You are on page 1of 2

A STUDY OF INSTRUCTIONAL PRACTICES, TEACHING CONDITIONS 1

Paglikom ng mga Datos

Ang hakbang at pamamaraan sa paglikom ng mga datos ay magsisimula sa

pagsasasagawa ng dalawang talatanungan na sasagutin ng mga bata. Ang unang

talatanungan ay naglalaman ng mga katanungan tungkol sa interes ng mga mag-aaral sa

pamamaraang ginagamit ng kanilang guro. Samantala, ang ikalawang talatanungan

naman ay tungkol sa aralin na ituturo.

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng isang pagpapakitang-turo gamit ang

dalawang pamamaraan: ang teoretikal at praktikal na pagtuturo. Pagkatapos ng

pagpapakitang-turo, sasagutin ng mga mag-aaral ang mga talatanungang inihanda ng mga

mananaliksik. Ang mga ito ang magiging batayan ng mga mananaliksik upang mabatid

ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa dalawang pamamaraang ginagamit sa

pagtuturo.

Etikal na Pagpapalaya

Ang mga mananaliksik ay magiging maingat sa pagsasagawa ng pananaliksik.

Isasaalang-alang nila ang kapakanan ng mga magiging kalahok. Hihingi muna ng

pahintulot ang mga mananaliksik sa punongguro ng mag-aaral bago isagawa ang

kanilang layunin. Pagdating sa pagpapakitang-turo, ang mga mananaliksik ay magiging

maingat sa paggamit ng mga salita at isasaalang-alang ang pagkakaiba-iba ng mga mag-

aaral. Sisiguraduhin din ng mga mananaliksik na magiging kumpidensyal ang mga

impormasyong malilikom mula sa mga kalahok lalo na ang mga datos tungkol sa interes

ng mga respondante.

DON HONORIO VENTURA TECHNOLOGICAL STATE UNIVERSITY


A STUDY OF INSTRUCTIONAL PRACTICES, TEACHING CONDITIONS 2

Estadistikong Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang estatistikang pamamamaraang na gagamitin ng mga mananaliksik ay ang

pagkuha sa ng porsyento o bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito.

Batay sa nakuhang tugon mula sa mga kalahok sa bawat katanungan, maaari ng makita

ang prekkwensi sa bawat bilang na tugon. Ang pagkuha ng bahagdan ay:

𝑓
𝑝 ≡ × 100
𝑛

Kung saan:

p = bahagdan

f = prekwensi o bilang ng mga tugon

n = kabuuang bilang ng mga respondante

DON HONORIO VENTURA TECHNOLOGICAL STATE UNIVERSITY

You might also like