You are on page 1of 4

Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa

Araling Pilipinas Para sa Siglo 21 at Lagpas Pa


(Crafting a Meaningful Research Agenda for Philippine Studies
in the 21st Century and Beyond)
David Michael M. San Juan

Ang artikulong ito ay nagtatalakay ng makabuluhang adyenda sa pananaliksik sa Araling


Pilipinas mula siglo 21 at lagpas pa ng iba’t ibang aspeto ng intelektwalisasyon ng Filipino
bilang wikang pananaliksik sa iba’t ibang larangan . Bukod dito, inilalahad din ang samot saring
mga isyu at problemang ng mga mananaliksik sa Pilipinas sa mga susunod na dekada at siglo na
maaaring paghalawan o bigyan ng pokus tulad na lamang ng politika, ekonomiks, kultura,
medisina, at iba pa.
Lupa, Politika, At Iba Pa
Ayon kay Lubin & Castañeda (2012), nanatili pa din ang kilusang Occupy na itinataas
ang isyung panlipunan, pang-ekonomiyang at ang impluwensya ng mga korporasyon sa
gobyerno-lalo na mula sa sektor ng mga serbisyong pinansyal sa buong mundo.Marahil ay hindi
na kakailanganin ang kilusang Occupy sa Pilipinas kung ganap na nagtagumpay ang mga
Katipunero noong 1896 na nakadetalye sa iba’t ibang akda ng mga historyador katulad ni
Apolinario Mabini ar Jose Maria Sison. Kaugnay nito, monopolisado ng iilang angkan ang lupa
ng bansa gaya rin ng kapangyarihang politika kung saan nagmumula sa isang angkan o pamilya
at taong sikat o makamasa ang pamumuno sa bansa.
Dahil dito, minumungkahi na ibilang sa balotang presidensyal ang “WALA AKONG
GUSTO SA KANILANG LAHAT o NONE OF THE ABOVE (NOTA)”, kung saan kapag
nanaig ang boto nito, panibagong eleksyon ang magaganap. Sa pamamagitan nito, tiyak na higit
na pag-iisipan at pag-uukulan ng pansin ng mga politiko ang kani-kanilang manipestong
electoral at bumuo ng mga bagong patakaran na magbibigay-pag-asa sa kanila na hindi pa tapos
ang laban.
Dahil sa nakikitang kahinaan ng “representative democracy” sa ating bansa, ipinapalagay
na maaaring subukan ang “direct democracy” sa pamamagitan ng pagbibigay ng gadyet sa mga
mamamayan kung saan araw-araw nilang mababasa ang mga referendum at mas makakasabay
sila sa mga bagong usapin. Dagdag pa rito, maaari ding gawing unicameral ang sistema ng
pamahalaan na binubuo ng mga 24 senador at 50 partylist representatives na kumakatawan sa
mga tinig ng mga nasa baba.
Araling Pangkalikasan: Imperatibo sa Pagliligtas ng Mundo
Tila hindi nabibigyang pansin ng pamahalaan ang mga usaping pangkalikasan. Hindi
lingid sa ating kaalaman na patuloy ang pagkaubos ng ating mga pinagkukunang yaman. Sa
kabila nito, hindi tumutigil ang mga bansa sa pagpapataas ng kanilang GDP at dahil sa nais
nating makasabay sa pag-unlad ay walang habas ang eksploytasyon ng mga likas na yaman na
nagiging dahilan ng pagkasira nito. Tila tinatawag na ng panahon ang konseptong degrowth o
ang pagbabalik natin sa mga simpleng pangangailangan lamang. Hangga’t maaari ay kailangan
nating bawasan ang paggawa ng mga bagay na nakasisira sa kapaligiran at magsimulang
gumawa ng mga mabubuting bagay upang maibalik ang hitik na yaman ng ating kalikasan. Ang
konsepto ng paggamit ng renewable energy ay isa ring solusyon kung nais ng mga tao ang
unlimited consumption. Marahil ito ang magbigay daan sa pagluwal ng bagong mundo kung saan
mga robot na ang gagawa ng mga trabahong pantao, babawasan ang oras ng pagattrabaho ng
mga tao ngunit hindi mababawasan ang kanilang sahod.
Ugnayang Panlabas at Usaping Panloob
Sa usapang pangkalikasan tulad ng Paris Accord, malinaw na ang usaping pangkalikasan
ay may kaugnayan sa isa’y-isa sapagkat ito ay para sa ikabubuti ng buong mundo. Ang tambalan
na China-Russia ay tila gumagawa ng paraan na tapatan ang pagkakasanib pwersa ng Estados
Unidos sa ilan pang mga bansa. Ang katanungan ay kung kakayanin ba ng Pilipinas na
panindigan ang sariling kapakanan sa pansarili nitong estado gamit ang mga natatanging yaman
nito.
Paggawa, Dependensiya, at Globalisasyon
Dahil sa mga negatibong epekto ng Labor Export Policy (LEP), tinitingnan ang
posibilidad ng pagpapatigil ng pagpapadala ng OFWs sa iba’t ibang panig ng daigdig. Malala na
ang brain drain at deskilling sa bawat propesyon.
Pagkabawas ng manggagawa sa bansa at pagliit ng sahod gayon din ang tanggalin ang
madaming kailangang papeles sa pagpabas ng bansa.Sa kabila ng hinaing ng mga kapitalismo sa
pagkalugi na malabo naman mangyari dahil sa kakaunting diperensya..Tinitingnan din kung
makatarungan ba ang nagiging sweldo ng mga manggagawa.Kakulangan sa pag-aaral ng epekto
sa mahihirap ng globalisasyon.Dulot nito ang maraming pagbabago sa maliliit na pagawaan o
pabrika gayon nadin sa mga magsasaka.Sa pag-alis ng taripa sa mga produkto,dugtong-dugtong
na ang epekto nito mula sa mga magsasaka, pabrika, hanggang merkado. Pagiging importer na
lamang ang ganap ng bansa sa madaming produkto na kinukunsumo ng mga pilipino.Upang
mailahad ang pakikipagtunggali laban sa pagpapatanggal ng asignaturang kasaysayan ng
Pilipinas o Philippine Historysa hayskul malaking tulong ang iba't ibang akda ng kapwa pilipino
na nagpapatibay sa kahalagahan ng kaalaman sa kasaysayan. Dagdag din dito ang
pagkakapariwara ng kabataan sa maling landas at ang pang-aangkin ng mga kapitalista sa ating
mga dalampasigan
Pagsasalin ng mga Di Pinangangahasang Isulat sa Filipino
Bukod sa nakikitang masamang epekto ng globalisasyon ay ang pagsasamantalang
malinang ng mga mananaliksik ang mabuting epekto nito gaya ng nga akda na baliktad sa akda
ng mga taliwas sa globalisasyon .
Matatapang na Solusyon sa Malalalang Problema
Inobasyon sa Geoengineering Laban sa Climate Change
 Sinusubukan na ang pag-spray ng particles sa atmosphere para madeflect ang ilang
porsyento ng init ng araw, gaya ng saliksik ng mga saliksik ng Cargenie Climate
Geoengineering Governance Initiative.
 Gawin ang literal na imbentaryo at genetic mapping sa lahat ng malapit nang ma-extinct
na halaman, hayop at iba pa sa bansa bilang batayan ng kampanya para sa kanilang
preserbasyon, at datos na rin para sa mga siyentista sa mga susunod na panahon na baka
magkaroon na ng tsansa na mag-clone ng mga extinct na hayop at halaman
Genetic Engineering Laban sa Kagutuman
Ihanda na ang mga kumpanyang nagbebenta ng genetically-engineered na buto, at
protesta ng mamamayan sa bagong teknolohiya na posibleng magdulot ng mas maraming
problema, gaya ng idinulot nito sa India.
Maaari ring i-field trial ang mga GM organisms (GMO) sa Pilipinas.
Pagbibigay Solusyon sa Traffic
 Butasin ang mga subdibisyon
 Padaanan sa publiko ang lahat ng kalsada
 Ipagbawal ang parking sa lahat ng kalsada,
 Isaayos ang public mass transportation system para mas konti na lang ang magkotse,

Wika, Kultura, Panitikan, At Iba Pa


Sa patuloy na modernisasyon at globalisasyon ng mundo, mayroong mga wikang
naiisawalang bahala at hindi na nabibigyang pansin sa paglipas ng panahon.
Napakaraming aspeto ang naaapektuhan dulot ng pagkakabura ng sariling wika at sa
paggamit ng wikang banyaga partikular na ng Ingles nang madalas. Kung kaya't maraming mga
grupo sa lipunan ang naglalayong ipreserba at pagyamin pa ang wikang Filipino, halimbawa na
ay ang Tanggol Wika na binubuo ng mga propesor, estudyante at mga aktibistang may malaking
pagpapahalaga sa wika.
Magpagayunpaman, sa pag-unlad ng iba't ibang bansa at sa pagtaas ng bilang ng kanilang
populasyon, tila ay natatabunan na ang wikang Ingles kung kaya naman sinasabing nawawalan
na ito ng kapangyarihan sa mundo bagaman ito ang tinuturing na pandaigdigang wika.
Sa larangan ng edukasyon, nasa dulo ang Pilipinas pagdating sa Agham at Matematika na
nagbigay ng konklusyon na dapat ay Tagalog o Taglisg ang maging wika ng instruksiyon upang
mas madaling maintindihan ng mga mag-aaral.
Sa larangan naman ng midya, napakarami na ang may internet na nagagamit sa iba't
ibang "social media sites" gaya na lamang ng Facebook na patuloy sa paglobo ng bilang ng mga
gumagamit. Makapangyarihan ito upang mabura o di kaya naman ay mapreserba ang wika
sapagkat napakadaling makapang-impluwensiya at makapanghikayat ng mga madla sa mga
ganitong klase ng midya.
Sumunod, sa larangan ng kalusugan at medisina, nararapat na magbigay ng sapat na oras
at pananaliksik ukol sa mga halamang gamot nang sa gayon ay makahanap ng mga kapalit na
mamahaling medisina na mula sa iba't ibang bansa.
At sa larangan ng panitikan, walang Pilipino ang nanalo na ng Nobel Prize at tila'y
sangkot ang pagkakaroon ng mas mataas na istandards o pamantayan ng mga banyaga.
Pagbabahaginan ng Kaalaman Tungo sa Daigdig na Walang Hanggahan
Sa panahon ngayon dulot ng teknolohiya partikular na ang internet ay mas madaling
nakakabisita sa mga pook sapot at makapangopya ng mga impormasyon mula rito kahit na
walang pahintulot mula sa mga awtor. Ang mauunlad na bansa gaya ng Netherlands, Sweden at
Norway ay nagpapamahagi ng mga libreng dokumento sa internet, hindi gaya sa Pilipinas na
limitado lamang ang pwedeng makitang dokumento at yaong mga nasa piling unibersidad
lamang ang maaaring makakuha ng buong akda. Magpagayunpaman, may mga pook sapot mula
sa mga banyaga na naglalathala ng mga akdang Filipino gaya ng mga nobela at aklat subalit ang
mga ito ay nangangailangan ng matinding pagsusuri at pagsasalin.
Kritikal na Perspektiba sa Pedagohiya
Ayon Mangen (2014), higit na mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa paggamit ng
printed na teksto kumpara sa teksto imbis electronic readers tulad ng Kindle at iPad. Bukod pa
rito, iginiit nina Mueller at Oppenheimer (2014) na nararapat lamang na maging tradisyonal ang
atake sa pedagohiya.
Tagilid ang naging pagtingin ng may lathala sa pagpapatupad ng K-12 program. Ang
pondo ay inilaan na lamang dapat sa pagsasaayos ng lumang kurikulum. Sa pag-aaral na “Length
of School Cycle and The Quality of Education” nina Felipe at Porio (c.2008), sinasabing mas
mainam kung ang K to 12 ay ipataw na lamang sa mga gustong maging OFW at/o mag-aral sa
ibang bansa. Hanggang sa ngayon ay magulo ang sistema ng nasabing kurikulum. Kung hindi
kaagarang masosolusyonan ang mga isyu na ito, muli na namang mapag-iiwanan ang kabataaang
Pilipino sa larang ng edukasyon.

Ilan sa mga katanungan na nais sagutin ng kasalukuyang papel ay kung dapat pa i-


evaluate ang mga empleyado sa isang paaralan kung accountabilty ang pag-uusapan. Ang tatlong
taong probationary period ay kinakikitain rin ng maling palakad sapagka’t minamaliit daw nito
ang kakayanan ng isang lisensyadong guro. Ang ganitong klase suliranin ay makikita rin sa iba
pang kompanya kung saan iilan lamang sa kanilang empleyado ang masasabing permanenteng
manggagawa.
Isa pa sa usapin na natalakay ay kung kailangan pang magsagawa National Achivement
Test (NAT) at National Career Assessment Examination (NCAE) taun-taon. Ito ay sa
kadahilanang kakaunting pananaliksik lamang ang gumagamit ng nasabing datos. Ayon sa may
akda, maraming alternatibong paraan upang masukay ang antas ng karunungan ng isang
estudyante. Kabilang dito ay ang ang iskor sa eksam sa Filipino at English para matimbang kung
aling wika ang mas mainam gamitin bilang midyum ng pagtuturo. Dagdag pa rito ang pagsulong
sa passed or failed na sistema upang sa halip na mapresyur ang mga mag-aaral ay mas lalo nilang
mapagtuunan ng pansin ang halaga ng pagkatuto.
Kritikal na Perspektiba sa Relihiyon at Ekonomya
Isa sa matunog na usapin sa relihiyon, ang pagkilatis sa korporasyong kapitalista upang
matukoy kung may nalalabag silang doktrina ng mga simbahan. Ilan sa mga nabanggit na
halimbawa ay ang mga mall na nagsasagawa ng Angelus ay sila pa mismong lumalabag sa batas
ng kontraktwalisasyon.
Kinekwestyon din ang kredibilidad at kahalagahan ng Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN). Sa tinaga-tagal na nabuo ang organisasyon, mayroon na bang natupad sa mga
mithiin ng samahan o tanging mayayamang bansa lamang tulad ng Malaysia at Singapore ang
nakikinabang dito. Ayon sa may akda, ang economic integration ay hindi maaaring gawing
batayan sapagkat magkakaiba ang bilis at bagal ng ekonomya. Sa bandang huli, dehado lamang
ang mga bansang mabagal ang pag-unlad. Ano pa ang saysay ng samahan kung patuloy na
kakapit sa kasabihang “bakod mo, linis mo?” Sa pagkakataong ito, ang boses ng mga
mamamayang Pilipino ay higit na kinakailangan at maririnig lamang ito kung magsasagawa ng
pananaliksik patungkol sa usapin.
Samu’t Saring Hakbang na Dapat Pang Isakatuparan
Maraming hakbangin ang dapat sundin kung nais natin paunlarin ang estado ng
pananaliksik sa bansa. Una, magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. Iwasan ang
plagiarism ang matutong mag-cite ng gawa ng iba. Mahalaga rin na makabuo ang gobyerno ng
isang arkibo kung saan matatagpuan ang papel na isinulat ng mga kapwa natin Pilipino. Huwag
natin isantabi ang gampanin ng internet sa modernong panahon. Ang mga thesis at disertasyon
na isinulat ay dapat may kaangkop na digital copy. Simulan na rin natin ang pagdedevelop ng
isang translation software na libreng magagamit ng mga mananaliksik na Pilipino. Sa panahon
ngayon, matuto tayong pahalagahan ang Filipinisasyon ng lalong mataas na edukasyon at ng mga
programang gradwado. Ang pagsasakatuparan ng layuning ito ang magsisimula ng mas mataas
na kalidad ng mga akademikong papel. Ang gampaning ito ay dapat pasimulan ng CHED sa
pamamagitan ng pagbuo ng guidelines kung saan hinihikayat at pinapayagan ang paggamit ng
wikanh Filipino sa mga pananaliksik, tesis at disertasyon. Simulan na rin ang pagtatalaga ng
Departamento ng Filipino at/o Araling Pilipinas sa bawat unibersidad upang sa gayo’y may
mamahala sa proyektong ito

You might also like