You are on page 1of 1

Solving Problems at School - Filipino

tip sheet
Paglutas ng mga Problema sa Paaralan School
Kinakailangang makipag-usap ang mga magulang sa • Pag-isipang mabuti ang sinabi ng guro. Hindi
guro ng kanilang anak paminsan-minsan tungkol sa mo kailangang magdesisyon kaagad.
gawain sa paaralan, o sa pakikisalamuha ng kanilang • Magkasundong mag-usap muli para makita kung
anak sa ibang bata o sa pangangailangang espesyal epektibo ang solusyon.
nito. Sanay na ang karamihan sa mga guro na Kausapin ang Punong-guro at ang
makatanggap ng ganitong uri ng mga tawag mula sa Pangalawang Punong guro.
mga magulang at nais nilang matulungan ang iyong
anak na magtagumpay sa paaralan. Kausapin ang punong-guro at ang pangalawang
Magulang bilang katuwang sa edukasyon punong-guro kapag hindi nakatulong ang guro. Maari
Sa Ontario, hinihimok ang mga magulang na maging silang direktang makatulong o magsangkot ng ibang
masusing katuwang sa edukasyon ng kanilang anak. guro o tauhan sa inyong paaralan.
Sa katunayan, may sangay sa Ministri ng Edukasyon Kausapin ang Superintendente ng paaralan
na itinalagang tumulong sa mga magulang na maging
kalahok sa edukasyon ng kanilang mga anak at sa Kapag hindi pa rin malutas ang problema, kontakin at
kumunidad ng paaralan. hingin ang tulong ng superintendente. Maibibigay sa
iyo ng sekretarya ng paaralan o ng punong-guro kung
Subalit, paminsan-minsan, ang sistema ay nakalilito paano makokontak ang superintendente o maaari
at nakatatakot. Sino ang kailangan mong kausapin kang pumunta sa website ng Pamunuan ng Paaralan
kung mayroon kang tanong o problema? o school board para sa ibang impormasyon.
Laging Tandaan:
Kung nais mong makausap ang guro sa telepono,
tumawag sa opisina ng paaralan, mag-iwan ng • Laging alamin ang balita. Alamin ang mga
mensahe at tatawagan ka ng guro. patakaran ng paaralan.

Kung nais mong makita ang guro, tumawag sa • Dumalo sa lahat ng panayam sa pagitan ng
opisina at mag-iwan ng mensahe na gusto mong magulang-guro. Mas madaling lutasin ang
makipagkita sa guro.Kung sa palagay mo ay lubhang problema kapag ikaw at ang guro ay
kailangan ng iyong anak ang ekstrang suporta, o magkakilala na.
espesyal na programa, maaari kang makipagmiting • Dumalo sa miting ukol sa iyong anak kapag
sa guro at sa ibang tauhan ng paaralan. Nagbibigay inimbita ka ng paaralan. (gaya ng edukasyon
ang ibang paaralan ng mga interprete. espesyal, IEP, disiplina sa paaralan)
• Kapag ang problema ay hindi madaling
Mga tips sa pakikipag-usap sa tauhan ng paaralan: malutas, itago ang mga sinulat tungkol sa
Kausapin ang iyong anak importanteng miting at mga pinag-usapan.
• Tanungin siya para makakuha ng impormasyon. • Humiling ng mga interprete kung hindi ka
• Gumamit ng mga tanong gaya ng, “Ano ang komportableng ihayag ang sarili sa Ingles.
nakita mong mahirap sa…? Sabihin mo sa akin • Ang mga isyu o ikinababahala tungkol sa
kung ano’ng nangyari…” iyong anak ay nakabibigo. Subukang maging
• Makinig sa sinasabi niya at magtanong pa ng panatag. Mas makikinig ang mga tao sa
marami… iyong ikinababahala kapag kalmado mong
Kausapin ang guro ng iyong anak inihayag ang mga ito.
• Kausapin ang guro tungkol sa ikinababahala mo Para sa mga karagdagang impormasyon:
at sa nararamdaman ng iyong anak. Tumawag sa People for Education sa 416-534-0100
• Subukang gumamit ng mga puna gaya ng “Sinabi o kumuha ng mga kopya nitong mga “tips” sa ibang
ng aking anak na…” wika sa: www.peopleforeducation.com
• Magtanong upang matulungan kang maunawaan
Bumisita sa website ng Ministri ng Edukasyon sa:
ang mga patakaran at palakad sa paaralan.
www.edu.gov.on.ca.
• Makinig sa mga punto at suhestiyon ng guro.
• Pag-usapan ang dapat gawin upang pareho ang Bumisita sa www.settlement.org/edguide para sa
makuhang mensahe ng bata mula sa iyo at sa mga videos at impormasyon sa maraming wika.
guro.
This tip sheet was developed by the Ontario Parent Inclusion Initiative with the support of the Ontario Trillium foundation. Partners include Dilico Ojibway
Child & Family Services, Thunder Bay; F.A.I.R., Family Service Association, Toronto; Keewatin-Patricia DSB; Maytree Foundation; PERCS- Waterloo Region;
People for Education; Settlement Workers in Schools; and parent representatives from Ottawa and York Region.
Copies are available in several languages at www.peopleforeducation.com. © People for Education 2006
For more information please call 416-534-0100 or email p4e@peopleforeducation.com

You might also like