You are on page 1of 2

Mga Panandang Kohesyong Gramatikal

Ginagamit ang panandang kohesyong gramatikal upang maiwasan ang paulit-


ulit na paggamit ng pangngalan o salitang ginagamit sa pagpapahayag.

Ang sumusunod ay apat na uri ng panandang kohesyong gramatikal:

1. Pagpapatungkol (Reference) – Ito ang paggamit ng panghalip na tumutukoy


sa mga nauna o nahuling pangngalan. May dalawang uri ito.

a. Anapora o sulyap na pabalik ang tawag sa mga panghalip na


ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng
pangungusap o talata. Halimbater:

Ang Kyogen ay isang dulang pantanghalan na isinisingit sa pagtatanghal ng Noh


Ito ay naglalayong magpatawa oaliwin ang mga manonood. Kadalasan ito ay
nagpapatungkol sa realidad ng bahay at sumasalamin sa mga totoong
katangian ng tao.

b. Katapora o sulyap na pasulong naman ang tawag sa mga panghalip


na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan
ng pangungusap o talata. Halimbaroa:

Sa kyogen na ating binasa, makikita ang hangarin niyang mapunta sa langit.


Bagama't siya ay kumikitil ng búhay ng mga ibon upang pagkakitaan,
ipinaliwanag niyang hindi siya ang nakikinabang dito. Iyan ang katwiran ni
Kiyoyori. ang pangunahing tauhan sa dula.

2. Elipsis - Ito ay ang pagtitipid sa pagpapahayag. May mga salitang hindi na


inilalagay o nawawala na sa pahayag sa kadahilanang naiintindihan na ito sa
pahayag at magiging paulit-ulit lamang

Bibihira ang nagsasalin ng mga ganito sa ibang wika, (Ano ang pinatutungkulan
ng ganito?)

Filipino 9 – Kohesyong Gramatikal


2nd term A.Y 2020-2021
Alma M. Dayag et al. Pinagyamang Pluma 9
3. Pagpapalit-Ito ay ang paggamit ng iba't iba pang reperensiya sa pagtukoy ng
isang bagay o kaisipan.

Halimbawa

Dahil sa pagsasalin ng mga akda sa wikang nauunawaan natin ay namumulat


táyo sa kulturang banyaga. Nalalaman natin ang kulturang Hapón at natututo
táyo sa mga gawain nila.

4. Pag-uugnay -Ito naman ay paggamit ng iba't ibang pangatnig upang pag-


ugnayin ang dalawang pahayag.

Halimbawa:

Itinatanghal ang Kyogen kapag tapos na ang pagtatanghal ng Noh upang


maging kaaliw-aliw naman sa manonood ang panonood sa teatro.

Filipino 9 – Kohesyong Gramatikal


2nd term A.Y 2020-2021
Alma M. Dayag et al. Pinagyamang Pluma 9

You might also like