You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN

FILIPINO 7
ARALIN 1.2.3 AWITING BAYAN NG KABISAYAAN AT BULONG
(ANTAS/BARAYTI NG WIKA)

I. LAYUNIN:
(F7WG-IIa-b-7). Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit
sa pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin,
pormal)
K- Natutukoy ang antas/barayti ng wika.
A- Nakikibahagi sa talakayan tungkol sa iba’t – ibang uri ng antas/barayti ng
wika.

II. PAKSANG ARALIN:

A. Paksa: Antas/ barayti ng Wika


B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 3,
C. Kagamitan: Sipi ng mga halimbawa ng antas ng wika
Manila Paper, Pentel Pen, Packaging Tape

III. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK
Pagpapakita ng guro ng isang sipi ng awiting “Bebot”. At ipapaawit
ito sa mga mag-aaral.
Tanong:
1. Pansinin ang pamagat ng awitin,ano ang masasabi mo tungkol dito?
2. Sa ano-anong pagkakataon o saang lugar mo maaaring marinig ang
salitang dalaga? Ang salitang bebot?
3.Sa iyong palagay, alin kaya sa dalawang salita ang gagamitin sa pormal
na pagkakataon tulad ng sa paaralan o sa mga panayam o seminar?
Alin naman kaya ang gagamitin ng magkakabarkada habang sila ay
nagbibiruan at nagkukuwentuhan sa kanto?____________.
(Pinagyamang Pluma 7 Pahina 159-160)

B. PAGLALAHAD

Alam Mo Ba…

Filipino ang wikang pambansa subalit kung magiging mapanuri at


makikinig ng mabuti sa taong nagsasalita nito, mapapansing hindi iisa ang uri
ng Filipinong umiiral sapagkat lumilitaw ang antas/ barayti ng wika dala rin ng
pagkakaiba ng kapaligiran, panahon, lugar at kakanyahan ng taong
nagsasalita. Mababasa sa ibaba ang ilan sa mga barayti ng wikang Filipino.
Mga Salitang Impormal o Di-pormal- mga salitang karaniwang
ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan. Ito ay nauuri sa
tatlo:
1. Balbal- mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t
madalas na tinatawag ding salitang kanto/kalye/lansangan.

Ang salitang Balbal ay nabubuo sa iba’t-ibang paraan tulad ng:

1. Pagkuha ng dalawang huling pantig ng salita


Halimbawa:
Amerikano- Kano Pilipino- Pinoy
2. Pagbaliktad ng mga titik at pantig ng isang salita.
Halimbawa:
Tigas-astig bata-atab
3. Pagkuha ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng iba pang
kahulugan
Halimbawa:
toxic- maraming trabaho/ ginagawa
superman-kayang gagawin nang sabay-sabay
4. Pagbibigay-kahulugan –mula sa katunog na pangalan
Halimbawa: Carmi Martin – Karma
Bagets- kabataan lespu-pulis
Charing- biro nenok-nakaw
Datung- pera sikyo-gwardiya

2. Kolokyal(Colloquial)- ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas


ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama
Halimbawa:
paano= pa’no Wika nga= ‘ika nga
pare=pre tayo na= tana
nasaan=nasan
=pagsama-sama ng dalawang wika tulad ng tagalong at Ingles o Taglish o
Taglog- Espanyol
Halimbawa:
 A-atend ka ba ng birthday ni Lina?(Taglish)
 Hindi, may gagawin kami sa eskwelahan. (Tag-Espanyol)

3. Lalawiganin ( Provencialism) – mga salitang karaniwang


ginagamit sa mga lalawigan o probinsya o kaya’y particular na pook
kung saan nagmula o kilalaang wika. Kapansin-pansing ang mga
lalawiganing salita ay may taglay na kakaibang tono o bigkas na
maaaring magbigay ng ibang kahulugan dito.
Halimbawa:
Ambot (Bisaya)= “ewan’’ ngarud(Ilocano)=”nga”
Kaon (Bisaya)=”kain” biag(Ilocano)=”buhay”
Mga Salitang Pormal- mga salitang istandard dahil ginagamit ng karamihan
ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga wikang ginagamit sa
paaralan,seminar, gayundin sa mga aklat,ulat at saiba pang usapan o sulating
pang-intelektwal.
Halimbawa:
maybahay-asawa salapi/yaman=datung/pera

D. PAGTATALAKAY:

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang antas/barayti ng


wika?
2. Magbigay ng halimbawa ng impormal na salita (balbal,
kolokyal,lalawiganin) at pormal na salita.

E. PAGSASANAY:
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang balbal na ginamit sa
usapan nina Dindo at ng kanyang mga kaibigan sa hanay A.
Piliin sa hanay B ang Titik ng sagot at saka isulat sa patlang.
A B
___ Dindo: Masaya ang tipar kina a.ama,tatay
kina Jun kagabi. b.bata pa
___ Rico: Oo nga pero maaga c. handaan
akong umuwi. May sakit d. hindi
kasi si erpat kaya kaila- e. inay,ina
ngan ko siyang bantayan. f. kapatid
___ Nino: Dehins ako nakarating. g. kotse
Dumating kasi si utol h. matanda
kaya sinundo muna na- i. pera
min sa airport. j. pulis
___ Bong: Ako nama’y nasiraan ng
tsekot ng papunta pa lang.
Sinita nga ako ng lespu. Sa
gitna ng kalye ba naman
kasi ako tumirik.
___ Dindo: Palitan mo na kasi ‘yang
tsekot mo ng tsedeng para
hindi ka na nasisiraan.
___ Rico: Wala pa tayong datung,
Pre. Saka na yan.
___ Nino: Bagets ka pa naman. Mag-
ipon ka pa at tiyak na maka-
kabili ka rin ng tsedeng baling
araw.
___ Bong: Pangarap ko ‘yan bago
ako maging gurang.
___ Dindo: O paano, uwi muna ako. May
Iniuutos pa kasi si ermat.
F. PAGLALAHAT:
1. Ano-ano ang mga antas/barayti ng wika?

G. PAGLALAPAT:
Panuto: Suriing mabuti ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang
salitang impormal at tukuyin kung anong antas/barayti ito
nabibilang.
1. Gurang na ang ina ni Lina.
2. Ambot saan iyan matatagpuan.
3. Si ate emote ng emote.
4. Ang werpa ni Batman ay hindi na nakikinabangan.
5. Pa’no kaya ito gawin?

IV. PAGTATAYA:
A. Panuto: Suriin ang antas ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa
usapang nangyari sa isang family reunion. Kilalanin at
isulat sa linya kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal,
lalawiganin o pormal.
(Pinagyamang Pluma 7 pahina 163-164)

B. Panuto: Tukuyin ang mga salita sa bawat bilang. Isulat sa


patlang kung anong antas/barayti ng wika ito.

________1. Moment niya ito eh!


________2. dehins
________3. bakal
________4. meron
________5. Utol

V. KASUNDUAN:
Panuto:Ipagpatuloy ang pag-aaral sa antas ng wika.Magbigay ng apat
halimbawa sa bawat antas ng wika. Isulat sa kalahating bahagi
ng papel.

You might also like