You are on page 1of 27

Kabanata 1

MGA SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Sa mundong ating ginagalawan, marami na ang pagbabagong

nagaganap. Dito sa Pilipinas, marami na tayong tradisyon at kaugalian na

nagbago na dulot ng makabagong teknolohiya at impluwensiya ng kultura

mula sa iba’t ibang bansa. Isa na rito ay ang pamamaraan ng panliligaw ng

mga Pilipino.

Ayon sa Wikipedia (2012), ang panliligaw ay isang gawain ng taong

nangingibig o nanunuyo sa isang taong napupusuan niya Isa itong

pamamaraan ng pagpapahayag ng damdamin at pagpapatunay ng malinis

na hangarin upang makamit ng mangingibig ang pagtanggap at pag-ibig ng

kanyang napupusuan. Likas na sa mga Pilipino ang panliligaw, isang

katangian na buhat pa sa ating mga ninuno. Ilang halimbawa nito ay ang

paghaharana at ang panunuyo. Mayroon din namang ibang gumagawa ng

liham ng pag-ibig, dito pinapahayag sa pamamagitan ng isang liham ang

saloobin ng isang manliligaw na hindi niya magawang masabi ng harap

harapan sa kanyang nililigawan.


Ayon naman kay Tom Brown (2011), ang panliligaw ay pinaglalaanan

ng oras at isang matagumpay na pagkilala sa isang tao sapat para

malaman kung silang dalawa ay nararapat na maging mag-asawa.

Sa mabilis na pagbabago ng panahon, dahil na rin sa maraming

kadahilanan, ang istilo at pamamaraan ng panliligaw ng mga Pilipino

ngayon ay nagbago na.

Balangkas Teoretikal

Naging batayan ng pag-aaral na ito ang teoryang sosyolohikal kung

saan ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga

kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan

itinuturing sila bilang boses ng kanilang panahon.

Samakatuwid,ang pag-aaral na ito ay repleksyon o salamin ng mga

nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan.

Paradayn ng Pag-aaral
INPUT

Nais ng mga mananaliksik na malaman ang iba’t ibang pamamaraan ng

panliligaw noon at ngayon kung kaya’t gumawa sila ng mga talaan na

naglalaman ng mga katanungan hinggil sa paksang pag-aaralan.

PROSESO

Ang mga mananaliksik ay magtatanong sa mga piling mga

nakakatanda at mga kabataan sa panahon ngayon batay sa talaan na

ginawa nila upang makakalap ng datos hinggil sa paksang pinag-aaralan.

OUTPUT

Inaasahan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na malaman ang

pagkakaiba at pagkakatulad ng paraan ng panliligaw sa panahon

noon at ng pangkasalukuyan.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pagsusuring ito na maipaghambing ang makabago at

makalumang istilo o pamamaraan ng panliligaw ng mga Pilipino sa


pananaw ng iba’t ibang tao na aming pagtatanungan. Sinasagot din nito

ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Paano nagkakaiba ang makabago at makalumang pamamaraan at

istilo ng panliligaw?
2. Anu ano ang mga pamamaraan at istilo ng panliligaw noon at

ngayon?
3. Alin sa mga pamamaraan ng panliligaw noon ang tinatangkilik

pa rin hanggang ngayon?


4. Ano ang pananaw ng mga kabataan sa pamamaraan ng

panliligaw noon?
5. Ano ang pananaw ng mga matatanda sa pamamaraan ng

panliligaw ngayon?
6. Ano ang pananaw ng mga kababaihan tungkol sa pamamaraan

ng panliligaw noon at ngayon?

Hinuha o Palagay

1. Ang makalumang paraan ng panliligaw ay maraming

dinadaanang proseso upang mapatunayan o mapakita ang iyong

nararamdaman sa iyong nililigawan samantalang sa makabagong

paraan ng panliligaw ngayon, kaunting bola lamang sa iyong

nililigawan ay tiyak makakamit mo ang iyong ninanais na tugon.


2. Isa sa mga istilo ng panliligaw noon ay ang pagtulong sa mga

gawaing bahay ng mga kalalakihan tulad ng pag-iigib ng tubig,

pagtulong sa paglalaba, pagsisibak ng kahoy at iba pa. Sa

istilo naman ng panliligaw ngayon, iniimbitahan ng mga

kalalakihan ang kanilang nililigawan na lumabas at mamasyal

upang makakapagliwaliw bilang pagpapapakitang gilas dito.


3. Ang kinagigiliwan pa rin hanggang ngayon na istilo ng

panliligaw noon ay ang pagbibigay ng mga regalo sa kanilang

nililigawan katulad na lamang ng tsokolate, bulaklak tulad ng

rosas at kung anu-ano pang bagay o pagkain na gusto ng

kanilang nililigawan.
4. Masyadong mahirap ang panliligaw noon na tila ba hindi

makakayanan ng mga kabataan ngayon. Sa kasalukuyan,

masasabi natin na sadyang napakadaling manligaw. Wala na

sigurong kabataan ang nais tumulad sa pamamaran ng

panliligaw noon.
5. Ang panliligaw ngayon ay sadyang napakadali kumpara sa

paraan ng panliligaw noon, sadyang napakaswerte ng mga

kabataan ngayon sapagkat hindi nila naranasan ang paraan ng

panliligaw noon upang makuha lamang ang matamis na “oo”

ng aming nililigawan.
6. Ang panliligaw noon ay sadyang nakakakilig at talagang

mapapatunayan ng manliligaw na mahal niya ang kanyang

nililigawan, kumpara ngayon na sa text at chat na lang

nanliligaw ang mga lalaki kaya hindi mo malalaman kung sila

nga ay seryoso o hindi sa kanilang ginagawa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa kabataan, ang pananaliksik na ginawa ay naglalayong ipaunawa

ang pagkakaiba ng paraan ng panliligaw sa panahon nila ngayon sa

pamamaraan ng mga nakatatanda noon. Nais ipabatid ng mananaliksik

ang mga epektibong pamamaraan ng panliligaw noon na maari pa ring

gamitin sa ngayon.

Sa mga magulang, ang pananaliksik ay ginawa upang magkaroon

sila ng ideya sa sistema ng panliligaw ng mga kabataan,na maaaring

kinabibilangan ng kanilang mga anak, sa panahon ngayon at upang

maipabatid din sa kanila ang pananaw ng mga kabataan sa pakikitungo sa

kasalungat na kasarian upang mas magabayan pa nila ang mga tinedyer

sa larangan ng panliligaw.
Sa iba pang mananaliksik, maaring magsilbing bago at karagdagang

impormasyon ang pananaliksik na ito sa kanila na naghahanap ng datos

para sa kanilang pag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa sitwasyon, damdamin at

pananaw ng ilang kabataan at ilang nakatatanda sa pagkakaiba ng

pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon. Saklaw nito ang labinlimang

nkakatatandang kalalakihan na nagtatrabaho sa kompanyang MERALCO

at tatlumpu’t limang kabataan na kasalukuyang nag-aaral sa Rizal

Technological University. Hindi magbibigay ng pangalan ng mga

respondent bilang respeto sa kanilang personal na pamumuhay.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa labinlimang manggagawa sa

MERALCO at dalawampu’t limang estudyante sa unibersidad sapagkat

sila na ang pinakamalapit na respondente na makakatugon sa

pangangailangan ng pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay

lamang sa proseso ng panliligaw noon at ngayon at hindi na tatakayin pa

ang mga pangyayari ng nagaganap matapos ang proseso ng panliligaw.


Katuturan ng mga Terminolohiya

 Tradisyon ang tawag sa mga namanang kaugalian.

 Kultura ay ang tradisyon o paniniwala na natutunan ng tao

mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang

kanyang kinabibilangan.

 Istilo ay uri ng pamamaraan na ginagamit ng isang tao sa

araw-araw.

 Pagtangkilik ay ang pagsuporta sa isang produkto o kaisipan.

 Tuklasin ay ang kakayahan na alamin o kilalanin ang tao, mga

bagay o pangyayari.

 Manggagawa ay tumutukoy sa mga taong nagtatrabaho sa mga

institusyon o kompanya

 Sitwasyon ay ang pangkalahatang kalagayan ng isang tao sa isang

lugar o pangyayari
Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal

na mga babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral.

Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang mga literatura

at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan

ang kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa kung ano ang panliligaw

sa panahon noon at ngayon.


Literatura

Ayon sa isang entry sa social networking site na tumbler, ang

panliligaw daw ay isang yugto sa buhay kung saan ang dalawang tao

ay kinikilala ang bawat isa hanggang sa madebelop sa isang

romantikong relasyon. Saanmang lugar, anumang oras, may dalawang

nilalang na pagtatagpuin at ang isa sa kanila ay nakatakdang

maranasan ang panliligaw sa natitirang isa pa.

Ayon kay sa elektronikong blog ni Abner (2011), inilarawan niya

ang uri ng panliligaw na mayroon noong naunang mga panahon.

Aniya, ang panliligaw ng lalaki ay ginagawa sa pamamagitan ng

panghaharana kasama ng kanyang barkada na pupunta ang binata

sa bahay ng dalagang kanyang sinisinta, bitbit ang kanilang gitara at

lakas ng loob. Sa tapat ng durungawan ng babae, idaraan ng lalaki

ang kanyang pagsinta sa pamamagitan ng pag-awit, kahit sintunado’t

pipiyuk-piyok ang boses at pulos palya ang paggigitara. Minsan

magtatagumpay ang binata’t makukuha ang matamis na ‘oo’ ng

dalaga (pati ng mga magulang, ngunit daraan ang binata nyan sa

butas ng karayom), minsan naman nabubuhusan sila ng balde ng

tubig mula sa bintana, akala kasi mga asong nag-aaway (may mga
nagsabi naman na arinola ang ibinubuhos). Ayon din sa kanya

nababaon na ang ganitong klase ng tradisyon dahil sa teknolohiya.

Kung dati’y tutungo pa ang binata sa tahanan ng dalaga, ngayon ay

tatawagan, itetext o ifeFacebook na lang. Hindi na rin niya kailangan

awitan ang dalaga. Dalhin mo lang sa Enchanted yan at regaluhan

ng Blue Magic na stuffed toy, kayo na. Minsan nga, at mas

dumadalas na rin, babae pa ang umaakyat ng ligaw. Nagbabago ang

kalakaran ng tao kasabay ng pagbabgo ng panahon.

Ayon naman kay Miss Sassy Girl (2008), masasabi lang na

nanliligaw ang isang lalaki kapag sinabihan na niya ang kanyang

nililigawan na mahal niya ito. Ayon pa kay Ronald Molmisa (2010),

ang kahandaan sa panliligaw ay hindi usapin ng edad o tagal ng

pagiging single. Mas mahalagang malaman kung nasa tamang

kundisyon ang pagkatao, puso at isip ng isang tao.

Ayon kay Judy Garland, kaya niyang mabuhay ng walang pera

ngunit hindi ang pag-ibig. Sa anumang henerasyon ng tao, makikita

natin handang gawin ng isang manliligaw ang lahat upang mapasagot

ang kanyang sinisinta.


Pag-aaral

Ayon sa isang pananaliksik, ang paraan ng panliligaw sa

Pilipinas ng isang lalaki sa kanyang sinisinta ay para na ring

panliligaw sa kanyang buong pamilya. Niyaya rin ng isang manliligaw

na lumbas hindi lang ang kanyang nililigawan, kung hindi pati na rin

ang mga kaibigan nito. Ang panliligaw ay paglalaan ng oras ng

dalawang tao sa isa’t isa upang kilalanin ang pamilya at kaibigan ng

bawat isa ayon din sa pananaliksik ng Sisters.

Ayon sa pananaliksik ng grupo ni Ms. Kristen (1999), ang mga

edad ng mga taong interesado sa panliligaw ay sa edad ng mga

nag-aaral sa kolehiyo o isang estudyante. Ang panliligaw ayon rin sa

kanya ay isang gawain na naiimpluwensyahan ng oras, kundisyon ng

paligid, kultura at institusyon na kinapapaligiran ng isang tao.


Kabanata 3

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang naisagawang pag-aaral tungkol sa makaluma at makabagong

pamamaraan o istilo ng panliligaw ay gumamit ng deskriptibong

metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong

pananaliksik,ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive-

Analytic Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan para

makalikom ng datos. Nagsagawa rin ang mga mananaliksik ng pag-

iinterbyu sa mga respondente. Naniniwala ang mga mananaliksik na

angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkatmas mapapadali

ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondante.

Paraan ng Pagpili ng mga Tagatugon


Ang mga piniling tagatugon ng mga mananliksik sa pag-aaral na ito

ay mga piling mag-aaral sa unang taon ng College of Engineering and

Industrial Technology, Electrical Engineering Department sa Rizal

Technological University sa ikalawang semester sa taong akademiko 2011-

2012. Apatnapu lamang o halos 25 porsiyento ng kabuuang bilang ng mag-

aaral an gaming piniling tagatugon dahil sa malaking bilang ng mga mag-

aaral sa unang taon.

Pumili rin ang mga mananaliksik ng ilang tagatugon mula sa labas ng

unibersidad. Pumili ang mga mananaliksik ng dalampung piling empleyado

ng MERALCO-Pasig Metering Services Department bilang tagatugon sa

aming pananaliksik. Ang mga piniling tagatugon ay 50 porsiyento ng bilang

ng empleyado sa departamento at napili upang mas makakuha ang mga

mananaliksik ng konkreto o mas tiyak na kasagutan.

Paglalarawan ng mga Tagatugon

Ang mga napiling tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga

kabataan na may-edad labing anim hanggang labing siyam na taong

gulang at ang mga nakakatatandang tagatugon ay mayroong edad treinta

hanggang sikwenta anyos. Sila ang napili ng mga mananaliksik sapagkat


sila ang pinakamadaling lapitan at epektibong mapagkukunan ng

impormasyon.

Instrumentong Ginamit

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pag-iinterbyu

sa mga tagatugon. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng gabay na mga

tanong na naglalayon na makapangalap ng datos upang masuri ang iba’t

ibang pananaw sa mga makaluma at makabagong pamamaraan ng

panliligaw ng mga Pilipino.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang

mananaliksik sa iba’t ibang hanguan sa aklatan. Kumuha rin ang mga

mananaliksik ng ilang impormasyon mula sa elektronikong sanggunian.

Tritment ng Datos

Ang pamanahong papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang kung

kaya’t walang ginawang pagtatangka ang mga mananaliksik upang masuri

ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mataas at kompleks


na na istatistikal na pamamaraan. Kalagayan at damdamin lamang ng

mga respondenteng tumugon sa talatanungang ipinagkaloob sa kanila ng

mananaliksik. Ang bilang o dami ng pagsagot ng bawat aytem sa

talatanungan ang inalam ng mananaliksik. Samakatuwid, ang pagta-tally at

pagkuha ng porsiyento lamang ang kakailanganing gawin ng mga

mananaliksik. Dahil apatnapu lamang ang napiling respondent, magiging

madali para sa mananaliksikang pagkuha ng porsiyento.

Pormula:

Bahagdan = (f/N) X 100

Kung saan : f= frequency o dalas ng sagot

N = bilang ng respondente
Kabanata 4

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Matapos ang masigasig na pangangalap ng mga datos ng

mananaliksik, sa tulong din ng mga respondante na sumagot sa gabay na

talatanungang ginawa, narito ang ilang tala ng mga datos na kanilang

nakuha.
Apatnapung porsyento o dalawampu sa limampung respondante ang

babae, samantalang tatlumpu o animnapung porsyento naman sa napiling

respondante ang kalalakihan.

Minabuti ng mga mananaliksik na pumili ng mas maraming lalaking

respondante sa pag aakalang mas maraming makakalap na datos ang

mga mananaliksik sa mga lalaking respondante base sa kanilang

karanasan.

Animnapu’t tatlong porsyento (63%) naman ng mga respondante ay

mga kabataan na nasa edad kinse hanggang dalawampu’t dalawang taong

gulang; at tatlumpu’t pitong porsyento naman ay mga nakatatanda na nasa

apatnapung taong gulang o higit pa.

Pansinin ang sumusunod na graf.


NOON NGAYON
Buwan, Linggo, Araw o minsan Oras na
Taon ang tinatagal ng ligawan lang ang panliligaw
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate
Pagbisita sa bahay ng nililigawan Sa eskwela o minsan sa klase
Panghaharana Pagpapahaging sa videoke
Paggamit ng tulay Paggamit ng cellphone
Paggawa ng tula at liham ng pag-ibig Pagpasa ng love quotes
Kailangan ng pahintulot ng mga Kailangan ng pahintulot ng mga
magulang kaibigan
Talahanayan

Ipinapakita sa naturang talahanayan ang pagkakahawig at at

pagkakaiba ng pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon. Mapapansin na

dahil sa pagbabago ng pamumuhay ng tao dito sa mundo, nagbabago rin

ang pamamaraan ng panliligaw.

Sa isinagawang talatanungan ng mga mananaliksik, kanilang

natuklasan na marami pa ring istilo ng panliligaw noon ang mabisa pa rin

hanggang ngayon. Narito ang talaan ng mga istilo ng panliligaw noon na

epektibo pa ring gamitin ngayon.


Ayon sa naturang graf, dalawampu’t limang porsyento (25%) ng mga

respondante ang nagsasabing pinaka mabisa pa ring paraan ng panliligaw

ang pagbibigay ng bulaklak at regalo ng isang manliligaw sa kanyang

nililigawan.sumunod naman na may tig dalawampu’t apat na porsyento

(24%) ang pagdalaw sa bahay ng nililigawan at pagtawag sa telepono o

pagtetext. Ang pagbibigay naman ng sulat ng pag-ibig ay may labing siyam


na porsyento (19%), samantalang ang pagyayayang kumain sa labas ay

nakakuha ng walong porsyento mula sa mga respondante.


Ayon sa graf 4-b, limampu’t apat na porsyento (54%) o dalawampu’t

pito sa kabuoang limampung respondante ang nagugustuhan pa rin ang

makalumang pamamaraan ng panliligaw. Karamihan ditto ay mga babae

na makikita sa graf 4-a. Dalawampu’t walong porsyento naman ang

nagsasabing mas maganda ang makabagong pamamaraan ng panliligaw

ngayon, samantalang may labing walong porsyento ng respondante ang

nagsasabing dumedepende lang sa sitwasyon kung aling pamamaraan ng

panliligaw ang mas magugustuhan nila.

Paglalagom ng Natuklasan

Sa pag-aaral tungkol sa mga pamamaraan ng makabago at

makalumang pamamaraan ng mpanliligaw; Batay sa mga nakalap na datos

ng mga mananaliksik, napag alamang marami pa rin sa mga kababaihan

ang naniniwalang mas magandang pamamaraan ng panliligaw ang

makalumang pamamaraan. Sapagkat mahaba ang proseso noon ng

pagliligawan, magkakakilanlan ng husto ng manliligaw at kanyang

nililigawan. At higit sa lahat, marararamdaman ang sinseridad ng

manliligaw dahil sa kanyang pagtitiyaga. Sabi nga ng iba, seryoso daw ang

mga manliligaw noon, hindi kagaya ngayon.


Iyon din ang palagay ng mga nakatatanda, ibang iba na daw ang

pamamaraan ng panliligaw ngayon. Halos wala na raw kahirap hirap ang

mga manliligaw ngayon. Minsan pa nga ay lalaki pa ang nililigawan.


Kabanata 5

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Batay sa mga nailahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong

sa mga sumusunod na konklusyon at rekomendasyon:

Konklusyon

Sa pag-aaral tungkol sa mga pamamaraan ng makabago at

makalumang pamamaraan ng panliligaw, masasabing malaki na nga ang

pagbabagong naganap sa pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon.ilan

sa mga ito ay dahil sa impluwensiya ng mga kultura ng ibang bansa; at ang

ilan ay dahil na rin sa pagbabago ng teknolohiya.

Sa ginawang pananaliksik, napag-alaman ng mga mananaliksik na

mas nagugustuhan ng mga kababaihan ang makalumang pamamaraan ng

panliligaw kumpara sa makabagong pamamaraan. Marahil ay nakikita kasi

ng isang babae kung gaano kapursigido ang mga manliligaw noon. hindi

katulad sa panahon ngayon na masyado na tayong nagmamadali. Kaya’t

kadalasan ay hindi nagtatagal ang isang relasyon dahil sa hindi pa lubos

na magkakilala ang isang manliligaw at ang kanyang nililigawan.


Mayroon din namang ilang pamamaraan ng panliligaw noon na

nananatili pa ring epektibo hanggang ngayon. Isa na rito ay ang pagdalaw

ng manliligaw sa tahanan ng kanyang nililigawan. Magpapakilala ang isang

manliligaw sa pamilya ng kanyang nililigawan lalo na sa magulang ng

kanyang nililigawan, Sa ganitong paraan kasi ay malaki ang pag asa ng

isang manliligaw na mapasagot ang kanyang nililigawan sapagkat

naipapamalas ng manliligaw ang kanyang katapatan at malinis na

hangarin.

Rekomendasyon

Matapos ang isinagawang pag-aaral tungkol sa pagkakaiba ng mga

pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon, iminumungkahi ng mga

mananaliksik na huwag nating tuluyang kalimutan ang istilo o pamamaraan

ng panliligaw noon. Bagama’t mabilis ang pagbabago ng teknolohiya na

dahilan upang magbago na rin ang pamamaraan ng panliligaw ngayon.

Nais ng mananaliksik na ipaalam sa mga kabataan at sa mga susunod pa

kung ano ang dating ng makalumang pamamaraan ng panliligaw.

Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik na sa pag-aaral na gagawin

sa hinaharap ay magkaroon ng mas detalyadong pananaliksik at


magsagawa ng sarbey ukol sa pahahambing ng pamamaraan ng

panliligaw noon at ngayon.

You might also like