You are on page 1of 2

1.Anu-ano ang pundasyon sa masining na pagpapahayag?

1talata 10pts

Ang pagkakaroon ng isang masining na pagpapahayag ay nakabase sa gramatikal, retorikal at


lohikal na aspeto ng isang pahayag. Gramatikal o ang angkop na gamit ng mga salita. Isa ito sa
mahalagang pundasyon sapagkat ito ang unang napapansin ng ating mga tagapakinig o
mambabasa. Ito ang makapagbibigay sa kanila ng mas magandang impresyon at malinaw na
mensahe kung saan maiintindihan nila ang damdamin ng iyong pahayag. Ang retorikal na
aspeto naman ang nagbibigay buhay sa isang pahayag. Naglalayon itong makapanghikayat,
makapagbigay-aliw at  makapagbigay ng mas malinaw at komprehensibong pahayag kung
saan hindi lamang isang tao ang makakaintindi kundi mas marami pang iba. Ang lohikal na
aspeto naman ay responsable sa pagsang-ayon o pagtutol sa mga katotohanang naipabatid sa
isang pahayag. Ito ay mahalaga upang makuha ng lubusan ang loob ng iyong mga
mambabasa o tagapakinig. Kung wala ang tatlong elementong ito ay mawawalan ng buhay ang
isang pahayag. Ito ang mga dahilan kung bakit kawili-wiling basahin o pakinggan ang isang
pahayag kaya nangangailangan na matatag ang pundasyong nito.

2.Paano nakakaapekto ang mga elemento sa proseso ng retorika? 2talata 20pts


Ang mga elemento na nakakaapekto sa proseso ng retorika ay ang (1) ispiker (2) 
tagapakinig (3)konteksto (4) mensahe. Ang unang elemento ay may napakalaking epekto sa
proseso ng retorika. Ang ispiker ang nagsisilbing simula kung bakit nagkakaroon ng
pakikipagtalastasan. Siya ang naghahatid ng mensahe at magsisimula ng usapin. Kaya kung
wala ito, maaring wala ding pagpapahayag dahil ispiker puno’t dulo ng pag-uusap. Pangalawa
naman ay ang tagapakinig. Ang papel ng isang tagapakinig ay napakahalagang elemento din
sa proseso ng retorika dahil sya ang magsasalo ng mensahe na ibabato ng ispiker. Kung
walang tagapakinig ay hindi rin magkakaroon ng pakikipagtalasan dahil hindi naman maaaring
kausapin ng ispiker ang kanyang sarili. Base sa depinisyon ng pakikipagtalasan, ito ay binubuo
ng dalawa o higit pang tao kung saan nagaganap ang pakikipagpalitan ng impormasyon na
naaayon sa layunin ng bawat isa.

Bukod sa mga elementong ito na tumutukoy sa tauhan ng pakikipagtalastasan, mahalaga din


na bigyang pansin ang mensahe at ang konteksto. Ang mensahe ay tumutukoy sa paksa or
damdamin na nais maipabatid sa madla o sa taong kausap. Ito ay ang pangunahing dahilan
kung bakit nagkakaroon ng pakikipagtalasan sa pagitan ng ispiker at tagapakinig. Ang
mensahe ay ang mas malalim na kahulugan ng ating mga sinasabi. Mahalagang naiintindihang
ng taong kausap mo ang mga salitang binibigkas mo. Ang mensahe ay ang nagbibigay ng
saysay sa isang makabuluhang pag-uusap. Panghuli ay ang konteksto na may malaking epekto
rin sa iba pang elemento at buong proseso ng komunikasyon. Ito ay binubuo ng mga
dimensyon kasama na ang ang dimensyong pisikal, sosyal, kultural, at sikolohikal. Ang
imensyong pisikal ay tumutukoy sa lokasyong ng pinangyariha ng pag-uusap. Sakop
nito ang kondisyon ng panahaon, lebel ng mga hadlang sa pag-uusap, agwat ng taong
nag-uusap at iba pa. Sa dimensyong sosyal naman nakapaloob ang relasyon ng ispiker
sa kanyang tagapakinig. Maaaring sila ay magkapatid, magkaaway, mag-ina o iba pa
na nagdidikta kung ano ang magiging takbo ng pag-uusap. Dimensyong kultural ay ang
pagkakaiba ng paniniwala, kultura o relihiyon na maging sanhi ng hindi
pagkakaunawaan ng dalawang nag-uusap. Panghuli ay ang dimensyong sikolohikal na
tumutukoy sa damdamin at emosyon ng nagpapahayag. Ang dimensyong ito ay ang
maaaring magdikta sa magiging resulta ng pag-uusap. Kung galit ang isang tao ay
maaaring makadulot ito ng hindi maganda pag-uusap at kabaliktaran naman kung nasa
magandang kalooban naman ang isang tao.
3. Anu-ano ang maaaring pagkunan ng nilalaman?.2talata 20pts
Ang nilalaman ay tumutukoy sa buod ng pinag-uusapan. Maaaring magmula ito sa iba’t
ibang aspeto ng buhay. Una rito ay ang karanasan ng isang tao. Sakop ng karanasang ito ang
kanyang naging papel sa isang sitwasyon. Ika nga nila na ang karanasan ang pinakamagaling
na guro kung kaya’y 

You might also like