You are on page 1of 7

Mga Pag-aalsang Naganap sa Panahon ng Kolonyalismo

A. PAG-AALSANG POLITIKAL
Painalitan ng mga Espanyol ang mga datu at Maharlika bilang pinakamataas na pinuno sa pamayanan. Ang mga
baybaylan at katalonan ay tinanggalan ng kapangyarihan bilang mga pinuno ng aspektong espiritwal. Dahil dito,
nagsagawa ng mga pag-aalsa ang mga datu at baybaylan upang manumbalik ang kapangyarihan nilang mamuno sa
kanilang nasasakupan.

Pangyayari Taon Sanhi at Bunga


Pag-aalsa ni Lakandula 1574 - Hindi pagtupad sa ipinangako sa
kanila ni Gobernardor-Heneral
Miguel Lopez de Legazpi na malibre
sa pagbabayad ng buwis at polo
ang mga kaanak ni Lakandula, ang
huling hari ng Maynila. - Tinanggal
ang mga pribilehiyong ito nang
palitan si Legazpi ni Guido
Lavezares bilang gibernador-heneral
ng Pilipinas.
Pag-aalsa ng mga Datu ng 1587-1588 - Ninais ng mga datu-sa
Tondo (Pagsasabwatan sa pangunguna nina Magat Salamat,
Tondo Martin Pangan, Juan Banal, at Pedro
Balangit-na mabawing muli ang
kanilang Kalayaan at karangalan. -
Maagang natuklasan kaya
ipinapatay o ipinatapon sa ibang
bahagi ng bansa (hal. sa Mexico
ang mga nadakip na pinuno)

B. PAG-AALSANG PANRELIHIYON
Dahil sa pagpapalaganap ng mga Espanyol sa kristiyanismo, maraming Filipino ang tumalikod sa kanilang
katutubong paniniwala at nagpabinyag bilang mga Kristiyano. Halimbawa nito ay ang may 30 babaylan sa Bohol
noong 1611 ay binasag ang kanilang mga anito at dambana at pinalahok pa sa katekismo ang kanilang mga anak.
Itinuturing na pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas ang pinamunuan ni Francisco Dagohoy sa Bohol noong 1744.
Simula nang magpataw ng mga bagong patakarang pang-ekonomiya ang mga Espanyol ay mahigpit na itong
tinutulan ni Dagohoy. Higit na nagpaalab sa galit ni Dagohoy ay ang hindi pagpapahintulot ng isang prayleng Jesuit
na bigyan ng Kristiyanong libing ang kaniyang kapatid na constable na namatay sa pagtugis sa isang tulisan. Dahil
dito hinimok ni Dagohoy ang iba pang Boholano na mag-aklas laban sa mga Espanyol. Tumagal ang pag-aalsa
hanggang 1829. Ang mga susunod natin tatalakayin ay ang iba pang pag-aalsang isinagawa ng mga katutubo bilang
protesta sa Kristiyanismo. Marami sa kanila ang pinugutan, itinuhog ang ulo sa kawayan, at ibinandera ng mga
Espanyol sa mga indio bilang babala sa maari nilang sapitin kung sila ay lalaban sa Simbahan.

Pangyayari Taon Sanhi at Bunga


Pag-aalsa ng mga Igorot 1601 - Pagputol sa pagbibinyag sa mga
Igorot ng hilagang Luzon sa
Kristyanismo alinsunod s autos ni
Gobernador-Heneral Francisco de
Tello de Guzman. - Hindi
nagtagumpay ang mga Espanyol na
ipasailalim ang mga Igorot.
Pag-aalsa ni Bancao 1621 - Pinamunuan ni Datu Bancao ng
Carigara na lumaban sa Simbahang
Katoliko ng Leyte. - Katuwang ang
babaylan na si pagali (na gumamit
umano ng ‘mahika’) ay nagtayo ng
mga dambana para sa mga anito, at
hinikayat ang ilang bayan na sumapi
sa kanila at makilahok sa pag-aalsa.
Pag-aalsa ni Tamblot 1621-1622 - Pagtutol ng mga Boholano sa
Kristiyanismo sa pamumuno ng
dating babaylan na si Tamblot.
Isinagawa ito sa unang araw ng
pista ni St. Francis Xavier. - Nasupil
ang kanilang pag-aalsa pagsapit ng
Bagong Taon 1622
Pag-aalsa ng mga Itneg 1625-1627 - Pinamunuan nina Miguel Lanab ng
Cagayan at Alababan ng Apayao -
Pinugutan ng ulo ang dalawang
misyonerong Dominican at hinikayat
ang mga Itneg na magnakaw,
dumumi sa mga imahen ng santo, at
sunugin ang mga local na simbahan
bilang protesta sa sapilitang
pagbibinyag sa kanila sa Krisyanismo
- Nasupil noong 1627 sa utos ni
Gobernador-Heneral Fernando de
Silva
Pag-aalsa ni Tapar sa Panay 1663 - Pinangunahan ni Tapar ng Ilo-ilo
na naghahangad na magtayo ng
bagong sangay ng Kristiyanismo sa
bayan ng Oton kung saan ay
kikilalanin siya bilang “Diyos na
makapangyarihan” - Agad na nasupil
at pinapatay ang mga lumahok sa
rebelyon
Pag-aalsa ng mga Magtangaga 1718 - Pinamunuan ni Francisco Rivera na
ng Cagayan ninais na matawag na “Papa Rey”
(Papa o `pope,` at hari) - Pinigilan
niya ang mga katutubo ng
Tuguegarao na ipagpatuloy ang
pagtangkilik sa Kristiyanismo at
hinimok ang pagsasauli sa mga
prayle ng ibinigay nilang mga rosary
at iskapularyo. - Marami sa mga
kasapi ang tumalikod sa marahas na
pamumuno ni Rivera, at agad ding
nasupil ang rebelyon ng mga
sundalong Espanyol
Pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol 1744-1829 - Nagalit si Dagohoy, isang dating
cabeza de barangay, dahil sa
pagtutol ng kura na bigyan ng
marangal na libing ang kanyang
konstableng kapatid.
Pag-aalsa ni Apolinario dela 1840-1841 - Nagalit si Apolinario dela Cruz o
Cruz sa tayabas Hermano Pule dahil tinanggihan
siyang maging pari at kilalanin ang
kaniyang samahang Cofradia de San
Jose - Dinakip at pinatawan ng
kamatayan

C. PAG-AALSANG EKONOMIKO
Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Filipino ang mga patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga
banyaga sa kanila gaya ng pagbubuwis, sapilitang paggawa, monopoly, at kalakalang galyon. Pinakatanyag sa mga
pag-aalsang ito ang isinagawa ni Diego Silang. Ang pagaalsa ni Diego Silang sa Ilocos ay bunsod ng malabis na
pagbabayad ng tributo sa mga Espanyol. Sa pag-aalsa noong Disyembre 14, 1762 ay matagumpay nilang napababa
sa pwesto ang gobernadora at obispo ng Vigan, at agad na idineklara ang Malayang Ilocos. Ipinapatay siya ng mga
Espanyol sa kaniyang kaibigang si Miguel Vicos. Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang ipinaglalaban ng asawa
hanggang sa ito ay madakip at bitayin noong Setyembre 10, 1763. Ang ilan pang pag-aalsang may motibong
ekonomiko ay ang mga sumusunod:

Pangyayari Taon Sanhi at Bunga


Pag-aalsa ni Magalat 1596 - Kasama ang kaniyang kapatid,
tinutulan ni Magalat, isang rebelde
mula Cagayan, ang di-makatuwirang
paniningil ng buwis ng mga
Espanyol. - Ipinapatay ng mga
Espanyol sa mga indio na nakilahok
sap ag-aalsa ni Magalat.
Pag-aalsa ni Ladia sa Malolos, 1643 - Pinamunuan ni Pedro Ladia-isang
Bulacan Moro na taga-Borneo na
naniniwalang mula siya sa lahi ni
Lakandula - Kinumpiska ang
kaniyang mga ariarian ng mga
Espanyol na nagtulak sa kaniya na
mag-alsa laban sa mga mananakop.
- Dinakip at dinala sa Maynila kung
saan siya sinentensyahan ng
kamatayan.
Pag-aalsa ni Sumuroy 1649-1650 - Pinamunuan ng Waray na si
Agustin Sumuroy ang pag-aaklas
laban sa polo y servicio sa Samar.
Taliwas sa patakaran ng polo. Ang
mga Waray ay ipinadala sa
pagawaan ng barko sa Cavite,
malayo sa kanilang tirahan.
Pag-aalsa ni Maniago 1660-1661 - Pinamunuan ni Francisco Maniago
ng Mexico, Pampanga - Pagtutol ng
mga Kapampangan sa sapilitang
paggawa sa mga galyon at
sapilitang paggawa sa mga galyon
at sa hindi pagbabayad ng
pamahalaan sa mga biniling palay
mula sa mga magsasaka. - Nasupi ni
Gobernador-Heneral Sabiniano
Manique de Lara gamit ang “divine
and rule policy”
Pag-aalsa ni Malong sa San 1660-1661 - Pinamunuan ni Andres Malong -
Carlos, Pangasinan Nag-ugat sa hindi pagbabayad ng
mga Espanyol ng kaukulang sahod
sa libolibong katutubong
nagtatrabaho sa pagawaan ng
barko. - Kinalaban ang mga opisyal
na Espanyol lamang at hindi ang
kaparian o ang Simbahan - Agad
nasupil ng mga Espanyol
Pag-aalsa ni Almazan sa San 1661 - Pinamunuan nina Don Pedro
Nicolas, Laoag, Ilocos Norte Almazanisang mayamang pinuno ng
Laoag na kinoronahan noong 1660
bilang Hari ng Ilocos-at Juan
Magsanop-Pinuno ng Bacarra, Bangu
- Nagsagawa ng mga pag-aalsa
bilang pagsuporta sa ipinaglalaban
ni Malong ng Pangasinan. - Matapos
niyang ipapugot ang ulo ng mga
prayleng Dominican na si Jose Arias,
nadakip si Almazan, ibinigti sa plaza,
at tuluyang natigil ang rebelyon
Pag-aalsang Agraryo sa 1745-1746 - Malawakang pag-aalsa ng mga
Katagalugan magsasaka ng rehiyon ng
katagalugan, sa pangunguna ng
mga lalawigan ng Batangas, Laguna,
at Cavite dulot ng pangangamkam
ng mga prayle sa kanilang lupa. -
Hindi nagtagumpay, bagkus ay
walang lupang naibalik sa mga
magsasaka
Pag-aalsa ni Diego Silang at 1762-1763 - Nag-alsa si Diego Silang dahil sa
Gabriela Silang buwis at pagnanais na playasin ang
mga Espanyol. Pinatay ng kaniyang
kaibigang si Miguel Vicos. -
Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang
ipinaglalaban ng asawa. Nahuli si
Gabriela at binitay.
Pag-aalsang Basi 1807 - Pinamunuan ng isang Pedro
Ambaristo sa kasalukuyang Piddig,
Ilocos Norte - Nag-ugat sa
paghihigpit ng mga Espanyol sa
produksiyon at pagbebenta ng basi-
isang uri ng alak mula sa tubo.
PAGSASANAY SA ARALING PANLIPUNAN 5
APRIL 15, 2024

Pangalan:_____________________________________ Baitang/Seksiyon:__________________

PAGSASANAY I

Panuto: Tukuyin kung saan nabibilang na pag-aalsa ang mga sumusunod. Isulat ang PP-kung Pag-aalsang Politikal,
PR-kung Pag-aalsang Panrelihiyon at PE-kung Pag-aalsang Ekonomiko.
____________1. Pag-aalsang Apolinario de la Cruz
____________2. Pag-aalsang Basi
____________3. Pag-aalsa ni Bancao
____________4. Pag-aalsa ng mga Itneg
____________5. Pag-aalsa ni Lakandula
____________6. Pag-aalsa ni Diego at Gabriela Silang
____________7. Pag-aalsa ni Hermano Pule
____________8. Pag-aalsa ni Pedro Ladia
____________9. Pag-aalsa ng mga Datu sa Tondo
____________10. Pag-aalsa ni Francisco Rivera

PAGSASANAY II
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang dahilan ang pag-alsa ni Diego Silang?
A. Hindi makatwirang paniningil ng buwis ng mga Kastila
B. Labis polo y servicios
C. Pagpalit ng mga Espanyol sa kanyang kinagisnang relihiyon
D. Wala sa nabangggit ay tama
2. Tumutukoy sa malawakang pag-aalsa ng mga magsasaka ng rehiyon ng katagalugan, sa pangunguna ng mga
lalawigan ng Batangas, Laguna, at Cavite dulot ng pangangamkam ng mga prayle sa kanilang lupa.
A. Pag-aalsa ni Malong sa San Carlos, Pangasinan
B. Pag-aalsa no Almazan sa San Nicloas, Laoag Ilocos Norte
C. Pag-aalsang Agraryo sa Katagalugan
D. Pag-aalsa ni Basi
3. Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Filipino ang mga ___________________________na ipinatupad ng
mga banyaga sa kanila gaya ng pagbubuwis, sapilitang paggawa, monopoly, at kalakalang galyon
A. Patakarang Pangkabuhayan
B. Patakarang Panrelihiyon
C. Patakarang Pampulitika
D. Lahat ng sagot ay tama
4. Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Magalat?
A. Di-makatwirang paniningil ng buwis ng mga Espanyol.
B. Pagpatay ng mga Espanyol sa mga indio na nakilahok sa pag-aalsa ni Magalat.
C. Sapilitang pagpalit ng relihiyon
D. Titik A at B
5. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo?
A. Panrelihiyon
B. Ekonomiko
C. Panrelihiyon
D. Lahat ng nabanggit ay tama
MGA DAHILAN NG PAGKABIGO NG PAG-AALSA

Sa kabuoan, nabigo ang mga isinagawang pag-aalsa ng mga Pilipino bunsod ng iba’t ibang dahilan:

A. Pagiging watak-watak ng Pilipinas


Ang Pilipinas ay binubuo ng mga maliliit at malalaking isla kaya’t magkakalayo. Dahil dito, mas mabilis
at madaling nasugpo ng mga Espanyol ang mga pag-aalsa. Ang mga lumalabang mga Pilipino ay hindi
bilang Filipino kundi bilang isang mamamayan ng kanilang bayan o lalawigan. Samakatuwid, kapwa
ang mga lugar at mamamayang nakilahok ay walang pagkakaisa, samantalang ang kanilang kalaban
ay iisa- ang mga Espanyol. Maging ang mayayamang angkan ng mga Filipino ay hindi sumuporta sa
mga pagkilos dahil sa pangambang mawala ang tinatamasang mga pribilehiyo mula sa mga Espanyol.

B. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma


Totoong malayo ang pagkakaiba ng mga kagamitang pandigma ng mamayang Pilipino sa mga
Espanyol. Kalimitan ang sandatang gamit ng mga Pilipino ay yari sa katutubong materyales gaya ng
bolo, tabak at sibat, samantalang ang mga armas ng mga Espanyol ay sopistikado at makabago gaya
ng baril at kanton na mula pa sa Spain. Kapos din sa kaalaman sa pakikidigma ang mga Pilipino na
higit na mas sapat at makabagong kaalaman ang kasanayan sa pakikidigma ng mga sundalong
Espanyol.

C. Kawalan ng maayos na komunikasyon


Dahilan ng kalat kalat ang isla ng Pilipinas, hindi naging madali para sa mga Pilipino ang magpadala
ng mensahe tungkol sa mga pag-aalsang isasagawa mula sa isang bayan patungong karatig bayan
lalo na sa liblib na bundok at kagubatan. May mga pagkakataon din nadadakip ang mga mensahero at
agad na natutuklasan ng mga Espanyol ang planong pag-aalsa.

D. Pagkakaiba ng wika at diyalekto


Ang pagkakaroon ng iba ibang wika at diyalekto ay isang dahilan ng hindi maayos na komunikasyon.
Halos sa bawat lalawigan at rehiyon ay may kanya kanya o iba ibang salita o diyalektong ginagamit na
hindi naging madali para sa mga Pilipino para manghikayat ng dagdag na lalahok sa mga pinaplanong
pag aaklas.

E. Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo


Marahil dala ng mga pananakot, at mga pangakong kayamanan at pribilehiyo mula sa mga Espanyol,
may mga katutubong nakipagtulungan sa mga mananakop upang mapigilan at hindi matuloy ang pag-
aalsa. Ipinaparating nila sa pamahalaan ang napipintong rebelyon at isinusuplong ang kanilang mga
kasama. Isang halimbawa ng pagtataksil na ginawa ay ang kaibigan ni Diego Silang na isinumbong
siya ng sarili niyang kaibigan na naging dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa sa Ilocos.
PAGSASANAY SA ARALING PANLIPUNAN 5
APRIL 16, 2024

Pangalan:_____________________________________ Baitang/Seksiyon:__________________

PAGSASANAY I

Isulat ang tsek (√) sa patlang kung ang sumusunod ay salik o dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa ng mga
Pilipino. Lagyan ng ekis (X) kung hindi.

_________ 1.Pagkakaroon ng iba ibang wika.

_________ 2. Kahusayan at kaalaman ng mga kaalaman sa pakikidigma.

_________ 3. Makabago at matataas na kalibre ng sandata ang gamit nila.

_________ 4. May mga mersenaryong katutubo ang binabayaran ng mga Espanyol

_________ 5. Pagiging watak watak ng Pilipinas.

PAGSASANAY II

Isulat sa patlang ang titik T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M naman kung mali.

________ 1. Malaking dahilan ng pagkabigo ng mga pag-aalsa ng mga Pilipino ay ang kawalan ng kasanayan ng
mga ito sa Pakikidigma.

________ 2. Nagkakaisa ang mga Pilipino kahit ang mga ito’y magkakalayo ng bayan o lalawigan.

________ 3. Nagkakasundo at nagkakaintindihan ang mga Pilipino noong panahon ng papananakop ng mga
Espanyol kaya tagumpay ang kanilang pag-aaklas.

________ 4. Ang Pilipinas ay isang arkipelago kaya’t naging mahirap sa ating mga ninuno na mag-ugnayan at
magplano ng pag-aalsa.

________ 5. Ang mga Pilipino ay kulang sa mga sopistikado at makabagong sandata kaya karamihan sa kanilang
pag–aaklas ay nabigo.

You might also like