You are on page 1of 15

Ang mga salitang makasulat ng madiin sa binasa ay nakapangkat ngayon

sa ibaba. Suriin ang mga salitang ito. Masasabi mo kaya kung ano ang
tawag sa bawat pangkat?Pansinin ang mga bahagi ng salitang may
salungguhit.

A B

Aliw
Prusisyon

Bahay
krus

Giliw
kwento

Kalabaw
Tradisyon

Nagsasayaw

Reyna

Taglay

DIPTONGGO AT KLASTER O KAMBAL KATINIG

 Diptonggo- alin man patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o


/w/ sa loob ng isang patinig . Ang mga diptonggo sa Filipino ay
iw, iy, ey, aw, oy, at uy.

Halimbawa:

Sayaw Giliw
Langoy aruy

Gayunman, kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang


patinig ito ay napapasama na sa mga sumusunod na patinig kaya’t
hindi na maituturing na diptonggo.

Halimbawa:

Ang aw sa sayawawan ay hindi na maituturing na diptonggo


sapagka’t ang w ay nakapagotan na sa dalawang patinig. Ang mga
papantig sa “sayawan” ay sa-ya-wan at hindi sa-yaw-an.

 Klaster o Kambal katinig- magkakabit na dalawang magkaibang


katinig sa isang pantig.Ang klaster ay maaaring matagpuan sa
unahan o inisyal at sa hulihan o pinal na pusisyon na salita.
Halimbawa:

 Klaster sa unahan Trabaho Plano Braso

Klaster sa hulihan Kard nars Relaks

Suriin ang mga salita sa ibaba. Isulat ang Kl sa patlang kung ito
ay may klaster at Di naman kung may diptonggo.

1. plantsa 6. Reyna

2. sobra 7. Transportasyon

3. apoy 8. Braso

4. beywang 9. Sisiw

5. plano 10. Kard

Ang bawat pangungusay sa ibaba ay may salitang may klaster at may


diptonggo. Blugan ang salitang may klaster at salungguhitan ang
salitang may diptonggo.

1. Ang mayamang tradisyon ng lahing Pilipino ay gabay ng bawat


mamamayan.

2. Masasalamin dito ang iba,t ibang drama ng buhay mula noon hanggang
ngayon.

3. Limulitaw ang mga Pilipino ay may mayamang kabihasnanng pwedeng


ipakipag sabayan sa ibang lahi.

4. Sanay sa trabaho ang mga naunang Pilipino at hindi tamad na tulad


ng pinapalabas ng mga paring kastila.

5. Masayahin din sila at makikita ito sa mga sayaw at musikang lalong


nagpaparikit sa mga pweysta at iba pang pagdiriwang.

Gamitin ang mga salitang may klaster st diptonggo sa kahon upang


mabuo ang diwang ipinapahayag ng mga pangungusap.

Araw bahay dyaryo magrelaks trabaho(ng)


1. Hindi makatagal si aling Isyang sa ng anak na si Medy.

2. Lagi niya naaalala ang bukid at ang mga nakasanayan


niyang gawin doon.

3. Kung maaari lang ay isang laman siya maglagi sa bahay


nito.

4. Bagama’t gisto ng anak na naman siya subalit hindi niya


talaga magawa.

5. Pagbabasa lamang ng ang napaglilibangan niya rito.

Byahe kalabaw magiliw pwede


tsinelas

6. naaalala din niya ang na pakikitungo sa kanya ng mga


apo kay Idad.

7. Nalulungkot din siya sapagkat tila limot nan i Med yang bukid at
na kanyang kinalakihan.

8. Kung lang ay gusto niyang ipaalala ito sa anak.

9. Hanggang sa na inisuot ay ang kagustuhan pa rin ni


Medy ang nasusunod.

10. Patuloy ang daloy ng gunita sa matanda hanggang sa niya


pauwi ng bukid.

PARES MINIMAL AT PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN

 Pares Minimal- pared ng salita na magkaiba ng kahulugam ngunit


magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na
pusisyon.

Halimbawa:

Pala-bala pana- mana


patas- batas

 Ponemang Malayang Nagpapalitan- magkaibang ponemang matatagpuan


sa pagkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan
ng mga salita.
Halimbawa:

Lalaki- lalake Totoo- tutoo


Noon- nuon

Suriin ang pares ng mga salita. Isulat ang PM kung ang mga
ito’y pares minimal at PNM kung ito ay ponemang malayang
nagpapalitan.

1. tela-tila 6.puso-poso

2. masa-misa 7.tutoo-totoo

3. bibi-bibe 8. Pasa-basa

4. babae-babai 9. Marumi- madumi

5. uso-oso 10. Iwan-ewan

A. Kilalanin kung alin ang mga pares minimal ang tinutukoy ng mga
kahulugan nasa kanan. Bilugan ang tamang salita.

1. isang instrumento ng kamatayan Pala-bala


2. sobra-sobra sa pangangailangan Lapis-labis
3. manipis at pinong tela
Sutla-putla
4. namamaos na boses
Salat-malat
5. isang bagay na hindi na sariwa
Banat- panat

B. Punan ng tamng ponema ang mga patlang upang makabuo


ng pares minimal mula sa mga pares na salita sa ibaba. Gawin gabay ang
kahulugan ng mga salita sa loob ng panaklong.

1.( b lo) ( b lo) [namatayan ng asawa-palamuti sa ulo]

2. ( la i) (la i) [ bahagi ng mukha-lipi]

3. ( ayaw) ( ayaw) [pag indak- asawa ng kapatid mong babae]

4. ( usot) ( usot) [magulo- ginagawa kapag naglalaba]

5. ( pa ay) (pa ay) [wala ng buhay- butil na pangunahing palay]


PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Ang mga kinikilalang ponemang suprasegmental ay mga sumusuod: ang


tono (pitch), haba (length), diin (stress), at antala ( juncture)

Tono- ng taas-baba na iniukol natin sa pagbigkas ng pantig ng


siang salita upang higit na maging mabisa at maunawaang an gating
pakikipag-usap.

Sa tono ng pagbasa, masasabing sa unang marami ang nagsasalita ay


nagsasalaysay samantalang sa ikalawa, ang nagsasalita ay nagtatanong
o nag dududa.

Haba at Diin- ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniukol


ng nagsasalita sa patinig ng salita sa patinig ng salita, Ang diin
naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas ng pantig na salita.

Antala- saglit na pagtigil sa taing pagsasalita upang higit na


maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa ating kausap.

Piliin mula sa kahon at isulat sa patlang ang titik ng tamang


salitang pupumo sa diwa ng pangungusap.

a. suLAtan b. sulaTAn

1.Ang mga noong unang panahon ay bato at mga binatuyong balat


ng kahoy.

2. mo naman ng isang liham ng pasasalamat ang mga ninuno


nating magpakita ng pagmamahal sa bayan.

a. haBUlin b. habuLIN

3.Ayon sa paniniwala ng mga matatanda, daw ang mga lalaking


may nunal sa gilid ng mata.

4. Dali, mo ang lalaking iyon bago pa siya makalayo.

a. biHIsan b. bihiSAN
5. Ang karaniwang noong unang panahon para sa mga babae aay
baro’t saya.

6. mo na ang mga batang gaganay bilang lola.

a. kanTAhan b. kantaHAN

7. Ang ay madalas ding gawin n gating mga ninuno bilang


isang libangan.

8. mo naman ako ng isang kundiman.

a. SIkat b. siKAT

9. sa aming lugar ang mga taong gumaganap sa ipinapalabas na


senakulo.

10. Matindi na ang ng araw subalit hindi parin nagsisimula


ang palabas.

Suriin kung alin sa pangungusap ang tinutukoy ng mga pahayag. Isulat


ang letra ng iyong sagot sa patlang.

a. Rebulto ng bayani na bato?


b. Rebulto ng bayani ba/’to?

1. Nagtataka kung gawa sa bato ang rebulto ng bayani.

2. Nagtataka kung rebulto ng bayani na nga ba ang ipinakita sa


kanya.

a. Nanay / si Tandang Sora


b. Nanay si Tandang Sora

3. Nagsasabing si tandang sora ay isang nanay.

4. Itinuturo sa nanay si Tandang Sora o larawan ni Tandang Sora.

a. Ginang / Gabriela Silang ang babaeng bayani sa Ilocos.


b. Ginang Gabriela Silang ang babaeng bayani sa Ilocos.
5. Sinasabing isang bayani sa Ilocos si Ginang Gabriela Silang.

6. Sinasabi sa isang ginang na bayani sa Ilocos si Gabriela


Silang.

a. Hindi malaya ang ating bansa.


b. Hindi/ malaya ang ating bansa.

7. Isinasaad na hindi Malaya an gating bansa.

8. Isinasaad na salungat na siansabi ay Malaya an gating bansa.

a. Ngayon / nasimulan ang pagbabago para sa bayan.


b. Ngayon na / sinulan ang pagbabago para sa bayan.

9. Ipinag-uutos na ngayon di’y simulant ang pagbabago para sa


bayan.

10. Isinasaad na sa araw na ito simulant ang pagbabgo para sa


bayan.

Bilugan ang titik ng tamang pagpapahayag ng mga sitwasyong


nakalahad. Isaalang-alang ang tamang tono sa pagpapahayag.

1. Niyaya mo ang kapatid mong magsimba.

a. Simba, tayo!
b. Simba tayo.
c. Simba, tayo?

2. Sinasabi mo sa kusap mong hindi ka makakasama.

a. Hindi, ako sasama.


b. Hindi ako sasama?
c. Hindi ako sasama.

3. Ipinakikilala mo sa ate mo ang kaibiganng nakita ninyo sa simbahan.

a. Ate, Lira ang pangalan ng kaibigan ko.


b. Ate Lira, ang pangalan ng kaibigan ko.
c. Ate Lira ang pangalan ng kaibigan ko.
4. Sinasabihan mo ang ate mo na maghintay sandal sa isang lugar para
sa iyong pagbabalik.

a. Hintay muna, dito sandal.


b. Hintay muna dito, sandali.
c. Hintay muna dito sandal?

5. Itinatanong mo ang ate mo kung pwede kayong sumama sa kaibigan mo.

a. Sama ba tayo?
b. Sam aba? Tayo!
c. Sama? Ba tayo!

MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT

 Paturol o Pasalaysay- uri ng pangungusap na ginagamit sa


pagsasaad ng isang pahayag. Gumagamit ito ng bantas ng
tulodok(.).

Halimbawa:

Pinatunayan ng kasaysayan na ang edukasyon ay


naging mabisang instrument tungo sa pag-unlad at pagbabago.

 Patanong- uri ng pangungusap na nagsasd ng isang tanong at


ginagamit sa pagtatanong. Gumagamit ito ng bantas ng tandang
pananong(?).

Halimbawa:

Sinong tao sa ating kasaysayan na nag-aral at natuto


sa sarili niyang pagsisikap?
 Pautos o Pakiusap- uri ng pangungusap na ginagamit sa pagpapagawa
o pakikiusap na ipagawa ang isang bagay.

Halimbawa:

Kabataan, mag-aral kang mabuti para sa maliwanag mong


kinabukasan.

 Padamdam- uri ng pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag ng


matinding damdamin tulad ng tuwa, galit, gulat, sakit, at iba
pa. Gumagamit ito ng bantas na tandang padamdam(!).

Halimbawa:

Naku, malaking hamon sa mga kabataan yan!

Isulat sa patlang ang PS kung ang pangungusap ay


pasalaysay, PN kung patanong, PU kung pakiusap, at PD kung
padamdam.

1. Isang pamanang walang katumbas ang edukasyon.

2. Sinong magulang ang hindi nangarap ng magandang


edukasyon para sa kanyang anak?

3. Bakit ng ba kailangan pang mag-aral?

4. Makipag-usap ka sa mga taong naging matagumpay sa buhay


at masasagot ang tanong mong yan.

5. Ang pagdaragdag ng mga bagong kaalaman ay makakatulong


sa tao upang mapabuti ang takbo ng kanyang buhay.
6. Sige, sumusuporta kami sa panukalang yan!

7. Kung gayon, pakibuklat na uli ang inyong mga aklat at


gawin ang mga takdang-aralin.

8. Isara muna ang telebisyon at ihinto ang telebabad.

9. Yap! Gagawin ko iyan.

10. Matutuwa ang mga magulang kapag nakita nila ang


determinasyon ng kanilang mga anak.

ASIMILASYON

( Pagbabago Morpoponemiko)

Sa Wikang Filipino ay may ibat ibang pagbabago ng anyo ng


morpoponemiko. Isa na rito ang pag-aasimila ng mga salita.

Ang asimilasyon ay tumutukoy sa pagbabagong anyo mopema dahil sa


impluwensya ng mga katabing tumog nito. Kinabibilangan ito ng mga
panlaping nagtatapos ng –ng katulad ng ng sing- na maaaring
maging sin- o sim. Gayundin ang pang- na maaaring maging pan- o
pam- dahil sa impluwensya ng kasunod ng katinig. Ang mga salitang
inuulapian ng sin- at pan- ay mga salitang nagsisimula sa /
d,l,r,s,t/.

Halimbawa;

Sing+ tanyag > sin + tanyag > sintanyag

Pang + lasa > pan + lasa > panlasa

Ang mga salitang inuunlapian ng sin- at pam- ay mga salitang


nagsisimula sa / b,p /.

Halimbawa:

Sing + bango > sim + bango > simbango

Pang + bansa > pam + bansa > pambansa

Ang mga salitang inunlapian ng sing- at pang- o yung mga walang


pagbabagong nagaganap ay mga salitang nagsisimula sa patinig /
a,e,I,o,u / at katinig na / k,g,h,m,n,w,y /.

Halimbawa:

Sing + galing > sing + galing > singgaling


Sing + mahal > sing + mahal > singmahal

Pang + kalendaryo > pang + kalendaryo > pangkalendaryo

Pang + Katalogo > pang + katalogo > pangkatalogo

May salawang uri ang asimilasyon: persyal at ganap na


asimiliasyon.

1. Asimilasyong persyal o di ganap. Tanging ang pagbabago ay sa


pinal na panlaping –ng lamang ikinakabit sa mga salita.

Halimbawa:

Sing + dali > sin + dali > sindali

Pang + sara > pan + sara > pansara

Sing + palad > sim + palad > simpalad

Pang + poster > pam + poster > pamposter

2. Asimilasyong ganap. Nang yayari ang asimilasyong ito kapag


natapos na maging /n/ at /m/ ng panlapi dahil sa pakikigabay sa
kasunod na tunog ay mawawala pa ang sumusunod na unang titik sa
salitang ugat at mananatiling tunog na /n/ o /m/

Halimbawa:

Pang + pukaw > pam + pukaw > pamukaw

Mang + pitas > mam + pitas > mamitas


Suriin ang asimilasyong naganap sa mga salita. Isulat sa patlang
ang AP kung asimilasyong parsyal at AG kung asimilasyong ganap.

1. manalamin
6. Panalok

2. manulak
7. Pananggi

3. pambayad
8. Panligo

4. panahod
9. Simbango

5. panali
10. Sintaas

Isulat ang pormula kung paano maasimila ang mga salita sa nang
pagsasanay. Ang unang bilang ay ginawa na para sayo.

1. manalamin mang + salamin mansalamin manalamin

2. manulak

3. pambayan

4. panahod

5. panali

6. panalok

7. pananggi

8. panligo
9. simbango

10. sintaas

PAGPAPALIT AT PAGLILIPAT

(Pagbabagong Morpoponemiko)

Bukod sa asimilasyon ay may iba pang pagababagong morpoponemiko at


ito ay ang pagpapalit at paglilipat.

1. Pagpapalit. Nagpapalit ang mga sumusunod ng mga titik.

 /o/ at /u/. Kapag inuulit ang pantigang pantig na may tumog na


/o/, karaniwang nagugung u ang unang o at kapag ikinakabit sa iba
pang salita.

Halimbawa:
Ano + ano > anu-ano
 /e/ at /i/. Nagkakapalit palit din ng /e/ ay /i/ kapg inuulit ang
pantig na may /e/.

Halimbawa:

L;alake + -ng + lalake/lalaki > lalaking-lalake/lalaki

 /d/ at /r/. Nag papalitan ng /r/ ang /d/ kapag patinig ang tunog
na sinusudan ng /d/

Halimbawa:

Ma + dami > marami ma


+ dapat > marapat

2. Paglilipat. Ito ay tinatawag ding metatesis na


nagangahulugan ng paglilipat ng posisyon ng mga ponema. Kapag
nagsisimula sa /l/ o /y/ ang salitang ugat nito’y nilagyan ng
vgitlaping – in-, nagkakapalait ang /i/ at /n/ at nagiging /ni-/.

Halimbawa:

Y + -in + aya > yinaya > niyaya ( niyaya, hindi yinaya.

Isulat sa patlang ang PP kung pagpapalit at PL kung paglilipat


ang mga pagbabagong morpoponemikong nagaganap na mga salita.

1. duguan
6. Niloko

2. lakaran
7. Niyaya

3. mabangung-mabango 8.
Tawiran

4. marunong
9. Niyakap

5. nilabanan
10. Niyakag

Isiulat ang tamang banghay ng mga salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap sa bawat bilang. Gamitin ang salitang-ugat at panlapi sa
loob ng panaklong.

(tawid-in) 1. Nang ng mga kanluranin ang dagat patungong


silangan ay maraming nabago sa ating buhay.

(sakop-in) 2. Nais nilang ang mga bansa sa tatlong


mahalagang kadahilanan.
(hangad-in) 3. Isa rito ang maging kristiyano ng mga
Pilipino.

( tayo –in –an) 4. Nila ang misyon ang halos lahat ng


dako ng Pilipino.

( yakap –in) 5. Naman ng mga Pilipino ang relihiyong


ito.

( palad –in) 6.Umaasa ang mga Pilipino na dahil sa


paniniwala at pananampalataya
sa diyos.

(sunod –an [inuulit) 7. Naging sila sa mga parining kastila.

(babae –ng) 8. Ang mga deboto ay naging katu-


katulong nila sa simbahan.

(linis –in) 9. Naniniwala silang sila ng diyos sa


kanilang mga kasalanan sa pamamagitan nito.

(tawad –ma –an) 10. Tunay na hindi ang epektong kristiyanismo


sa buhay ng Pilipino.

You might also like