You are on page 1of 1

Activity No.

UP TALKS: Wikang Filipino sa Pananaw ng internasyonalisasyon at Globalisasyon


YouTube Channel: TVUP

Kahalagahan at Kapakinabangan ng Wika


Matapos panoorin ang video na ibinigay mula sa “UP Talks” aking
natutunan na ang kahalagahan ng Wika ay ito ang nagsisilbing paraan para
pagyamanin ang kaalaman at karunungan ng mamamayan sa isang bansa.
Hindi magiging posible na tayo ay matuto sa mga bagay na kailangan natin
matutunan kung wala tayong wika na gagamitin. Ito ang pangunahing
sangkap sa pakikipag interaksyon at sa pag pasa ng karunungan mula sa
isang tao patungo sa iba.
Nag sisilbi din itong paraan upang pag bukludin ang mga tao sa isang
nasyon o bansa. Magiging tunay lang na maunlad ang bansa kung nalalaman
ng mga tao sa loob nito ang kahalagahan ng wika na meron sila at kung paano
nila ito gagamitin sa mga bagay na mag dudulot ng pag unlad sa kanilang
bansa. Malaki din ang ginagampanan ng wika sa pag aaral ng kultura ng isang
bansa kung kaya’t ating masasabi na ang wika at kultura ay dalawang
magkaugnay na bagay.

Kapanibangan at Limitasyon sa Paggamit ng ibang Wika


Kung ating pag mamasdan ating makikita na ang pag gamit ng ibang
wika sa ating bansa o sa ating mga karatig na nasyon ay tunay na hindi
maiiwasan at tinuturing na normal. Dulot ng malawakang globalisasyon,
maraming mga bagay o termenolohiya na walang katumbas sa ating sariling
wika kung kaya’t hindi natin maiiwasan na humiram o gamitin ang wikang
banyaga. Subalit sa likod ng katotohanang ito, mahalaga na ating tandaan na
kinakailangan magkaroon ng limitasyon ang ating paggamit ng wikang hindi
atin sapagkat, kapag ang mga wikang ito ang nagging maunlad sa ating buhay,
magiging mahirap para sa ating bansa ang makamtan ang gusto nating
tagumpay. Ang limitasyon na ito ay sasaklaw sa mga mahahalagang aspekto
ng ating lipunan katulad ng edukasyon at marami pang iba.

You might also like