You are on page 1of 15

Pagninilay sa Pitong Tuwa ni Maria

Pambungad na Awit:

ARAW-ARAW KAY MARIA


Araw-araw kay Maria
Kami ay nagdarasal
Si Maria aming Reyna
Ibig naming marangal
Kanyang tulong lagi-lagi
Kami ay humihiling
Siya’y aming pupurihin
Tuwing araw at gabi
Kung kami’y nasa panganib
Kay Maria tatakbo
Siya’y aming tatawagin
Kung lalapit ang tukso
O, Maria tutulungan
Kaming nangabubuhay
Kami ay ipanalangin
Kung kami’y mamamatay

Panimula:

N: O Diyos, (+) kami ay iyong tulungan


B: Panginoon, magmadali ka sa iyong pagdamay

N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo


B: Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang
hanggan. Amen

UNANG TUWA NI MARIA


Ang Pagbabalita ng Anghel tungkol sa pagsilang ni
Hesukristo

N: Pakinggan natin ang mabuting balita ng Panginoon ayon


kay San Lucas;

Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth,


ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na
isang bayan sa Galilea, upang kausapin ang isang dalaga na
ang pangala'y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay
Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David. 28 Lumapit ang
anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na
kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!”
Naguluhan si Maria sa sinabi ng anghel at inisip niyang
mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong
pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot,
Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa
Diyos.  Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng
isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong
Jesus.  Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-
taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang
trono ng kanyang amang si David upang  maghari sa angkan
ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay
walang katapusan.”
“Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?”
tanong ni Maria.
Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at
mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang
Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging
Anak ng Diyos.  Hindi ba't ang kamag-anak mong si
Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y
ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na
siya'y matanda na,  sapagkat walang anumang bagay na
hindi kayang gawin ng Diyos.”
Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari
 

nawa sa akin ang iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang


anghel.
(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa unang tuwa na ito ang


biyaya ng kababaang loob at pagsunod sa kalooban ng
Diyos.

Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

Binati si Maria ng isang Anghel


Mabuting balita’y ating kaligtasan

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

IKALAWANG TUWA NI MARIA

Ang Pagdalaw ni Maria sa kanyang pinsan na si Sta. Isabel


N: Pakinggan natin ang mabuting balita ng Panginoon ayon
kay San Lucas;

Hindi nagtagal at si Maria'y nagmamadaling pumunta sa


isang bayan sa bulubundukin ng Juda. Pagdating sa bahay
ni Zacarias, binati niya si Elizabeth.  Nang marinig ni
Elizabeth ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang
sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng
Espiritu Santo. Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa
mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong
sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking
Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay
gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan.
Pinagpala ka, sapagkat sumampalataya kang matutupad
ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”

(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa ikalawang tuwa na ito ang


biyaya ng pag-ibig at pagmamalasakit sa ating kapwa.

Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

Dinalaw ni Maria ang pinsang si Sabel


“Mapalad ka, Maria sa tanang anak ni Eva
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria

IKATLONG TUWA NI MARIA


Ang Pagsilang sa mundo ng Anak ng Diyos
N: Pakinggan natin ang mabuting balita ng Panginoon ayon
kay San Lucas;

Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na


magkaroon ng sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo
ng Roma. Ang unang sensus na ito ay ginawa noong si
Cirenio ang gobernador ng Siria.  Kaya't umuwi ang mga tao
sa sarili nilang bayan upang magpatala. Mula sa Nazaret,
isang lungsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa
Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat
siya'y mula sa angkan ni David. Kasama rin niyang umuwi
upang magpatala si Maria na kanyang magiging asawa, na
noon ay nagdadalang-tao.

Habang sila'y nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng


panganganak ni Maria. Isinilang niya ang kanyang
panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang
sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang
lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.
Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng
kanilang mga tupa nang gabing iyon. At tumayo sa harapan
nila ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa
kapaligiran nila ang kaluwalhatian ng Panginoon. Ganoon
na lamang ang kanilang pagkatakot.  Ngunit sinabi sa kanila
ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang
magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking
kagalakan sa lahat ng tao. Isinilang sa inyo ngayon sa bayan
ni David ang Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. Ito
ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang
sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang
sabsaban.”

(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa ikatlong tuwa na ito ang


biyaya ng pamumuhay ng payak at pagmamahal sa
mahihirap
Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

Isinilang sa sabsaban ni Maria si Jesus


Angeles nag-awitan, “Papuri sa Diyos”

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

IKA-APAT NA TUWA NI MARIA

Ang Pagsamba ng tatlong Haring Mago


N: Pakinggan natin ang mabuting balita ng Panginoon ayon
kay San Mateo;

Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak


si Jesus sa Bethlehem. May mga pantas[b] mula pa sa silangan
na dumating sa Jerusalem. Nagtanung-tanong sila, “Nasaan
ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa
silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang
siya'y sambahin.”

Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig,


gayundin ang buong Jerusalem. Kaya't tinipon niya ang
lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan
at sila'y tinanong, “Saan ba isisilang ang Cristo?”  Tumugon
sila, “Sa Bethlehem po, sapagkat ganito ang isinulat ng
propeta:
‘At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda,
    ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda.

Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno


    na mamamahala sa aking bayang Israel.’”
 
Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang
mga pantas at inusisa kung kailan lumitaw ang
bituin.  Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na
ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol.
Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa
akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa
kanya.”  Pagkarinig sa bilin ng hari, sila'y nagpatuloy sa
paghahanap. Ang bituin na nanguna sa kanila mula pa sa
silangan ay tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng bata.

 
Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita
ang bituin. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling
ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang
bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto,
insenso at mira.
Nang papauwi na ang mga pantas, nakatanggap sila ng
babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang
bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi.

(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa ika-apat tuwa na ito ang


biyaya ng banal na pagkatakot sa Panginoong Diyos

Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

Mga Haring Mago sumamba kay Hesus


Kagalakang tibobos kay Maria ay lubos

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

IKA-LIMANG TUWA NI MARIA

Ang Pagkakatagpo sa Batang si Hesus sa Templo


N: Pakinggan natin ang mabuting balita ng Panginoon ayon
kay San Lucas;

Taun-taon, tuwing Pista ng Paskwa, ang mga magulang ni


Jesus ay pumupunta sa Jerusalem. Nang siya'y
labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa
kanilang kaugalian. Sila'y umuwi na pagkatapos ng pista.
Ang batang si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem ngunit hindi
ito napansin ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang
siya ay kasama ng pangkat, nagpatuloy sila sa maghapong
paglalakbay. Pagkatapos, siya ay hinanap nila sa kanilang
mga kamag-anak at mga kakilala, ngunit hindi nila
natagpuan si Jesus. Kaya't bumalik sila sa Jerusalem upang
doon maghanap. Pagkalipas ng tatlong araw, si Jesus ay
natagpuan nila sa loob ng Templo. Siya'y nakaupong
kasama ng mga guro. Nakikinig siya at nagtatanong sa
kanila, at ang lahat ng nakakarinig sa kanya ay hangang-
hanga sa kanyang pang-unawa at mga sagot. Namangha rin
ang kanyang mga magulang nang siya'y makita. Sinabi ng
kanyang ina, “Anak, bakit mo naman ginawa ito sa amin?
Lubha ang aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap
sa iyo.” Sumagot si Jesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap?
Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat mamalagi sa bahay
ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan ang sinabi
niyang ito.
Siya'y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging
masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan
ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Jesus
sa pangangatawan, lumawak ang kanyang karunungan at
lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.

(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa ika-limang tuwa na ito ang


biyaya ng kabanalan at ang hangarin na matagpuan si Hesus
sa ating buhay.
Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

Sa Jerusalem na templo’y naiwan si Hesus


Tuwa at hapis kay Maria ay talos

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

IKA-ANIM NA TUWA NI MARIA

Ang Pagkakasalubong ni Maria kay Hesus na Muling


Nabuhay
N: Pakinggan natin ang sipi hango sa kasaysayan ng
pasiong mahal ng ating Panginoong Hesukristo;

Nang malabas na sa hukay Ang tugon ng Birhen Ina


at si Hesus ay nabuhay Aba bunso ko aniya
ang una niyang dinalaw buhay niyaring kaluluwa,
ang Inang namamanglaw loob ko’y nagkamit saya
inaliw sa kalumbayan. sa iyo ng pagkakita.

Doon nga sa Senakulo Yaong mga tinataglay


ay pinaroonan ni Kristo hapis at kapighatian
at binati nang ganito, ng puso kong nalulumbay,
yaong Inang manglulumo ngayo’y agad nahalinhan
lumbay ay di mamagkano. nang malaking katuwaan.

Aba, Ina kong mapalad Ano pa’t ngayo’y nalubos


karamay-damay sa hirap ang tuwa kong di matapos
tingni yaring iyong Anak, oh! Anak kong sinta’t irog,
ang loob ay nang ang sukal ng aking loob
lumuwag napawi ngayong tibobos.
sa kapighatia’t sindak.

Matuwa na’t lumigaya


ang Poon ko’t aking Ina
yamang aking naganap na
ang pagsakop ko sa sala Ikaw nga’t dili iba
sa tanang anak ni Eba. ang buhay ko’t aking sinta
bunso ng di ka makita,
sa loob ko’y di magbawa
ang kalumbayang lahat na.
Ngayon nga lamang
Napawi na’t nakaraan naibsan
ang unos ng kasakitan puso ko ng kalumbayan
ngayon ay ang katuwaan at ngayon naliwanagan,
Ina ko’y siyang kakamtan mata kong pinag-ulapan
nitong aking pagkabuhay. ng dilim ng kasakitan.
Halos di nalulubos pa
ang tuwa nang Birheng Ina
sa kanilang pagkikita,
ay pumanaw kapagdaka
si Hesus na Anak niya.

(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa ika-anim na tuwa na ito


ang biyaya ng Pag-asa at Pananampalataya.

Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati

AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

Tuwang di mamagkano, kay Maria ay dulot


Pagkabuhay ni Kristo, tagumpay ay totoo

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

IKA-PITONG TUWA NI MARIA

Ang Pagpuputong ng Korana kay Maria, bilang Reyna ng


Langit at Lupa

N: Pakinggan natin ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon


kay San Lucas;
Noong Panahong iyon, sinabi ni Maria;

“Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon,


    at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking
Tagapagligtas,
     sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong pinagpala;
    dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng
Makapangyarihan.
Banal ang kanyang pangalan!
Ang kanyang kahabagan ay para sa lahat ng salinlahing may
takot sa kanya.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
    nilito niya ang mga may palalong isip.
Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may
kapangyarihan,
    at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-
palad,
    at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga
mayayaman.
Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod,
    at hindi niya kinalimutang kahabagan ito.
Tulad ng kanyang ipinangako sa ating mga ninuno,
    kay Abraham at sa lahi nito, magpakailanman!”

(Tumahimik Sandali para sa pagninilay)

N: Mga Kapatid, hilingin natin sa ika-pitong tuwa na ito ang


biyaya ng pagtitiyaga, pagpapakabuti at ang pagtitiwala sa
maka-inang pamamagitan ni Maria

Isang Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria at isang Luwalhati


AWIT: (Sa Tono ng Inang Sakdal Linis)

O Reyna ng Langit, Maria aming Ina


Pagpupugay at Karangalan sa iyo’y aming alay

Ave, Ave, Ave Maria


Ave, Ave, Ave Maria

Isunod ng dalawang Aba Ginoong Maria para sa karangalan ng


Mahal na Birhen.
(Parangal sa Tradisyunal na 72 taon ng buhay ng Mahal na Birhen sa Lupa)

Panalangin Para sa Intensyon ng Sto. Papa

Isang Ama Namin at Isang Aba Ginoong Maria


(Indulhensya Plenarya ayon sa karaniwang pangangailangan)

Pangwakas na Panalangin

N: Dumudulog kami sa iyong patnubay, banal na Ina ng


Diyos. Huwag mong talikdan ang aming mga panalangin sa
aming mga pangangalingan, bagkus kami ay iyong iadya sa
lahat ng kasamaan. Maluwalhati at pinagpalang Birhen.
B: Amen
N: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos,
B: Nang kami ay maging karapat-dapat makinabang sa mga
pangako ni Hesukristong Panginoon namin.

N: Manalangin Tayo,

O Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, inihanda


mo sa pakikipagkaisa ng Espiritu Santo ang katawan at
kaluluwa ni Maria, maluwalhating Birhen at Ina, upang siya
ay maging karapat-dapat na tahanan ng Iyong Anak. Loobin
Mo na sa kanyang panalangin, ay mailigtas kami sa lahat ng
kasamaan at sa kamatayang walang hanggan, yayamang
buong galak naming pinararangalan siya. Alang-alang kay
Kristong aming Panginoon.

B: Amen.

You might also like