You are on page 1of 2

Sintaksis

Sintaksis - ang pag-aaral sa pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang makabuo ng mga


parirala, sugnay at pangungusap.

 Parirala - tawag sa lipon ng mga salita na walang buong diwa, walang panaguri at
walang paksa.
Halimbawa: para sa nanay; kung ikabit

 Sugnay - ang lipon ng mga salitang may paksa at panaguri at maaaring buo o di buo
ang diwa

 Pangungusap - maaaring isang salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng


buong diwa.

Anyo ng Pangungusap
Karaniwan - nauuna ang panaguri sa paksa. Walang ay.
Di-Karaniwan - nauuna ang paksa sa panaguri. May ay.

Anyo ng Pangungusap

1. Pangungusap - binubuo ng isang paksa at isang panaguri


2. Tambalan - dalawang payak itong pangungusap na pinagdurugtong ng pangatnig na at, o,
ngunit, subalit, datapwat
3. Hugnayan - binubuo ito ng isang sugnay na makapag-iisa. Gumagamit ng mga pangatnig
tulad ng kung, kapag, habang, dahil, sapagkat, upang
4. Langkapan - pinagsama itong tambalan at hugnayan

Uri ng Pangungusap

1. Paturol / Pasalaysay - nagpapahayag o nagsasalaysay ng isang katotohanan, bagay, o


pangyayari.

2. Pautos - nagpapahayag ng utos


Pakiusap

3. Patanong - nagpapahayag ng tanong

4. Padamdam - nagpapahayag ng matinding damdamin

You might also like