You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHAN

IKAPITONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

Pangalan: ______________________________________________________________ Iskor: _________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
puwang.

_____1. Ano ang tawag sa isang komposisyon o sulatin na naglalahad o nagpapahayag ng


saloobin, damdamin, opinyon at pananaw ng may akda tungkol sa isang isyu o
paksa?
A. awitin B. kuwento C. sanaysay D. tula
_____2. Anong uri ng sanaysay ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang paksa
ukol sa tao, bagay, lugar, hayop o pangayayari at pinag-uukulan ito ng panahon
para sa pagsasaliksik
A. email B. sulating pormal C. sulating di-pormal D. text
_____3. Ito ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, palagay at kuro- kuro ng may akda ang
sulating ito. Anong uri ng sanaysang ito?
A. email B. sulating pormal C. sulating di-pormal D. text
_____4. Alin sa mga sumusunod ang dapat na isaalang-alang sa paggawa ng sulating
pormal?
A. gumamit ng mga mga salitang palasak
B. gumamit ng pagdadaglat at pinaikling salita
C. gumamit ng salitang nasa ikatlong panauhan
D. huwag pansinin ang bantas at paglalaan ng palugit
_____5. Ano ang isang halimbawa ng di-pormal na sulatin na ginagamit upang mapabilis
ang pakikipag-ugnayan sa isang tao kahit nasa malayong lugar sa tulong ng
internet?
A. e-mail o electronic mail B. facebook messenger
B. instragram D. text messaging
_____6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat isaalang-alang sa pagpapadala ng
e-mail?
A. Gumamit ng pagdadaglat sa mensaheng ipadadala.
B. I-click ang “Send” upang ipadala ang iyong email.
C. Sa kahon ng “Subject” ilagay ang paksa ng iyong e-mail.
D. Sa kahon ng “To” ilagay ang email address ng susulatan.
_____7. Alin sa mga sumusunod ang kailangang taglayin ng isang liham na
nagmumungkahi?
A. di-pormal B. di tiyak C. maligoy D. malinaw
_____8. Anong bahagi ng liham ang nagtataglay ng address ng sumulat gayundin ang petsa
ng pagkakagawa ng lihim?
A. bating panimula B. lagda D. pamuhatan D. patunguhan
_____9. Sa pagsulat ng anumang sulatin, alin sa mga sumusunod ang kailangan mong
isaalang-alang?
A. walang kaisahan ng mga ideya
B. huwag pansinin ang wastong gamit ng mga bantas
C. hindi kailangang maglaan ng palugit sa magkabing bahagi ng papel
D. may organisasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga ilalahad na ideya
_____10. Kung ikaw ay magsusulat ng isang liham na nagmumungkahi, ano ang ilalagay
mo sa bahaging patunguhan?
A. ang iyong buong pangalan
B. intensiyon ng iyong pagsulat
C. address ng mo at petsa ng paggawa mo ng sulat
D. pangalan, katungkulan at address ng padadalhan

You might also like