You are on page 1of 5

Pamantasang Normal ng Pilipinas

Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro


Kagawaran ng Filipino
Antas Gradwado

PAGBUO NG PANSARILING
NARATIBONG BLOG NA MAY
KALAKIP NA LARAWAN
KASAYSAYAN NG PAGSASALIN

Ipinasa ni:
Justine S. Alas
MAEDPF

Ipinasa kay:
Prop. Lolita T. Bandril
Propesor

Petsa ng Pagpapasa:
Hulyo 18, 2015
ANG KASAYSAYAN NG PAGSASALIN
SA BUONG DAIGDIG

Mula sa aklat ni Santiago (2003) na Ang Sining ng


Pagsasaling- Wika, hinalaw niya sa aklat ni Savory
(The Art of Translation) ang kasaysayan ng pagsasalin sa
daigdig noong dakong una upang tayo ay magkaroon ng higit
na malawak na pananaw sa larangang ito. Sa mga aklat na
sinangguni umano Santiago, sinabi niya na si Savory ang
tumalakay nang higit na masusi sa kasaysayan ng
pagsasaling-wika sa daigidig bagamat ang kanyang talakay ay
umabot lamang hanggang noong mahigit kalahatian ng
kasalukuyang siglo o dantaon.

ANG KASAYSAYAN NG PAGSASALIN


SA IBA’T IBANG PANAHON
Europa

Si Andronicus, Isang aliping griyego at kinikilalang unang tagasaling-


wika. Isinalin niya nang patula sa Latin ang Odyssey ni Homer noong 240 B.C.

Naevius at Ernnius
Gumawa din ng mga pagsasalin sa Latin ng mga
dulaangGriyego tulad ng mga sinulat ni Euripides.

Cicero
Isang dakilang manunulat at kinilala din bilang isang
mahusay na tagasaling-wika.

Syria

Ang lungsod ng Baghdad nakilala bilang paaralan ng pagsasaling-wika sa Arabia.


Napalitan ang Baghdad ng Toledo bilang sentro ng karunungan sa pagsasalin-wika pagkaraan ng
tatlong siglo. Isang pangkat ng mga iskolar sa Syria ang nakaabot sa Baghdad. Isinalin nila ang sa
wikang Arabic ang mga sinulat nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates, atbp.
Maraming mga iskolar sa Toledo ang naganyak upang maging tagapagsaling-wika
sa mga aklatan.

Mga Tanyag sa Pagsasalin-wika sa Toledo

Adelard
Ang nagsalin sa Latin ng mga sinulat ni Euclid na noon ay naisalin sa arabic.

Retines
Nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141
Nakaabot sa Toledo ang mga orihinal na teksto ng mga literaturang nasusulat sa
wikang Griyego noong 1200 A.D.

Liber Gestorum Barlaam et Josephat – orihinal na teksto ay nakasulat sa Griyego


Barlaam et Josephat – nakilalang bilang santo ang dalawa dahil sa mga salin nito
Dalawang tauhang uliran sa pag-uugali at sa pagiging maka-Diyos, kahit ang mga ito ay likhang-
isip lamang

Biblia (Wycliffe, Tysdale at Coverdale)


– pinakahigit na pagsasaling-wika Martin Luther: isinalin sa Aleman ang Biblia.
Jacques Amyot
–“Prinsipe ng Pagsasaling-Wika”
isinalin niya ang Lives of Famous Greek and Romans ni Plutarch noong 1559.

Inglatera

John Bourchier – isinalin ang Chronicles ni


Froissart.
Ang panahon ng unang Elizabeth ang tinuturing ni
Savory na unang panahon ng pagsasaling-wika sa
Inglatera. Ngunit mas naging pinakataluktok naman
ang panahon ng ikalawang Elizabeth.

George Chapman – nagsalin ang mga sinulat


ni Homerat nailathala sa pagitan ng
1598-1616

Ikalabimpitong Siglo

Hobbles – Ang nagsalin ng Thucydides at Homer subalit hindi


gaanong nagustuhan ng mambabasa. Gayundin ang salin ni John Dryden sa
Jevenal at Virgil.

JOhn Dryden – Ang kauna-unahang kumilala na ang pagsasaling-wika ay


isang Sining

Ikalabing-walong siglo

Alexander Pope at William Cowper – Ang nagsalin sa Ingles


ng Homer sa paraang patula.

Ang salin ni Pope sa Iliad ay lumabas sa pagitan ng 1715 at


1720; ang kanyang Odssey ay noong 1725.

Ang Odssey naman ni Cowper ay lumabas noong 1791.

A.W. von Schlegel – ang nagsalin sa Aleman ng mga gawa ni


Shakespear.
Alexander Tytler – nalathala ang pamumukod ng kanyang aklat na may pamagat na
Essay on the Principles of Translation.

Tatlong panuntunan ni Tytler sa pagkilatis ng isang salin.


1. Ang isang salin ay kailangang katulad ng orihinal sa diwa o mensahe.
2. Ang estilo at paraan ng pagkasulat ay kailangang katulad ng sa orihinal.
3. Ang isang salin ay dapat na maging maluwag at magaang bassahin tulad ng sa
orihinal.

ANG KASAYSAYAN NG PAGSASALIN


SA PILIPINAS
Unang Yugto – Panahon ng Kastila sa Pilipinas

Nagsimulang magkaanyo ang pagsasalin noong


panahon ng pananakop ng mga Kastila dahil sa
pangangailangang panrelihiyon. Ang mga akdang Tagalog
at ibang katutubong ang mga akdang panrelihiyon, mga
dasal at iba pa, sa ikadadali ng pagpapalaganap ng Iglesia
Catolica Romana (Kristiyanismo).

Ikalawang Yugto – Pagdating ng Amerikano

Nang pumalit ang Amerika sa España bilang


mananakop ng Pilipinas, nagbago na rin ang
papel na ginagampanan ng pagsasaling wika.

Kung ang pangunahing paraang ginamit noong


panahon ng Kastila ay krus o relihiyon para masakop
ang Pilipinas; edukasyon naman ang kinasangkapan
ng mga Amerikano. Ang mga Pilipino ay napilitang
pag-aaralan ang pagsasalita at pagsulat sa Ingles.

Ikatlong Yugto – Paglinang at Pagtupad sa patakarang Billingwal

Ang maituturing na ikatlong yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang mga


pagsasalin sa Filipino ng mga materyales, pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad ng mga
aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa, kaugnay sa pagpapatupad sa patakarang
bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon.

Ikaapat na Yugto – Pagsasalin ng mga akda at tekstong di- Tagalog

Ang maituturing namang ikaapat na yugto na kasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang


pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog. Kailangang-kailangang isagawa ang ganito
kung talagang hangad nating makabuo ng panitikang talagang matatawag na ‘pambansa’.

ALAS, JUSTINE S.
MAED FILIPINO
July 18, 2015

You might also like