Professional Documents
Culture Documents
Fil 2 WS - Argumentatib - Persuweysib
Fil 2 WS - Argumentatib - Persuweysib
Gawain 1: Ibigay ang mga pagbabago sa APA 7th Edition sa pagtatala ng mga sanggunian kasabay
ang mga halimbawa nito at ang mga dapat isaalang-alang sa konsepto ng plagiarism.
Ang hindi pagsasaalang-alang ng wastong pagsipi at panipi ay maaaring magbunga ng krimeng plahiyo
o plagiarism. Narito ang mga paraan ng pagsipi:
1. Totoo ang sinabi niyang pahayag, “Ikaw ang nagkasala sa akin.” Sa ganitong pagsipi, inilalagay sa loob
ng pangungusap o talata ang siniping pahayag at ginagamitan ng panipi o quotation mark upang ikuiong
ang sinipi at inilalathala bilang kauri ng teksto.
2. Naiiba ang pagsiping palansak sa pagsiping pahulip sapagkat hindi kailangang gumamit ng panipi. Ang
tanging dapat gawin ay ihiwalay sa pangunahing teksto ang sipi sa pamamagitan ng paggamit ng
isahang patlang o ang pagbaba nito nang isang espasyo at nilalagyan ng higit na malaking palugit
papasok (indent) mula sa magkabilang tagiliran ng pahina na dapat gamitan ng mas maliit na tipo kaysa
tipo ng pangunahing teksto.
3. Isinasalang-alang din ang uri ng sinisipi, ang bilang ng sipi sa loob ng pahina, at ang magiging anyo nito
matapos malimbag. Ginagamit din ang palansak na pagsipi sa dalawa o higit pang talata, mga liham
(kapag kasama ang bating panimula, pangwakas, at lagda), mga talaan, mga siping may layuning
paghahambing, at iba pang materyales na nangangailangan ng natatanging format.
4. Ginagamit naman ang paraan ng paglaiagom sa paraang paraphrase kung saan ang isang napakahabang
sipi o teksto ay pinaikli subalit lubhang makahulugan upang madaling maunawaan ng mambabasa.
Nangangahulugan ito ng pagbabago ng estruktura o pagbabago ng mga salita o pahayag mula sa orihinal
na teksto ngunit hindi dapat mabago ang kahulugan o diwa ng mensahe nito.
5. Samantala, karaniwang sinusundan ng kuwit ang mga pantulay na salitang wika, sabi, ayon kay, aniya,
bago ang maikling sipi.
6. Sa pagsipi ng isang pahayag, ikinukulong ng panipi ang pahayag at sa katapusan ng pahayag ay ang
gitling kasunod ang pagbanggit ng taong pinagmulan ng pahayag at petsa.
7. Sa ibang pagkakataon naman ay ikinukulong ng panipi ang pahayag at pagkatapos ay sinusundan ng
pagbanggit ng taong nagpahayag at tuldok sa hulihan.
8. Ginagamit din sa pagsipi ang dalawahang panipi (double quotation mark) at isahang panipi (single
quotation mark). Ang dalawahang panipi ay pagkukulong ng pahayag at ang isahang panipi ay
ginagamit kapag nasa loob ng isa pang siniping pahayag.