Professional Documents
Culture Documents
Aralin3 Mgasinaunangkabihasnan 140728112425 Phpapp02 PDF
Aralin3 Mgasinaunangkabihasnan 140728112425 Phpapp02 PDF
MGA SINAUNANG
KABIHASNAN
SA DAIGDIG
ALAMIN
GAWAIN 1.
PICTURE FRAME
GAWAIN 1: PICTURE FRAME
Masdan ang tatlong picture frame at pansining
walang laman ang bawat isa. Tatawag ang guro ng
tatlong mag-aaral na guguhit ng mga salitang
ipapaloob sa bawat frame. Isulat sa papel ang
natatanging salitang inilalarawan ng mga guhit.
PAMPROSESONG
TANONG
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame?
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame?
2. Batay sa mga guhit na nasa loob ng tatlong
frame, ano ang iyong pagkakaunawa sa
salitang “kabihasnan”?
GAWAIN 2.
WQF DIAGRAM
GAWAIN 2: WQF DIAGRAM
Pumili ng paksa mula sa “Sinaunang Kabihasnan ng
Daigdig” na gagawan ng WQF Diagram. Isaalang-alang ang
sumusunod na mga panuto sa pagbuo nito:
1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng “W”
(words) ang mga salitang maiuugnay sa paksa.
2. Sa kahon ng “Q” (questions), bumuo ng 3-5
tanong na nais mong masagot tungkol sa paksa.
3. Ipagpaliban ang pagsagot sa Bilog “F” (facts).
Pabalikan ito pagkatapos ng Pagnilayan/
Unawain.
PAUNLARIN
PAKSA:
Kabihasnan –
Katuturan at mga Batayan
PAKSA: KABIHASNAN –
KATUTURAN AT MGA BATAYAN
a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang
ibibigay na kahulugan ng mga kamag-aral.
PAKSA: KABIHASNAN –
KATUTURAN AT MGA BATAYAN
a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang
ibibigay na kahulugan ng mga kamag-aral.
b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang
may kaugnayan sa kabihasnan.
PAKSA: KABIHASNAN –
KATUTURAN AT MGA BATAYAN
a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang
ibibigay na kahulugan ng mga kamag-aral.
b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang
may kaugnayan sa kabihasnan.
c. Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong sariling
pagpapakahulugan ng salitang kabihasnan?
PAKSA: KABIHASNAN –
KATUTURAN AT MGA BATAYAN
a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang
ibibigay na kahulugan ng mga kamag-aral.
b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang
may kaugnayan sa kabihasnan.
c. Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong sariling
pagpapakahulugan ng salitang kabihasnan?
d. Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga
pampropsesong tanong.
PAMPROSESONG
TANONG
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging
ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging
ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?
2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong
pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong
kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging
ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?
2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong
pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong
kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?
3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging
ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?
2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong
pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong
kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?
3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?
4. Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan?
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging
ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?
2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong
pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong
kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?
3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?
4. Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan?
5. Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit malaki ang pakinabang ng
mataas na antas ng agham at teknolohiya?
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging
ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?
2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong
pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong
kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?
3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?
4. Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan?
5. Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit malaki ang pakinabang ng
mataas na antas ng agham at teknolohiya?
6. Ano-ano ang sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig, partikular sa
Asya, Africa, at America?
PAKSA:
Impluwensiya ng Heograpiya sa
Pag-unlad ng mga Sinaunang
Kabihasnan
IMPLUWENSIYA NG HEOGRAPIYA
SA PAG-UNLAD NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN
Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Tukuyin ang mga kontinente
nito. Lagyan ang mapa ng bituin ( ) na umakatawan sa kinaroroonan ng
mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Ang Kabihasnang
Mesopotamia sa
Kanlurang Asya
ANG KABIHASNANG MESOPOTAMIA SA
KANLURANG ASYA
• Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang
Greek na meso o“pagitan” at potamos o “ilog”.
Samakatuwid, ang Mesopotamia ay
nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang
ilog”.
• Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang
kabihasnan sa buong daigdig.
• Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang
pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian,
Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na
nagtangka ring sakupin ang lupaing ito.
• Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang
lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na
nang lumaon ay pinalitan ng iba pang mga
kabihasnan.
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA
• Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng
mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang
mga lungsod sa daigdig, tinatawag na
Mesopotamia, ang lupaig matatagpuan sa pagitan
ng mga ilog na ito.
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA
• Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng
mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang
mga lungsod sa daigdig, tinatawag na
Mesopotamia, ang lupaig matatagpuan sa pagitan
ng mga ilog na ito.
• Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi
ng Syria at Turkey.
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA
• Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng
mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang
mga lungsod sa daigdig, tinatawag na
Mesopotamia, ang lupaig matatagpuan sa pagitan
ng mga ilog na ito.
• Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi
ng Syria at Turkey.
• Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng
Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing
nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang
baybayin ng Mediterranean Sea.
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA
• Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at
Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng
banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain
ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA
• Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at
Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng
banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain
ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim
• Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan
kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang
karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga
karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang
pangkalakalan at tunggaliang militar.
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA
• Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at
Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng
banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain
ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim
• Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan
kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang
karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga
karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang
pangkalakalan at tunggaliang militar.
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA
• Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na
pamayanang sakahan ang matatagpuan sa
kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-
ugnay-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang
pangkalakalan.
HEOGRAPIYA NG MESOPOTAMIA
• Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa mga
sumusunod na taon, nagkaroon ng mga
pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika,
at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong
kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na
itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod
sa daigdig.
Ang Kabihasnang
Indus sa Timog Asya
ANG KABIHASNANG INDUS
SA TIMOG ASYA
• Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis
tatsulok. Sa kasalukuyan, binubuo ito ng mga bansang India,
Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal,
at Maldives.
ANG KABIHASNANG INDUS
SA TIMOG ASYA
• Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at
kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya.
• HEOGRAPIKAL: Madalas itong tawagin ng mga heograpo na
sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga
kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay na
kontinente. Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush,
Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang
pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa
katimugan, at Bay of Bengal sa silangan.
• KULTURAL: Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang
wikang ginagamit sa rehiyong ito.
ANG KABIHASNANG INDUS
SA TIMOG ASYA
• Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at
kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya.
• HEOGRAPIKAL: Madalas itong tawagin ng mga heograpo
na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga
kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay
na kontinente. Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush,
Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito
samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran,
Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan.
• KULTURAL: Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin
ang wikang ginagamit sa rehiyong ito.
ANG KABIHASNANG INDUS
SA TIMOG ASYA
• Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga
kabundukan sa hilaga, nakararanas din ito ng mga
pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang mga tao
sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-
kanluran, dala ang kanilang sariling wika at tradisyon, na
nagpayaman sa kulturang Indian.
ANG KABIHASNANG INDUS
SA TIMOG ASYA
• Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang
sinaunang kasaysayan ng India. Nakahukay nga
ang mga arkeologo ng mga kasangkapang
ginamit ng mga ninuno subalit hanggang sa
kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga
iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat
ng sinaunang kabihasnan ng India.
HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS
• Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa
lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga
sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang
panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga
labi ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga
lugar na ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay
kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer noong
3000 B.C.E.
HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS
• Mas malawak ang lupain sa Indus kung
ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia.
Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-
kanluran ng dating India, at ang kinaroroonan ng
lupaing Pakistan sa kasalukuyan.
• Ang mga lungsod na itio ay nagsimulang humina
at bumagsak noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa
kasalukuyan, tinatayang mahigit 1,000 lungsod at
pamayanan ang matatagpuan dito partikular sa
rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS
• Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng
Indus River. Ang tuktok ng kabundukang Himalaya
ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa
natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa
Indus River na may habang 2,900 km.(1800) milya
at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan
ng Pakistan.
HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS
• Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng
matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula
ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa
pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang
pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa
at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS
• Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak
ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. Karamihan sa
mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan
at maayos na mga kalsada. Nang sumunod na
limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-
irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga
pagbaha.
HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS
• Sa kasalukuyan,isa lamang ang India sa mga bansa
sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang hilagang
bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng
sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba
Ang Kabihasnang
Tsino sa Silangang
Asya
ANG KABIHASNANG TSINO SA
SILANGANG ASYA
• Ang kabihasnang umusbong sa China ay
itinuturing na pinakamatandang
kabihasnang nananatili sa buong daigdig
hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito
halos apat na milenyo na ang nakalilipas.
ANG KABIHASNANG TSINO SA
SILANGANG ASYA
• Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng
mahusay na pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga
ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang
Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa
kabihasnang Tsino
ANG KABIHASNANG TSINO SA
SILANGANG ASYA
• Sa aspektong politikal, halinhinang
nakaranas ang China ng pagkakaisa at
pagkakawatak-watak. Ang mga
pangyayaring ito ang humubog sa kultura
at mamamayan ng bansa hanggang sa
makabagong panahon.
HEOGRAPIYA NG HUANG HO
• ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit
sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa
kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000
milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan
nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang
Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan
nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang
panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na
kapatagan, ang North China Plain.
HEOGRAPIYA NG HUANG HO
• Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng
pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng
North China Plain, madalas nang nagaganap ang
pagbaha sa lugar na ito.
HEOGRAPIYA NG HUANG HO
• Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o
Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa
China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya,
hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu,
ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si
Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang
pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang
pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang
makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
HEOGRAPIYA NG HUANG HO
• Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga
sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag
nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng
kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang
lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle
Kingdom.
Ang Sinaunang
Kabihasnang sa Africa
ANG SINAUNANG
KABIHASNAN SA AFRICA
• Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa
lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-
silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa
Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit
masasabing mas naging matatag ang
kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang
Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit
ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng
tatlong milenyo.
ANG SINAUNANG
KABIHASNAN SA AFRICA
• Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng
lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa
Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt
ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar
tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos
ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang
tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-ng kanlurang
bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan.
Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit
8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng
mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa
Lambak ng Nile.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt,
mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower
Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung
saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong
Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay
nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert
hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may
4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay
dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay
tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung
wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay
magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na
ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng
Africa.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na
pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-
apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang
pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang
noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam
upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos
ang suplay ng tubig.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng
Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang
mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay
nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at
nag- iiwan ng matabang lupain na mainam para sa
pagtatanim.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa
pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog
ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa
hilaga upang maging latiang tinatawag na delta.
Ang lugar na ito ay nagging tahanan ng mga ibon
at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito
para sa mga lupang sakahan.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Upang maparami ang kanilang maaaring itanim
bawat taon, ang mga sinaunang Egyptian ay
gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay
ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa
kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga
proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang
ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at
maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon
kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay
naisakatuparan din sa mga panahong ito.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang
Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay
noong mga panahong iyon. Nagawa nitong
mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan
malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng
mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng
ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt
sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay.
Dahil dito, ang mga tao ay nagawang
makapamuhay nang mapayapa at masagana sa
loob ng mahabang panahon.
Ang Kabihasnang sa
Mesoamerica
ANG KABIHASNAN SA MESOAMERICA
• Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng
mga mangangaso o ‘hunter” ang nandayuhan mula sa Asya
patungong North America, libong taon na ang nakararaan.
Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng
North America patungong timog, at nakapagtatag ng mga
kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north
America at South America.
• Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang
kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa kasalukuyang
Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng
mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang
bahagi ng America.
HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA
Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna”. Ito ang
lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa
pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa
hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang
katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng
Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River.
HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA
Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El
Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.
HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA
Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay
nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang
panahon sa rehiyong ito. Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang
pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may
malaking populasyon ang rehiyong ito.
GAWAIN 3.
TRIPLE MATCHING
TYPE
GAWAIN 3: TRIPLE MATCHING TYPE
Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama-
sama ng mga terminolohiya at konsepto batay sa partikular na
heograpiya ng isang kabihasnan.
A B C
Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng
Huang Ho.
Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat
sa mga oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone.
Malimit ang isinagawang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing may namamatay na
pinuno
Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan.” na, ang emperador ay
namumuno sa kapahintulutan ng langit . Pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay
naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangiatan sa anyo ng lindol, bagyo,
tagtuyot, peste o digmaan.
Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang:
Confucianism - Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa
pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan.
Taoism - Hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan.
Legalism - Ipinanganak ang tao na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring
mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan.
Q’in o Ch’in ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA
(221 B.C.E. - 206
B.C.E.)
Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing-tanggulan laban sa mga
tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba 2400 kilometro o 1500 milya.
Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang
mag-alsa si Lui Bang.
Han ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA
(202 B.C.E. - 220
C.E.)
Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang Sui. Gayon man, nagawa nitong muling pag-
isahin ang watak-watak na teritoryo ng China.
Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin
ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze.
T’ang ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA
(618 C.E. –
907 C.E)
Li Yuan – Dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban sa dinastiya dahil sa mga pang-aabuso.
Itinatag niya ang dinastiyang T’ang.
Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng China sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan
ang lupain at mabilis na mga pagbabago sa larangan ng sining at teknolohiya.
Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon sa mga panahong ito ay tinangkilik ng mga
dugong bughaw at mga karaniwang tao.
Ibinalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng
pamahalaan. Ang pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han subalit pinagbuti pa sa
panahong T’ang.
Bumagsak ang dinastiya dahil sa samu’t saring pag - aalsang naganap sa China.
Song ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA
(960 C.E. –
1127 C.E.)
Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China kaya napilitan ang Song na iwanan
ang kabisera nito noong ika-12 siglo.
Yuan ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA
(1279 - 1368)
Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol. Sa unang pagkakataon para sa mga Tsino, ang
kabuuang China ay pinamunuan ng mga dayuhang barbaro.
Ang mga Mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspektong kultural, tradisyon, at wika. Pinanatili
nila ang kanilang pagkakakilanlan at namuhay nang hiwalay sa China na hindi nila
pinagkatiwalaan.
Pagkatapos ng mga labanan dumaan ang dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o panahon
ng kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak na
teritoryong sakop mula Timog-silangang Asya hanggang silangang Europe.
Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na ang isa ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at
itinatag ang dinastiyang Ming.
Ming ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA
(1368 - 1644)
Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa ilalim ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang
Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador.
Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type. Lumaki rin
ang populasyon ng China na umabot sa 100 milyon.
Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa
lipunan. Kasama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na sumalakay sa Korea.
Qing o Ch’ing ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA
(1644 - 1911)
Itinatag ito ng mga Manchu. Matapos magapi ang Dinastiyang Ming na mga semi-nomadic
mula sa hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino na barbarong dayuhan.
Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium laban sa England (1839-1842) at laban sa
England at France (1856-1860) ay malaking dagok sa imperyo. Tinutulan ng pamahalaang
China ang pagbebenta ng opyo ng mga Europeo sa China, dahil nakasisira ito sa moralidad ng
tao at kaayusan ng lipunan.
Sa pagkatalo ng China, nagkaloob ito ng mga konsesyon sa mga dayuhan, kabilang ang
pagkakaloob ng lupain tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din sila ng
karapatang pakinabangan at pamunuan ang ilang teritoryo sa China bilang sphere of influence
o mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang pang-ekonomiya ng nanalong bansa.
Qing o Ch’ing ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA
(1644 - 1911)
Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang magapi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino-
French (1883-1885) at Digmaang Sino-Japanese (1894-1895).
Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng
1911 na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng China.
GAWAIN 8.
MARAMIHANG
PAGPILI SA CHART
GAWAIN 8: MARAMIHANG PAGPILI SA CHART
Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtukoy ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang tinutukoy na
dinastiya, mga tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan. Piliin ang
sagot sa loob ng mga bilog.
GAWAIN 8: MARAMIHANG PAGPILI SA CHART
Kabihasnang Egyptian
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang
hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng
naghaharing pharaoh.
• Ang pharaoh ang tumayong pinuno at hari ng
sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay
ang mga lihim ng langit at lupa.
• Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa
kanilang nasasakupan.
• Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang
pharaoh ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga
sinaunang Egyptian.
• Kabilang sa kaniyang mga tungkulin ang pagsasaayos
ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda
ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa
kaayusan ng Egypt.
KABIHASNANG EGYPTIAN
KABIHASNANG EGYPTIAN
PREPARED BY:
JARED RAM A. JUEZAN
TEACHER I, AP 9
JULY 14-22, 2014