You are on page 1of 2

Ang sampung halimbawa ng salawikain at ang kahulugan ng mga ito:

1. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.

Kahulugan:

Sinasabi dito na huwag masyadong magastos at magwaldas ng pera sa mga bagay na hindi kailangan at
bukas ay wala ng natira o ipon para sa sarili.Mas maganda na sabihan ka ng kuripot kesa naman
pagdating ng araw ay wala na sa iyong matira.

2. Pag di ukol ay hindi bubukol.

Kahulugan:

Ayon sa kahulugan nito kapag hindi nakalaan sayo ang isang bagay o nakatakda ay hindi ito mangyayari
o magaganap. Parang sa pag-ibig kung hindi talaga para sayo ang isang tao huwag mo nang
ipagpilitan,Manalig ka na merong tao na talagang para sayo maghintay ka lamang. Huwag mon ang
ipagpilitan ang sarili mo taong hindi naman talaga naka laan para sa iyo.

3. Kung walang tiyaga,walang nilaga.

Kahulugan:

Ang kahulugan nito ay tungkol sa isang tao na walang pagsasakripisyo para sa sarili at walang pagsisipag
sa isang gawain at kinabukasan ay walang biyaya na matatangap. Kaya huwag tatamad tamad,matutong
magbanat ng buto para sa magandang kinabukas ng iyong pamilya at para narin sa iyong sarili.

4. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda.

Kahulugan:

Ang ibig ipakahulugan nito ang hindi marunong magpahalaga sa wikang ginagamit ay higit pa sa asal na
walang ugali at hindi makabansa sa puso at isipan

5. Ang gawa sa pagkabata, Dala hanggang pagtanda.

Kahulugan:

Ang paliwanag nito ay tungkol sa isang ugali na kung saan ang siyang kinasanayan mula nuon bata pa
siya ay naging gawi ng siya ay nagka-edad na.

6. Ang tunay na kaibigan, Nakikilala sa kagipitan.


Kahulugan:

Sinasabi dito ang tunay na kaibigan nakilala sa kung kailan nangangailangan ka ng tulong ay handa siyang
tumulong at magmalasakit at umunawa sayo.

7. Aanhin mo ang palasyo, Kung ang nakatira ay kuwago? Mabuti pa ang bahay kubo, Ang naktira ay tao.

Kahulugan:

Sinasabi dito na munting kubo lamang ang tirahan ng isang tao at may Mabuti siyang puso kaysa sa
taong naninirahan sa magandang tahanan na masamang ugali. Hindi sa istado ng buhay ng tao
nasusukat ang ugali nito.

8. Ang bayaning nasugatan, Nag-iibayo ang tapang.

Kahulugan:

Sinasabi dito na munting kubo lamang ang tirahan ng isang tao at may Mabuti siyang puso kaysa sa
taong naninirahan sa magandang tahanan na masamang ugali. Hindi sa istado ng buhay ng tao
nasusukat ang ugali nito.

9. Ang taong nagigipit, Sa patalim man ay kumakapit.

Kahulugan:

Ang taong masyadong nagigipit sa isang bagay at walang maiisip na paraaan ay nakakaisip ng gawain na
masama at hindi magandang asal.Ang ilan sa atin dahil sa mga problemang dumadating sa kanilang
buhay sa kawalan ng pag asa kung papaano malulusutan ang mga ganung bagay,kahit sa masamang
paraan ay kumakapit at naninindigan sila para lamang maresolba ang mga problemang kinakaharap nila.

10. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.

Kahulugan:

Kahit na tahimik at walang imik ang isang tao ay malalaman padin ang gawi nito. May mga taong kung
titingnan mo sa panglabas na anyo ay mabait,at mapagkakatiwalaan,ngunit hindi mo nalalaman na sa
panglabas pala niyang kaanyuan ay may nakatagong hindi magandang asal.

You might also like