You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

La Arnie Laurente

Pamantayang Nilalaman: Ang mga mag-aaral ay:


may pag-unawa sa kahalagahan ng karapatang pantao sa pagsusulong ng
pagkakapantay-pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa at daigidig.

Pamantayang sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay:

Nakapagpaplano ng symposium na tumatalakay sa kaugnayan ng karapatang


pantao at pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan
at bansa na kumikilala sa karapatang pantao.

Pamantayan sa Pagkatuto:

Naipapaliwanag ang mga Isyu sa karapatang Pantao

I. Mga Layunin

1. Nakabibigay ng mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa at daigdig.

2. Nasusuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao.

3. Nakapagmumungkahi ng mga paraan ng paglutas sa mga paglabag ng karapatang pantao.

II. Lesson

1.Content: Mga Isyu sa Karapatang Pantao

2. Skills: Nakapagpaplano, Nakatutugon

3. Attitudes: Pagkamaparaan, Mapagmatyag

4. Values: Pagpapahalaga

III. Mga Kagamitan

 Mga Larawan
 Mga pabuya para sa mananalo
 Mga babasahin tungkol sa Isyu ng Karapatang Pantao
 Strips of words
IV. Pamamaraan

Step 1: Introduction

Ang guro ay mag papakita ng mga larawan sa harapan at pahuhulaan sa mga mag-aaral kung ano ang
kanilang nakikita dito. Papaalahanan ang mga mag-aaral na meron silang indibidwal at grupong paggawa.

Step 2: Study Team Formation

Ang guro ay bubuo ng limang grupo na may iba’t-ibang klase ng mag-aaral. Sa pagbuo ng grupo dapat
may balanseng pagkakahati-hati ng mga mag-aaral na may iba’t-ibang learning styles, socio-cultural, at
economic backgrounds. Ang guro ay may ipapakita na iba’t-ibang Isyu sa Karapatang Pantao na
pagpipilian ng mga mag-aaral upang kanilang mapag aralan. Dapat walang magkaka pareho ng napiling
Isyu. Ang mga miyembro ay inaatasang basahin ang mga sumusunod: 1. Ano ang mga dahilan kung bakit
umusbong ang isyu 2. Ano ang mga epekto nito 3. Ano ang mga hakbang o paraan upang matugunan
ang isyu.

Step 3: The Gathering of Expert Groups

Ang pagtipon ng mga mag-aaral galing sa iba’t-ibang study teams para makabuo ng mga
miyembro para sa expert teams. Sila ay bibigyan ng mga materyales para basahin.

Step 4: Reverse Jigsaw Teaching

Ang mga miyembro ng expert teams ay pipili ng representatib upang mag-ulat sa harap ng
klase tungkol sa kanilang mga naipong ideya.

Step 5: Evaluation and Recognition

Sa prosesong ito, magaganap ang pagbibigay ng pasulit sa klase mula sa experts at ang puntos ay
ikakalkula, ibibigay ang marka at pararangalan ang nanalo.

V. Assessment

Ang klase ay hahatiin sa tatlong grupo at inaasahang magsasagawa ng isang pagsasadula at ang bawat
grupo ay aatasan ng isang Isyu tungkol sa paglabag sa Karapatang Pasntao

Group 1: Extra Judicial Killing

Group 2: Child Labor

Group 3. Human Trafficking


CRITERIA:

CONTENT 35%

CREATIVITY 35%

ORGANIZATION 30%

TOTAL 100%

VI. Assignment

Sumulat ng inyong sariling paraan upang malutas ang mga paglabag sa Karapatang Pantao at gawin
ito sa pamamgitan ng isang malikhaing paggawa.

You might also like