You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
DISTRICT OF PLARIDEL

HOMEROOM GUIDANCE Grade 3


Quarter 1 – Module 4 (Week 6 & 7 of 1st Quarter)

Understanding You And Me

Introduction

Ang pamilya ay may napakalakas na impluwensya sa bawat tao. Ang


impluwensyang ito ay nagsimula sa mga taon Na ikaw ay bata pa. Naroon sila
noong binigkas mo ang iyong mga unang salita. Naroon sila noong nagsimula kang
maglakad.

Sa iyong paglaki, itinuro sa iyo ng iyong pamilya ang maraming bagay.


Tinuruan ka nila sa pamamagitan ng mga nakatalagang gawain. Halimbawa, noong
inatasan kang ayusin ang iyong mga laruan, tinuruan ka nilang maging maayos sa
iyong mga gamit.

Nang hinayaan ka nilang pumili ng para sa iyong sarili, sinasanay ka ng


iyong pamilya na gumawa ng mga desisyon. Samakatuwid, kunin ang mga
pagkakataong iyon upang matuto nang higit pa. Maaari mong gamitin ang mga
katuruang ito upang makipag-ugnayan sa ibang mga tao.

Let’s Try This


Suggested Time Allotment: 20 minutes

Kopyahin sa isang papel ang talahanayan sa ibaba. Sa pangalawang hanay,


isulat ang mga pangalan ng mga miyembro ng iyong pamilya. Sa ilalim ng bawat
pangalan, isulat ang kanilang tungkulin sa iyong pamilya. Magdagdag o mag-alis ng
mga hanay depende sa bilang ng mga miyembro ng iyong pamilya. Ang isang
halimbawa ay ibinigay bilang iyong gabay. Sagutin ang mga sumunod na tanong
pagkatapos.

J. Garcia St. Poblacion


Tel No. : (044) 795-2338
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
DISTRICT OF PLARIDEL

In My Family

Miyembro Ng Ama Ina Ate Ako


Pamilya

Ang aming Nag-aalaga sa Naghahanda Nagdidilig ng Nagwawalis ng


tungkulin amin ng pagkain halaman sahig
para sa amin

Processing Questions:

1. Ano ang masasabi mo tungkol sa mga tungkulin ng mga miyembro ng iyong


pamilya? tungkol sa iyong tungkulin?

2. Sa palagay mo magbabago ba ang tungkulin mo habang ikaw ay lumalaki?


Bakit?

Let’s Explore This


Suggested Time Allotment: 25 minutes

Ano ang iyong ginagawa kapag mayroon kang saloobin na kailangang pag-
usapan kasama ang miyembro ng iyong pamilya? Paano mo ito ipapahayag sa
kanila? Sa isang short bond paper, iguhit ang iyong paraan ng pagpapahayag ng
iyong saloobin sa bawat miyembro ng pamilya. Sundin ang pattern sa ibaba.

Miyembro ng Pamilya Paraan ng Pagpapahayag ng Aking


Saloobin

J. Garcia St. Poblacion


Tel No. : (044) 795-2338
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
DISTRICT OF PLARIDEL

Processing Questions:

1. Ano ang napansin mo sa iyong mga sagot?

2. Sa iyong mga paraan ng pagpapahayag ng iyong saloobin, malinaw bang


naiintindihan nila ang iyong mensahe?

3. Mayroon bang isang bagay na nais mong baguhin sa iyong mga paraan? Ano ito
at bakit?

Keep in Mind
Suggested Time Allotment: 20 minutes

Walang pamilya na perpekto. May mga sandali na hindi ka sumasang-ayon


sa ilang mga paksa o sitwasyon. Magkakaroon din ng mga kaganapan sa iyong
buhay na maglalagay sa iyong pamilya sa isang mahirap na sitwasyon. Mahalagang
maging bukas at ibahagi ang iyong nararamdaman at iniisip tungkol sa mga
sitwasyong iyon upang mapadali ang pagkakaunawaan..

Ang pagiging matapat sa mga bagay ay tiyak na makakatulong sa pagkamit


ng kapayapaan at pagkakaisa sa iyong tahanan. Totoo rin ito sa ibang mga tao sa
iyong paligid .

Sa pamilya, ang pakikipag-usap ng tungkol sa iyong damdamin ay ang


pinakamahusay na paraan upang mapanatili ang unawaan at pagkakaisa. Tunay na
kailangan ito lalo na sa panahon ng hindi pagkakasundo. Ang palagiang
pagsasagawa nito ay magpapaunlad sa iyo bilang isang tao na maiintindihan din
ang damdamin ng iyong kapwa..

J. Garcia St. Poblacion


Tel No. : (044) 795-2338
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
DISTRICT OF PLARIDEL

You Can Do It
Suggested Time Allotment: 20 minutes

Kung Ikaw Sila, Anong Gagawin Mo?

Isulat ang iyong sagot sa bawat sitwasyon sa paaralan. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

1. Inagaw ng isa mong kaklase ang baon ng isa mo pang kaklase.

2. Pinunit ng kaklase mo ang notebook ng isa mo pang kaklase mo.

3. Pinunit ng kapatid mo ang iyong HG portfolio.

What I Have Learned


Suggested Time Allotment: 20 minutes

Kopyahin ang mga sumusunod na aytem sa isang papel. Gumuhit ng isang


puso sa patlang na nasa tabi ng pangungusap na nagpapakita ng isang
mabisang paraan ng paglutas ng mga usapin sa tahanan.

_________1. Natulog na lang ako sa halip na kausapin ang pamilya ko.


_________2. Sasabihin kong "Sorry" tuwing may nagawa akong mali.
_________3. Pinapakinggan kong mabuti ang sinasabi ng aking mga
magulang.
_________4. Iniiwasan ko ang aking kapatid kapag naiinis ako sa kanila.
_________5. Nakikipaglaro uli ako sa mga kapatid ko pagkatapos ng
aming hindi pagkakaunawaan.

J. Garcia St. Poblacion


Tel No. : (044) 795-2338
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
DISTRICT OF PLARIDEL

Share Your Thoughts and Feelings


Suggested Time Allotment: 15 minutes

Iguhit at kulayan ang isang simbolo ng iyong damdamin tungkol sa iyong mga
paraan ng paglutas ng mga usapin sa iyong tahanan . Gumamit ng isang short
bondpaper at krayola.

J. Garcia St. Poblacion


Tel No. : (044) 795-2338

You might also like