You are on page 1of 7

Unang Bahagi

INTRODUKSYON

Rasyunal

Ang tuloy-tuloy na pakikibaka sa pamumuhay ng tao sanhi ng nagbabagong

panahon, karanasan, modernisasyon at iba pa ay nakapagbabago rin sa wika na

nakaaapekto sa pagiging indibidwal at sa lipunang ginagalawan. Ang pagbabagong

ito ay maaaring kaganapang panloob at panlabas ng pisikal na kapaligiran na

makapagdudulot ng pagbabago sa kasaysayan, kultura, at wika mismo.

Nagbubunsod rin ng malaking impak sa tao dahil sa kanyang pangangailangang

umakma sa paligid. Unang naging kaisipan sa larang ng sosyolinggwistika ang

hakang ang wika ay wikang panlipunan at pang-indibidwal, na ayon kay Sapir (1949)

ay maituturing na gamit o kasangkapan sa sosyalisasyon.

Ayon nga kay Almario mahalagang alagaan ang wikang katutubo, na

kabilang din sa mga pinagbabatayan ng pambansang wika ng Filipino. Dagdag pa

niya, kung hindi natin ito alagaan, nanganganib ito. At kung pababayaan, maaaring

maglaho pa nang tuluyan. Kapag naglaho ang isang wika, tila may isang tahanan o

isang bodega n gating mga alaala at tradisyon ang nawawala at di na mababawi

kailanman. Ang wikang Bagobo ang isa sa mga wikang sa kasalukuyan ay

nanganganib na maglaho kaya mahalagang itoy pagtuunan ng pansin upang

manatiling buhay at mapreserba upang magamit sa susunod na henerasyon.

Ang wika ay isang produktong sosyal ng kakayahang magsalita at koleksyon

ng mahahalagang kombensyon na binuo at ginamit ng isang grupo para magamit

ng indibidwal (Sausurre). Binigyan naman ito ng tugon ni Frantz Fanon, kaakibat ng

pagsasalita ng isang wika ang pagpapakilala ng isang kultura sa mundo. Sa

ganitong paniniwala kung gayon direktang maiuugnay ang etnisidad ng Pilipinas sa


mga katutubong wika nito. Samakatuwid malaki ang impluwensya ng lipunan sa

wikang kanilang natutuhan habang lumalaon.Maliban sa wikang kanilang sinasalita

ay mayroon pa silang ibang wika na sinasalita, na sa maagang edad ay natutuhan

na ng mga bata.

Sa kasalukuyan, marami ng nagaganap na pagbabago sa lipunan hindi

lamang sa teknolohiya, maging sa wikang sinasalita ng mga tao sa isang pangkat.

Batay sa pahayag ni Ocampo (2002) ang pananalita ay isang panlipunang

pagkakakilanlan, ginagamit ito sadya man o hindi para tukuyin ang pagkakabilang sa

ibat ibang panlipunang pangkat o ibat ibang komunidad ng tagapagsalita o speech

community. Sinuportahan naman ito ni Labov (2004) nagkakaroon ng isang speech

community kung may isang pangkat ng mga taong nagkakaunawaan sa layunin at

istilo ( salita, tunog, ekspresyon) ng kanilang pakikipagtalastasan sa paraang sila

lamang ang nakakaalam at hindi nauunawaan ng taong hindi kabilang sa kanilang

pangkat.

Sa kasalukuyang panahon ang pamahalaan ay may mga programang

ibinibigay sa mga katutubo dito sa Lungsod ng Davao, ngunit itoy nakatuon lamang

sa pagpapayaman sa paniniwala. Sa paniniwala ng mga mananaliksik ay

kinakailangan din na pagtuonan ng pansin ang wikang sinasalita ng mga katutubo.

Ang Bagobo Tagabawa na nagmula sa Catigan Toril na sentro ng pag-aaral ay

napansing dahan dahang nawawala ang wikang Bagobo at hindi na kariringgan na

sinasalita . Partikular na ang mga mag-aaral dahil kinakitaan na ikinakahiya nila

ang pagsasalita ng kanilang dayalekto.


Layunin ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matugunan ang mga

sumusunod na layunin:

1. Ano ang inyong karanasan ukol sa paggamit ng inyong katutubong wika sa

pakikipagtalstasan.

2. Ano ang persepsyon ng ibang pangkat sa inyong katutubong wika at paano ito

nakaapekto sa inyong sarili at maging sa pamumuhay?

3. Ano ang iyong mairerekomenda sa kasamahan mong katutubo upang

mapanatili ang paggamit ng wika.

Teorya sa Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay iniangkla sa teorya ni Howard Giles, ang

linggwistik convergence at linguistic divergence. Ang mga itoy mga teorya mula sa

SLA (second language acquisition). Tinatalakay ang teoryang ito sa linguistic

convergence, sinasabing nagkaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa

pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok,

pakikipagpalagay-loob, pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa

grupo. Samantalang sa linguistic divergence sinasabing pilit nating iniiba o pilit

tayong di-nakikiisa o kaya’y lalong pagigiit sa sariling kakayahan at identidad.

Ayon naman sa teoryang Sosyolinggwistiko, ang wika ay panlipunan at ang

speech ay pang-indibidwal. Binigyang-diin ni Sapir, ang wika ay isang instrument o

kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihin nito ay ang mga relasyong sosyal ay

hindi iiral kung wala nito.


Kahalagahan ng Pananaliksik

Marami-rami na ring pag-aaral ang isinasagawa ukol sa mga grupong ito

ngunit ang pag-isahing pag-aralan ang ukol sa baryasyon ng kanilang mga wika ay

hindi pa halos natatalakay o nababasa sa mga nakasulat. Mahalaga ang ganitong

paksa upang magamit na basehan sa pagkakatulad at pagkakapareho ng mga

tribung ito. Gayundin ang mapangalagaan ang kanilang mga terminong kultural at

tradisyung pinaniniwalaan na maaaring makatulong din sa pagpapaunlad ng wikang

Filipino. Bilang bahagi ng mamamayang Pilipino, ang mailarawan ang kahalagahan

ng kanilang mga wikain (bilang repositoryo) ay isang hakbang upang makilala at

lalong mapahalagahan ang kanilang etnikong pangkat. Magsisilbi rin itong hanguan

ng mayamang karanasan, kultura at kasaysayan ng bansa lalo na ng mga

BagoboTagabawa.

Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Kagawaran ng Edukasyon, na magsisilbing isa sa mga benepisyaryo, batay

sa magiging resulta ng pag-aaral, magiging daan ito sa mga tagapangasiwa upang

mabatid ang sitwasyong pangwika nng Bagobo Tagabawa.

Ang mga guro, na nagtuturo sa alinmang asignatura, maaaring makinabang

sa pag-aaral na ito, upang magbigyang-pansin ang sitwasyong pangwika ng mga

Bagobo Tagabawa at makakahanap ng estratehiya na makatutulong sa paglago ng

kaalamang gramatika ng bawat mag-aaral.

Sa mga mag-aaral, magulang at sa komunidad, malaki rin ang maitutulong

ng pag-aaral na ito upang mapanatili at mapreserba ang wikang sinasalita ng mga

Bagobo Tagabawa.
Ikalawang Bahagi

RESULTA

Ang bahaging ito ay naglalaman ng kasagutan at impormasyon sa

isinagawang panayam.

Talahanayan 1

IDENTIDAD NG PANGKAT
Mga tanong Informant 1 Informant 2 Informant 3
1. Tawag sa Bagobo Tagabawa Bagobo Tagabawa Bagobo Tagabawa
sarili/pangalan ng
pangkat
2. Kahulugan “People of the
pangalan ng pangkat South”
3. Tawag ng mga “Anda Labot” “Nitibo” “Natives”
katutubo sa mga
taong hindi kabilang
sa kanilang pangkat.

Talahanayan 2

ETNOLINGGWISTIK NA KALIGIRAN
Mga tanong Informant 1 Informant 2 Informant 3
1. Saan unang “Astorga, Davao Del “Catigan, Toril” “Kapatagan, Davao
nanirahan ang Sur” del Sur”
inyong pangkat?
2. Gaano kayo ka “Dugay-dugay na “sukad gepanganak “since birth,
tagal na nanirahan sa pud” ko” estimated 65 years
una ninyong old”
komunidad?
3. Paano kayo “nanghawa me didto “kay naminyo ko “tungod sa
napadpad dito sa kay nay gyera” maong nihawa ko edukasyon”
kasalukuyang didto”
ninyong komunidad?

Talahanayan 3

SITWASYONG PANGWIKA (Deskripsiyon ng Wika)


Mga tanong Informant 1 Informant 2 Informant 3
1. Pangalan ng “Tagabawa” “Tagabawa” “Tagabawa”
Katutubong wika
2. Tawag sa “Anda Sadu ko “Nitibo” “Natives”
tagalabas sa inyong Kanan”
wika?
3. Paano natutunan “genes” “parent” “mga magulang”
ang katutubong
wika?
4. Anong wika ang “Tagabawa” “Tagabawa” “Tagabawa”
inyong ginagamit sa
pakikipag-usap
sainyong mga kapwa
katutubo?
5. Anong wika ang “bisaya ug tagalog” “tagabawa, binol- “bisaya”
inyong ginagamit sa anon ug cebuano”
loob ng tahanan?
6. Bukod sa “bisaya” “Cebuano” “bisaya ug ilonggo,
katutubong wika, tagalog, Filipino,
ano pa ang ibang Giangan”
wika ang inyong
alam?
7. Kailan ninyo “kung kaistorya ang “kung mag meeting “ritwal seremonyas,
ginagamit ang inyong kapwa bagobo” sa Indigent ug pulong”
katutubong wika? interbyuhon sa
chieftain”
8. Ano ang wikang “bisaya” “Tagabawa ug “Tagabawa ug
ginagamit ng mga Cebuano” bisaya”
bata?
9. Gaano sila katatas “dili kaau kabalo” “kasabot sila gamay “katamtaman lang,
sa unang wika? pero dili ka istorya” dili kasabot ug
lalom”
10. Anong taon “kung naa nay buot “2 ka tuig” “3years old”
natututo ang mga ang bata”
bata ng ibang wika?

Talahanayan 4

SOSYOLINGGWISTIKA
Mga tanong Informant 1 Informant 2 Informant 3
1. Wikang sinasalita “Tagabawa” “Tagabawa” “Tagabawa”
ng mga katutubo?
2. Bilang o porsyento “1%” “1%” “0%”
ng mga katutubong
tanging katutubong
wika lamang ang
alam salitain?
3. Saang mga “kung nay salo-salo “kung muadto sa “kung kinsa ang
sitwasyon o sa barangay labaw sentro Toril ug mag kaistorya ug
konteksto ninyo na kung dili mga istoryahanay sa balay ,muadtog syudad”
ginagamit ang ibang bagobo tanan” labaw na kung mga
wika? apo ang kaistorya”
4. Paano nakaapekto “naay mga ka tribo “akong mga anak “nakaapekto siya
sa pagpapanatili namo nga di na genaingnan nako nga gamay kay tungod
sainyong katutubong nagagamit kay dili kalimtan ang pag maulaw ang mga
wika ang pagiging tungod naminyo na istorya ug tagabawa bata mag istorya labi
moderno sa nga dili bagobo, mao pero tungod sa na kung naa sa
kasalukuyang ng usahay sentro Toril sila eskwelahan”
panahon? makalimtan na siya nagpuyo usahay
ug gamit” maulaw ug malimtan
na nila unsaon pag
istorya”

Ikatlong Bahagi

PAGTALAKAY

Ang bahaging ito ay naglalaman ng pagtalay at pagbibigay-linaw sa mga

nabanggit na katanungan

You might also like