You are on page 1of 6

MODYUL 12

PAGSULAT NG TANGING LATHALAIN

Kahanga-hanga ang kahusayan ninyo! Hindi na mabilang ang pagsubok na inyong nalampasan sa
bawat aralin na ating tinalakay. Sa puntong ito, pag-aralan naman natin ang tungkol sa tanging
lathalain. Kaya pa ba? Halina’t maglathala!

Inaasahang Pagkatuto
Sa katapusan ng araling ito, kayo ay inaasahang:
A Natukoy ang iba’t ibang uri ng tanging lathalain
B. Nakasulat ng iba't ibang uri ng tanging lathalain.

Inilaang oras: 45 minutes

I. BUUIN NATIN!

“CROSSWORD PUZZLE”

Buuin ang crossword puzzle tungkol sa pahayagan sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan


ng bawat bilang.
1. 5.
 
 
2.   3.
                 
   
 
4.  
               
 

 
Pababa Pahalang
,  
1. Ulat sa isang pangayayari  
2. pagpapakahulugan o opinyon sa
3.isang sanaysay batay sa tunay na isang pangyayari o sa isang isyu
pangyayaring naganap
4. taong manlilikha ng isang akda
5. isang babasahin na nagbibigay sa
mga tao ng balita patungkol sa mga
pangyayari at iba’t ibang kaganapan
sa araw-araw sa loob at labas ng
bannsa.
II. MAG-ISIP TAYO!
ANG LATHALAIN
(Feature Writing)

Isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag ,


sanligan at impresyon ng sumulat. Hindi ito katha-katha lamang. Bilang isang karaniwang
sanaysay, nagtataglay ito ng maramdamin, personal o mapagpatawang pangyayari.

Anyo ng Piling Lathalain


1. Maaaring isulat ito sa anumang porma, anyo o istilo.
2. Maaaring isulat sa ayos ang baligtad na piramide tulad ng isang balita o sa ayos
pasalaysay.

Mga Katangian

Ang katotohanan ng mga pangyayari ay kinakailangang ilahad ayon sa pagkakasunud-


sunod nang sa gayon ito’y matagumpay na maunawaan, masuri at maipaliwanag sa tao ang mga
pangyayari at ang mga kaganapan sa likod nito.

Ang mga katangian ng Tanging Lathalain:


1. Walang tiyak na haba.
2. Pinakamalaya sa lahat ng uri ng pamahayagang artikulo.
3. Batay sa katotohanan.
4. Gumagamit ng makabagong pamatnubay.
5. Nasusulat sa paraang pataas ang kawilihan.
6. May panimula, katawan at wakas.

Layunin ng Lathalain
Ang lathalain ay may apat na layunin:
1. magpabatid
2. magturo
3. magpayo
4. manlibang

Uri ng Lathalain
1. Lathalaing Pabalita (News Feature) – Ang lathalaing ito ay batay sa isang balitang
nakapupukaw ng damdamin. Pinalalawak sa uring ito ang bahagi ng balita na ang mga
pangyayari ay di-pangkaraniwan, may kababalaghan o makabagong likha na
nakapagbibigay kaalaman at kawilihan sa mambabasa.

2. Lathalaing Pangkasaysayan (Historical Feature) – Ang pinapaksa sa uring ito ay ang


kasaysayan ng tao, bagay o lunan.

3. Lathalaing Interbyu (Interview Feature) – Ang pinapaksa rito ay ang kuru-kuro at


kaisipan ng isang kilalang tao na nakukuha sa pamamagitan ng pakikipanayam.

4. Lathalaing Nagpapabatid (Informative Feature) – Naglalahad ng kapaki-pakinabang na


ulat, naghahatid ng kaalaman at karunungan na may layuning magturo.
5. Lathalaing Pangkatauhan (Personality or Character Feature) – Inilalarawan dito ang
mga kilalang tao, ang kanilang buhay, karanasan, gawain, patakaran sa buhay at dahilan
ng kanilang tagumpay.

6. Lathalaing Pangkaranasan (Adventure Feature) – Ang lathalaing ito ay nauukol sa mga


di-pangkaraniwang karanasan ng manunulat o ng ibang tao ayon sa pagkakasalaysay.

Mga Karaniwang Paksang Ginagamit sa Pagsulat ng Lathalain

1. Paglalarawan ng isang tanawin o pook, tao o pangyayari


2. Karanasan o pakikipagsapalaran ng isang tao
3. Pangkasaysayan
4. Panggawain
5. Pangkatauhan
6. Salaysay – tulad ng kawili-wiling kuwento o sanaysay
7. Pangkaunlarang lathalain

PROSESO SA PAGSULAT NG LATHALAIN

Paghahanda

Ang manunulat ay kailangang batid kung ano ang isusulat. Kailangang may malawak na
kaisipan at ang paksa ay malapit sa puso ng mga tao.
Ang pagpili ng paksa ay bahagi rin ng paghahanda sa pagsulat. Ang paksa ay ang
nagbibigay ng disenyo sa balangkas ng mga pangyayari na nais buhayin.
Ang publikasyon ay kailangang mabatid ang interes ng iba’t ibang sektor ng lipunan at
may malawak na kaalaman sa pagpili ng paksa. Ang sakop ng mga pangyayari ay higit na
mahalaga. Sa pampaaralang publikasyon, ang itinatampok ay ang mga nasyonal na isyu na may
kinalaman sa mga estudyante. Ang mga balitang tampok o artikulong lathalain ay batay sa
pangangailangan upang higit na epektibo.

Pananaliksik at Pangangalap ng Datos

Ang manunulat ay kailangang lumabas at humanap ng mga kasagutan sa mga


katanungan. Kailangan niyang manaliksik hinggil sa mga paksa at damhin ang damdamin ng mga
mamamayan at hanapin ang landas upang matagpuan ang tunay na mundo.
Isang mahalagang pagmumulan ng katotohanan ay ang mga sariwang impormasyon,
bago magsagawa ng interbyu, kailangang maisakatuparan ang pananaliksik hinggil sa taong
kakapanayamin upang hindi magkamali o makaligtaaan ang mga pangyayari na may kinalaman
sa paksa.
Ang pananaliksik ay isang mahalagang sangkap sapagkat dito nakasalalay ang kakayahan
ng manunulat na kumuha ng mga patunay. Kailangang siya ay masistema sa pananaliksik
sapagkat mahalaga ang mga tala. Ang pagkuha ng mga patunay at impormasyon ay kailangang
masistematiko upang madali ang pagsasaayos ng mga iyon. Ang maayos na sistema ay
makatutulong nang malaki sa pagbuo ng pahayag.
Pagsasaayos at Pagsusuri

Sa pagsasaayos at pagsusuri ng balita, hanapin ang bahaging nagdudulot ng kalituhan sa


interes ng babasa. Alamin ang puntos ng kalituhan at ang puntos ng pagkakaiba o pagkakaisa.
Suriin ang mga pananaw ng pinagtatalunang mga puntos at itala ang lahat ng panig sa usapin.
Ang paninindigan ay kinakailangan upang gumawa ng aksyon.

III. TAYAIN NATIN.

PAMIMILIAN: Basahin at unawaing mabuti ang ipinahahayag sa bawat bilang. Mag-ingat sa


pagpili ng inyong sagot upang hindi magkamali.

1. Isang uri ng lathalain na ang pinapkasa ay ang kasaysayan ng tao, bagay o lunan.
a. Lathalaing Pangkasaysayan c. Lathalaing Nagpapabatid
b. Lathalaing Pangkatauhan d. Lathalaing Pangkaranasan

2. Inilalarawan dito ang mga kilalang tao, ang kanilang buhay, karanasan, gawain,
patakaran sa buhay at dahilan ng kanilang tagumpay.
a. Lathalaing Interbyu c. Lathalaing Pabalita
b. Lathalaing Pangkaranasan d. Lathalaing Pangkatauhan

3. Ang lathalain ay may apat na layunin. Alin sa ibaba ang tama?


a. magpabatid, magturo, magpayo at manlibang
b. magpabatid, magturo, mangwasto, manlibang
c. magturo, magpayo, manlibang, mangwasto
d. mangpabatid, magturo, mangwasto, manlinaw

4. Ang mga sumusunod ay katangian ng tanging lathalain, maliban sa isa:


a. pinakamalaya sa lahat ng uri ng pamahayagang artikulo.
b. may tiyak na haba.
c. batay sa katotohanan.
d. may panimula, katawan at wakas.

5.Ang pinapaksa rito ay ang kuru-kuro at kaisipan ng isang kilalang tao na nakukuha sa
pamamagitan ng pakikipanayam.
a. Lathalaing Pabalita c. Lathalaing Interbyu
b. Lathalaing Pangkasaysayan d. Lathalaing Pangkatauhan
IV. ISA PA!
TAMA o MALI: Punuin ang bilog sa tabi ng salitang TAMA kung ang pahayag ay
wasto at punuin naman ang bilog na sa tabi ng salitang MALI kung ang pahayag ay
hindi wasto o may kamalian. Simulan na natin!

1. Ang pananaliksik ay isang mahalagang sangkap sapagkat dito nakasalalay ang kakayahan
ng manunulat na kumuha ng mga patunay.

TAMA MALI

2. Ang tanging lathalain ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng


mga pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumulat.

TAMA MALI

3. Sa pagsasaayos at pagsusuri ng balita, hindi na kailangang hanapin ang bahaging


nagdudulot ng kalituhan sa interes ng babasa. Bagkus hayaaan na lamang ang
mambabasa na maghanap nito.

TAMA MALI

4. Isang mahalagang pagmumulan ng katotohanan ay ang mga lumang impormasyon, bago


magsagawa ng interbyu kailangang maisakatuparan ang pananaliksik hinggil sa taong
kakapanayamin upang hindi magkamali o makaligtaaan ang mga pangyayari na may
kinalaman sa paksa.

TAMA MALI

5. Lathalaing Pangkaranasan (Adventure Feature) – Ang lathalaing ito ay nauukol sa mga


di-pangkaraniwang karanasan ng manunulat o ng ibang tao ayon sa pagkakasalaysay.

TAMA MALI

6. Lathalaing Nagpapabatid (Informative Feature) – Naglalahad ng kapaki-pakinabang na


ulat, naghahatid ng kaalaman at karunungan na may layuning magturo.

TAMA MALI

7. Lathalaing Pangkatauhan (Personality or Character Feature) – Ang lathalaing ito ay batay


sa isang balitang nakapupukaw ng damdamin. Pinalalawak sa uring ito ang bahagi ng
balita na ang mga pangyayari ay di-pangkaraniwan, may kababalaghan o makabagong
likha na nakapagbibigay kaalaman at kawilihan sa mambabasa.

TAMA MALI

8. Sa pampaaralang publikasyon, ang itinatampok ay ang mga nasyonal na isyu na may


kinalaman sa mga estudyante.
TAMA MALI
9. Maaaring isulat sa ayos ang baligtad na piramide tulad ng isang balita o sa ayos
pasalaysay ang tanging lathalain.

TAMA MALI

10. Ang tanging lathalain ay katha-katha lamang.

TAMA MALI

You might also like