You are on page 1of 1

RICA U. ALQUISOLA BB. JENALYN J.

AMAN

4C1

BOOK-LAT
BY LOURD DE VEYRA

Ang pagbabasa’y hindi maitatangging bahagi na ng ating pang-

araw-araw na pamumuhay. Sa dokumentaryong ginawa ni De Veyra

na aming napanood ay tila bigla akong nagising at napagtanto kong

kailangang kawilihan ko ang gawaing pagbabasa dahil sa gawaing ito

marami akong matututunan na makatutulong sa aking pagtuturo sa

hinaharap.

Sa dokumentaryong tungkol sa pagbabasa ni De Veyra na

pinamagatang Book-Lat, nagbigay ng inspirasyon at panibagong

pananaw sa buhay ang mga istorya ng mga taong gumagawa ng

hakbang upang kawilihan at gawing bahagi ng pang-araw-araw na

pamumuhay ng mga tao ang gawaing pagbabasa. Sa kanilang mga

kwento, nagkaroon ng malaking impak sa aking pagkatao ang mga aral

na kanilang ibinahagi na walang imposible basta ito’y pagtitiyagaang

makuha at matutunan tulad na nga lang ng isang organisasyong The

Storytelling Project na nagpupunta sa iba’t ibang lugar upang

kwentuhan at turuang magbasa ang mga bata.

You might also like