babae man o lalaki na may edad labingwalo pababa at (2) ang

mga tagatugon ay nag hahanapbuhay sa lansangan.

Ang mga mananaliksik ay nangangailangan lamang ng tatlong (3) kabataan na maaaring

mapanayaman.

Instrumento

Upang malikom ang mga sapat at hinahanap na impormasyon kinapanayaman ng mga

mananaliksik ang mga tagatugon sa oras kung saan komportable ang mga tagatugon. Ang pag-

aaral na ito ay gumamit ng Interview Guide upang maging maayos ang daloy ng pakikipanayam

sa tagatugon.

Ginamit ng mga mananaliksik ang Semi-structured Interview Guide: Isa itong uri ng

gabay sa pakikipanayam na nagbigay ng iba pang kaugnay na katanungan habang nagaganapang

panayam. Gumamit din ang mga mananaliksik ng mga bukas na katanungan o open-ended

questions upang bigyang kalayaan at maging komportable ang mga tagatugon na ibahagi ang

kanilang karanasan. (Pomerantz, 2011)

Ang Interview Guide ay hinati sa tatlong bahagi: Ang una ay nakatuon sa pagtingin ng

kabataan sa kanyang sarili katulad na lamang ng gampanin sa buhay, hangarin sa sarili, pananaw

sa buhay at pakiramdam nila sa kanilang ginagawa. Pangalawa naman ay nakatuon sa konteksto

ng pamilya sa kanilang buhay katulad ng kalagayan ng pamilya, palagay sa responsibilidad ng

pamilya at ang kahalagahan ng isang pamilya. Pang huli ay nakatuon naman sa pananaw at
karanasan sa paghahanap buhay sa lansangan gaya ng kadahilanan sa paghahanap-buhay, mga

nakaimpluwesya sa pagahahanap-buhay, kita sa paghahanapbuhay at kalagayan sa trabaho.

Mga Pamamaraan sa Paglikom ng Datos

Ang mga mananaliksik ay may sinundang takdang panahon na nakatala sa isang Gantt

Chart para sa maayos at sistematikong paglikom ng mga datos. Sila ay nagsagawa ng

pagpapanayam sa mga potensyal na tagatugon kasabay ng pagpapaliwang ng mga alituntunin at

saklaw ng impormasyon noong ika-21 ng Abril taong 2018. Ang pagpapanayam na ito ay may

layuning: (1) maipaliwanag ang mga etikang pamantayan at kabatirang pagsang-ayon; (2)

makipagpalagayangloob sa mga tagatugon at (3) Makakuha ng sapat na impormasyong ukol sa

paksa.

Ang pakikipanayam ay isinagawa upang mangalap ng mga ninanais na impormasyon.

Ang mga mananaliksik at mga tagatugon ay nagkaroon nang maayos na pag-uusap upang unti-

unting matalakay ang mga paksa sa paraang hindi magiging maganda at maayos ang daloy ng

panayam kasama ang mga tagatugon. Ibinatay ng mga mananaliksik ang takbo ng mga

katanungan sa kanilang Interview Guide Questions sa pagbuo ng karagdagan katanungan sa

paglinaw ng mga nakalap na mga datos.

Pamamaraan sa Pagsusuri ng Datos

Ang Thematic Analysis ay sumusuri sa mga datos upang matukoy ang makikitang mga

karaniwang isyu at malaman ang pangunahing tema na magbubuod sa lahat ng mga pananaw na

nakalap (Brikci at Green, 2007). Gamit ang ganitong uri ng pamamaraan, higit na masuri at

naunawaan ang mga datos na nakalap mula sa mga tagatugon.


Ang mga pinakamahalagang antas ng Thematic Analysis ay ang mga sumusunod: (1)

Pagbasa at pagkomentaryo sa mga transcript. Sa pamamagitan nito, napunan ang mga

kinailangang datos ng mga mananaliksik; (2) Natukoy ang tema. Sa bahaging ito, bibigyang-

pansin ng mga mananaliksik ang mga datos sa pagtukoy ng mga tema; (3) Pagbuo ng Coding

Scheme. Nang matukoy ang mga paunang tema, ang mga ito ay isinaayos ang talaan kasama ang

mga codes na ginamit sa mga datos na nakatulong sa pagkalap ng mga datos na kinailangan; (4)

Coding ng mga datos.

Ang mga codes ay inilapat sa buong set ng datos sa pamamagitan ng pagsulat ng mga

codes sa mga margin ng transcripts o ang pagmarka sa mga nakasulat na teksto (Brikci at Green,

2007).

You might also like