You are on page 1of 1

 Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa wastong paggamit (ayon

sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap na
nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga
salita.
 Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.

 Itinuturing si Tomás Pinpín na “Ama ng Paglilimbag” sa Filipinas dahil siyá ang unang tanyag at
kinikilálang manlilimbag na katutubo nang ipasok ang imprenta ng mga Espanyol.
 Ang Artes y reglas de la lengua tagala (ár·tes i rég·las de la léng·gwa ta·gá·la) ang unang
nalathalang pag-aaral sa katangian at gramatika ng isang wikang katutubo sa Filipinas
 Inihanda para sa susunod na mga kapuwa misyonero upang higit siláng mabilis matuto ng wika ng
katutubo
 Naging patakaran ng mga misyonero sa Filipinas na silá ang mag-aral ng wika sa pook ng kanilang
destino sa halip na sapilitan niláng ituro ang Español sa mga Indio.
 Dahil dito, mga misyonero ang unang nag-aral at sumulat ng gramatika ng mga wikang katutubo na
ginamit nilá sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
 Napakahalaga nitó sa naganap na preserbasyon ng mga wikang katutubo sa Filipinas sa kabilâ
ngtatlong dantaon ng kolonyalismong Español.

 Balarilang Iloka- Arte de la Lengua Ilokana (The Art of the Ilokano language) the first Ilocano
grammar book by Francisco Lopez.
 Gramatica Hispano- Ilocana- Nagsilbing aklat ng balarila ng wikang Espanyol at Ilocano

 Balarilang Kapampangan- Vocabulario de la Lengua Pampanga- makikita sa talasalitaan na ito


ang karamihan sa mga salita, maging katutubong o banyaga, na kasama sa bokabularyo ng
Kapampangan.

 Karagatan- Ang singsing diumano ay nahulog sa dagat at ang binatang makakakuha nito ay
magiging mapalad sa pag-ibig ng dalaga. May isang magpapasimuno upang masimulan ang laro.
 Duplo- ginaganap ang dulang ito sa bakuran ng namatayan, sa ikasiyam na gabi matapos mailibing
ang yumao bilang pang-aliw sa mga naulila.
 Komedya- ito ay tungkol sa pakikipaglaban ng mga Kastila sa mga moro na minsang sumakop sa
Espanya at naninirahan sa isang lugar sa hilaga ng Iverian Peninsula
 Pamamanhikan- magdadala ang mga kamag-anak ng lalaki ng kaunting handa, alak at pagkain
upang pagsaluhan habang nag-uusap ang mga magulang nila. Pag-uusapan ditto ang
pagpapakasal ng kanilang mga anak. Tinatawag ding panunuyo.

You might also like