You are on page 1of 8

Pangalan: Kurso at Taon:

Guro: Petsa:

Modyul 5
Conative, Informative at Labeling na Gamit ng Wika

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Nabibigyang-kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika na conative,


informative, at labeling;
 Nailalahad ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng wika na conative, informative, at
labeling;
 Nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika na conative,
informative, at labeling; at
 Nakasusulat ng sanaysay tungkol sa naobserbahang gamit ng wika sa pagbabalita sa
telebisyon.

Gawain 1
Panuto: Iba’t ibang tao ang nakakasalamuha natin sa iba’t ibang pagkakataon. Madalas
kaysa hindi, nakikipag-usap tayo sa mga taong kasalamuha natin. Ang pakikipag-usap natin
sa kanila ay may iba’t ibang intensyon at gamit ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Maaaring
ang intensyon natin ay magtanong, pumuri, maglinaw, at magpaliwanag.

Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Kapag pamilyar sa iyo ang pahayag o kaya ay nasabi mo
na ito minsan, gumuhit ng isang masayang mukha ( ) sa unahan ng bilang nito. Kapag ang
pahayag naman ay hindi pamilyar sa iyo o hindi mo pa nasabi kahit minsan, gumuhit ng
puso ( ) sa unahan ng bilang nito.

1. Mahusay magturo ang mga guro sa aming paaralan.

2. Umalis ka ngayon din!

3. Paborito ng kapatid ko ang KathNiel.

4. Pilipino ako.

5. May bagong pelikula sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

6. Ako ang prinsesa ng selfie.

7. Huwag tayong magkopyahan ng sagot.

8. Adik ka!

9. Tulungan mo naman akong gumawa ng report ko.

10. Hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo.

11. Jologs ka ba?

12. Kuwentuhan mo naman ako ng napanood mong pelikula.

13. Malapit na ang bertdey ko.


14. Ayaw ako palabasin ni Kuya Guard.

15. Dapat mag-aral tayo mabuti.

Gawain 2 Ano ang sasabihin mo.


Panuto: Isulat mo ang mga sasabihin mo sa ganitong sitwasyon.

1. Pumasok ka sa oditoryum ng inyong paaralan. Nakita mong okupado na ng mga


estudyante ang mga upuan maliban sa isa na walang nakaupo pero may bag na
nakalagay. Alam mo na ang may-ari ng bag ay ang estudyanteng nakaupo sa tabi ng
upuang may bag. Ano ang sasabihin mo sa may-ari ng bag para magamit mo ang
bakanteng upuan?
_

2. Si Maribel ang pinakamatalino sa kanilang klase. Matataas ang kaniyang mga marka.
Mahusay siya sa lahat ng sabjek. Kapag wala pa ang guro, nakaupo lang siya at
nagbabasa ng libro. Kapag recess naman, hindi siya nakikipagkuwentuhan habang
kumakain, sa halip, nagbabasa siya at pinag-aaralan ang kanilang mga leksiyon.
Kapag sumasali siya sa kuwentuhan, mas gusto niyang pinagkukuwentuhan ang
itinuturo ng kanilang mga guro. Madalas, ang estudyanteng gaya ni Maribel ay
binabansagan o binibigyan ng iba’t ibang pangalan ng kanyang mga kaklase. Ano-
ano sa palagay mo ang mga pangalang ibinibigay o ibinabansang sa mga
estudyanteng gaya ni Maribel?
_

_
3. Habang nakasakay sa dyip papasok sa eskuwelahan, napansin mong unti-unting
bumagal ang takbo ng sinasakyan mong dyip. Pagkatapos, nakakita ka ng
nagtatakbuhang mga tao na may dala-dalang mga gamit sa bahay. Narinig mong may
sumisigaw ng “Sunog! Sunog!” Nang tumingin ka sa labas ng dyip, nakita mo ang
makapal na usok at malaking apoy mula sa mga nasusunog na bahay. Pagdating mo
sa eskuwelahan, hinahanap mo kaagad ang mga kaklase mo para ibalita sa kanila
ang tungkol sa sunog. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
_

4. Mahilig manghiram ng mga gamit mo ang iyong kaibigan. May mga gamit ka pa sa
kaniya na hindi pa niya ibinabalik kahit sinabihan mo na siya. Kanina, nanghihiram
uli siya ng bag at sinturon pero ayaw mo na muna siyang pahiramin hangga’t hindi
pa niya ibinabalik ang mga gamit mong nasa kaniya pa. Ano ang sasabihin mo sa
kaniya?
_

Gawain 3
Panuto: Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang pagkakaiba-iba ng gamit ng wika na
conative, informative, at labeling.

1. Conative
_
_

2. Informative
_

3. Labeling
_

Gawain 4
Panuto: Humanap ng kapareha mula sa mga kaklase. Balikan ninyo ang mga salita sa loob
ng kahon na binasa mo kanina. Ang mga salitang ito ay mga salitang nagbabansag.
Magsagawa ng maikling pagsasaliksik o magtanong sa mga kakilala kung kanino madalas
ipinatutungkol ang mga bansag na ito. Ginawa na ang bilang isa at dalawa para sa inyo.

1. King of Comedy Dolphy

2. pasaway mga taong hindi sumusunod sa mga tuntunin o patakaran

3. Queen of All Media

4. bagong bayani

5. jejemon

6. Fallen 44

7. pambansang kamao

8. walking calculator

9. fashionista

10. terror

11. jologs
12. Ate Guy

13. Jack of all Trades

14. Pnoy

15. Iskolar ng Bayan

16. Lasalista

Gawain 5 Gamit ng wika sa commercial taglines, ating alamin.


Panuto: Humanap ng kapareha mula sa mga kaklase. Magtala ng sampung commercial tag
lines sa Filipino. Maaaring mula sa mga patalastas sa telebisyon, radyo, o anomang
nakaimprenta. Isulat ang gamit ng wika sa mga nahanap na tag lines. Gawan ito ng isulat sa
inyong sagutan papel.

Halimbawa:

LBC - “Hari ng padala.” -labeling

Mercury Drug - “Nakasisiguro gamot ay laging bago.” -informative

Super Ferry - “Sakay na!” -conative

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Gawain 6 Halimbawa mo, isulat mo.


Panuto: Sumulat ng tatlong sariling halimbawa ng pangungusap na nagpapakita ng gamit
ng wika na conative, informative, at labeling.

Conative:

1. _

2. _

3. _
Informative:

1. _

2. _

3. _

Labeling:

1. _

2. _

3. _

Gawain 7
Panuto: Magsaliksik kung sinong politiko ang gumamit ng mga nakatalang islogan. Isulat
kung conative, informative, o labeling ang gamit ng wika sa bawat islogan.

Politiko Islogan Gamit ng Wika


1. Gusto ko, Happy ka!
2. Mr. Palengke
3. Kung walang korap, walang mahirap
4. Hindi bawal mangarap ang mahirap
5. Tama na, sobra na, palitan na!
6. Big Man ng Senado
7. Pag bad ka, lagot ka!
8. Ang Batas ay para sa lahat.
9. Let’s DOH it!
10. Galit sa buwaya!
11. Sa Ikauunlad ng bayan, disiplina ang
kailangan.
12. Diyos at Bayan!

Gawain 8
Panuto: Balikan naman natin ang mga pahayag sa Balik-Tanaw. Isulat mo sa unahan ng
bawat bilang ang gamit ng wika sa bawat pahayag kung A. conative, B. informative, at C.
labeling. Titik lamang ang isulat.

1. Mahusay magturo ang mga guro sa aming paaralan.

2. Umalis ka ngayon din!

3. Paborito ng kapatid ko ang KathNiel.


4. Pilipino ako.

5. May bagong pelikula sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

6. Ako ang prinsesa ng selfie.

7. Huwag tayong magkopyahan ng sagot.

8. Adik ka!

9. Tulungan mo naman akong gumawa ng report ko.

10. Hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo.

11. Jologs ka ba?

12. Kuwentuhan mo naman ako ng napanood mong pelikula.

13. Malapit na ang bertdey ko.

14. Ayaw ako palabasin ni Kuya Guard.

15. Dapat mag-aral tayo mabuti.

Gawain 9
Panuto: Magsaliksik kung sino ang tinutukoy ng mga sumusunod na label o bansag.

1. Ama ng Wikang Pambansa


2. Huseng Sisiw
3. Ina ng Katutubong Sayaw na Pilipino
4. Makata ng Manggagawa
5. Lola Basyang
6. Ama ng Himagsikan
7. Huseng Batute
8. Ama ng Balarilang Tagalog
9. Utak ng Katipunan
10. Dakilang Lumpo
11. Lakambini ng Katipunan
12. Mommy D
13. Da King
14. Kabayan
15. Pacman
16. Star for all Seasons
17. Asia’s Song Bird
18. Mr. Pure Energy
19. PacMom
20. The PBA Legend

Gawain 9
Panuto: Magtala ng iba’t ibang sitwasyon na ginagamit ang conative, informative, at
labeling na gamit ng wika.

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Gawain 10
Manood ng balita sa telebisyon. Pumili lamang ng isa mula sa “TV Patrol,” “24 Oras,”
“Aksyon TV5,” “Bandila,” “Balitanghali,” “Saksi,” Aksyon sa Tanghali,” at “State on the
Nation. Magtala ng pahayag na nagpapakita ng mga gamit ng wikang pinag-aralan sa
araling ito. Anong gamit ng wika ang pinakamarami mong naitala? Ano ang pinakauunti?
Itala ang mga naobserbahan mong gamit ng wika sa pagbabalita sa telebisyon at
humandang iulat sa klase ang iyong natuklasan.

You might also like