You are on page 1of 2

May mga pamantayan na sinusunod sa pagsulat ng caption para sa photojournalism,

anumang wika ang ginagamit. Narito ang ilang sa kanila:

Do not state the obvious. Habang importanteng may kinalaman ang caption sa larawan,
wag nang sabihin ang malinaw nang nakikita sa larawan.
Magkuwento. Sabihin kung ano ang nangyayari sa eksenang inilarawan at gumamit ng
wikang malinaw, simple, at naglalarawan din. Dito nagiging kapansin-pansin ang isang
caption.
Sikaping makumpleto ang 5 Ws at 1 H: sino, ano, kailan, saan, bakit, at paano.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1900309#readmore

Isang sining o agham ang pagkuha ng larawan at ang pagsasama ng larawan at sulatin
nito ang photojournalism. Mahalaga ang mga larawan dahil nakatutulong sa isang
mabisang paglalahad, nagbibigay buhay at sigla sa mga lathalain, nagiging
makatotohanan ang mga balita sa mga mambabasa at ito’y nagbibigay buhay sa kaanyuan
ng pahina sa pamamagitan ng panghidwa sa abuting talataan. May mga katangiang
panghalina ang mga larawan kabilang ditto ang tunggalian, takot o sindak, pagdamay o
simpatya, mga bata, mga hayop, kasarian, ganda, lubos na pagkilala, galaw, aksyon at
kahalgahan ng balita.

May mga pamantayang sinusunod sa pagpili ng larawan – kahalagahang pang-etniko at


kahalagahang pang-editoryal. Ang kahalagahang pang-etniko ay larawang ganap,
maliwanag, walang dumi o mantsa, at madaling kopyahin sa pamamagitan ng kamera.
Ang kahalagahang pang- editorial naman ay larawang kawili-wili at may mga saglit at
katotohanan at kabuluhan.

Dapat sundin ang mga panuto sa pagkuha ng larawan. Una, kumuha ng larawang may
kilos. Pangalawa, ang mga kukunan ng larawan ay hindi dapat tumingin sa kamera.
Pangatlo, maging maagap sa pagkuha ng mga larawan na hindi pangkaraniwan. Panghuli,
iwasan ang mga larawang nakikipagkamay at nakaayos.

Sa pagpili ng mga larawan, dapat ding sundin ang mga tagubilin – laging gamitin ang
mga larawang may kaugnayan sa balita, piliin ang mga larawang may aksyon, buhay at
maayos na komposisyon, gamitin ang tamang proporsyon ng larawan (the rule of thirds),
para sa mga sakuna, iwasan ang magtanghal ng mga kakilakilabot na larawan.

Sa pagsulat ng kapsyon, dapat sundin ang mga alituntuning ito:

1. Sundin ang mga tuntunin sa balita.

2. Iklian ang kapsyon, dapat labin-limang (15) salita sa isang pangungusap lang ang
gagamitin sa kapsyon.

3. Sagutin ang mga mahahalagang tanong.


4. Isulat ang mga buong pangalan ng mga taong nasa larawan kung ito’y ipinapakilala.

5. Pag-ugnayin ang kapsyon at ang larawan.

6. Iwasan ang pagsisimula sa kapsyon ng “makikita sa larawan”  

7. Huwag ulitin ang mga salitang nagbanggit na.

8. Pumili ng angkop na salitang maging pamagat ng larawan.

9. Gumamit ng pangkasulukayang pandiwa sa pangungusap.

10. Ang huling linya ay dapat umabot sa dulo ng larawan.

11. Iwasang gumamit ng pang-uri sa larawan.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1900309#readmore

You might also like