You are on page 1of 37

1

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula
Sa kontemporaryong panahon, ang mundo ay nakararanas ng pag-unlad
sa teknolohiya at mga kompyuter. Ito ang pangkasalukuyan at modernisadong
henerasyon kung saan laganap ang paggamit ng internet, telebisyon at social
media lalo na sa mga kabataan. Sa pamamagitan nito, mas napapadali para sa
mga estudyante ang pakikipagkomunikasyon sa kapwa nila estudyante at mas
napapabilis ang pangangalap ng impormasyon para sa aralin at proyekto.

Alinsabay ng modernisasyon at pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay


ang pag-usbong ng makabuluhang mga gamit pasulat at pabigkas sa Panitikang
Filipino. Kapansin-pansin ang malaking epekto ng internet at social media sa
pagsilang ng makabagong anyo at pamamaraan ng pagbasa, pagtula,
pagkukuwento at marami pang anyo ng panitikan.

Layon ng pag-aaral na ito na tukuyin ang mga epekto ng


kontemporaryong panahon sa pagbabagong pisikal at istruktural ng Panitikang
Filipino. Ang mga mananaliksik ay humantong sa paksang ito sapagkat
napapansin ang mga pagbabagong nagaganap sa paraan ng pagsulat at interes
ng pagbasa ng mga mag-aaral at manunulat marahil ay dulot ng
kontemporaryong panahon. Nariyan ang mga tula, kwento at sulatin na naging
malapit sa mambabasa dahil sa malawak na saklaw ng internet katulad na
lamang ng mga kwento sa Wattpad na likha ng mga Pilipinong manunulat na
kalaunan ay nailimbag bilang aklat at naisapelikula. Nakilala rin ang mga battle
rap na pinabantog ng Flip Top Battle League na itinuturing na makabagong anyo
ng balagtasan. Naging tanyag din ang mga maiikling tula na mabilis basahin at
ang spoken word poetry na nagpapalabas ng damdamin at emosyon ng mga
Pilipino. Pati na ang mga kwentong isinulat na nasa anyo ng isang bidyo na may
kaagapay na musika habang binabasa.

Mapapansin na umuusbong ang samot-saring makabagong salita na di-


maitatwang nakakapagpapasiya sa makabagong panahon. Sinilang rin ang iba't
ibang parangal na iginagawad sa mga natatanging manunulat ng ating
henerasyon. Ang mga parangal na ito ang nagsisilbing inspirasyon ng mga
baguhan at beteranong manunulat upang sila ay lumikha ng mga akdang tunay
na maipagmamalaki ng buong sambayanang Pilipino.

Nagpatuloy sa pagyabong ang panitikang Filipino gamit ang iba't ibang


wika simula pa noon kung kailan marami-raming babasahin ang isinilang. At
hindi maitatatwa ang malaking ambag ng media at internet sa pagbuo ng
kamalayang ito. Ang mga manunulat na Pilipino ay patuloy na kumatha ng mga
tula, maiikling kwento, nobela at sanaysay na pumapaksa sa lipunan, sa
kasarian o di kaya naman ay bunga ng mga personal na intensyon o pagnanais
na magbahagi ng karanasan sa mambabasa. Ang pagkakaroon ng
2

kontemporaryong panitikan ay nagbibigay rin ng pag-asa sa mga Pilipino na


magkaroon ng sariling puwesto ang ating panitikan sa pandaigdigang literatura.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Epekto Ng Kontemporaryong
Panahon Sa Pagbabagong Pisikal At Istruktural Ng Panitikang Filipino Sa Mga
Mag-Aaral Ng Pambansang Pamantasan ng Batangas” ay ginawa upang
matuklasan ang kaugnayan ng kontemporaryong panahon sa paraan ng
pagsulat at interes ng mga mag-aaral ng Batangas State University sa panitikang
Filipino.

Ito ay naglalayong sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang propayl ng mga respondente batay sa:


1.1 Edad?
2. Gaano kalawak ang epekto ng mga salik na nakaaapekto sa Panitikang
Filipino
2.1 Internet; at
2.1.1 Social Media
2.1.2 Youtube
2.1.3 Wattpad
2.2 Telebisyon?

3. Gaano kalawak ang epekto ng kontemporaryong panahon sa mga


sumusunod:
3.1 Paraan ng Pagsulat; at
3.2 Interes sa Pagbasa?

4. Ano ang ugnayan ng kontemporaryong panahon sa pagbabagong pisikal at


istruktural ng panitikang Filipino?

5. Ano ang ugnayan ng pagbabagong pisikal at istruktural ng panitikang Filipino


sa mga mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Batangas?

6. Ano ang posibleng solusyon sa problema?

Layunin ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa Epekto Ng Kontemporaryong
Panahon Sa Pagbabagong Pisikal At Istruktural Ng Panitikang Filipino Sa Mga
Mag-Aaral Ng Pambansang Pamantasan ng Batangas ay naghahangad na
makamit ang mga sumusunod na layunin:
3

1. Matukoy ang lebel ng lawak ng epekto ng mga internet at telebisyon sa


modernisadong pagbabago ng Panitikang Filipino.
2. Masukat ang lawak ang epekto ng kontemporaryong panahon sa
paraan ng pagsulat at interes sa pagbasa.
3. Malaman ang ugnayan ng kontemporaryong panahon sa pagbabagong
pisikal at istruktural ng panitikang Filipino.
4. Malaman ang ugnayan ng pagbabagong pisikal at istruktural ng panitikang
Pilipino sa mga mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Batangas.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Epekto Ng Kontemporaryong Panahon
Sa Pagbabagong Pisikal At Istruktural Ng Panitikang Filipino Sa Mga Mag-Aaral
Ng Pambansang Pamantasan ng Batangas. Isinasaad sa pag-aaral na ito ang
pagsaklaw sa isang departamento lamang ng Pambansang Pamantasan ng
Batangas, ang Kolehiyo ng Akawntansi, Bisnes, Ekonomiks, at Pamamahalang
Internasyonal sa Hospitalidad partikular sa mga nasa unang taon ng pag-aaral
sa kolehiyo panuruang taon 2018-2019 ng ikalawang semestre.

Haypotesis (Ho)
1. Walang kaugnayan ang kontemporaryong panahon sa pagbabagong pisikal at
istruktural ng panitikang Filipino.
2. Walang kaugnayan ang pagbabagong pisikal at istruktural ng panitikang
Pilipino sa mga mag-aaral ng sa Pambansang Pamantasan ng Batangas.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral ng epekto ng kontemporaryong panahon sa kaanyuang
pisikal at istruktural ng panitikang Pilipino na makatutulong upang malaman ang
lawak ng positibo at negatibong epekto nito sa mga mag-aaral. Kaugnay nito,
mailalahad din na ang mga sumusunod na grupo ng mga indibidwal ay
makikinabang sa pananaliksik na ito.
Komisyon ng Wikang Filipino. Sa kanilang pagpupursigi na maisulong
na maiangat ang antas at kahalagahan ng Wikang Filipino gamit ang
makabagong teknolohiya para lalong maging mabisa at mas mapabilis ang
pagpapalawak ng kaalaman ng bawat isa sa sariling wika.
Sa Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang lubos na
maunawaan ng mga saklaw ng paaralan ang epektong positibo at negatibo sa
pagbabagong pisikal at istruktural ng panitikang Pilipino upang maging gabay sa
paglathala ng mga ipapatupad na kautusan ukol sa pagpapaunlad ng panitikang
Pilipino sa kontemporaryong panahon.
4

Sa mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay batayan upang lubos na


magabayan ng mga guro ang mga mag-aaral sa paglikha at pagbabasa ng mga
panitikang Pilipino sa kontemporaryong panahon.
Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ang magbubukas sa kaisipan ng
mga mag-aaral upang higit na makasabay sa mga pagbabagong pisikal at
istruktural ng panitikang Pilipino sa kontemporaryong Panahon.
Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magiging
batayan tungo sa mas malawak at mas malalim na pag-unawa sa mga
pagbabagong pisikal at istruktural ng panitikang Pilipino sa kontemporaryong
panahon at pagpapaulad nito.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Panitikan - ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa
isang tao. Nagpapakita ito ng ating panlipunan at panlahing pagkakakilanlan.
Nasasalamin dito ang pinagmulan ng isang lahi, ang pagsulong at pag-unlad ng
isang bansa sa bawat panahongkanyang dinaanan at pagdadaanan pa.
Panitikang Filipino - ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming
Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang
pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.
Internet - ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang
mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa
iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono,
satellites at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable na kung saan ang
mga iba’t ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.
Social Media - ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao
na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon
at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.
Youtube - ay isang website na nagbabahagi ng mga bidyo at nagbibigay-
daan para sa mga gumagamit o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang
mga bidyo clip.
Wattpad – ay isang uri ng social networking site at isa ring online community
na kung saan ay maaaring makapagbasa ng mga likhang kuwento na ala nobela
na likha rin ng mga kabataan. Maaari din itong magsulat at ilahad ng isang
kabataan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga tula, simpleng kuwento,
nobela o kahit reaksyon lamang.
Telebisyon - ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag
at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.
5

KABANATA II
KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Makikita sa bahaging ito ang mga publikasyong may kinalaman sa pag-


aaral na ito. Kasama na ang mga pahayagan, aklat, web page, gayundin ang
mga kaugnay na pag-aaral.

Kaugnay na Pag-aaral
2.1 Lawak ng Epekto ng mga Salik na Nakakaapekto sa Panitikang Filipino
2.1.1. Internet
Ayon kay T. Santos (2016), mababatid na sumasabay ang panitikan sa
modernisasiyon ng mundo—sa pabago-bagong aspekto ng teknolohiya at
internet. Ang modernisasiyon na ito ang nagluwal sa mga makabagong anyo at
pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba pang anyo ng panitikan. Dahil din
sa internet, mas naging malapit o accessible ang mga akda, tula at sulatin ng
mga manunulat sa maraming mambabasa. Subalit Internet din ang tinutukoy na
isa sa mga dahilan ng kawalan ng interes ng mga milenyal sa panitikang Filipino
dahil mas nahuhumaling ang mga mambabasa ngayon sa mga banyagang akda
at ibang anyo ng panitikan.

2.1.1.1. Social Media


Pinatunayan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (Lira) sa “Tulaan
sa Facebook 2011: Rizalstrasse,”, isang pampanitikang patimpalak (2010), na
hindi lamang sa pahina ng mga kuwaderno at aklat makababasa ng mga tula
ngunit ngayon ay mababasa na rin ang tulaan sa pamamagitan ng birtwal na
mundo ng Facebook. Inspirasyon ng Tulaan sa Facebook ang mga naunang
pampanitikang patimpalak na gumagamit ng teknolohiya ng cellphones, tulad ng
“Dalitext,” “Textanaga” at “Dionatext” na kapwa pinamunuan ng National
Commission for Culture and the Arts noong 2003 at 2004 upang muling
maipakilala ang iba’t ibang mga tradisyunal na anyo ng pagtutula gaya ng “dalit,”
“tanaga” at “diona.”

Binanggit ni Phillip Yerro Kimpo Jr. (2010), isa pa sa layunin ng Tulaan sa


Facebook ay ang paghikayat sa kabataan na ipadinig ang boses sa lipunan. Ang
patimpalak ay tumulong sa pagbibigay-sibol sa mga nagsisimulang makata at
manunulat. At dahil hindi naman lahat ng may gustong ilahad na opinyon ay nais
maging makata, ang isa pang layunin ay ang paghimok sa kabataan na maging
mga epektibong komunikador at proaktibong mamamayan ng lipunan gamit ang
kapangyarihan ng salita—sa pagiging mamamayahag, sa pakikisangkot sa mga
online forum at blog, sa pakikipagtalastasan sa debate o kaya naman ay fliptop,
sa pagsulat ng nobelang maglalahad ng kanser ng lipunan, at marami pang
ibang pamamaraan.
6

Tampok sa Tulaan sa Facebook ang paggamit ng “diona,” isang


tradisyunal na anyo ng pagtutula na binubuo ng isang tulang may iisang
saknong, may isahang tugma, binubuo ng tatlong taludtod, at may pitong pantig
sa bawat taludtod. Ayon kay Sanchez, ang patimpalak na ito ay isang “pagsunod
sa agos ng samahan” upang maibahagi ang tula sa higit na nakararaming tao, sa
pamamagitan ng social networking sites. Bagay na bagay sa kaiklihan ng
plataporma ng Facebook ang ating katutubong anyo sapagkat muling naibabalik
ang pagkakakilanlan ng katutubong anyong ito, na kahit sumasagitsit ang
teknolohiya ay totoong nakasasabay.

Malaki ang hamon para sa makabayan at progresibong artista, manunulat,


aktibista at manggagawang pangkultura sa matalinong paggamit sa internet at
social media bilang daluyan ng bagong kulturang pambansa, siyentipiko at
makamasa. Ang potensyal nito sa pagpapalaganap ay hindi na maaaring maliitin,
bagamat sa kabilang banda ay hindi rin dapat pabayaan ang sistematikong
paglalathala at popularisasyon ng mga babasahin, pahayagan, komiks at iba
pang epektibong anyo upang tiyak na makakarating ang makabayang panitikan
sa masang mambabasa o sa mamamayang wala namang akses sa internet.
(https://www.bulatlat.com/2016/09/05/revolutiongo-tungkol-sa-makabayang-paniti
kan-sa-panahon-ng-facebook-twitter-instagram/ September 5, 2016)

2.1.1.3. Wattpad
Isa sa mga sikat na paraan ng online writing na tinatangkilik ng mga
kabataan ngayon ay ang Wattpad. Ito ay isang uri ng social networking site na
itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan Yuen ngunit naging tanyag lamang sa
lahat noong 2011. Sa site na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang lahat para
libreng maibahagi ang sarili nilang kwento at makapagbasa ng mga likha ng ibang
manunulat. Ang aksesibilidad nito para sa mga manunulat at mambabasa ang isa
sa mga naging daan upang tuluyan itong makilala at yakapin ng publiko partikular
na ang mga kabataang Pilipino. Ayon sa isang pag-aaral sa Universidad ng Bicol
(2015), ang pag-usbong nito ay dala ng mabilis na pag-unlad ng modernong
teknolohiya. Iba’t ibang aspeto na ng ating buhay ay unti-unting naiiba at
napapadali dahil sa modernisasyon gaya na lamang ng aspeto ng pagbabasa.
Kung dati-rati, makakapal na aklat ang ginagamit, ngayon pwede na tayong
magbasa sa ating mga kompyuter, laptop, tablet at maging sa ating mga
cellphone. Sa pagdownload ng mga ebooks at mga applications, maaari na rin
tayong makapagbasa ng iba’t ibang klase ng mga libro online. At kung dati,
mahirap para sa mga taong naghahangad na maging manunulat ang mailathala
ang kanilang naisulat, ngayon ay mas napadali na gawa ng mga online writing
communities.

Ayon sa pag-aaral ng mga estudyanteng nagtatatguyod ng adbokasiya na


pinamagatang Wattpad Para Sa Panitikang Pilipino (2015), ang paggamit ng
mga nobelang galing sa Wattpad ay di magandang desisyon. Kakaunti lamang
sa mga ito ang may mga kalidad na inaasahan ng mga kritiko ng panitikan. Base
sa personal na karanasan na inilahad ng isa sa grupo na tatlong taon ng
7

manunulat ng Wattpad, noong mga panahong nahuhumaling siya sa mga


istoryang Wattpad na nagtataglay ng impormal na pagkakasulat ay
naimpluwensiyahan nito ng malaki ang kanyang istilo ng pagsusulat. Nang
ikinumpara niya ang kanyang dating istilo sa kanyang istilo ngayon ay malaki ang
pinagkaiba nito. Malayo na sa impormal na pagsusulat ang kanyang mga likha
ngayon. Malamang ay ito ay dahil sa umunlad ang kanyang istilo pero kundi dahil
sa pagkakaalam niyang hindi magandang basehan ang mga istorya sa Wattpad
ay magiging mabagal siguro ang pagunlad nito. Nakakasiguro kaming hindi siya
ang nag-iisang napapunta sa sitwasyong ganito. Marami ding mga bagong
manunulat na hindi naghahanap ng mga magagandang basehan na maaaring
mabasa. Ilang halimbawa dito ay ang mga sulatin na nagwagi ng Palanca
Awards for Literature. Bagaman magaganda, karamihan sa mga nagwagi dito ay
hindi pa nabibigyang-pansin na tulad ng mga kwento sa wattpad. Ang mga ito ay
masasabi nating nakapasa sa pitong literary standards for world literature.

Ang mga libro gaya ng “Diary ng Panget” at “She’s Dating the Gangster”
ay iilan lamang sa mga Wattpad books na ginawang pelikula. Ngunit, kahit
marami ang tumatangkilik sa mga ito, mayroon din na bumabatikos at pumupuna
sa mga kwento sa Wattpad. Ayon sa kanila, hindi napapaunlad ng pop fiction
ang kritikal na pag-iisip ng mga mambabasa. Kakaunti lamang sa mga ito ang
may mga kalidad na inaasahan ng mga kritiko ng panitikan. Karaniwan sa mga
istoryang Wattpad ay nagtataglay ng impormal na pagkakasulat na
nakaiimpluwensiya sa istilo ng pagsusulat. Nagkaroon din ng #SaveLiterature
campaign upang “maibalik ang makabuluhang panitikan ng mga dalubhasang
manunulat sa Pilipinas at mawala ang mga baguhang manunulat na ang
ginagawa lamang ay palalain ang delusyon ng mga kabataan.”

Ayon sa pagsisiyasat ng Purse Asia International, tinatayang 1 sa 15 na


mag-aaral sa mataas na paaralan ay araw-araw na gumagamit ng Wattpad.
Tinatayang nasa 23 milyon na mag-aaral ngayong taon kung kaya't nasa 1.5
milyon na estudyante ang gumagamit ng Wattpad. Kung sila ang sisimbolo sa
popular at modernong panitikan na patuloy na ikinawawalang bahala ang
konteksto ng kanilang binabasa ay maaaring bumaba ang tingin ng hindi lamang
ng sariling bansa ngunit pati na rin ng mundo sa kalidad nito. Ang mga epekto
nito sa mga bagong manunulat at pati na rin sa imahe ng moderning panitikan ng
Pilipinas ay dapat bigyang pansin upang makalikha ng magandang akdang-
pampanitikan.

2.1.2. Telebisyon

Ang panonood ng katutubong kwento, epiko, alamat, talambuhay at


nobela na sumasailalim sa kultura at kasaysayan ay naging daan upang tayo ay
makasunod sa pag-unlad ng teknolohiya. Nakatulong ito sa pag-aaral ng mga
sinaunang mamamayan na tumuklas ng mga bagay na mas makakadali ng mga
gawain. Nagbigay din sila ng mga pamamaraan na hindi akalain na magiging
malaking epekto sa hinaharap. Napaunlad ng mga sumunod na mga henerasyon
8

ang mga kagamitan na natutunan nila mula sa mga katutubo at napasa-pasa sa


iba pang mga henerasyon. Hindi rin maipagkakaila na naging malaking parte ang
mga telebisyon sa pagkalat ng mga balita na mula sa ibat-ibang panig ng bansa.
Mas lumalawak ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol mga magagandang
lugar sa bansa at nagbigay babala rin ito sa mga masasamang pangyayari. Sa
pamamagitan nito, mas umunlad ang bansa dahil nabibigyan ang mga tao ng
impormasyon sa pamamagitan ng telebisyon.

Ayon sa pag-aaral ng Cebu Normal University (2016), ang paglaganap ng


mga pelikula ay nagdudulot ng positibo at negatibong epekto sa mga
mamamayan. Dahil sa pelikula nakikita at natutuklasan ay kultura ng mga iba’t
ibang bansa. Dahil dito nalilinang at lumalawak ang kaalaman sa mga kultura.
Kinagigiliwan ng marami ang panonood ng pelikula dahil nakakuha sila ng mga
aral at mga bagong kaalaman. Ang mga pelikulang ito na napapanood sa mga
telebisyon at sinehan ay mula sa panulat at mga akdang likha ng Pilipinong
awtor. Ngunit nagbabago ang anyo at bagay na napapanood at naipapalabas sa
telebisyon dahil sa pagsabay sa modernisasyon. Marami na ngayon ang nawiwili
sa panonood ng mga pelikulang banyaga pero walang tatalo sa mga Pelikulang
Pilino na nagpapakita ng pagkakaisa ng bawat isa. Ang mga pelikulang Pilipino
ang nagpapakita kung gaano kahalaga ang pamilya sa isa’t isa. Ang mga
pelikulang Ikaw Lamang, Bahay Kubo, Anak at Dubai ay isang halimbawa kung
gaano kaimportante ang pagpapahalaga sa pamilya. Ang panonood rin ng mga
pelikula ay daan para mas maunawaan ang paniniwala at kultura para mas
igalang at irespeto sila. Kinaaaliwan talaga ng marami ang mga pelikula
sapagkat naka relate ang mga manonood sa mga ito. Dahil din sa ekspusyur sa
mga pelikula mas naiintindihan ng marami ang pamumuhay ng mga tao.

2.2 Lawak ng Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa Panitikang Filipino


2.2.1. Paraan ng Pagsulat
Ang wika ay mahalaga at kinakailangan hindi lamang ng isang komunidad
kundi ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit na pinakapangunahing
kasangkapan sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan. Ngunit hindi lamang
dito ginagamit ang wika, kilala ang Pilipinas sa mayamang panitikan mula sa
mga sinaunang panahon, ngunit ang patuloy na pag-usbong ng teknolohiya ay
mayroong malaking epekto sa kabuuan ng mga akda sa modernong panahon
(Bereber & Silvestre, 2018).

Ayon pa sa isang panayam ng GMA News ay inihalintulad ni National


Artist for Literature, Virgilio Almario ang hindi paggamit ng ilang salitang Pinoy sa
pera na nawawala sa sirkulasyon. "Hindi naman namamatay 'yon kaya lang hindi
nagagamit, hindi in currency," paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng
Komisyon ng Wikang Filipino. "Parang fashion lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi
nagbago ang lengguwahe at hindi sumunod sa uso, mamamatay (ito)," dagdag
niya. Sinabi pa ni Almario na buhay ang wika kapag nakasasabay ito at
bumabagay sa tawag ng panahon.
9

Binanggit ni Almario (2015), nais rin niyang himukin ang mga mambabasa
na kilalanin ang kanilang mga manunulat. “Ang mga awtor natin, hindi
masyadong kilala, Katulad ko, hindi naman ako makikilala kung hindi ako
national artist eh. Mas kilala ang mga komiks writers, ‘yong ibang artist o painters
kasi mas napo-promote sila ng media” aniya. Ito ang nakikita na suliranin sa pag-
usbong ng kontemporaryong panahon. Nawawaglit sa kaisipan ang mga
katutubong awtor at mas tinatangkilik ang mga di-pormal na uri ng mga sulatin at
babasahin.

2.2.2. Interes sa Pagbasa


Ang pagbasa ng mga kwentong Filipino ay isang mahalagang aspeto ng
pagka-Pilipino at pagkatuto. Ngunit sa modernong panahon ay patuloy ang
pagbabago sa panitikan partikular sa larangan ng pagbasa. Ayon kay Rivera
(2012), ang panitikan ay nakikipagsabayan sa pag-imbulog ng kaunlaran at
kasama na rin dito ang pagbabago sa mga paksang-uri ng panitikang Pilipino.
Isang mahalagang salik upang mas mapagyabong pa ang panitikang Filipino ay
ang mga kabataang target na tagapagtangkilik nito. Sila ang inaasahang
magbibigay-interes at maglalaan ng panahon upang basahin ito sa tulong at
gabay ng kanilang mga magulang at guro sa paaralan.

Subalit nakita ni Cruz (2009) na sa kasalukuyan, maraming kagamitang


hindi sumasapat sa pangangailangan ng mga mag-aaral upang lalong
maengganyo sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan. Kaugnay pa ay
malawakang pagbabago ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng akdang
pamapanitikan sa kontemporaryong paahon. Hindi nabibigyang-kasapatan
sapagkat ang mga mag-aaral ay mas interesado kung ang babasahin ay mula sa
mga kilalang internet sites kumpara sa mga lumang libro.

Ayon pa sa pag-aaral ni Gonzales (2017), mayroon nang nagaganap na


pagbabago sa dami ng nagbabasa sa internet dahil sa patuloy na lumalago at
lumalaki ang saklaw ng mga bumibisita sa mga internet sites na naglalaman ng
makabagong mga lathalain. Nabanggit din ang kaibahan ng interes ng mga
mambabasa partikular na ang mga kabataan sa iba’t ibang uri ng panitikan.
Tinatayang apat (4) sa bawat (sampung)10 mga kabataan ang mas interesadong
magbasa kung ang akda ay mula sa mga sikat na mga manunulat sa wattpad o
di naman kaya ay gumagamit ng mga modernong salita kung saan ay
nakakasabay ang mga mambabasa.

Malaki din ang epekto ng pagkakaroon ng mga mobile applications na


naglalaman ng mga modernong mga babasahin katulad na lamang ng wattpad.
Ayon sap pag-aaral na ginawa ng Purse Asia International (2015), tinatayang 1
sa 15 na mag-aaral sa mataas na paaralan ay araw araw na gumagamit ng
WattPad.  Ibig sabihin lamang nito na unti-unti nang lumalaganap ang
makabagong panitikan na nagpapakita ng mas mababang antas ng pagsulat.
10

Ang mga makabagong teknolohiyang ito ang mga pangunahing hadlang


sa mga mag-aaral upang kumuha ng aklat, umupo, at mag-analisa. Kaugnay ito
sa inilabas na artikulo sa bansang Britanya na The Daily Telegraph ni Paton
(2010), ang mga bata sa kasalukuyan ay mas nagnanais na magkaroon ng isang
cellphone kaysa isang aklat na nagbubunsod sa mababang interes sa
pagbabasa. Kasabay pa nito ang paglalabas kamakailan lamang sa kanilang
bansa ng sarbey na ang mga batang mayroong dalawampung (20) aklat sa
kanilang bahay at nakapagbabasa nang madalas ay yaong mga batang may
mas malaking posibilidad na maging mahusay sa akademikong aspekto sa
kanilang paaralan. Hindi lamang ito nagaganap sa bansang Britanya, sapagkat
sa panahong ito, mapapansin na sa ating bansa, iilan na lamang mga bata ang
hindi marunong gumamit ng cellphone o wala talaga nito. Isang patunay na
talagang maraming salik ang nakaaapekto kung bakit ang mga mag-aaral ay
walang panahon upang magbasa ng mahuhusay na akdang pampanitikan.
Maganda ang pagkakaroon ng mga adbokasiya sa pagpapataas ng kasanayan
ng mga batang mag-aaral sa pagbasa at makuha ang malalim na interes nila sa
mga akdang pampanitikan na inilaan para sa kanila. Sa ikalawang artikulo na
inilabas muli ni Paton noong Marso 2011, isinulat niya ang mahalagang panukala
ni Michael Gove, ang kalihim ng edukasyon sa bansang Britanya. Nararapat na
ang lahat ng mga bata na mula labing-isang taong gulang ay inaasahang
makabasa ng limampung (50) aklat sa isang taon bilang bahagi ng kampanya sa
pagpapataas ng literasi sa kanilang bansa.

Halos bahagi na ng pamumuhay ng bawat Pilipino ang Social Media. Ito


ang mga website na nagsisilbing daan sa pakikipag-ugnayan tulad ng
Facebook, Twitter, Tumblr, My Space, Yahoo Sites at Google Sites. Ang mga ito
ang nagging daan upang mapabilis ang pakikipag konekta sa mga kaibgan, mga
kamag-anak, mga kilala na nasa malalayong lugar, matagal nang kakilala,
kapareho ng interes, naisin o mithiin, o kapareho ng gawain. Mula din dito ang
may pinakamalaking bahagdan ng mga nakaiimpluwensya sa pagbasa ng mga
kabataan. Dahil nga ang interes ng mga mag-aaral ay nakatuon sa mas
modernisadong mga akda, ang mga sites na ito ay malaki ang ambag sa kung
paano tingnan ng mga mambabasa ang mga akda sa mga aklat. (Gannaban,
2013)

Kaugnay nito, ipinahahayag na may malaking pagbabago na nagaganap


sa pisikal na istruktura at akses sa mga kwento at mga babasahin na hindi na
nangangailangan pa ng kopyang papel kung hindi sa internet na lamang. Isang
pag-aaral ang nagpatibay sa pagbabago sa interes sa pagbasa ng mga
kabataan sa kontemporaryong panahon (Johnson, 2010).

Sa isang pag-aaral sa Estados Unidos tungkol sa "Younger Americans '


Reading Habits and Technology Use" tinatalakay rito kung ilang porsyento ng
mga kabataan ang nagbabasa pa din kahit may akses na sila ng internet sa
kanilang mga tahanan. tinatalakay din dito ang iba pa nilang ginagawa at "media
consumption", dahil alam ng mga nagsasaliksik na kaya bumababa ang bilang
11

ng mga nagbabasa ay dahil sa ginagawa nilang mga 'activities' lamag may libre
silang oras. sinasabi sa datos na may 39% na mga kabataan ang pumupunta sa
mga sporting events ka pag may libre silang oras, mayroon ding 36% ang
pumupunta sa mga concerts, pagtatanghal at mga dance performance. Ang iba
namang 32% ay pumupunta sa mga bookstores, at 26% ay pumupunta sa mga
museyo, art galleries, at mga makasaysayang tanawin. (Younger americans and
public libraries. September 10, 2014)

2.3 Mga Posibleng Solusyon sa Problema


Sa isang artikulo ni isinagawa ni Yap tungkol sa hamon sa mga guro
pagdating sa pagtuturo na masinop na pinaghanguan ng pag-aaral ni Dimayuga
(2010), ang pinakamalaking tanong na dapat harapin ng sinumang guro ay kung
paano ba matutulungan ang mga mag-aaral na makamit ang isang uri ng pag-
iisip na may kakayahang umunawa para maging mabisa, puno ng kaalaman at
kabuluhan ang gawaing pagbabasa. Ito ang pinakamalaking hamon sa mga guro
sa larangan ng pagtuturo dahil ang pinakapusod ng kanilang propesyon ay
makapagluwal ng mga inobatibo at mahusay na mag-aaral.

Lumabas sa kwalitatibong pag-aaral ni Conception (2009) ang kabisaan


ng paggamit ng proseso ng pagdulog sa pagsulat. Mas mataas ang kalidad ng
mga sulating nabubuo ng mag-aaral kung ginamitan ng prosesong pagdulog ang
mga ito. Napatunayan ding malaking tulong ang ganitong dulog sa paglinang ng
komprehensyon ng mga mag-aaral, lalo pa kung isinaalang-salang ang interes,
kakayahan at istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Batay sa pag-aaral na ginawa ni Ignacio (2011) “Teaching Writing to


Fourth Year High School Students” na naipamalas ng ebalwasyon sa kasanayan
ng mga mag-aaral na ang process approach ay nakatulong upang malinang ang
kanilang kasanayan sa pagsulat. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-
aaral na masuri ang sariling sulatin sa pagtatama rito at marebisa ang kanilang
kaisipan gamit ang mga gabay ng guro at kamag-aaral sa mga pulong-panayam,
maging mahusay ang binunga ng mga huling sipi ng kanilang sinulat.

Sa madaling sabi, pinatutunayan lamang na ang process approach ay


kailangang magamit ng guro sa pagtuturo at magamit sa mga mag-aaral upang
maihanda sila sa pagsulat. Gamit ng pagdulog na ito ay ang pag-alis ng
anumang mga balakid at maaaring maging daan upang mapadali ang
pagpapahayag ng sariling saloobin at diwa ng mag-aaral sa isang paksa.
Magiging mabisa ang pagkatuto ng mga mag-aaral s apagsulat kung bibigyan
sila ng sapat na panahong makasulat. Sa mabisang paraang ito, ang mga mag-
aaral ay makasusubok ng mga bagong ideya at makagagamit ng wikang
aangkop sa sulating nililikha. Gayundin ay kailangan naman ang angkop na
kasangkapan at espasyong makatutulong sa mabisang paghubog sa kasanayan
ng pagsulat (Ortiz, 2016).
12

Pinatutunayan ng K to 12 Filipino Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon


(2013), pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng
isang buo at ganap na Filipinong may kapaki- pakinabang na literasi. Inaasahang
naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-
iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan na ginagamitan ng
teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa
upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino. Pinagtitibay ng Kurikulum ng
Edukasyong Sekondarya ang Kapaki-pakinabang na Literasi para sa Lahat na
ibinatay sa mithiin ng Edukasyon para sa Lahat 2015.

Ang Elizabeth Seton School ay naniniwala sa kahalagahan ng


pakikipagtalastasan na pasulat sa lubos na pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Nakakatulong ito sa pag-aangat ng kakayahang pang-akademiko ng bawat mag-
aaral at kahusayan sa pagpapahayag ng sarili. Responsable ang anumang
institusyon tulad ng paaralan na hubugin ang kasanayang pangkomunikatibo
pasalita man o pasulat. Ito ay magdudulot ng malaking kapakinabangan sa
bawat kabataan, bilang mamamayan ng kanyang lipunang ginagalawan, sa
pagbabahaging kanyang sariling saloobin, maipahayag ang kanyang
nararamdaman, maipabatid ang kanyang pagkatao, maipahayag ang kanyang
pangarap, magamit sa mataas na antas ang karunungan at kasanayang kanyang
natutuhan, na humuhubog sa kanyang kaganapan bilang isang indibidwal.

Kaugnay na Literatura
2.1 Lawak ng Epekto ng mga Salik na Nakakaapekto sa Panitikang Filipino
2.1.1. Internet
2.1.1.1. Social Media
Natuklasan na ang internet language ay nakakatulong upang
mapagyaman ang ating bokabolaryo at tinutulungan din tayong makasabay sa
mabilis na pagbabago ng makabagong panahon.

Ang language learning na binanggit sa pananaliksik ni Dr. Mehmet


Demirezen (2010) ay tumalakay sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na
makasabay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa larangan ng wika at
komunikasyong dulot ng makabagong teknolohiya. Magiging matagumpay ang
pakikipagtalastasan kung nababatay sa kaalaman at kasanayan sa lawak ng
wikang ginagamit sa pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat.Ang paggamit
ng text-lingo ay may iba’t ibang epekto sa ayon sa pag-aaral nina Farentein
(2012) dahil walang makabuluhang kaugnayan ang txt lingo sa kakayahang
panggramatika ng mga mag-aaral gayundin sa tamang estruktura ng wika. Ayon
sa kanila, dala ng pagbabago ng panahon nagbabago din ang wika. Ang
paggamit ng txt lingo ay maaaring magsulong isang intelektwalisado at maunlad
na wika at sa kabilang dako, maaari rin nitong wasakin ang kahalagahan at
kagandahan ng wika.
13

Ayon kay Saqlain (2012) sa paglipas ng panahon, ang pag-aaral sa


relasyon sa teknolohiya at banyagang literature ay mas nakapokus sa ibang isyu,
kasama ang pagbasa at pagsulat, pananaliksik at makabagong pagaaral ng
lenggwahe. Sinasabi ng mga eksperto na mas gusto ng mga estudyante matuto
ng makabagong lenggwahe sa papamagitan ng teknolohiya kaysa matutunan ito
sa silid aralan. Pagsasanay at kompiyansa sa sarili ang pundasyon sa pagkatuto
ng panibagong wika. Ito ay maaring gawin sa pamamagitan ng panggamit ng
Skype at iba pang tipo ng chat at instant messenger. Mas humuhusay ang
kanilang pananalita at pagunawa sa lenggwahe dahil sa pakikipagusap sa ibang
tao na nagmula sa lugar na iyon.

2.1.1.3. Wattpad
Noong 2011, kinilala ang Wattpad bilang “Hottest Digital Media Company”
sa Canadian Innovation Exchange, isang kumpanya na naglilista ng mga patok
na website, dahil sa patuloy na paglawak at paglaki ng sakop ng mga nagsusulat
at nagbabasa rito. Hindi kalaunan, nakarating ang kasikatan ng Wattpad sa mga
Filipinong mambabasa na nagdulot ng paglilimbag at pagsasapelikula ng mga
akda rito tulad ng “Diary ng Panget,” “She’s Dating the Gangster” at “Talk Back
and You’re Dead.” Gayunpaman, tulad ng lahat ng bagay na nagiging patok sa
karamihan, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga kritiko ang Wattpad na
nagresulta sa diskurso tungkol sa mga mabuti at hindi mabuting dulot nito hindi
lang sa mga Filipino kung hindi pati na rin sa iba pang lahi na nagbabasa at
nagsusulat dito.

Ayon din sa artikulo ni Z. Alvarez (2015), dahil sa di matitinag na trend nito


ay nagsimulang mangamba ang mga kritiko ng panitikan na maaaring ito ang
panibagong maging mukha ng modernong panitikang Filipino. Maaari itong
makaapekto sa mga bagong manunulat sa paraang ito ang gawing pamantayan
ng kanilang istilo ng pagsusulat. Karamihan sa mga tekstong sinasaloob ng mga
Wattpad na libro ay may impormal na pagsulat bagaman ito'y dumaan na sa
pagsusuri ng mga patnugot. Di malabong gamitin ito ng mga bagong manunulat
bilang source at gamitin bilang standards nila sa kanilang pagsusulat. Kung
magpapatuloy ang ganitong gawain ay hindi rin malabong bumaba ang kalidad
ng panitikan sa bansang ito sa takdang panahon. "Nais namaing hikayatin ang
mga bagong manunulat na paunlarin ang ating panitikan. Ito ay sa tulong ng
makabagong teknolohiya tulad ng Wattpad. Ngunit, sa kabilang banda, dapat
panatilihin ang mataas na kalidad ng akda".

Ayon naman kay Jun Cruz Reyes (2015), kilalang manunulat at kritiko ng
panitikan, kinakailangang suriin muna ang pinagmulan ng Wattpad bago ito
punahin ng iba pang kritiko. Dagdag pa niya, kinakailangang unawain na pawang
mga batang maagang namulat sa paggamit ng mga produkto ng teknolohiya at
pawang mga bubot pa sa karanasan ang mga manunulat sa Wattpad. Sa usapin
naman ng pagtuturing sa mga kuwentong Wattpad bilang makabagong uri ng
panitikan, ipinaliwanag ni Reyes na malaking bahagi ng pinagmumulan ng mga
kritiko laban sa Wattpad ang paggamit ng wika sa mga kuwento na naililimbag
14

rito. Gayunpaman, inamin ni Reyes na basta hindi maaaring ikumpara ang mga
gawa nina Ong at Atalia sa mga kuwentong Wattpad sapagkat kahit
pangkaraniwan ang wikang gamit, iba ang lalim ng mga usapin kung saan
umiinog ang kanilang mga kuwento.

Binanggit din ni Reyes (2015) na mayroong dalawang uri ng panitikan—


ang high literature at low o pop literature. Bagaman sinasabi ng karamihan na
hindi maituturing na panitikan ang mga kuwentong Wattpad sa kadahilanang
mababa ang kalidad nito para sa kanila, iginiit ni Reyes na maituturing pa rin
itong anyo ng makabagong panitikan. “Titingnan ‘yan as low literature. Ang target
audience niyan iyong mahihina ang ulo. Ang ikinaaalarma ko riyan, dumarami na
sa sambayanan ang mga batang mahihina ang ulo,”

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Roberto Ampil, mayroon din namang


magandang dulot ang pagkahumaling ng mga kabataan na magsulat at magbasa
ng mga kuwentong Wattpad. Magandang senyales ito na tumataas ang
readership ng mga Filipino. Sa pamamagitan ng patuloy na pakikisabay ng mga
batang manunulat sa mabilis na pag-usad ng teknolohiya gamit ang computer at
Internet, higit na napakikinabangan ang mga ito sa mabilis na pagkakatuto. Ang
gadget ay hindi lamang luho o pang-display, nakatutulong ito upang mapadali
ang akses sa impormasyon. Dagdag pa niya, isang representasyon ng
karanasan ng tao ang panitikan kaya naman nagbabago ito habang dumarami at
lumalalim ang karanasan ng manunulat.

2.1.2. Telebisyon
Sa pamamagitan ng malayang panonood sa telebisyon ay malalaman,
madarama at masusumpungan natin kung paano nag-ugat at namuhay ang ating
mga ninuno. Ang mass media kasama panitikan ay nagsisilbing tulay para
makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan upang sa
ganoon maharap natin ang darating na may lakas at talino. Sa pag-aaral natin ng
panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog
at mararangal na simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan at
ito’y masasalamin sa bawat palabas at pelikulang masusumpungan sa panonood
sa telebisyon.

Ayon ka E. Apuntan (2013), mahalagang maituturing ang panitikan sa


edukasyon sa maraming paraan tulad ng mga Teleseryeng napapanood sa
telebisyon na kadalasang pinanood ng mga kabataan na siyang kinapupulutan
ng maraming aral at magandang halimbawa sa buhay ng tao. Isang paggunita sa
mga kasaysayan na nag-ugat sa bayan sa pamamagitan ng mga dula,
sanaysay,kuwentong bayan at talambuhay. Ang Panitikan ay laging nakasama
sa kurikulum ng paaralan, bagamat ang emphasis nito ay naaayon sa karanasan
ng mga kabataan sa kapaligiran, lipunang kinagagalawan at paaralan na
nagbabago sa bawat panahon na tulad ng isa sa pinakamalaking likha ng tao
ang telebisyon. Ito ang nagpakita ng katibayan sa lahat ng aspeto sa lipunan
nakapagpabago sa pag-iisip ng bawat tao sa kadahilan impluwensyahan nito ang
15

desisyon at pag-iisip ng mga manonood. Ang telebisyon ay may nakahalagang


ginagampanan sa ating kasalukuyang lipunan at sa pagbabago sa panitikan,
nanatili itong kayamanan ng ating bayan at patuloy na pangunahing mahalagang
sangkap sa pagpapanatili ng pormal at makabuluhang paraan ng pagsulat at
interes sa pagbasa ng mga tao.

Sa pamamagitan ng pagpapakita at pagpapalabas sa telebisyon gaya na


lamang sa anyo ng pelikula ng panitikan, nakikilala ang imahen ng bawat
rehiyon: Sa Kordilyera man, sa Hilagang Luzon, sa Pangasinan, sa
Pampanga,sa Gitnang Luzon, sa rehiyong kapital at Bicol, sa Silangang Visayas,
sa Gitnang Visayas, sa Kanlurang Visayas o sa Mindanao. Hitik ito sa kani"
kanilang makasaysayang ugat na patuloy na dumadaloy at nanabuhay sa
pamamagitan ng bunga (ne.net/?page=news&action=details&opt=popup&REFE
CODE=AP13050002, 2013).

2.2 Lawak ng Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa Panitikang Filipino


2.2.1. Paraan ng Pagsulat
Ang pag-babago ng panahon, pag-dating o pag-imbento ng mga bagong
salita ay may direktang epekto sa bagong paraan sa komunikasyon ng tao ito
man ay sa paraan ng berbal o pasulat. Sa pagbabagong pasulat ay mas
nagagamit na ang mga impormal na lengguwahe kahit pa ito ay sa liham o sa
pagsulat ng mga personal na akda. Hindi man lahat ito ay nakakabuti meron
paring parte nito ay nakakatulong sa atin sa pang araw-araw na buhay upang
makipag talakayan o sa pakikipag-usap natin sa kapwa tao at maging sa kahit
sinong ating nakasasalamuha sa araw-araw (http://filipino3bsit3-
2.blogspot.com/2015/08/wikang-filipino-komunikasyon-sa_20.html).

Ang labis na epekto ng teknolohiya at ng internet ay binibigyan ng bagong


mukha ang panitikang Pilipino. Nandoon ang pagbabago sa kalagayan ng mga
salita na ginagamit sa patalatang pasulat sa mga akda sa eskuwelahan man o sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga salitang ginagamit sa
pakikipagtalastasan sa mga internet sites na kapansin-pansin na balbal at
impormal ay naihahalo na din sa paggamit ng salita ng mga sulatin. Sa ibang
mga bansa katulad ng Japan, South Korea, Thailand at China, hindi ginagamit
ang mga wikag banyaga o mas mayroong limitasyon ang mga ipinapalabas sa
telebisyon (Tacbad, 2014).

2.2.2. Interes sa Pagbasa


Ayon din sa artikulo ni Alvarez (2015), dahil na din sa di matitinag na trend
nito ay nagsimulang mangamba ang mga kritiko ng pantikan na maaring ito ang
maging panibagong mukha ng modernong panitikang Filipino. Maari din itong
makaapekto sa mga bagong manunulat sa paraang ito ang gawing pamantayan
kanilang istilo ng pagsusulat. Karamihan sa mga tekstong sinasaloob ng mga
Wattpad na libro ay may impormal na pagsulat bagaman ito'y dumaan na sa
pagsusuri ng mga patnugot. Di malabong gamitin ito nga mga bagong manunulat
16

bilang source at gamitin ito bilang standards nila sa kanilang pagsusulat. Kung
magpapatuloy ang ganitong gawain ay hindi rin malabong bumaba ang kalidad
ng panitikan sa bansang ito sa takdang panahon.

Sa kabila ng pagiging tama at angkop ng pagbasa ay ang kakulangan ng


mga mambabasa sa kaalaman at mga napupulot na aral mula sa kanilang
binabasa sa kasalukuyang panahon. Ito ay dahil sa mas pinagyamang literatura
na nagbubunyag ng mas balbal at mas impormal na uri ng pagsulat ngunit mas
tinatangkilik ng mga kabataan (jutslieblog.blogspot. Enero 16, 2013).

2.3 Mga Posibleng Solusyon sa Problema


Sa ngayon, malaking suliranin ng panitikang Filipino ang kakulangan,
kung hindi man kawalan, ng mga tumatangkilik at nagbabasa ng mga akdang
nakasulat sa wika. Subalit hindi pa rin tumitigil ang ating mga manunulat tulad ni
Lumbera sa paghahanap ng paraan upang pag-ibayuhin ang paggamit ng wika
sa panitikan. Ayon kay Lumbera, maraming mga salik ang nakaaapekto sa
pagsulong ng literaturang Filipino. Kabilang rito ang outlet, edukasyon,
ekonomiya, at pulitika.

Binigyang-diin ni Lumbera ang kahalagahan ng isang maunlad na pulitika


at ekonomiya sa pag-usbong ng panitikan. Ayon sa kanya, dapat munang bigyan
ng lunas ang krisis pang-ekonomiya at pampulitika upang madaling umangat ang
antas ng panitikang Filipino. Ayon kay Lumbera, ipagpapatuloy pa rin niya ang
adhikain sa paggamit ng wikang Filipino at pagpapalaganap ng mga nakasulat
na akdang Filipino sa pamamagitan ng edukasyon. Dagdag pa niya, sa mga
kabataang sumisibol bilang manunulat, kailangang makita nila na hindi lamang
para sa pansariling kasiyahan ang panitikan, kundi maaari rin itong maging
instrumento upang mapaunlad ang lipunan.
17

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito nakapaloob ang mahahalagang impormasyon


patungkol sa pagkakabuo at pagkakagawa ng plano sa pananaliksik. Maging ang
deskripsyon ng bawat disenyo ng pananaliksik, populasyon o sampling na
pamamaraan, instrumento at pormula ay nakalahad din sa bahaging ito.
Kaakibat rin nito ang pagsukat sa usapin ng balidad at relayabilidad at ang mga
pamamaraang ginamit upang makita ang kahusayan ng pananaliksik.

Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon
upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral
upang matiyak ang kalidad ng ipiprisintang datos. Ginamit nito ang talatanungan
sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik maging
sa mga tagasagot. Ang mga nalikom na datos ay sinuri, inalisa, at binigyang-
interpretasyon sa pamamagitan ng frequency count at Slovin formula.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwantiteytib at korelasyonal na uri
ng metodolohiya na naglalayong ipaliwanag ang kaugnayan sa pagitan ng
baryabol na kailangang i-estima (dependent na baryabol) at ng baryabol na
kailangang manipulahin upang malaman ang dependent na baryabol
(independent na baryabol). Mula sa pakahulugan ni Waters (2010), anh
korelasyonal na pananaliksik ay isang kwantiteytib na pananaliksik kung saan ay
dalawa (2) o higit pang baryabol mula sa parehong grupo ng kalahok na
naglalayong malaman ang relasyon sa pagitan ng mga baryabol. Ang uri ng
pananaliksik na ito ay tumutukoy sa pag-iimbestiga kung nakaiimpluwensya ang
isang penomenon sa isa pa. Ito ay naglalayon na tukuyin ang relasyon ng
independent na baryabol na kontemporaryong panahon sa pagbabagong pisikal
at istruktural ng Panitikang Filipino.

Respondente
Ang ginamit na respondente ng mga mananaliksik ay ang mga mag-aaral
ng BS Accountancy at BS Management Accounting sa Pambansang
Pamantasan ng Batangas partikular sa unang taon na may kabuuang bilang na
limampung (50) mag-aaral. Ito ay kinabibilangan ng tatlumpu’t pito (37) buhat sa
BS Accountancy at labintatlo (13) mula sa BS Management Accounting.

Instrumento ng Pananaliksik
Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay kwestyuneyr o
talatanungan na binigay sa limampung (50) mag-aaral na kumukuha ng unang
18

taon sa BS Accoutancy at BS Management Accounting mula sa Pambansang


Pamantasan ng Batangas.

Ang talatanungan ay binubuo ng apat (4) na bahagi na kinabibilangan ng


unang bahagi na tumutukoy sa propayl ng mga respondent na kinabibilangan ng
edad at ng seksyon. Ang ikalawang bahagi naman lawak ng epekto ng mga salik
na nakaaapekto sa Panitikang Filipino partikular na ang internet at ng telebisyon.
Ang ikatlo naman ay ang lawak ng epekto ng kontemporaryong panahon sa
Panitikang Filipino sa kategorya ng paraan ng pagsulat at interes sa pagbasa
samantalang ang huli ay tumatalakay sa mga posibleng solusyon sa problema.
Sinasagot ng mga kalahok ang bawat tanongsa pamamagitan ng paglalagay ng
tsek sa kanilang kasagutan. Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang
naging daan naminpara makakuha ng mga datos na susuporta sa tesis.

Teknik sa Pagkuha ng Sampol o Kalahok sa Pag-aaral


Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Stratified Sampling Technique kung
saan ito ay isang probabilidad na pamamaraan. Ang Stratified Sampling ay pinili
ng mga mananaliksik dahil ito ay madalas na kanais-nais na magkaroon ng mga
pagtatantya ng parameter ng populasyon para sa mga grupo sa loob ng
populasyon.

Hinati ang kabuuang populasyon sa maliliit na grupo na tinatawag na


strata at sumunod ay gumamit ang mga mananaliksik ng Simple Random
Sampling. Ito ay ang pinakapangunahing pamamaraan sa pagpili. Ito ay isa ring
probabilidad na paraan ng pagpili kung saan ang mga elemento sa populasyon
ay may pantay-pantay na pagkakataon na mapili.

Ang pamamaraang ito ay pinagtibay pa ni Crossman (2014), na tumukoy


sa simple random sampling bilang isang sampling teknik kung saan ang bawat
isang miyembro ng populasyon ay mayroong pantay-pantay na oportunidad na
mapili bilang maging bahagi ng pananaliksik. Ibig sabihin nito na ginagarantiya
ng pamamaraang ito na ang mga sampol na mapipili bilang kinatawan ng
kabuuang populasyon ay napili sa isang totoo at obhetibong paraan. Lahat ng
elemento sa populasyon ay may pare-parehong probabilidad na mapabilang sa
isang sampol. Ang mga mananaliksik ay nagtala ng mga pangalan ng mga mag-
aaral ng BS Accountancy at BS Management Accounting at pumili ng
respondente sa pamamagitan ng lottery method. Ang lottery method naman ay
paraan kung saan ang bawat miyembro ng bawat isang seksyon ay nakasulat sa
papel at kinakailangan ng buong katapatan mula sa mga mananaliksik.

Pormula sa Pagkuha ng mga Porsyento


Ang equation na nakasulat sa ibaba ang ginamit ng mga mananaliksik
upang maipakita ang populasyon ng ginamit na respondente na naging batayan
ng interpretasyon at analisasyon ng pag-aaral na ito.
19

Slovin Formula
N
n=
1+ N e 2 kung saan: N – bilang ng populasyon
174 n – bilang ng sampol
n= 2
1+174 (0.12) e – bilang ng pagkakamali
174
n=
1+174 (0.0144)
174
n=
1+2.5056
174
n=
3.51
n=50 sampol mula sa kabuuan

Stratified Random Sampling:


43
BSA 1201 - × 50=12 mag-aaral
174
42
BSA 1202 - × 50=12 mag-aaral
174
44
BSA 1203 - × 50=13 mag-aaral
174
45
BSMA 1201 - × 50=13 mag-aaral
174
KABUUAN = 50 na mag-aaral

Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos


Ang proseso ng pananaliksik ay nagsimula matapos na makapili ng paksa
para sa pag-aaral na sinundan ng pangangalap ng mga datos at impormasyon
buhat sa mga inilathala at naisulat na mga materyales katulad mga artikula,
balita, libro na angkop at kaugnay ng napiling pag-aaral. Ang mga mananaliksik
ay nangalap din ng datos mulas a iba’t ibang mga website sa internet, iba’t ibang
mga tesis na maaaring iugnay sa paksa at sa silid-aklatan.

Matapos pagtibayin ang paksa at magkaroon ng mausisang rebyu mula


sa mga impormasyon na nakalap, ay nagsagawa na ang mga mananaliksik ng
pagbuo ng mga talatanungan na nakabatay sa mga nakalap na datos. Ang
binuong talatanungan ay naglalaman ng apat na bahagi na naglalaman ng
propayl ng mga respondente, lawak ng epekto ng mga salik na nakaaapekto sa
Panitikang Filipino, lawak ng epekto ng kontemporaryong panahon sa Panitikang
Filipino, mga posibleng solusyon sa problema na siyang magiging batayan ng
magiging kabuuan ng tesis.

Matapos mabalida, mabuo at pagtibayin ang mga talatanungan, ang mga


mananaliksik ay nagsagawa ng isang sarbey sa Pambansang Pamantasan ng
Batangas kung saan ang mga naging tagatugon ay ang mga mag-aaral mula sa
20

unang taon ng BS Accountancy at BS Management Accounting. Sa araw ng


pagsasarbey, isa-isang tinungo ng mga mananaliksik ang mga silid ng bawat
pangkat, kung saan ang mga talatanungan ay ipinamahagi sa mga mag-aaral ng
pangkat na iyon sa pamamagitan ng random na paraan. Ang mga talatanungan
na agad namang sinagutan ng mga respondente ay agad ding kinuha. Ito ay
tinabyula(tabulated) para naman sa paglalahad, pagsusuri, at pagpapakahulugan
ng mga datos

Kaligiran ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral na nasa
unang taon na mula sa Kolehiyo ng Akawntansi, Bisnes, Ekonomiks, at
Pamamahalang Internasyonal sa Hospitalidad ng Pambansang Pamantasan ng
Batangas, Lalawigan ng Batangas. Ang mga respondente ay mga mag-aaral na
silang mga primaryang nakararanas ng pagbabago sa Panitikang Filipino sa
makabagong panahon.

Kabilang sa mga ito ay mula sa programa ng BS Accountancy at BS


Management Accounting partikular sa mga nasa unang taon.

Tritment ng mga Datos


Sa pagpa-pakita o pag-iinterpreta ng mga datos, ang mga mananaliksik
ay gumamit ng tabular na representasyon upang maisaayos ang mga
impormasyon na nakalap ng mga mananaliksik. Itinally namin ang mga
kasagutan ng mga nasa unang taon ng kolehiyo sa Kolehiyo ng Akawntansi,
Bisnes, Ekonomiks, at Pamamahalang Internasyonal sa Hospitalidad. Sa
kabuuan, naihambing ng maayos ang mga resulta ang kanilang kasagutan na
makikita sa Kabanata IV gamit ang pormulang:

1. Upang makalkula ang bilang ng magiging sampol mula sa kabuuang


populasyon, ginamit ang Slovin’s formula;
N
n=
1+ N e 2

Kung saan:
n = bilang ng sampol
N = bilang ng populasyon
e = bilang ng pagkakamali (0.12)

2. Para sa propayl ng mga respondente, ang pagsukat sa porsyento ang


gagamitin. Sa ganitong paraan, ang dami at kadalasan ng paglabas ng parehong
sagot ay susukatin ang ihahanay ang antas mula mataas pababa. Sa paraang ito
malalaman ang pangingibabaw ng ilang mga baryabol.
f
()
Bahagdan ( % )=
n
x 100
21

Kung saan:
f = Dami/Kadalasan
n = kabuuang bilang ng kalahok

3. Lawak ng Epekto ng mga Salik na Nakaaapekto sa Panitikang Pilipino

3.1 Weighted Mean at Ranking. Ang paraang ito ay ginamit upang


malaman kung gaano kalawak naunang baryabol sa pangalawa. Sa
pamamagitan nito malalaman ang may pinakamataas na antas ng weighted
mean, at matutuklasan kung aling mga baryabol ang labis na may epekto sa
panitikang Pilipino.

Grado Berbal na Interpretasyon Saklaw


5 Lubos na Sumasang-ayon 4.1-5.0
4 Sumasang-ayon 3.1-4.0
3 Medyo Sumasang-ayon 2.1-3.0
2 Hindi sumasang-ayon 1.1-2.0
1 Lubos na hindi sumasang-ayon 0.1-1.0

Σ fx
x=
n

kung saan,
x - weighted average
Σ fx - kabuuang bilang ng frequency at iskor
n - bilang ng baryabol

4. Lawak ng Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa Panitikang Pilipino


4.1 Weighted Mean and Ranking. Ang paraang ito ang ginamit upang
malaman ang lawak ng epekto ng kontemporaryong panahon sa Panitikang
Filipino. Ang mga palatandaan ng kontemporaryong panahon ay susukatin at
ihahanay mula sa may pinakamadaming tugon upang malaman kung alin ang
may pinakamalawak ang epekto.
Σ fx
x=
n

kung saan,

x - weighted average
Σ fx - kabuuang bilang ng frequency at iskor
n - bilang ng baryabol
22

Grado Berbal na Interpretasyon Saklaw


5 Lubos na Kapansin-pansin 4.1-5.0
4 Kapansin-pansin 3.1-4.0
3 Medyo Kapansin-pansin 2.1-3.0
2 Di-Kapansin-pansin 1.1-2.0
1 Lubos na Di-Kapansin-pansin 0.1-1.0

5. Test Statistic. Upang malaman ang kaugnayan ng dalawang baryabol,


gagamitin ang teknik ng t-test. Ang instrumentong istatistikal na ito ay ang
magbibigay linaw kung ang dalawang grupo ng baryabol ay may kaugnayan sa
isa’t isa samakatuwid, ang mga mananaliksik ay magkakaroon ng pagkakataon
upang ipaghambing ang dalawang grupo. Sa ikaapat na suliranin, masusukat
kung mayroong kaugnayan ang kontemporaryong panahon sa pagbabagong
pisikal at istruktural ng panitikang Filipino.

Test statistic
t=( x́−μσ )/ s √ n
where:
x́ =sample mean
μσ = hypothesized population mean
s = karaniwang lihis (standard deviation)
n = kabuuang bilang ng kalahok

6. Test Statistic. Upang malaman ang kaugnayan ng dalawang baryabol,


gagamitin ang teknik ng t-test. Ang instrumenting ito ay ginamit upang malaman
kung mayroong kaugnayan ang pagbabagong pisikal at istruktural ng panitikang
Pilipino sa mga mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Batangas.

Test statistic
t=( x−μσ )/ s √ n
where:
x́ =sample mean
μσ = hypothesized population mean
s = karaniwang lihis (standard deviation)
n = kabuuang bilang ng kalahok
23

7. Mga Posibleng Solusyon sa Problema


7.1 Weighted Mean and Ranking. Ang paraang ito ang ginamit upang
malaman ang mga minumungkahi ng mga respondent na paraan upang
maresolba ang mga nakalahad na problema.
Σ fx
x=
n

kung saan,

x - weighted average
Σ fx - kabuuang bilang ng frequency at iskor
n - bilang ng baryabol
Grado Berbal na Interpretasyon Saklaw
5 Lubos na Sumasang-ayon 4.1-5.0
4 Sumasang-ayon 3.1-4.0
3 Medyo Sumasang-ayon 2.1-3.0
2 Hindi sumasang-ayon 1.1-2.0
1 Lubos na hindi sumasang-ayon 0.1-1.0
24

KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng


mga mga datos na nakalap tungkol sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral.
Ang pagtatalakay sa mga sagot ay ibinatay sa pagkakaayos ng mga katanungan
sa unang kabanata.

1. Propayl ng mga Respondente


Sa pag-aaral na ito, kasama dito ang mga ilang profile variables ng
mga respondente para magamit ang mga nakalap na impormasyon sa
pag-aaral. Dito kumakatawan ang mga resulta sa mga sumusunod na
table.

Talahanayan 1
Distribusyon mga Respondente Batay sa Edad

Edad Dami/Kadalasan Bahagdan (%)

16-18 8 16%
19-21 42 84%
22-24 0 0%

KABUUAN 50 100%

Ipinakikita ng talahanayan 1 na malaking bahagdan ng mga


respondente ay nasa grupo ng edad labingsiyam (19) hanggang
dalawampu’t isa (21) na may karampatang bahagdan ng 84% na
nagpapahayag na karamihan ng mga nag-aaral sa unang taon ng BS
Akawntansi ay nasa ganoong edad na may apatnapu't dalawang (42)
tugon. Sinundan ito ng walong (8) tugon mula sa grupo ng edad labing-
anim (16) hanggang labingwalo (18) na mayroong labing-anim na
bahagdan (16%).
25

2. Lawak ng Epekto ng mga Salik na Nakaaapekto sa Panitikang Filipino


Talahanayan 2.1
Weighted Berbal na
SOCIAL MEDIA
Mean Interpretasyon
1. Nakaaapekto ang madalas na
paggamit ng social media upang Lubos na
4.32
matuto ng mga bagong salita. sumasang-ayon
2. Ang paggamit ng social media ay
nakaaapekto upang makakalap ng
mga wikang banyaga at Lubos na
4.24
makaimbento ng panibagong mga sumasang-ayon
salita.
3. Ang social media ay nagsisilbing
midyum ng mga manunulat at Lubos na
4.16
mananalastas. sumasang-ayon
4. Napalalago ng social media ang mga
umiiral na salita sa isang komunidad. 3.96 Sumasang-ayon
5. Nagiging daan ang social media
upang magkaroon ng kamalayan sa 3.78 Sumasang-ayon
mga diyalektong mayroon ang bansa.
Composite Weighted Mean 4.092

Berbal na Interpretasyon Lubos na Sumasang-ayon


Lawak ng Epekto ng Internet batay sa Social Media

Ang talahanayan 2.1 ay nagpapakita ng epekto ng social media kabilang


na ang facebook, twitter at instagram sa panitikang Pilipino. Mayroong
pinakamalawak na epekto sa ilalim ng social media ay ang uang pahayan na ang
paggamit ng social media ay nagagamit upang matuto ng mga panibagong
paraan ng pananalita na mayroong 4.32 na weighted mean ba may berbal na
interpretasyon na lubos na sumasang-ayon. Sinundan ito nf ikalawa at ikatlong
pahayag na may weighted mean na 4.24 at 4.16 ayon sa pagkakabanggit na
mayroong parehong berbal na interpretasyon na lubos na sumasang-ayon.
Ipinahayag nito na ang banyagang salita na ginagamit natin sa panulat ay buhat
ng paggamit ng social media at ito ay nagsisilbing midyum ng mananalastas.

Ang resultang ito ay sinuportahan ng pag-aaral ni Farentein (2012) dahil


walang makabuluhang kaugnayan ang txt lingo sa kakayahang panggramatika
ng mga mag-aaral gayundin sa tamang estruktura ng wika. Ayon sa kanila, dala
ng pagbabago ng panahon nagbabago din ang wika. Ang paggamit ng txt lingo
ay maaaring magsulong isang intelektwalisado at maunlad na wika at sa
kabilang dako, maaari rin nitong wasakin ang kahalagahan at kagandahan ng
wika.
26

Talahanayan 2.2
Lawak ng Epekto ng Internet batay sa Youtube
Weighted Berbal na
YOUTUBE
Mean Interpretasyon
1. Nakaaapekto ang panonod ng mga
bidyo sa youtube sa pagbabago ng 3.8 Sumasang-ayon
paraan ng pagtula.
2. Ang panonood ng mga bidyo mula sa
iba’t ibang mga bansa upang mabago 3.92 Sumasang-ayon
ang paraan ng pananalita.
3. Ang salitang naririnig mula sa mga
napapanood sa bidyo ay pinagsama-
samang mga salita ng iba’t ibang 3.8 Sumasang-ayon
kultura na nakaaapekto sa paraan ng
pagsulat sa Filipino.
4. Ang mga salitang nahinuha mula sa
youtube ang nagagamit na 3.72 Sumasang-ayon
makabagong panahon sa pagsulat.
5. Madaming mga salita ang naiimbento
at naririnig sa mga bidyo sa youtube. 3.96 Sumasang-ayon

Composite Weighted Mean 3.84

Berbal na Interpretasyon Sumasang-ayon

Ang talahanayan 2.2 ay nagpapakita na ang epekto ng youtube ay ang


pagdami ng mga salita na naiimbento kaugnay ng labis na panonood ng mga
bidyo mula sa youtube. Ito ay nakakuha ng 3.96 na weighted mean na may
berbal na interpretasyon na sumasang-ayon na sinundan naman ng ikalawang
pahayag na may 3.92 na weighted mean na nangangahulugan na ang panonood
ng mga bidyo na nagmula sa iba't ibang mga bansa ay nakaaapekto sa
pagbabago ng paraan ng pananalita na may berbal na interpretasyon na
sumasang-ayon. Pinakahuli naman ay ang paggamit ng mga salitang nahinuha
sa panahon ng pagsulat sa weighted mean na 3.72.
27

Talahanayan 2.3
Lawak ng Epekto ng Internet batay sa Wattpad
Weighted Berbal na
WATTPAD
Mean Interpretasyon
1. Nakaaapekto ang wattpad upang gawing
batayan ng mga manunulat sa pagsulat 3.84 Sumasang-ayon
ng mga akda.
2. Nakaiimpluwensya ang mga binabasang
makabagong salita upang maglahad ng 3.94 Sumasang-ayon
mga ideya o eksplanasyon sa paaralan.
3. Ang wattpad ay nakaaapekto sa pagbuo
ng mas kawili-wiling sanaysay at tula. 3.98 Sumasang-ayon
4. Nakaiimpluwensya ang wattpad sa
paggamit ng mga salitang modernisado o 3.94 Sumasang-ayon
napapanahon sa pakikipagtalastasan.
5. Nakatutulong ang wattpad sa
pagpapahayag ng mas malinaw na
damdamin sapagkat natututunang 3.96 Sumasang-ayon
damahin ang karakter sa binabasa.
Composite Weighted Mean 3.932

Berbal na Interpretasyon Sumasang-ayon

Ipinapakita sa talahanayan bilang 2.3 na sa limampung (50) mag-aaral na


tumugon sa katanungan kung nakakaapekto ang wattpad upang maging batayan
ng manunulat sa pagsulat ng mga akda, ito ay sinasang-ayunan ng mga mag-
aaral nagkamit ng weigted mean na 3.84. Hindi naman lumalayo sa nasabing
resulta ang tugon kung nakaiimpluwensya ang mga binabasang makabagong
salita upang maglahad ng mga ideya o eksplanasyon sa paaralan at ang
impluwensya nito sa paggamit ng mga salitang modernisado o napapanahon sa
pakikipagtalastasan na may parehong weighted mean na 3.94. Sinundan ito ng
3.96 na kabuuang pagsang-ayon ng mga mag-aaral ukol sa tulong ng wattpad sa
pagpapahayag ng mas malinaw na damdamin sapagkat natututunang damahin
ang karakter sa binabasa. At nagtamo ng pinakamataas na weighted mean mula
sa naging resulta ng pangangalap ng datos sa mga respondente na may 3.98 na
nangangahulugang sumasang-ayon ay ang lawak ng epekto ng wattpad sa
pagbuo ng mas kawili-wiling sanaysay at tula. Kaugnay nito, ang kabuuang
interpretasyon ng lawak ng epekto ng internet batay sa wattpad sa pagbabagong
istruktural at pisikal ng panitikang Filipino ay sumasang-ayon.

Ang mga nasabing resulta ng pag-aaral ay sinuportahan ni Roberto Ampil


na nagsabing mayroon magandang dulot ang pagkahumaling ng mga kabataan
sa pagsulat at pagbasa ng mga kuwentong Wattpad. Magandang senyales ito na
tumataas ang readership ng mga Filipino. Sa pamamagitan ng patuloy na
28

pakikisabay ng mga batang manunulat sa mabilis na pag-usad ng teknolohiya


gamit ang computer at Internet, higit na napakikinabangan ang mga ito sa
mabilis na pagkakatuto.

Talahanayan 2.4
Lawak ng Epekto ng Telebisyon
Weighted Berbal na
TELEBISYON
Mean Interpretasyon
1. Ang panonood ng telebisyon at ang
impluwensya nito sa paraan ng pag-iisip Lubos na
4.02
ng kabataan sa paraan ng pananalita. sumasang-ayon
2. Mas nakadaragdag interes ang pagbasa
kung katulad ng mga napapanahong Lubos na
4.04
programa sa telebisyon ang napanonood. sumasang-ayon
3. Mula sa mga napanonood sa telebisyon
nalalaman ang konyong paraan ng Lubos na
4.06
pananalita. sumasang-ayon
4. Ang mga barayti na palabas kung saan
ay impormal na pananalita ang ginamit ay Lubos na
4.04
nakaaapekto sa persepsyon ng pagsulat. sumasang-ayon
5. Ang mga palabas na nagpapakita ng mga
panoorin mula sa iba’t ibang bansa ay Lubos na
nakaaapekto sa pinaghalong paraan ng 4.0
sumasang-ayon
pakikipagtalastasan.
Composite Weighted Mean 4.032

Berbal na Interpretasyon Lubos na sumasang-ayon

Ayon sa talahanayan 2.4 na ipinapakita ang lawak ng epekto ng


telebisyon sa panitikang Filipino, pinkamalaking bilang ng mga respondente ang
lubos na sumasangayon sa pahayag na mula sa napapanood sa telebisyon
nalalaman ang konyong paraan ng pananalita na may weighted mean na 4.06 na
sinundan ng mga pahayag na mas nakadaragdag interes ang pagbasa kung
katulad ng mga napapanahong programa sa telebisyon ang napanonood at ang
mga barayti na palabas kung saan ay impormal na pananalita ang ginamit ay
nakaaapekto sa persepsyon ng pagsulat na kapwa may weighted mean na 4.04.
Lubos na sumasang-ayon din ang mga respondente sa pahayag na ang mga
palabas na nagpapakita ng mga panoorin mula sa iba’t ibang bansa ay
nakaaapekto sa pinaghalong paraan ng pakikipagtalastasan na may
pinakamababang weighted mean.

3. Lawak ng Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa Panitikang Filipino


29

Talahanayan 3.1
Lawak ng Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa Panitikang Filipino
batay sa Paraan ng Pagsulat

PARAAN NG PAGSULAT Weighted Berbal na


Mean Interpretasyon
1. Naging mas angkop sa bagong
henerasyon ang paraan ng pagsulat
nang dahil sa mga makabagong 3.74 Kapansin-pansin
sistema ng pagsulat tulad ng
pagpapaikli ng mga salita.
2. Ang paggamit ng istruktura, istilo, ideya Lubos na
at detalye ay naging mas malaya. 4.02
Kapansin-pansin
3. Lumaganap ang paggamit ng mga
salitang konyo, balbal at kolokyal sa Lubos na
4.24
pagbuo o pagsulat ng isang teksto. Kapansin-pansin
4. Nawalan ng mahigpit na restriksyon sa
lalim ng ideya at salita na ginagamit sa 3.92 Kapansin-pansin
pagsulat.
5. Naging maikli ang pagsulat ng mga
akda dahil sa pag-unti ng mga bantas
na ginagamit dahil sa modernisadong 3.56 Kapansin-pansin
pagbabago.
Composite Weighted Mean 3.896
Berbal na Interpretasyon Kapansin-pansin

Ipinapakita sa talahanayan 3.1 bilang ang lawak ng epekto ng


kontemporaryong panahon sa panitikang Filipino batay sa paraan ng pagsulat ng
mga mag-aaral. Nagkamit ng pinakamataas na weighted mean na 4.24 ay ang
lubos nakapansin-pansin na paglaganap ng paggamit ng mga salitang konyo,
balbal at kolokyal sa pagbuo o pagsulat ng isang teksto. Lubos na kapansin-
pansin din mula sa tugon ng mag-aaral na katumbas ng 4.02 na weighted mean
ay ang paggamit ng istruktura, istilo, ideya, at detalye ay nagiging mas malaya
dulot ng kontemporaryong panahon. Samantala, nagtamo ng kapansin-pansin na
tugon na nawawalan ng mahigpit na restriksyon sa lalim ng ideya at salita na
ginagamit sa pagsulat, mas nagiging angkop sa bagong henerasyon ang paraan
ng pagsulat nang dahil sa mga makabagong sistema ng pagsulat tulad ng
pagpapaikli ng mga salita, at mas nagiging maikli ang pagsulat ng mga akda
dahil sa pag-unti ng mga bantas na ginagamit dahil sa modernisadong
pagbabago na nagtamo ng 3.92, 3.74 at 3.56, ayon sa pagkakabanggit. Ang
kabuuang resulta ng nasabing lawak ng epekto ng montemporaryong panahon
sa panitikang Filipino batay sa paraan ng pagsulat ay kapansin-pansin.
Kaugnay nito, binanggit ni Tacbad (2014), ang labis na epekto ng
teknolohiya at ng internet ay binibigyan ng bagong mukha ang panitikang
30

Pilipino. Nandoon ang pagbabago sa kalagayan ng mga salita na ginagamit sa


patalatang pasulat sa mga akda sa eskuwelahan man o sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ang mga salitang ginagamit sa pakikipagtalastasan sa mga
internet sites na kapansin-pansin na balbal at impormal ay naihahalo na din sa
paggamit ng salita ng mga sulatin
Sinuportahan din ang mga kapansin-pansin na tugon mula sa website ng
http://filipino3bsit3-2.blogspot.com/2015/08/wikang-filipino-komunikasyon sa_20.
html na nagsasabing ang pagbabago ng panahon, pag-dating o pag-imbento ng
mga bagong salita ay may direktang epekto sa bagong paraan sa komunikasyon
ng tao ito man ay sa paraan ng berbal o pasulat. Sa pagbabagong pasulat ay
mas nagagamit na ang mga impormal na lengguwahe kahit pa ito ay sa liham o
sa pagsulat ng mga personal na akda. Hindi man lahat ito ay nakakabuti meron
paring parte nito ay nakakatulong sa atin sa pang araw-araw na buhay upang
makipag talakayan o sa pakikipag-usap natin sa kapwa tao at maging sa kahit
sinong ating nakasasalamuha sa araw-araw.

Talahanayan 3.2
Lawak ng Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa Panitikang Pilipino
batay sa Interes sa Pagbasa

INTERES SA PAGBASA Weighted Berbal na


Mean Interpretasyon
1. Higit na pinipiling basahin ang mga
akdang binubuo ng mga 3.8 Kapansin-pansin
napapanahong salita/diyalekto
2. Pinagtutuunan ng pansin ang mga
akdang sumasalamin sa mga Lubos na
4.02
kasalukuyang pangyayari sa lipunan. Kapansin-pansin
3. Higit na tinatangkilik ang mga akdang
nasa anyo ng bidyo at may kaagapay 3.9 Kapansin-pansin
na musika.
4. Binibigyang pansin ang mga kdang Lubos na
nakapaloob sa media at internet. 4.0
Kapansin-pansin
5. Kawalan ng interes sa mga babasahing 3.64 Kapansin-pansin
nakalimbag.
Composite Weighted Mean 3.872

Berbal na Interpretasyon Kapansin-pansin

Ipinakikita ng Talahanayan 3.2 ang lawak ng epekto ng kontemporaryong


panahon sa Panitikang Filipino batay sa Interes sa Pagbasa na mayroong
pinakamadaming tugon na nakuha mula sa ikalawang pahayag na naglalaman
31

na ang pinagutuunan ng pansin ang mga akdang nasa anyo ng bidyo at may
kaagapay na musika na mayroong weighted mean na 4.02 na may berbal na
interpretasyon na lubos na kapansin-pansin. Ipinahahayag lamang nito na
mayroong malaking epekto ang kontemporaryong panahon sa interes sa
pagbasa ng mga mag-aaral kung saan ang salik ng pabidyong pag-aaral ay may
bahagi sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sinundan ito ng ikaapat na pahayag
kung saan binibigayang pansin ang mga akdang nakapaloob sa media at internet
na may weighted mean na 4 na may berbal na interpretasyon na lubos na
kapansin-pansin. Kasunod nito ay ang higit na pagtangkilik ng mga akdang nasa
anyo ng bidyo at may kaagapay na musika at pagpili ng mga basahin at mga
akdang binubuo ng mga napapanahong salita/diyalekto na may weighted mean
na 3.9 at 3.8 na parehong may berbal interpretasyon na kapansin-pansin. At ang
pinakahuli ay ang kawalan ng interes sa mga babasahing nakalimbag na may
weighted mean na 3.64 na may berbal na interpretasyon na kapansin-pansin.

Ang resultang ito ay sinuportahan ng pag-aaral ni Cruz (2009) na sa


kasalukuyan, maraming kagamitang hindi sumasapat sa pangangailangan ng
mga mag-aaral upang lalong maengganyo sa pagbabasa ng mga akdang
pampanitikan. Kaugnay pa ay malawakang pagbabago ng interes ng mga mag-
aaral sa pagbabasa ng akdang pamapanitikan sa kontemporaryong paahon.
Hindi nabibigyang-kasapatan sapagkat ang mga mag-aaral ay mas interesado
kung ang babasahin ay mula sa mga kilalang internet sites kumpara sa mga
lumang libro.

4. Ugnayan ng kontemporaryong panahon sa pagbabagong pisikal at


istruktural ng Panitikang Filipino

Talahanayan 4
Ugnayan ng kontemporaryong panahon sa pagbabagong pisikal at
istruktural ng Panitikang Filipino

t – critical
Desisyon Berbal na
Determinant t - stat value (one
sa Ho Interpretasyon
tailed)
Pagbabagon
g Pisikal at 1.977061024 1.676550893 Reject Significant
Istruktural

Makikitang ang nakuhang resulta ng t – stat base sa pagbabagong pisikal


at istruktural ng Panitikang ay 1.977061024 kung saan ito ay mas mataas na
kumpara sa nakuhang t-critical value (one tailed) na 1.676550893 kaya naman
ito ay nangangahulugang may makabuluhang ugnayan. Samakatuwid, ang null
hypothesis ay hindi maaring tanggapin kaugnay sa pagkukumpara sa pagitan ng
t statistic at ng t critical value. Ang resultang ito ay nangangahulugang ang
32

kontemporaryong panahon kabilang ang malawakang paglaganap ng paggamit


ng internet at telebisyon ay may malaking epekto sa pagbabagong pisikal at
istruktural ng panitikang Filipino.

Kaugnay nito, ang pag-aaral ni Santos (2016) na sumasabay ang


panitikan sa modernisasiyon ng mundo—sa pabago-bagong aspekto ng
teknolohiya at internet. Ang modernisasiyon na ito ang nagluwal sa mga
makabagong anyo at pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba pang anyo
ng panitikan. Dahil din sa internet, mas naging malapit o accessible ang mga
akda, tula at sulatin ng mga manunulat sa maraming mambabasa. Subalit
Internet din ang tinutukoy na isa sa mga dahilan ng kawalan ng interes ng mga
milenyal sa panitikang Filipino dahil mas nahuhumaling ang mga mambabasa
ngayon sa mga banyagang akda at ibang anyo ng panitikan.

5. Ugnayan ng pagbabagong pisikal at istruktural ng panitikang Pilipino sa


mga mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Batangas

Talahanayan 5
Ugnayan ng Pagbabago ng Panitikang Filipino sa mga Mag-aaral

Propayl ng t – critical
Desisyon Berbal na
mga t - stat value (one
sa Ho Interpretasyon
Respondente tailed)

Edad 18.61509323 1.676550893 Reject Significant

Makikitang ang nakuhang resulta ng t – stat base sa pagbabago


Panitikang Filipino 18.61509323 kung saan ito ay mas mataas na kumpara sa
nakuhang t-critical value (one tailed) na 1.676550893 kaya naman ito ay
nangangahulugang may makabuluhang ugnayan. Samakatuwid, ang null
hypothesis ay hindi maaring tanggapin kaugnay sa pagkukumpara sa pagitan ng
t statistic at ng t critical value. Ang resultang ito ay nangangahulugang ang
pagbabago ng Panitikang Filipino sa kontemporaryong panahon ay may
malaking epekto sa paraan ng pagsulat at interes sa pagbasa ng mga unang
taon ng mag-aaral ng BS Akawntansi at BS Management Accounting sa
Pambansang Pamantasan ng Batangas.

Ang resultang ito ay sinuportahan ng pag-aaral ni Johnson, 2010 na


nagsabi na ang malaking pagbabago na nagaganap sa pisikal na istruktura at
akses sa mga kwento at mga babasahin na hindi na nangangailangan pa ng
kopyang papel kung hindi sa internet na lamang.

6. Mga Posibleng Solusyon sa Problema


33

Talahanayan 6
Mga Posibleng Solusyon sa Problema

Weighted Berbal na
Mga Posibleng Solusyon sa Problema
Mean Interpretasyon
1. Bigyang-diin ang malalim na paggamit Lubos na
ng mga salita sa mga paaralan sa 4.32 sumasang-
pagsusulat. ayon
2. Higpitan ng mga guro ang pagbibigay
marka sa paraan ng mga mag-aaral ng Sumasang-
3.66
pagsulat. ayon
3. Bigyan ng mataas na konsiderasyon
ang pagpili ng mga salita ng mga mag- Sumasang-
3.98
aaral. ayon
4. Tuwirang gamitin ang mga babasahin
na nanghihikayat nang malalalim na Sumasang-
3.9
pananalita. ayon
5. Paunlarin ang gamit ng
matatalinhagang salita sa Sumasang-
pagpapabasa ng mga sinaunang mga 3.8
ayon
babasahin.
6. Iklian lamang ang oras ng paggamit ng Sumasang-
internet sites para sa mga mag-aaral. 3.78
ayon
7. Limitahan ang akses ng mga mag-aaral Sumasang-
sa social media kapag nasa paaralan. 3.68
ayon
8. Manghikayat na basahin ang mga Lubos na
pormal at pang-edukasyon na mga sipi. 4.12 sumasang-
ayon
9. Ipaintindi ang kagandahan ng mga Lubos na
matatalinhagang salita at ang 4.14 sumasang-
kahalagahan nito sa panitikan. ayon
10. Mag-ensayo sa pagsulat at pagbasa ng Lubos na
mga kilalang mga aklat ng mga kilalang 4.4 sumasang-
manunulat ng Panitikang Filipino. ayon
Composite Weighted Mean 3.978
Berbal na Interpretasyon Sumasang-ayon

Ang Talahanayan 6 ay nagpapakita ng resulta ng paniniwala ng mga mag-


aaral sa mga posibleng solusyon sa problema. Lubos na sumasang-ayon ang
mga mag-aaral na kinakailangang bigyang-diin ang malalim na paggamit ng mga
salita sa mga paaralan sa pagsusulat kung saan ito ay may weighted mean na
4.32. Lubos din silang sumasang-ayon na kinakailangang manghikayat na
34

basahin ang mga pormal at pang-edukasyon na mga sipi, ipaintindi ang


kagandahan ng mga matatalinhagang salita at ang kahalagahan nito sa panitikan
at mag-ensayo sa pagsulat at pagbasa ng mga kilalang mga aklat ng mga
kilalang manunulat ng panitikang Pilipino na may weighted mean na 4.12, 4.14 at
4.4 ayon sa pagkakabanggit. Samantalang ang mga mag-aaral ay sumasang-
ayon na kinakailangang bigyan ng mataas na konsiderasyon ang pagpili ng mga
salita ng mga mag-aaral na may weighted mean na 3.98 Sumunod dito ang
paniniwalang kinakailangang tuwirang gamitin ang mga babasahin na
nanghihikayat ng malalalim na pananalita kung saan ito ay may weighted mean
na 3.90. Sumasang-ayon din ang mga mag-aaral na kinakailangang higpitan ng
mga guro ang pagbibigay marka sa paraan ng mga mag-aaral ng pagsulat,
paunlarin ang gamit ng matatalinhagang salita sa pagpapabasa ng mga
sinaunang mga babasahin, iklian lamang ang oras ng paggamit ng internet sites
para sa mga mag-aaral at limitahan ang akses ng mga mag-aaral sa social
media kapag nasa paaralan na may weighted mean na 3.66, 3.80, 3.78 at 3.68
ayon sa pagkakabanggit. Sa pangkalahatan, ang mga mag-aaral ay sumang-
ayon sa mga posibleng solusyon sa problema na inilahad ng mga mananaliksik.

Ang resultang ito ay sinasang-ayunan ng isang artikulo na isinagawa ni


Yap tungkol sa hamon sa mga guro pagdating sa pagtuturo na ang
pinakamalaking tanong na dapat harapin ng sinumang guro ay kung paano ba
matutulungan ang mga mag-aaral na makamit ang isang uri ng pag-iisip na may
kakayahang umunawa para maging mabisa, puno ng kaalaman at kabuluhan
ang gawaing pagbabasa at pagsusulat.

KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, natuklasan, konklusyon at


rekomendasyon ng pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay “Epekto Ng
35

Kontemporaryong Panahon Sa Pagbabagong Pisikal at Istruktural Ng Panitikang


Filipino sa mga Mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Batangas”.

Lagom
Ang pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa
Pagbabagong Pisikal at Istruktural ng Panitikang Filipino” ay isinagawa ng mga
mananaliksik upang malaman at mailahad ang mga pananaw ng mga mag-aaral
ukol makabagong panitikan dulot ng kontemporayong panahon. Ang pag-aaral
ay batay sa limampung (50) mag-aaral na nasa ika-unang taon sa kolehiyo sa
Pambansang Pamantasan ng Batangas taong panuruan 2018-2019 sa
ikalawang semestre.

Ang mga layunin na nais mabigyang-tugon ng mga mananaliksik ay


nakatala sa ibaba bilang kapakinabangan sa mga mambabasa at manunulat ng
makabagong henerasyon. Ang mga layunin na inilahad ay ang mga sumusunod:

1. Masukat ang lawak ng epekto sa paggamit ng makabagong teknolohiya


gaya ng internet at telebisyon sa paraan ng pagsulat at interes ng
pagbasa.
2. Matukoy ang lawak ng epekto ng pagbabagong pisikal at istruktural ng
panitikang Filipino sa mga mag-aaral.

Natuklasan mula sa tugon ng mga mag-aaral na may malaking epekto


ang kontemporaryong panahon kabilang ang malawakang paglaganap ng
paggamit ng internet at telebisyon sa pagbabagong pisikal at istruktural ng
panitikang Filipino. Napatunayan din ang malawakang epekto ng pagbabago ng
panahon, pagdating o pag-imbento ng mga bagong salita sa paraan ng pagsulat
at interes sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ang mga epektong natuklasan sa
paraang berbal o pasulat man ay ang mga paggamit ng impormal na
lengguwahe sa pagsulat ng mga personal na akda at maging sa
pakikipagtalastasan.

Dagdag pa rito, sa pagkukumpara ng kontemporaryong panahon kabilang


ang malawakang paglaganap ng paggamit ng internet at telebisyon sa
pagbabagong pisikal at istruktural ng panitikang Filipino ay natuklasan na ito ay
may makabuluhang ugnayan. Subalit ang tinutukoy na epekto ay ang kawalan ng
interes ng mga milenyal sa pormal na anyo ng panitikan dahil sa pagkahumaling
ng mga mambabasa ngayon sa mga akdang nagtataglay ng di-pormal na salita
katulad ng mga nababasa sa Wattpad. Nakita rin na may makabuluhang
ugnayan ang pagbabagong istruktural at pisikal ng Panitikang Filipino sa
kontemporaryong panahon sa mga mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng
Batangas. Bawat datos na nakalap ay pinatotohanan ng mga talahanayan na
nauna nang inilahad.

Konklusyon
36

Batay sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod na kongklusyon ay


nahinuha:

1. Karamihan ng mga mag-aaral mula sa BS Akawntansi ay nasa grupo


ng edad ng 19-21 kung saan ang mga nasa ganitong grupo ay mas
interesado at mas nakalantad sa gamit ng makabagong teknolohiya at
mas may dunong kaugnay sa mga gamit ng internet at social media.

2. Ang social media ang may pinakamalawak na epekto sa pagbabago


ng Panitikang Filipino sa makabagong panahon na nagbibigay ng
isang malawak na impluwensya sa mga may akda ng iba’t ibang mga
libro at uri ng panitikan. Mayroon ding malaking epekto ang wattpad na
siyang isang uri ng makabagong panulat at pagbasa na nagmumulat
sa mga kabataan sa panitikan ngunit sa ibang modelo at konstrukyon
kaiba ng orihinal at sinaunang uri ng panulat.

3. Ang pagbabago ng panahon tungo sa pagiging modernisado ay


nakakaapekto sa uri ng mga akda na naiililimbag at naisusulat mga
mag-aaral kung saan ay ang mga impluwensya ng internet at
telebisyon ay may malaking gampanin sa pagbabagong ito na nagiging
mas mababa ang kalidad ng panulat ng mga mag-aaral at mas
bumababa ang bilang ng mga mag-aaral na interesado sa mga
makalumang babasahin at mas lumalawak ang bilang ng mga
nagbabasa sa mga social media sites katulad na lamang ng mga blogs
at wattpad.

4. Mayroong makabuluhang ugnayan sa pagitan ng ng kontemporaryong


panahon at sa pagbabagong pisikal at istruktural ng panitikang Filipino.
Ito ay nangangahulugan na ang panitikang Filipino sa mga nakaraang
panahon ay kaiba sa uri ng panitikang Filipino sa modernong panahon
na bunga ng pagbabago sa akses sa teknolohiya at internet.

5. Mayroong makabuluhang ugnayan sa pagitan ng pagbabagong pisikal


at istruktural ng panitikang Filipino sa mga mag-aaral ng Pambansang
Pamantasan ng Batangas. Ito ay nangangahulugan na ang dahilan ng
bagong paraan ng pagsulat at ang pagbabago sa interes ng mga mag-
aaral sa pagbasa ay dulot at bunga ng kontemporaryong panahon.

6. Ang tungkulin at ang pangangatawan ng mga guro sa Filipino sa mga


paaralan at pamantasan ay may malaking epekto sa kung paano
magbabalik ang mga mag-aaral sa muling pagtangkilik sa mga
makalumang panitikan na akda ng mga Pilipino mula sa tunay na
buhay at sa paraang mas pormal at mas malalim. Ang paraan ng
pagtuturo at ang pag-engganyo ng mga guro ay isang malaking salik
na nakakaapekto upang masolusyunan ang umiiral na problema sa
panitikan.
37

Rekomendasyon
Ang bahaging ito ay tumatalakay sa mga suhestiyon at mungkahi ng mga
mananaliksik para sa patuloy na pag-unlad ng panitikang Filipino. Batay sa
lagom at kongklusyon ng pag-aaral ay minumungkahi ng mga mananaliksik ang
sumusunod:

1. Nararapat na ipaintindi ng mga guro sa mga mag-aaral ang


kagandahan ng mga matatalinhagang salita at ang kahalagahan nito
sa panitikang Filipino upang matulungan ang mga mag-aaral na
makamit ang isang uri ng pag-iisip na may kakayahang umunawa para
maging mabisa, puno ng kaalaman at kabuluhan ang gawaing
pagbabasa at pagsusulat.

2. Magkaroon ng tuwirang paggamit ng mga babasahin na nanghihikayat


nang malalalim na pananalita sa loob ng silid-aralan nang sa gayon ay
malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng mga
akdang-pampanitikan.

3. Paunlarin ang paggamit ng matatalinhagang salita sa pagpapabasa sa


mga mag-aaral ng mga sinaunang mga babasahin upang hindi
mawala ang interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa nito.

4. Ang mga mag-aaral ay dapat magkaroon ng pag-eensayo sa pagsulat


at pagbasa ng mga kilalang mga aklat ng mga kilalang manunulat ng
panitikang Filipino upang maiugnay nila ito sa pagsulat ng isang
komposisyon ayon sa kanilang layunin.

5. Kinakailangang bigyan ng tamang gabay ng mga magulang ang mga


mag-aaral lalo na sa paggamit ng mga devices at internet, lalo na ang
social media upang magkaroon ng oras sa gawing-pagbasa kaugnay
ng tamang pagpili ng tamang babasahin.

You might also like