You are on page 1of 2

SOSYEDAD AT LITERATURA

Pangalan: Babiera, Franchie C. Petsa: Ika-9 ng Oktubre sa taong 2020


Taon at Kurso: 2C – BSEd Major in English
GAWAIN 1

A. Sumulat ng isang Haiku na may paksang “Salamin sa Nakaraan”.

SALAMIN SA NAKARAAN

Ang nakalipas
Unti-unting kumupas
tila’y taglagas

Mga repleksyong
Nagsisilbing liwanag
na gumagabay

Ang nakaraan
Nagsisilbing salamin
Sa hinaharap
B. Sumulat ng isang Tanaga na may paksang “Ang Kasaysayan at ang
Kasalukuyan”

ANG KASAYSAYAN AT ANG KASALUKUYAN

Kung ating babalikan


Nakaraang lumisan
Sa panahong nag daan
Nais may matutunan

Kasaysayang may saysay


Ating maisabuhay
At magsisilbing gabay
Magbibigay ng kulay
Itong kasalukuyan
Ang kinabibilangan
Kabataang matapang
Ang pag-asa ng bayan

C. Mag- isip ng isang simbolismo na maaaring iugnay sa panitikan at ipaliwanag


kung bakit ito ang iyong napili. (5-10 pangungusap)
PLUMA
Napili ko ang simbolong ito dahil ito ang unang larawan o
simbulo na pumapasok sa aking isipan sa tuwing aking
mababasa o maririnig ang salitang Panitikan.
Sa kasaysayan, ang pluma ay isa sa mga instrumentong
panulat na ginagamit ng mga manunulat noong unang
panahon. Kung ating iisipin, mahabang oras ang nailalaan ng
mga manunulat noon sa pagsulat lalo na kung ang panulat
nila ay pluma at tinta. Para saakin, ang pluma ay
sumisimbolo sa tiyaga ng isang manunulat na matapos ang
nililikhang akda. Ang tinta naman ay ang buhay ng mismong
laman ng isang akdang pang-panitikan.

You might also like