Professional Documents
Culture Documents
EPP5HE-Oj-30
PAGHAHANDA NG MESA AT PAGHAHAIN SA HAPAG KAINAN
Nilalaman:
Sa araling ito matutunan ng mga bata ang pagtiyak na maging maayos at
maganda ang paglalagay at pagdudulot ng pagkain. Ang oras ng pagkain ay higit na
kawili-wili kung ang mga pagkaing nakahain ay inihanda, niluto,at idinulot sa wastong
paraan.
I. LAYUNIN :
1.Naipaliliwanag ang dapat tandaang mga alituntunin sa paghahanda ng mesa at
paghahain sa hapag kainan.
2. Naipapakita ang tamaang paraan ng paghahanda ng mesa at paghahain.
II. PAKSANG ARALIN :
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
2. Magdaos ng dula-dulaan kung saan ipakikita ang sumusunod:
a. Pangkat 1 Paghahanda ng mesa (Paglalagay ng telang panapin).
b. Pangkat 2 Paghahain ng pagkain (Family style)
c. Pangkat 3 (Buffet Style).
d. Pangkat 4 (Individual Cover).
3. Isa-isang magtatanghal ang bawat pangkat.
4. Habang nagsasagawa ang isang pangkat, ang ibang pangkat naman ay
magmamasid.
5. Kapag tapos na ang lahat, magbibigay ng puna ang isang kasapi ng
bawat pangkat at ang guro. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbibigay
ng puna.
D. PAGLALAHAT
1. Anu-ano ang mga alituntunin na dapat sundin sa paghahanda ng mesa at
paghahain ng pagkain?
2. Ipaliwanag ang kahalagahan nito.
IV. PAGTATAYA:
A. Iguhit ang wastong pagkakalagay ng mga kagamitan sa pagkain sa isang
cover.
KARAGDAGANG SANGGUNIAN
Umunlad sa Paggawa pahina 84-85