You are on page 1of 4

DALAWANG URI NG VARAYTI

Permanente - likas na gamit at linang sa sinumang tapagsalita o


tagabasa

 Dayalekt, Idyolek, Etnolek, Ekolek

Pansamantala - nagbabago batay sa pagbabago ng sitwasyon.

 Sosyolek, Register, Pidgin, Creole

PERMANENTENG VARAYTI

DAYALEK - Wikang subordineyt ng isang katulad ding wika.


Ginagamit ito sa tiyak na lugar o rehiyon
Halimbawa:
Cebuano-Gihigugma ko ikaw
Waray-Maupay nga adlaw
Hiligaynon-Nagakadlaw na siya

IDYOLEK - ang wikang tipikal/pangkaraniwang ginagamit ng


isangtao; ang personal na wika ” ng isang tao .
Halimbawa:
•Marc Logan
•Arnold Clavio
•Noli de Castro
ETNOLEK - Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa
salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng
maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng
Etnolek.Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang
pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Halimbawa:
Pakbet, Malong, Law oy

EKOLEK - Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating


tahanan . Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng
mga bata at mga nakatatanda , malimit itong ginagamit sa pang
araw araw na pakikipagtalastasan
Halimbawa :
•Palikuran banyo o kubeta
•Silid tulogan o pahingahan kuwarto
•Pamingganan lalagyan ng plato
•Pappy ama tatay
•Mumsy nanay ina
PANSAMANTALANG VARAYTI
SOSYOLEK - Nakabatay ang pagkakaiba nito sa katayuan istatus ng
isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan
Halimbawa:
• Wa facelak girlash mo
• Sige ka, jujumbagin kita!
• Repapips, ala na ako datung eh

REGISTER - Anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o


larangang pinag uusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya
ay saokasyon at sa iba pang mga salik o factor.
a.) Field o larangan- ang layunin at paksa nito ay naayon sa
larangan ng mga taong gumagamit nito.
b.) Mode o Modo- paraan kung paano isinasagawa ang uri ng
komunikasyon.
c.) Tenor- ito ay naayon sa relasyon ng mga nag uusap.
Halimbawa:
• Talakayan sa klase ng International Affairs
• Talakayan sa klase sa Filipino
• Klase sa Law School
PIDGIN - Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura.
Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito
ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa
ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit.
Umaasa lamang sila sa mga “make shift” na salita o mga
pansamantalang wika lamang.
Halimbawa:
• Ako kita ganda babae
• Kayo bili alak akin.
• Ako tinda damit maganda
• Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt
• Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado
CREOLE - Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga
pinaghalohalong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar
hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na
lugar. Ito ay pinaghalong iba’t ibang wika.
Halimbawa:
• Mi nombre Ang pangalan ko
• Di donde lugar to? Taga saan ka?
• Buenas dias Magandang umaga

MODA - Paraan ng pagpapahayag (pasalita ba o pasulat?)

 May mga pagkakaiba ang paraang pasalita at pasulat


 Mas mahigpit ang pagpapatupad ng mga tuntuning gramatikal sa
paraang pasulat at mas maluwag naman ang paraang pasalita
(bagamat sa internet, lalo na sa mga social networking site,
maluwag.
HALIMBAWA:
MODANG PASALITA MODANG TEXT
E1: Kain na tayo E1: Kain tau.
E2: Tara San? E2: Wer?
E1: Sa resto E1: Resto
E2: San nga e? E2: Wat resto?
E1: E di sa Gerry’s E1: Khit san
E2: Okey E2: S Gerry’s n ln
E1: K
ESTILO - Kung pormal ang pagtitipon/meeting, pormal din ang wika

 Kung simpleng talakayan o tsismisan lang, impormal o casual


ang wika (lalo kung ang kausap ay malapit na kaibigan)
 Batay sa kausap at/o sa okasyon, nagbabago ang antas ng
pormalidad ng wika

You might also like