You are on page 1of 6

MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA

Ang pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika na kasama ng pakikinig, pagsasalita, at


pagsulat. Sa pamamagitan nito, nakikilala at nakukuha ang mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na
simbolo. Ito ay proseso sa pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa ng
kanyang isinulat. Ang gawaing ito ay isang mental na hakbangin tungo sa pagkilala, pagpapakahulugan
at pagtataya sa mga isinulat ng may-akda.

Ayon kay William S. Gray, “Ama ng Pagbasa,”ito ay nagaganap sa apat na yugto:

1. Ang pagbasa sa akda


2. Ang pag-unawa sa binasa
3. Ang reaksyon sa binasa
4. Ang pagsama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaaalaman sa binasa at ng dating kaalaman

Ang pagbasa ay ginagawa ng tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan. May mga bumabasa upang
kumuha ng kaalaman o karunungan. Ito ay kailangan ng tao upang hindi siya maiwanan sa takbo
ng panahon lalo na ngayon na maraming bagong kaalaman ang natutuklasan sa pamamagitan ng
kaalamang pangteknolohiya. Mainam ding pampalipas oras ang pagbabasa dahil bukod sa
maitututring itong solusyon sa pagkabagot ay may mga aral pang makukuha sa mga akdang
pampanitikan na maaaring gamiting gabay at makapag-papalawak ng pananaw sa buhay. Sa
pagbasa, ang iba’y nakatutuklas ng karunungan sa iba’t ibang larangan ng pilosopiya, agham,
humanidades, medisina, at iba pa.
Bilis at Kaayusan sa Pagbasa- ay dapat ayon sa layunin ng bumabasa. Ang bumabasa na may
layuning matuto at matandaan ang binasa ay nakapagbabasa ng dalawang daan at limampu (250)
hanggang tatlong daan at limampu(350).
Dahil ang pagbasa ay hindi lamang pandama kundi higit sa lahat, isang gawaing pangkaisipan,
mayroon itong sinusunod na kronolohikal na hakbang.

Ito ay ang mga sumusunod:

1. persepsyon o pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo;


2. pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo;
3. reaksyon o paghatol sa kawastuha, kahusayan, at halaga ng tekstong binasa; at
4. asimilasyon o integrasyon ng binasang teksto sa mga karanasan ng mambabasa.

Mga uri ng pagbasa ayon sa layunin

1.Ang Skimming o pinaraanang pagbasa ang pinakamabilis na pagbasa na nakayaya ng isang tao. Ito
rin ay
nangangahulugan sa pagtingin ng isang teksto o kabanata ng mabilisan para magkaroon ng
pangkalahatang ideya sa
nilalaman ng materyal at kasanayan sa pagkilala ng mga salita upang maunawaan ang isang teksto.

Ginagamit ito sa:


a. pagpili ng aklat o magasin;
b. pagtingin ng mga kabanata ng aklat bago ito basahin ng tuluyan;
c. paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik; at
d. pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman.

2.Ang Scanning ay tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Sa uring
ito ng pagbasa, hindi na hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil ang mahalaga rito’y
Makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan.
Halimbawa:
a. Paghahanap ng kahulugan ng isang salita sa isang diksyunaryo

MGA URI NG PAGBASA AYON KAY BABASORO


Ayon sa layunin (masusi, masaklaw)
 . Masusing Pagbasa- tinataglay nito ang pagiging mapanuri at kritikal na pagbasa.
 2 Masaklaw na Pagbasa- taliwas ito sa masusing pagbasa sa halip na pabaha-bahaging pagabasa
ng isang teksto, ito ay isang pag- aaral sa pangkalahatang nilalaman ng binasa.
Ayon sa paraan (tahimik, pasalita, mabagal, mabilis)
Tahimik na Pagbasa- gamit dito ay mata lamang. Hindi ito ginagamitan ng bibig kaya di lumilikha ng
anumang tunog.
Mabagal na Pagbasa- sapat na panahon ang dapat sa pagbasang ito. Umaayon ito sa pag-aaral ng
gramatikang Filipino.
Mabilis na Pagbasa- scanning ito sa Ingles na tumutukoy sa pagkuha at pagpili ng mga pangunahin at
tiyak na detalye ng pangkaisipan sa akdang binasa. Ang pinaraanan at pinakamabilis na pagbasang
magagawa ng isang tao ay tinatawag namang “skimming”.
Hindi matatawag na marunong bumasa ang isang tao kung hindi niya nauunawaan ang kanyang binasa
sa halip, marunong lamang siyang bumigkas at kumilala ng mga titik na nakalimbag.

LIMANG ANTAS NG PAGBASA

1. Pag-unawang literal
a. Pagpuna sa mga detalye c. Pagbubuod o paglalagom sa binasa
b. Pagsunod sa panuto d. Paggawa ng balangkas
e. Pagkuha ng pangunahing kaisipan

2. Pagbibigay ng Interpretasyon
> Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may akda na kalakip ang mga karagdagang kahulugan gaya
ng malaim na kahulugan, implikasyon at pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may-akda. Kalakip
din dito ang pagsusuri at pagsama-sama upang magkaroon ng panibagong pananaw sa mataas na
pamantayan ng pag-unawa upang bayaan ang bumasa upang makapag-isip sa nais ipakahulugan sa
mahalagang kaisipan ng may-akda.

a. Pagdama sa katangian ng tauhan


b. Pag-unawa sa mga tayutay at patalinhagang kahulugan
c. Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan
d. Pagbibigay ng kuru-kuro at opinion
e. Pagkuha sa kalalabasan

3. Mapanuri o Kritikal na Pagbasa


> Pagkilatis sa kaha;agahan ng kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad. Tinatawag itong mapanuring
pagbasa.

a. Pagbibigay ng reaksyon
b. Pag-iisip sa masaklaw at malawak
c. Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad
d. Pagdama sa pananaw ng may akda
e. Pagpasya sa kabisaan ng paglalahad

4. Paglalapat o Aplikasyon
>Pagsasanib ng kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at
pagkaunawa. Ito ang aplikasyon ng mga kaisipang nakuha sa pagbabasa.

a. Pagbigay ng opinion o reaksyon


b. Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na pangyayari sa buhay
c. Pagpapayaman ng talakayan tungkol sa paglalahad ng mga kaugnay na karanasan.
d. Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon
e. Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan

5. Pagpapahalaga
>Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan ng binasang seleksyon. Dito rin natin
ipinadarama ang paghanaga sa kagandahan at masining na paglikha ng isang akda. Iba’t ibang paraan
ang magagawa natin sa pagpapadama ng pagpapahalaga gaya ng:

a. Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalai


b. Pagbabago sa wakas ng kuwento
c. Pagbabago sa pamagat ng kuwento
d. Pagbabago sa mga katangian ng mga tauhan
e. Pagbabago sa mga pangyayari sa kuwento
f. Paglikha ng sariling kuwento batay sa binasa
g. Pagsasadulasa akdang binasa
h. Pagbigkas ng tulang binasa

Mga Denotasyon at Konotasyon

May mg asalitang doble at marami ang kahulugan. Ito ay maaaring denotasyon o konotasyon. Ang
denotasyon ay kuhulugan na makukuha sa mga talatanigan o diksyunaryo, samantalang ang konotasyon
ay makukuha ang kahulugan batay sa pagpapahiwatig ng isang salita o parirala o iba pa. Malalaman din
ang kahulugan nito batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Samakatwid, denotasyon ay tumutukoy
sa literal na kahulugan at ang konotasyon ay pagbibgay ng iba pang kahulugan maliban sa tunay na
kahulugan nito.

Halimbawa:
Detonasyon --- ayaw ko ng isdang banguskasi matinik ito.
Konotasyon --- Mahusay si Ana sa Matematika, matinik talaga siya.

Tayutay
Ayon sa Diksyunaryo Ng Wikang Filipino,Sentinyal Edisyon, ang tayutay ay isang paraan ng
paagpapahayag ng pampanitikang salita o pangungusap na may hugis o anyong patalinhaga. Ito ay
isang pagpapahayag na lumilihis sa talagang paraan ng pagpahayag upang ang pahayag ay maging
maganda at kaakit-akit.
Ang kakayahan o kaalaman sa tayutay ay malaking tulong sa pag-unawa ng binasa.

Narito ang ilang tayutay na madalas gamitin sa mga pahayag.


1. Pagbibigay-katauhan o personifikasyon.
> Ina-aring tao ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga
gawi o kilos ng tao. Ginagamit dito ang pandiwa para mapakilos ang mga bagay tulad ng tao.
Halimbawa:
Lumuha ang langit ng mamatay ang maraming biktima ng tsunami.
Kay bilis tumakbo ng oras.
2. Pagtututlad (simile).
> May dalawang magkaibang bagay na pinaghahambing na ginagamit ang mga salita o pariralang tulad
o katulad ng, para o kapara ng, animo ay, wangis o kawangis ng, parang, at iba pang katulad nito.

Halimbawa:
1. Parang loro ang kanyang mga mata.
2. Ang luha niya sa mata ay kawangis ng perlas ng dagat.
3. Ang buhay ng tao ay parang bulaklak, patumagal at timanda, malalanta at mamamatay rin.

3. Pagwawangis o metapora.
> Ito ay tuwirang paghahambing dahil hindi na gumagamit ng salita o pariralang ginagamit sa
pagtutulad.
Halimbawa:
Hugis kandila ang daliri ni Rosa.
Bukas naaklat ang buhay ng mga artista at mga pulitiko.
4. Pagmamalabis o iperboli.
> Wala na sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kaya tinatawag din itong eksaherasyon.
Halimbawa:
Bumaha ng dugo ng sumiklab ang digmaan sa Iraq.

5. Pagtawag o apostrope.
> Kinakausap na parang tao ang mga bagay o isang tao na parang naroroon at kaharap gayong wala
naman.
Halimbawa:
Pag-ibig, talagang bulag ka nga.

6. Pagsalungat o pagatatambis o oksimoron.


> Pahayag na gumagamit ng salitang magkasalungat ang kahulugan.
Halimbawa:
Ito ang puno at dulo ng suliranin.
7. Paglulumanay o eupimismo.
> Gumagamit ng mga salitang magpapabawas sa tindi ng kahulugan ng orihinal na salit. Ito ay hango sa
salitang Ingles na ayaon sa mga eksperto o dalubhasa ay madaling gamiting kasangkapan sa verbal na
kumonikasyon, ng isang daan para makaiwas sa pagkakaroon ng kaaway o kasamaan ng loob.
Halimbawa:
Ang kanyang Ama ay namayapana.

8. Pag-uyam o ironya
> Isang paraan ito ng pangungutya pero kapuri-puri ang literal na pakahulugan. Ang pagpapahayag ay
pumupuri ngunit sa katotohanan, ito’y pangungutya sa taong pinupuri.

9. Pagpapalit-tawag o metonomiya
> Ayon kay Sebastian, ang panlaping “meto” ay may kahulugang pagpapalit o paghahalili kaya
nagpapalit ito ng katawagan sa bagay na itinutukoy.
Halimbawa:
Si John ang Adonis ng aming bayan. (Adonis ay kumakatawan sa pinakamagandang lalaki sa
nayon.)

10. Paglilipat-wika (transferred epithet).


> Ang paggamit ng pang-uri sa tao lamang ay karaniwang bagay.
Halimbawa:
Ang ulilang bahay ay muling tinirhan.

11. Pagpapalit-saklaw o sinekdoke.


> Binabanggit dito ang bahagi na tumutukoy sa kabuuan o kaya’y ang kabuuan sa halip na bahagi
lamang.
Halimbawa:
Huwag na huwag kang makapanhik ng aming hagdan

IDYOMATIKONG PAHAYAG
>Ang idyoma ay kilala na idyomatikong pagpapahayag o sawikain. Ito’y mga di-tuwirang pagpapahayag,
kaya sinasabing may patalinghagang kahulugan. Ito rin ay malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng
salita kaya, may konotatibong kahulugan din ito.

Halimbawa:
1. Likaw na bituka- pag-uugaling hindi alam ng iba o ipamalita ang isang lihim
2.Nagbebenta ng asin- pinupuri ang sarili
3.Hawak sa ilong- sunud-sunuran sa tao
4.Malalim ang bulsa- kuripot
5.Alog ang baba- matanda na

PAGKUHA NG PANGUNAHIN AT PANTULONG NA IDEYA

Ang pagkuha ng pangunahin at pantulong na ideya ay isang kasanayan na kailangang malinang


sa mga mambabasa. Dito masusukat ang kakayahan sa pag-unawa sa isang teksto.

Una- Ang talata ay may pamaksang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahing ideya o kaisipan.
Ang pamaksang pangungusap ang pinakapundasyon ng isang talata. Maaari itong matagpuan sa
unahan, gitna o hulihan ng talata ngunit kung susuriin ito ay karaniwang matatagpuan sa unahan ng
talata.

Ikalawa- Lahat ng mga pangungusap sa isang talata ay tungkol sa isang paksa. Kailangang may
kaugnayan sa pamaksang pangungusap ang mga pantulong na ideya upang magkaroon ng kaisahan
ang talata.

Ikatlo- Ang unang linya o pangungusap sa isang talata ay dapat ipasok. Maglaan ng kalahating dali o
pulgada sa pagpasok ng unang linya.

Ikaapat- Matatagpuan sa huling pangungusap ang lohikal na kongklusyon. Karaniwan, dito ipinahahayag
ang punto ng talata o kaya’y dito makikita ang pagbubuod sa pangunahing ideya ng talata. Maaaring
magbigay rito ng prediksyon o mungkahi.

Pagbuo ng mga tanong


Ang pagbuo ng mga tanong tungkol sa binasang teksto ay isang paraan o estratehiya na
ginagamit para maunawaan ang nilalaman ng teksto.

Narito ang limang antas ng pagbasa

1. Pag-unawang literal
Hal. Sino ang pangunahing tauhan? Ano ang kanyang problema? Saan matatagpuan ang kwento?
2. Pagbibigay ng interpretasyon
Hal. Ano ang sanhi at bunga ng mga pangyayari? Bakit napariwara ang buhay ng tauhan?
3. Mapanuri o Kritikal na pagbasa
Hal. Anong kaisipan ang nakuha mo sa binasang teksto?
4. Paglalapat o aplikasyon
Hal. Kung ikaw ang nasa katayuan ng pangunhaning tauhan, ano ang gagawin mo para malutas
ang iyong
problema?
5. Pagpapahalaga
Hal. Gumawa ng isang iskrip sa kwentong binasa at itanghal ito sa klase.

Pagbuo ng Buod o Abstrak

Ang pagbubuod ay pinaikling katha o akda. Sa paggawa nito, inaayos an gang pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari mula sa simula hanggang wakas.

MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT

Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na


ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at elektroniko(sa kompyuter). Binubuo ang pagsulat sa
dalawang yugto. Una na rito ang yugtong pangkognitibo, ibig sabihin, nasa isip lahat an gating isusulat.
Ang ikalawang yugto ay ang mismong proseso ng pagsulat. Nagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis ang
mga ideya at konseptong nasa isipan ng tao habang unti-unting naisusulat ito sa papel.

Iba’t Ibang uri ng Pagsulat

1. Pormal. Ito ay sulatin na may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong
pagtalakay ng balangkas ng paksa.
2.Di- Pormal. Ito ay sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya at may
pagkapersonal
na parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa.
3. Kumbinasyon. May mga iskorlarling papel na gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng jornal, liham
at iba pang personal na sulatin kaya posibleng magkaroon ng kumbinasyon ng pormal at di-pormal na uri
ng pagsulat.

Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

1.Paglalahad. Tinatawag din itong pagpapaliwanag nan aka sentro sa pagbibigay-linaw ng mga
pangyayarin, sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa.

2.Pagsasalaysay. Naka pokus ito sa kronolohikal o pagkakasunud-sunod na daloy ng pangyayaring


aktwal na naganap.

3. Pangangatwiran. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinion o argumentong pumapanig o sumasalungat


sa isang isyung nakahain sa manunulat.

4. Paglalarawan. Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng
isang manunulat
hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.
Proseso ng Pagsulat

Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana ang
kakayahang ito. Pinag-aaralan sa kolehiyo ang proseso ng pagsulat upang maging epektibo at
makabuluhan ang gawaing pang-komunikatibo at pang-akademiko.

Anim na Yugto sa Proseso ng Pagsulat

1. Pagtatanong at Pag-uusisa. Ang mga sulating papel sa kolehiyo’y nagmumula sa isa o maraming
tanong. Hindi ganap ang pagtatanong lamang kung kaya’t ang mausisang isipan ang nagbibigay-daan
para makahanap ng sagot sa tanong. Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang masinop na
pananaliksik.

2. Pala-palagay. Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng pananaliksik, sa isang banda,
unti-unting
nabubuo ang pala-palagay ng manunulat sa paksang susulatin. Lumalawak ang pala-palagay sa
pamamagitan ng
panimulang pananaliksik sa aklatan, pagtatanong sa ibang tao, pagbabasa, at pagmamasid.

3. Inisyal na pagtatangka. Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang saklaw ng


pananaliksik na gagawin. Ito ang yugto na tatangkain ng manunulat na ayusin ang panimulang datos,
pala-palagay, at iba pang impormasyon para makabuo ng balangkas.

4. Pagsulat ng unang borador. Kung handa na ang lahat ng sanggunian at maayos na ang daloy ng
paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas nito, maaaring sulatin na ang unang borador. Dito na
ibubuhos ng manunulat ang kanyang kasanayan, kaalaman at kakayahan upang mabuo ang papel.

5. Pagpapakinis ng papel. Kung tapos na ang unang borador, muli’t muling babasahin ito para Makita
ang pagkakamali sa
ispeling, paggamit ng salita, gramatika at ang daloy ng pagpapahayag, impormasyon at katwirang
nakapaloob sa
komposisyon.

6. Pinal na papel. Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng papel, pwede
nang ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa’t susuri nito.

Organisasyon ng Teksto

1.Titulo o Pamagat. Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng
pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro.

2.Introduksyon o Panimula. Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ng
pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel.

3.Katawan. Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang pangangatwiran,
pagpapaliwanag,pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad ay matatagpuan sa bahaging ito.

4. Kongklusyon. Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel. Isinasaad din sa bahaging ito
ang napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa
papel o sa pananaliksik.

You might also like