You are on page 1of 5

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

PASIMULA

Sa panahon ngayon karamihan sa atin ay nakikipag kumpetensiya, hindi


lamang sa loob ng ating mga tahanan kundi pati na din sa ating kapaligiran, sa
eskuela at maging sa ating mga araw araw na buhay ay merong kumpetensiya
o tinatawag nating paghahambing sa ibat ibang aspeto ng buhay.

Sa pananaliksik na ito nais naming malaman kung alin ba sa dalawang


heganting estasyon ng telebisyon ang nangunguna sa puso ng bawat kamilya.

Ang Philippine Drama, o mas kilala bilang teleserye o teledrama, ay


maaaring i-uri sa iba’t-ibang anyo at genre. Ang teleserye/teledrama ay isang
uri na napapanood sa telebisyon na karaniwang hindi makatotohanan o walang
pawang pruweba na masasabing ito ay totoo. Nagmula ito sa dalawang salita na
“tele”, pinaikling salita para sa “telebisyon”, at “serye”, salitang Tagalog para sa
“series” at “drama” para naman sa drama. Ang salitang Teleserye ay karaniwang
ginagamit bilang pangkalahatang katawagan para sa mga Filipino soap operas
sa telebisyon, bagaman naging opisiyal lamang ito noong taong 2000 nang
unang inere ng ABS-CBN, isang Filipino network, ang teleseryeng pinamagatang
“Pangako Sa ’Yo”. Sa kabilang dako, tinatawag din namang “telenovelas” ang
mga Filipino soap operas. Ngunit, mula noong taong 2010, opisiyal nang
ginagamit ng GMA Network ang teledrama bilang pagkakakilanlan sa kanilang
Philippine TV Series na may kinalaman sa drama.

Masasabi nating may pagkakahambing ang Teleserye sa mga klasikong


soap operas at telenovelas pagdating sa katangian at pinagugatan. Gayun pa
man, habang tumatagal ay nagbabago at nagkakaroon ito ng sariling katangian

1|Page
na malimit na inilalarawan sa makatotohanang pakikipagkapwa ng mga
Pilipino. Ipinapalabas ang teleserye limang beses sa isang linggo, at madalas
pang inuulit tuwing sabado at linggo. Nakakaakit ito ng malawak na manonood
kabilang na ang mga bata at matatanda pati narin ang mga kababaihan at
kalalakihan lalo na’t ito ang may pinakamataas na kinikita sa Philippine
television. Tumatagal ito ng tatlong buwan hanggang isang taon, o mas matagal
pa, depende sa kagustuhan ng madla.

Ang mga teleserye ay kasalukuyang ginagawa ng ABS-CBN, samantalang


Dramaseryes naman para sa TV5 Philippines at Teledramas naman para sa GMA
Network. Ang mga ito ay karaniwang co-produced ng TAPE Inc., at ng isang film
studio, VIVA Entertainment.

Mayroon ding ibang anyo ang Philippine Drama. Kabilang na dito ang
“serials” at “anthologies” na karaniwang ipinapalabas linggu-linggo. Ang mga
dramang ito ay ineere ng may hangganang bilang ng mga episodyo na
karaniwang tumatagal ng isang season depende sa kagustuhan ng madla.
(https://tl.wikipedia.org/wiki/Teleserye)

PAGPAPAHAYAG NG MGA SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang kagustuhan ng mga mag-
aaral sa kanilang panonood ng telebisyon sa gabi. At ang ibang mga dahilan
kung bakit nila nagustuhan ang palabas ng naturang himpilan.
At sila ay tinanong ng mga sumusunod na katanungan:

1. Anong himpilan ng telebisyon ang pinapanood mo?


2. Ano ang mga dahilan kung bakit mo ito pinapanood?
3. Anong teleserye ang pinapanood mo?
4. Ano ang katangian ng isang teleserye o soap opera na kinagigiliwan ng mga tao?

2|Page
5. Ano ang mga pang karaniwang tema ng mga paksa o tema ng mga

teleserye o soap opera?

6. May makabuluhang kaugnayan ba ang mga paksa o tema ng mga teleserye

sa mga personal na katangian na

7. May makabuluhang kaugnayan ba ang paksa ng mga teleserye sa pang-

araw-araw na buhay?

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa pagsusuri ng reaksyon ng mga tao sa

pinapanood nilang teleserye o soap opera at ang kaugnayan nito sa kanilang

pang-araw-araw na buhay.

Ang mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral

sa sekondraya ng St. John Fisher School – Imus, mula ika 7 baitang hanggang

sa ika 10 baitang lamag.

At ang pag-aaral na ito ay itinuon sa (60) animnapu mag-aaral lamang.

3|Page
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang tukuyin kung ano ang

pinapanood na teleserye o soap opera sa pang-araw-araw ng mga piling mag-

aaral ng Junior ng St. John Fisher School. Layunin din ng pag-aaral na ito

kung ang ibat ibang mga dahilan kung bakit nila pinapanood ang naturang

teleserye.

HYPOTESIS MG PAG-AARAL

Walang makabuluhang kaugnay sa pagitan ng Tanyag na Telesrye at


ng mga mag-aaral sa sekondarya ng St. John Fisher School

DEPINISYON NG MGA KAHULUGAN O TERMINO

HIMPILAN / ISTASYON - tumutukoy sa isang uri ng komunikasyong


pangtelebisyon at pangradyo na gumagamit ng signal para makarating sa tao
ang mensahe.

SERYE - putol na kwento na patuloy na pinapalabas sa radio man o telebisyon.

SOAP OPERA- programa sa telebisyong na binubuo ng serye ng mga palabas.

TELESERYE - isang panooring pantelebisyon na may iba·t-ibang tema. Ito ay


nagmula sa salitang tele na pinaikling ´telebisyon at serye ´series. Ito rin ay
Pilipinong katawagan sa soap opera.

St. John Fisher School – Isang paraalan na nag bibigay ng kumpletong kurso sa
k12.

4|Page
KONSEPTO NG BALANGKAS

Mga mag-aaral ng SJFS

Himpilan ng Telebisyon Baitang


Pinakatanyang na Teleserye Gulang

Kasarian

5|Page

You might also like