You are on page 1of 3

Mga Dahilan ng Pag – Aalsa ng mga Sinaunang Pilipino

Pag Aalsa Taon Pook na Dahilan ng pag Pinuno Resulta


Pinangyarihan aalsa
Lakandula 1574 Tondo, Navotas Di pagtupad ni Gob, Lakandula Bigo
Lavesarez sa mga
pangakong binitawan ni
Legazpi kay Lakandula
Pampanga 1585 Pampanga Pagmamalabis ng mga Bigo, Ipinagkanulo ng
encomendero isang babae ang balak
ng pag aalsa. Hinuli
ang mga pinuno
Tondo 1587 – Tondo: Cuyo; Hangarin sa kalayaan Magat Bigo, natuklasan nang
1588 Calamianes Salamat, maaga ang kanilang
Martin balak,
Pangan, Juan
Banal, Pedro Ipinapatay o
Balingit ipinatapon ang
kanilang mga pinuno
Cagayan – 1589 Cagayan : Ilocos Pagtangging magbayad Bigo, madaling
Ilocos Norte ng tributo nasugpo ang pag –
aalsa
Magalat 1596 Cagayan Pagmamalabis ng mga Magalat Bigo, ipinapatay ang
kolektor ng tributo mga pinuno
Igorot 1601 Hilagang Luzon Pagnanais ng kalayaan Bigo
sa pananampalataya
Irrayas 1621 Lambak ng Cagayan Pagmamalabis at pang Felipe Napigil dahil sa
aapi ng mga pinunong Catabay, pagsesermon ni Padre
Espanyol sa sapilitang Gabriel Dayag Santo Tomas
paggawa at pagbubuwis
Tamblot 1621 – Bohol Pagnanais na iwanan Tamblot Nasugpo ng mga
1622 ang katolisismo at Espanyol at
bumalik sa katutubong Kristiyanong Cebuano
relihiyon
Bankaw 1621 Leyte Pagnanais ng kalayaan Bankaw , Bigo
sa pananampalataya Pagali
Cagayan 1625 Pagnanais ng kalayaan; Miguel Lanab, Bigo, Pinatawad ang
1627 pagpaparusa sa isang Aldaban mga pinuno. Pinatay
1639 babae ng ilang Espanyol nang muling mag alsa
na opisyal
Caraga 1629 – Caraga Kawalang kasiyahan ng Bigo
1631 mga mamamayan sa
pamahalaang espanyol

Cagayan 1639 Cagayan Kawalang kasiyahan sa BIgo


pamahalaang Espanyol
Ladia 1643 Malolos, Bulacan ; Pagkagalit sa pang aapi Pedro Ladia Bigo, pinatay ang mga
Timog Luzon ng mga Espanyol pinuno
Bisaya 1649 – Silangang Visayas; Pagtutol sa pagpapadala Sumuray, Hinuli at pinugutan ng
1650 Hilagang Mindanao; ni Gob Fajardo ng mga Juan Ponce, ulo ang mga pinuno
Zamboanga manggagawang bisaya Pedro
sa cavite upang gumawa Caamug
ng mga barko
Pampanga 1660 - Bacolor, Pampanga Hindi pagbabayad ng Francisco Pagkakaloob ng
1661 mga opisyal sa biniling Maniago pangkalahatang
palay; paulit – ulit na pag amnestiya sa mga
– uutos na magbigay ng rebelde.
personal na paglilingkod
Pangasinan 1660 – Binalalongan, Alitan sa pagitan nina Andres Bigo
1661 Pangasinan Padre Gorospe at Malong Malong, Pedro
Gumapos
Ilocos 1661 San Nicolas Barraca Pang – aapi ng mga Juan Bigo , pinatay ang mga
Laoag Espanyol Masanap, pinuno
Pedro
Almazan
Panay 1663 Oton, Panay Pagnanais na magtatag Tapar Bigo
ng sariling uri ng
kristiyanismo
Agraryo 1745 – Bulacan , Morong Pang – aagaw nga mga Matienza Bigo
1746 (Rizal) Cavite, lupaing ari ng mga
Laguna, Batangas magsasaka ng mga
ordeng relihiyoso

Dagohoy 1774 – Bohol Francisco Bigo, Pinatawad ang


1828 Pagtanggi ni Padre Dagohoy mga nag rerebelde
Morales na ilibing ang
kapatid ni Dagohoy sa
sementeryo ng mga
Katoliko. Maituring na
pinakamahabang pag –
aalsa na naganap sa
kasaysayan ng Pilipinas

Silang 1762 – Ilocos Pagnanais na palayasin Diego Silang, Bigo, Pinatay si Silang
1763 ang mga Espanyol sa Gabriela ni Miguel Vicos, isang
bansa Silang kaibigan.
Ipinagpatuloy ni
Gabriela ang pag
aalsa, ngunit siya’y
nahuli at pinugutan ng
ulo
Palaris 1762 – Pangasinan Sapilitang Paghingi ng Juan De La Bigo, Nasugpo ng
1764 reporma lalung – lalo na Cruz pamahalaan. Pagpatay
ng pagpapalit ng mga kay Palaris
local na opisyal

Banal 1807 Ilocos Monopolyo ng Pedro Mateo Bigo, Natalo ang mga
pamahalaan sa paggawa rebelde ng mga
ng basi sundalong espanyol

Hermano Pule 1840 – Quezon Dahil sa pagiging Apolinario Bigo


1841 katutubo, Si Pule ay DeLa Cruz or
tinanggihan ng mga Hermano Pule
kastila na maging isang
pari. Nagtatag si Pule ng
isang kapatirang
panrelihiyon, ang
Confradia de San Jose,
na hindi pinayagan ng
pamahalaan at iniutos na
buwagin
Napansin na marahil puro bigo at hindi naging matagumpay ang mga naitalang pag – aalsa. Nangangahulugan ito na sa
mga panahong iyon, Hindi pa lubos na handa ang mga Pilipino. Watak – Watak kung kumilos. Karamihan ay walang armas
at angkop na panlaban sa mga baril at kanyon ng mga kastila.
Mga Salik na nag Pausbong ng Damdaming Nasyonalismo

Ang Damdaming nasyonalismo ay ang pagkakaroon ng iisang adhika para sa Inang Bayan at yun ang mapabuti ito. Anu-
ano ang mga salik na nagbunsod sa mga Pilipino upang isulong ang adhikaing iyan?

1. Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan

Dahil dito, maraming nakarating sa ibang bansa. Namulat ang mga Pilipino sa sariling kalagayan at
natutong makisalamuha sa ibang dayuhan. Dahil sumigla rin ang kalakalan sa Maynila, naganyak
ang halos lahat ng uri ng tao sa pangangalakal.

2. Pagkakaroon ng pang – gitnang uri ng lipunan

Dulot ng kanilang kalagayan sa buhay kinalaban ng mga Pilipino ang mga Espanyol at prayle at
humihiling ng mga pagbabago. Ipinadala sa Espanya at iba pang bansa ang kanilang mga anak
upang mag – aral. Sila ang bumuo sa pangkat ilustrado, na siyang nagpasimula ng paghiling ng
pagbabago at nagtanggol sa mga karapatan ng mga Pilipino.

3. Pagsibol ng kaisipang liberal sa Pilipinas

Dala ng Espanyol ang mga kaisipang liberal na ito buhat sa Europa. Ipinamalas nila ito sa kanilang
malayang pagkilos at pananalita. Ang ganitong kaisipan, bagamat hindi tuwirang ipinalaganap ay
tumimo sa isipan ng mga katutubong Pilipino.

4. Ang Kilusang Sekularisasyon

Ang kilusang sekularisasyon ay itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng mga paring sekular sa
mga parokya. Mayroong dalawang uri ng paring katoliko sa ating bansa noon. Ang regular at ang
sekular. Ang paring regular ay kabilang sa isang orden tulad ng Agustinian Pransiskano, at iba pa.
Ang paring sekular naman ay hindi kabilang sa kahit anong orden.

5. Si Gobernador Carlos Maria dela Torre

Naniniwala siya sa liberalismo at ipinamalas niya ito sa pamamagitan ng mga patakaran at mahusay
na pakikitungo sa mga Pilipino. Pantay – pantay ang pagtingin niya sa mga Espanyol at mga
Pilipino.

6. Ang Pag – Aalsa sa Cavite noong 1872

Noong panahon ng pamamahala ni Gobernador Izquierdo naging mahigpit at nagdulot ng pahirap sa


mga Pilipino ang kanyang mga kautusan. Inalisan niya ng karapatan at kabuhayan ang mga
manggagawang Pilipino sa Cavite na hindi nagbabayad ng taunang buwis. Lumaki ang isyu tungkol
sa pag – aalsa sa Cavite at sinabi ni Izquierdo na ito’y isang rebolusyong naglalayong pabagsakin
ang pangunahing Espanyol sa Pilipinas. Ngunit sa katunayan, hindi rebolusyon ang naganap sa
Cavite kundi isang protesta lamang ng mga sundalo at manggagawa.

7. Pagbitay sa Tatlong Paring Martir

Ang pinakamalaking pagkakamali ni Gobernador Izquierdo ay ang pagpapabitay niya sa tatlong


Pilipinong pari, sina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora, ngayon ay kilala bilang
Gomburza. Tumanggi si Gregorio Mellton Matinez na ipinahubad ang abito ng tatlong pari bago sila
patayin. Naniniwala siya na walang kasalanan ang mga ito. Iniutos niya na patunugin ang mga
kampana sa lahat ng simbahan sa Maynila sa oras ng kanilang kamatayan.

You might also like