You are on page 1of 6

IMPORMATIBO

Sa Facebook
Hindi na iba o bago sa pandinig ng halos karamihan ang salita o aplikasyon
na kinahuhumalingan na ngayon ng mga tao--- ang Facebook. Mapabata
man, teenager, o matanda, may trabaho pa yan o wala, hindi mawawala ang
facebook sa cellphone na lagi nilang dala-dala kung saan man sila magtungo.
Ayon sa Wikipediang Tagalog, ang facebook ay nagsimula noong ika-apat
na Pebrero taong dalawang libo’t apat (2014), na nadiskubre at ipinakilala sa
mundo nina Mark Elliot Zuckerberg kasama ang kanyang mga kamag-aral na sina
Dustin Moskovitz, Eduardo Saverin, at Chris Hughes habang sila ay nag-aaral pa
sa Harvard University. Ang facebook ay dating para lamang sa mga estudyante
ng Harvard hanggang sa ipinakilala na din ito sa iba pang paaralan sa Boston
hanggang sa umabot halos karamihan ng unibersidad sa Canada, at ngayon ay
lumaganap na ito sa buong mundo. Hindi lang sa mga paaralan, kundi maging sa
iba’t-ibang institusyon, sa mga matataas na tao at sa mga karaniwang tao.
Ayon pa rito, ang facebook o “aklat ng mukha” ay libre ang pagsali. Isa
itong social networking website na pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc., na
isang pampublikong kompanya. Ditto, maaaring madagdagan ang iyong friends,
at mag-message ka sa kanila, at mag-post tungkol sa sarili. Ang pangalan ng
website ay tumutukoy sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper facebooks), na
isinasalarawan ang mga kasapi nito.
Ang facebook ay isang aplikasyon kung saan maaari kang mag-post ng
kung ano man ang nais sabihin ng iyong puso at damdamin na mayroong #hugot.
Ipakita sa buong mundo ang litrato ng mukha na may #No Filter, #Challenge
Accepted, #Selfie. O di kaya ang picture ng buong barkada na may
#friendship forever, #groufie, at marami pang iba. Maaari pang i-share sa buong
madla ang pangyayari sa buhay mo gaya ng #Reunion, #Birthday, #Anniversary,
#Heartbroken, #Just Anything, #walang forever at kung ano-ano pang hashtag na
maisip mo. At sa mga ganyang post mo, maaari mo itong ipaalam sa lahat (literal
na lahat) iyon. Maaari naming mga friends mo lang ang makakita ng post mo,
depende kung anong klase ng pribasya ang pinili mo.
Facebook. Karamihan nga naman ng tao ay mayroon nang account dito.
Kadalasan,kapag pumupunta ang mga bata sa computer shop ay kung hindi
facebook ang unang binibisita, ay games. At ginagawa na rin itong libangan ng
tao, kasama ang kanya-kanya nating #HASHTAG.
PERSWEYSIV
Talumpati ng pulitiko

 Magandang araw po sa inyong lahat, ako po si Rod Cruz, tumatakbong


kapitan ng ating barangay - ang barangay San Nicolas. Simula’t sapol ay
hindi po ako umalis sa barangay na ito. Habang lumalaki ay nasaksihan ko
ang bawat hinagpis ninyong aking mga kabaranggay na hindi nabigyang
tugon ng mga nagdaang liderato. Kapag ako ang nanalo ngayong darating
na eleksiyon, sisiguraduhin kong bukas ang aking opisina para sa inyong
mga mungkahi. Ang patubig na laging ibinubulong sa tabi tabi ay bibigyan
ko ng kasagutang ayon sa inyong nais. Ang kalsada nating lubak-lubak ay
gagawan ko ng proposal upang mabigyan ng badyet. Kaya ngayong
eleksiyon mga kaibigan, huwag ninyong kalimutang ilagay ang aking
pangalan, Rod Cruz po bilang inyong kapitan. Iboto po ninyo ako bilang
bagong kapitan ng barangay na ito. Sinisigurado ko po, ako na ang sagot
ng inyong mga hinaing. Ako po ang bahala sa inyo. Maraming salamat.

Patalastas

 Araw-araw ka bang tinutuksong naligo sa uling? Nais mo bang pumuti ang


iyong balat ngunit hindi gumastos ng malaki? Narito na ang solusyon ng
inyong problema - ang calasoap. Ang calasoap ay sabon sa katawan na
pinag-aralan at ginawa ng mga eksperto upang magpaputi. Ito ay
pinaghalong ingredients ng papaya at calamansi na kilala sa pagpaputi.
Binibenta ito sa mga grocery at mga botika. Ano pang hinihintay n’yo?
Putian time na!
dESKRIPTIBO

Ang Ginto sa ating Kapaligiran

May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at


sa pang araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at
pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto
saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring
ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay
makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.

Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng


hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan.
Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng
iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.

Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating
kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga
gulay na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay
pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na walang kasing
sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo.

Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na


malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig
ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag
papahiwatig na ito ay malalim.

Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian


nito, ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay,
at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid.

At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa


oras ng pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng liwanag,
ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating planeta, araw na nagbibigay saatin ng
buhay at pag-asa sa araw-araw.
NARATIBO

" Karanasan sa Pag-ibig "


Minsan, may isang tao sa ating buhay na nagpapakita ng kakaibang klase ng pagmamahal.
Pagmamahal na ipaparamdam sayo na mahalaga ka sa buhay ng isang tao. Pagmamahal na
nagbibigay ng kakaibang pag-aalaga sayo. Pagmamahal na nagbibigay ng inspirasyon upang
magawa ang mga bagay na sa tingin mo ay imposible hanggang sa dumating ang pagkakataon na
ang taong nagpaparamdam sayo ng kakaibang pagmamahal, ay hindi mo na rin kayang bitawan.

Itago mo ako sa pangalang Angel. Ako po ay isang lalaki, nag-aaral bilang isang Animation at
Computer Progamming sa paaralan ng Brokenshire College Toril sa baitang 11. Ako'y labin-
walong gulang. Sa haba ng karanasan ko sa pagmamahal, minsan tumatakbo na sa isip na tumigil
nalang dahil sa paulit-ulit na sakit na aking nararamdaman. Dahil sa hindi mawala saking isipan
ang kasabihan na, " Feelings are not permanent ". Yung tipong mamahalin ka sa simula, at kapag
lumaon na'y iiwan ka sa hindi maipaliwanag na dahilan. Itago niyo siya pangalang Rouge. Ang
babaeng nagpabago sa buhay ko. Mula sa madilim na karanasan, binigyan niya ng liwanag ang
aking daan. Mula sa isang binatang walang plano at pamamaraan sa buhay, tinuruan niya ako
kung paano bigyan ng halaga ang pag-aaral. Mula sa isang binatang ayaw nang magmahal,
ngayon, tinuruan niya akong kung paano ulit mahal.
Vennie-cer
Madami na kaming pinagdaanan sa buhay. Naging lovers kami ngunit walang lebel sa sitwasyon
ng pagmamahalan. Ang alam lang namin ay merong ako, at merong ikaw, pero walang kami. Alam
namin saming sarili na mahal namin ang isa't - isa. Marami na kaming pinagdaan na mga
pabsubok sa buhay, lalong - lalo na sa aming pagmamahalan. Ngunit hindi namin ito nagawang
sukoan. Marami narin kaming naranasan na kasiyahan at kalungkutan sa buhay. Alam ko sa sarilo
ko, na mahal niya ako, kaya sa huling pagkakataong ito, mananatili akong tapat sa pagmamahalan
naming iyon. Tumatak na sa isipan ko na hindi ako susuko at maghihintay ako sa tamang
panahon na maririnig ko sa kanya harap - harapan ang salitang, " OO ". Niligawan ko siya sa
pamamarang gusto ko at gusto ng pamilya niya. Hindi ko aiya pinabayan na maging malungkot
araw-araw. Hanggang sa dumalas na ang pag-aaway, pagsisigawan at di pagkakaintindihan.
Vennie-cer
Dumating na ang panahon na kung saan madalas na kaming nag-aaway dahil sa selos, di
mapaliwanag na dahilan at dahil sa pride. Dito ko na naisip at naramdaman na unti-unti nang
nawawala ang pagmamahal niya na pinaramdam sakin. Takot akong mawala pa siya sa buhay ko,
pero hindi naman natin mapipilit ang isang tao na mahalin tayo. Ngunit handa ka ba kung sakaling
mangyari ito sa buhay mo na isang araw, yung taong nagturo sayo kung paano magmahal ulit,
siya pa yung mawawala nang hindi mo malaman-laman ang tunay na dahilan.

Oo di siya nawala sa pisikal na antas, pero yung pagmamahal niya na dati kong naramdaman sa
kanya, tila ba parang bula na sa isang idlap ay nawala.Palagi ko pa rin siya nakikita saming
eskwelahan, ngunit ang pagpapansinan na kadalasan naming ginawa ay naglaho naglaho nalang
bigla. Pakiramdam ko, nawala na talaga siyang nararamdaman para sakin. Kaya nagdisisyon ako
na itigil na rin ang nararamdaman ko para sa kanya at lumayo-layo para makalimut sa sakit na
nararamdaman. Ngunit ipinangako ko sa sarili ko, na siya ang kahuli-huling babae na mamahalin
ko.
ARGUMENTATIBO

" Pagsasabalik sa batas ng Death Penalty sa Pilipinas "

Sang-ayon ka ba sa pagsasabalik sa batas ng Death Penalty sa Pilipinas?


Ang Death Penalty ay isang batas na naglalayong bigyan ng kaukolang
parusa ang sinomang makakagawa ng krimen, katulad na lamang ng
pagkitil sa isang buhay ng tao at rape. Bukod dito, mabibigyan rin ng sapat
na hustisya ang biktima kapag napatunayan karapat-dapat bigyan ng
Death Penalty ang suspek dahil sa batas na ito. Ito rin ang makikitang
paraan ng gobyerno upang maiwasan ang pagtaas ng antas ng krimen dito
sa ating bansa.

Maraming mamamayan sa Pilipinas ang sang-ayon dito dahil na rin sa


positibong epekto nito sa ating bansa. Ngunit marami naman ang di sang-
ayon dito dahil labag daw ito sa batas ng Panginoon. Baka ito rin ang
maging dahilan ng kaguluhan sa ating bansa.

Sa ngayon, pinag-uusapan pa ito ng mga opisyal ng gobyerno kung ito ba'y


ibabalik sa batas.
PROSIDYURAL

" Pagluluto ng Pakbet o Pinakbet "


Ang pinakbet o pakbet ay isang ulam na halos puro gulay lamang ang
laman. Ito ay napakasustansya dahil nga sa puro gulay ang laman nito.
Paano nga ba magluto nito?

Una, ihanda ang mga kakailanganing gulay para sa pagluluto katulad na


lamang ng Kalabasa, Okra, Sitaw, Talong at kung ano pang gulay ang nais
niyong idagdag. Ihanda rin ang mga sangkap na pampalasa sa lulutuin
latulad ng Mantika, Sibuyas, at Bawang. Maghanda ng nais mong
pangsahog sa Pakbet o Pinakbet, katulad ng Bagoong na Hipon o Karneng
Baboy.

Sa pagluluto, gisahin muna ang sibuyas at bawang sa mantika hanggang


sa lumabas ang mabangong amoy ng mga ito. Pagkatapos, gisahin na rin
ang matitigas na gulay katulad ng Kalabasa upang lumambot. Pagkatapos,
kapag malapit ng lumambot ang matitigas na gulay, isabay na rin sa
paggisa ang malalabot ma gulay. Kapag lumambot na ang mga gulang dito
na ilagay ang bagoong na hipon bilang sahog na niluluto at ilagay na ang
mga pampalasa upang magbigay ng sarap sa lutuin. Pagkatapos ng limang
minuto, luto na ito at handa ng kainin ng pamilya.

You might also like