You are on page 1of 2

PAGBABAHAY-BAHAY:

Pakikipag-kapuwa sa Kanyang Tahana’t Kaligiran

Layunin

Sa araling ito layunin na maipaliwanag ang konsepto ng pagbabahay-bahay at


ang komunikasyon sa pagitan ng mga taong sangkot nito. Tatalakayin din ang
kontesktong kinapapalooban ng pagbabahay-bahay at ano-ano ang mga paksang madalas
piang-uusapan nito.
Sa katapusan ng araling ito, inaasahan na ang mga estudyante ay:
 maipaliwanag ang konsteksto ang pagbabahay-bahay bilang gawaing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino
 matukoy ang mga paksang pinag-uusapan sa pagbabahay-bahay

Introduksyon
Kultura na ng mga Pilipino ang may higit na pagpapahalaga sa pamilya at
pakikipag-ugnayan sa mga kamag-anak. Isa ito sa mga katangian ng mga Pilipino na
hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa ang malasakit at pakikipag-kapwa sa pamilya
maging sa mga kalapit-bahay.
Sa araling ito, ipapaliwanag nang mas malalim ang konsepto ng
pagbabahay-bahay at pakikipagkapwa sa ibang tao sa kanyang komunidad na
kinabibilangan.

Gawain

Maglista ng mga paksang piang-uusapan kapag may family reunion.


1.
2.
3.
4.
5.
Analisis

Paano ninyo napapanatili ang inyong ugnayan sa inyong mga pamilya at


kamag-anak?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Abstraksyon

Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay
sa isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya
kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o programa, mangungumbinsi
sa pagsali sa isang paligsahan o samahan, o manghimok na tumangkilik sa isang produkto,
kaisipan, gawain o adbokasiya. Mainam din itong pamamaraan para pag-usapan ang mga
sensitibong isyu sa isang pamayanan. Halimbawa, ang pagbubuntis ng tinedyer at kawalan ng
pagpaplanong pamilya ay mga sensitibong isyu na mas napag-uusapan ng mga tao sa tsismisan at
umpukan kaysa mga pormal na gawaing pangkomunikasyon kagaya ng pulong, seminar at
pampublikong forum. Kung nais malaman ang iniisip at saloonin ng mga tao sa isyung ito at
paramakapagsakatuparan ng mga angkop na dulog sa mga programang tutugon sa mga isyung
ito,ang pagbabahay-bahay ay isa sa mga mainam na estratehiyang pangkomunikasyon na
maaaringisagawa ng pamahalaan, non government organization, at iba pang samahan o
institusyon namay mga proyekto hinggil dito. Kung tutuusin, ang pagbabahay-bahay ay hindi
nalalayo sa kaugalian ng pangangapitbahay na matagal nang ginagawa ng mga Pilipino, lalo na
sa mga lugar na rural. Sa mga pamilyang magkakalapit ang bahay, ang pangangapit-bahay ay
nakapagpapatatag ng samahan sa mga mamamayan ng isang komunidad. Dito nagaganap ang
kamustahan o usisaan sa buhay ng bawat isa, bahagian ng iniisip at saloobin, hingian p palitan
ngmga material na bagay, lalo nan g mga sangkap sa pagluluto at iba pang Gawain sa bahay, at
maging tsismisan at umpukan. Ang laman at layon ng interaksyon ay madalas na hinggil
sakaraniwang intindihin at Gawain sa araw-araw. Minsan, ang pangangapitbahay ay nauuwi rin
sa pakikikain, pakikipag-inuman, at pakikitulog. Sa kabilang banda, ang pagbabahay-bahay ayma
dalas isinasagawa ng mga kinatawan ng ahensiya ng pamahalaan, pribadong institusyon, o
non-government organization na may tiyak na layong panlipunan na nangangailangan ng
kontribusyon, pakikiisa, at pakikipagtulungan ng mga residente ng isang komunidad. Ang
estratehikong estilo sa pagbabahay-bahay ay kahilantulad din ng pangingitbahay: mas personal at
impormal, may pagkamusta sa buhay ng pamilyang dinalaw, at lapat sa araw-araw na alalahaning
pamilya ang takbo ng usapan. Subalit sa una, kadalasang ang mga nagbabahay-bahay ay mga
tagalabas ng isang kapitbahayan at ang saklaw ng layon nila sa pagdalaw ay nakasentro sa mga
isyu, alalahanin, at programang panlipunan na saklaw ng isang buong komunidad.

You might also like