You are on page 1of 34

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 8
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.3
Panitikan : Panitikan sa Panahon ng Katutubo - Epiko
: “Ibawa : Epikong Batangueño”
Wika : Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Bilang ng Araw : 7 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-Ig-h-22)
 Nakikinig nang may pag-unawa upang :
- mailahad ang layunin ng napakinggan
- maipaliwanag ang pagkakaugnay- ugnay ng mga
pangyayari

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-Ig-h-24)


 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan
ng:
- paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
- dating kaalaman kaugnay sa binasa

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-Ig-h-21)


 Nakikilala ang kahulugan ng mga piling salita/ pariralang ginamit sa
akdang epiko ayon sa:
- kasing kahulugan at kasalungat na kahulugan
- talinghaga

PANONOOD (PD) (F8PD-Ig-h-21)


 Nauuri ang mga pangyayaring may sanhi at bunga mula sa
napanood na video clip ng isang balita.

PAGSASALITA (PS) (F8PS-Ig-h-22)


 Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:
- paghahawig o pagtutulad
- pagbibigay depinisyon
- pagsusuri

Unang Markahan | 43
PAGSULAT (PU) (F8PU-Ig-h-22)
Naisusulat ang talatang:
- binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap.
- nagpapa-hayag ng sariling palagay o kaisipan

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-Ig-h-22)


 Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
(dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba pa)

Unang Markahan | 44
TUKLASIN
I. LAYUNIN

Pag-unawa sa Napakinggan (PN) (F8PN-Ig-h-22)


 Nakikinig nang may pag-unawa upang: (1)mailahad ang layunin ng
napakinggan (2)maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PT-Ig-h-21)


 Nakikilala ang kahulugan ng mga piling salita/ pariralang ginamit sa
akdang epiko ayon sa:
- kasing kahulugan at kasalungat na kahulugan
- talinghaga

II. PAKSA

Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo – Epiko


“Ibawa : Epikong Batangueño”
Wika : Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga
Pangyayari
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo – Epiko


“Ibawa : Epikong Batangueño”

Wika : Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga


Pangyayari

Unang Markahan | 45
3. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : KOMIKS-APAN
Bumuo ng usapan at mga pokus na tanong hinggil sa mga inilahad na
aralin gamit ang komiks sa ibaba.

tanong tanong tanong


tanong

tanong
tanong

POKUS NA TANONG NG ARALIN 1.3


 Bakit mahalagang kilalanin at unawain ang epiko bilang akdang
nagtataglay ng mga di-kapanipaniwalang pangyayari?

 Paano nakatutulong ang sanhi at bunga sa mabisang pagpapahayag


ng pangyayari?

AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : PINOY HENYO
Pahuhulaan sa mga kamag-aaral ang mga pangalan ng mga Pinoy
Super Heroes na mabubunot mula sa inihandang kahon ng guro.

Unang Markahan | 46
Unang Markahan | 47
 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.

1. Paglinang ng Talasalitaan
Mungkahing Estratehiya : KAPE-REHAS TAYO!
Hanapin ang magkakapares na butil ng kapeng barako ng Batangas
upang maging malinaw ang gagawing pagbasa ng akda.

Ibawa: Epikong
Batangueno

umis

kantsaw

ngiti

Iba’t iba

asar

dungaw

Unang Markahan | 48
 Pagbasa ng malakas sa epiko ng ilang piling mag-aaral
– “Ibawa : Epikong Batangueño”.

Ibawa : Epikong Batangueño


Isinulat ni Gng. Analyn P. Tolentino
Teacher III – Kagawaran ng Filipino
Batangas National High School

Sa bayan ng Haliwas ay may nakatirang isang prinsesa na


pagkaganda-ganda. Ang pangalan niya ay Pyrena na mula sa palasyo
ng Haliwas. Ang ama niya ay si Haring Imao na bukod sa galing at talino
ay may kakayahang patayin ang sinuman na gusto niya sa isang kindat
lamang. Sila ay nirerespeto ng mga mamamayan ng Haliwas
Sa pagdating ng ikalabing- walong taong gulang ni Pyrena,
nakatakdang ipakasal ang prinsesa sa magiting na binata mula sa
bayan ng Batangas at karatig lalawigan.. Ganoon na nga, nagpakaskil
ang hari sa mga alagad niya, na bukas ang palasyo sa sinuman ang
gusto at handang bihagin ang damdamin ni Prinsesa Pyrena sa
pagharap ng mga pagsubok na ipapataw sa kanila, at kung sila ay
nabigo, sila ay mamamatay na lang sa pamamagitan ng kapangyarihan
ng hari.
Maraming mga lalake na mula pa sa iba’t ibang palasyo ang
sumubok sa hamon na ito, ngunit wala sa kanila ang nagtagumpay at
namatay o nawala na lang bigla. Sa pagkalipas ng ilang araw, nabalitan
ito ng isang lalake na nagngangalang Ibawa na nagmula pa sa bayan
ng Batangas.
“Aba’y are ay maganda ah!! Siguro eh . ko ang aking kamay sa
prinsesa.’’ reaksyon ni Ibawa nang mabalitan ang hamon ng hari.
Nang walang pagaalinlangan, umalis si Ibawa sa Batangas, at
nagsimulang lumakbay patungo sa bayan ng Haliwas. Nang walang
ano-ano’y, may nakasalubong siyang ermitanyo.
“Iho, maaari ko bang matikman ang Goto na dala mo? Gutom na
gutom na kasi ako.” pagmamakaawa ng ermitanyo.
“Aba’y syempre naman ho. Maaari niyo ho itong matimus!
Nagmula pa ho ito sa Batangas eh, abay karipas na ho are sa
paglulouto nare at balak ko hong suminsay sa Haliwas at duon daw ho
ay may magandang prinsesa!,” sambit ni Ibawa.
“Salamat iho! Bilang tanda ng aking pasasalamt, bibigyan kita ng
aking basbas, basbas na talagang ikatutuwa mo nang lubos.” wika ng
ermitanyo.

Unang Markahan | 49
“Ngayon palang eh ikatutuwa ko na ho kung ano man iyon.”
sagot naman ni Ibawa sa ermitanyo.
Sa pagdating ni Ibawa sa Haliwas, ay may napansin siyang
kakaiba sa mga tao doon.
“Bakit ga ang mga are’y nagpapatikaran,” pansin ni Ibawa.
Nang walang ano-anoy may tumilapon na isang nagliliyab na
bolang apoy sa harap ni Ibawa. Nahurindat si Ibawa at nagtaka kung
saan nanggaling iyon.
“Hahaha! Huwag kayong pahara-hara sa daan, kundi gagawin
ko kayong abo,” halakhaw at sigaw ng isang matipunong lalake.
“Hoy ikaw! Nakaka-kantsaw ka eh, bakit mo ga are ginagawa sa
mga tao ay?” galit na galit na sinabi ni Ibawa sa matipunong lalake.
“Ako si Hagorn. Prinsipe ng Hatoria, at wala kang pakialam sa
kung ano’ng gusto kong gawin, at naririto ako upang makuha ang puso
ni Pyrena.” pagmamalaki ni Hagorn.
“Aba eh, dapat hindi mo binabalibang ng mga apoy ang mga tao
dito. Kahit ako’y walang kapangyarihan, basta malinis ang aking
kalooban at nagkakaisa kami bilang isang Batangueño, nakakalikha
kami ng isang kapangyarihan at yuon ay ang pagkakaisa.” paliwanag ni
Ibawa.
“Kung ganoon, sa bagay naririto tayong dalawa para makuha ang
matamis na oo ni Prinsesa Pyrena, daanin na lang natin ito sa
paligsahan. Kung nakuha mo ang puso ng prinsesa, papatayin mo ako,
at kung ako naman ang nagwagi, papatayin kita gamit ang aking
kapangyarihan, at ibibigay mo sa akin ang lupain ng Batangas.
Tinatanggap mo ba ang hamon?” alok ni Hagorn.
“Ay oo na. Tinatanggap ko ang hamon mo, kasiwal-siwal mo! ”
sagot naman ni Ibawa.
Hindi napansin ng mga kawal ng palasyo ang mga nagaganap sa
labas, kung kaya’t malayang nakapaggugulo si Hagorn sa labas ng
palasyo. Abalang- abala ang lahat ng mga tao sa palasyo sa kanilang
mga ginagawa, pati na ang hari at prinsesa sa pagpili at sa pagbibigay
ng mga hamon sa mga lalake na nagsisipuntahan doon.
Naunang sumubok sa hamon ng hari si Ibawa. Pumasok siya sa
kaharian at nakita si Haring Imao at Prinsesa Pyrena.
“Sino ka at saang lugar ka nanggaling?” tanong ng prinsesa kay
Ibawa.
“Ako ay si Iba...”

Unang Markahan | 50
Dumating si Hagorn na nakasakay sa puting kabayo may pakpak
at ang paa nitoý mistulang sa dragon. Dumadagabag ang tunog ng
takbo ng kabayo na nkaagaw ng pansin ng lahat. Yumanig ang mga
lamesa, baso at iba’t iba pang gamit.
“At sino ka naman?” tanong ng hari kay Hagorn.
“Ako si Hagorn, prinsepe ng Hatoria at naririto ako para makuha
ang loob ng iyong anak.” sagot ni Hagorn
“At ako naman ay si Ibawa, mula sa bayan ng kapeng barako at
balisong, lipi ng mga bayani at huwaran… Batangas, bayan kong
mahal.” dagliang dugtong ni Ibawa.
“Kung ganon, sa bagay may nakikita akong kakaiba sa inyong
dalawa, bibigyan ko lang kayo ng dalawang pagsubok. Kung
makokompleto ninyo ang dalawang pagsubok na ito, mapapasainyo ang
aking anak, at kung nabigo kayo, mawawala na lamang kayo na parang
bula,” paliwanag ng Hari.
“Tinatanggap namin ang hamon ninyo.” sagot ng dalawa sa hari.
UNANG PAGSUBOK
Ang bawat isa ay magpapakilala ng mga pagkain na galing sa
kanilang lugar sa palasyo at ipapaliwanag kung paano ito
kinakain.Naunang sumubok sa hamon si Ibawa. Bumalik siya sa
Batangas at naghanda o kumuha ng mga pagkain sa kanila. Bumalik si
Ibawa sa palasyo.
“Ang dinala kong pagkain ngayon ho ay Dulong, Goto, Suman,
Kalamay, at syempre ang aking pinakapaborito ang Lomi,” wika ni
Ibawa.
“Ang Dulong o kung tawagin ay Dilis sa ibang lugar ay mas maliit pa
ho sa Dilis. Ito ho ay ginagawa ding Bagoong. Mas masarap pa ho ang
pagkain kung ipapasamano niyo ho ito at isama sa kape. Ang Goto
naman ho ay nilantak sa laman loob ng baka, may tuwalya, atay, dugo
at pwede rin siyang iulam sa kanin. Ang suman at kalamay naman ho ay
isa din sa pinagmamalaking produkto ng Batangas ay di mawawala
kapag may baysanang nagaganap. Gawa ho ito sa butaw na sangkap.
Ang Lomi naman ho ay gawa sa sabaw. May pansit, atay, kikyam at
marami pa ay. Talagang kapus ang plato sa bangerahan pag inyong
inihayin ang lahat ng ito!.” mga paliwanag ni Ibawa sa maharlika.
Napabilib si Prinsesa Pyrena kay Ibawa kung paano niya ipinakita
ang kanilang mga pagkain sa Batangas. Sumunod naman si Hagor.
Kakaunti lang ang kanyang naipakita, dahil sa kanila wala silang

Unang Markahan | 51
masyadong pagkain at nagdadamutan pa sila kasi wala silang
pagkakaisa hindi katulad ng mga mamamayan ng Batangas.
PANGALAWANG PAGSUBOK
Sa ikalawang pagsubok naman, kailangan nilang ikwento ang mga
magagandang tanawin na makikita sa kanilang lugar. Kailangan rin
nilang sabihin kung ano ang kanilang mga kaugalian, para madaling
makakasalamuha ng prinsesa ang mga taong nasa paligid niya kung
sino man ang mapipili sa kanila. Naunang sumubok sa hamon na ito si
Ibawa.
“Aba’y sa amin ho madami kayong makikitang magagandang
tanawin. Nandiyan ang Bulkang Taal. Noong unang panahon wala yung
kabuog-buog, pero maganda iyon. Nandiyan naman ang mga dagat
mula Nasugbu hanggang San Juan! .Sa linaw ng tubig doon eh madali
kayong makakalakdaw sa tubig. Makikita niyo din doon ang Simbahan
ng Santisima Trinidad, Monte Maria at ang Padre Pio sa Sto. Tomas.
Doon ninyo pwede iatungal ang inyong mga kasalanan at doon na
mismo mapapawi ito. Sa kaugalian naman, hindi kami balasubas ang
mga ugali. Aba’y magalang kami, maalaga, matulungin, nagrerespeto sa
isa’t isa, matalino, palaging aktibo, mapagbiro at palaging masayahin.
Palagi ho naming kahuntahan an gaming mga kahanggan at minsan pa
nga ho ay naisisingit pa ang kaunting barikan ng lambanog! Ang mga
Batangueno ay palaging nagkakaisa sa kabila ng mga hamon sa buhay.
Mas iniisip namin ang kapakanan ng iba kaysa sa aming sarili. Aba’y
ipinagmamalaki ko ang aking sarili eh na ako’y isang Batangueño.” ang
mahaba at buong pagmamalaking salaysay ni Ibawa sa Hari at
Prinsesa.
Sa nasabi ni Ibawa, mas napaantig pa si Prinsesa Pyrena sa kanya.
Hindi siya makapaniwala sa galing at husay niya. Mababanaag naman
sa mukha ng hari ang kanyang ngiti at saya, na halatang hindi siya
nagkamali sa pagpili sa kanya. Sumunod naman sa pagprepresenta si
Hagorn. Sa kanyang sinabi, nagsinungaling siya na marami daw silang
mga magagandang tanawin. Ang totoo sinunog na niya ang lahat ng ito,
dahil sa galit niya sa mga taga-Hatoria. Sinabi niya na maganda ang
kanilang kalooban sa lahat ng tao, kahit na sa tunay ay puro inggitan at
sakiman. Sa nasabi ni Hagorn, walang reaksyon ang prinsesa pati na
ang hari, dahil alam naman ng prinsesa kung ano ba talaga ang meron
sa kanila dahil may kapangyarihan siya’ng Ivitre o ang kakayahang
tumingin sa isipan ng tao.
Dumating na ang araw ng pagpipili sa dalawa. Kabang kabang si
Ibawa at pati naman rin si Hagorn. Naunang nagsalita ang Hari.
“Napabilib ako sa kanyang kahusayan sa pagharap niya sa
dalawang pagsubok. Sa kabila ng aking hinihintay, ay may nakita na rin

Unang Markahan | 52
akong magbabagay sa aking anak. Sana ipangako mo na aalagan mo
ang aking ana anuman ang mangyari sa buhay ninyong mag-asawa.”
wika ni Haring Imao.
Sumunod naman si Prinsesa Pyrena sa pagsasalita.
“Humanga ako sa kanyang katapangan na harapin ang pagsubok
ng aking ama upang makuha ang aking puso. Lubos akong nasisiyahan
at nais kong mas makilala siya at makasama habangbuhay.” maikling
pahayag ni Prinsesa Pyrena.
“Ang napili ko bilang aking mapupusuan ay si Ibawa.” dagliang
sagot ni Prinsesa Pyrena.
“Aba’y ikinatutuwa ko na ako ang pinili mo mahal ko.” sagot ni
Ibawa.
Galit na galit naman si Hagorn sapagkat si Ibawa ang napili. Namula
siya at umusok sa buong kaharian na lumabas sa kanyang ilong.
Dagliang tumakas si Hagorn sa palasyo bago pa man siya napatay ng
Hari. Nagalit ang Hari sa kanyang pagtakas, pero inisip na lang nila na
masaya na sila dahil may dumagdag sa pamilya ng mga maharlika na si
Ibawa.
Nang makabalik si Hagorn sa Hatoria, nangako siya na
maghihiganti siya sa Hari at Prinsesa. Tinipon niya ang lahat ng
kanyang mg kawal at pinaghanda sa paglusob. Nag-ensayo sila ng
mabuti para magtagumpay sila sa kanilang misyon. Pumunta si Hagorn
sa isang mangkukulam at humingi ng isang mahika.
“Hihingi ako sayo ng isang mahika. Mahika na makakapagtapat sa
kapangyarihan ng Hari na patayin ang sinuman sa isang kindat lamang.”
wika ni Hagorn sa mangkukulam.
“Sige bumalik ka na sa iyong pinanggalingan at magkakaroon na
kayo ng mahika sa inyong katawan.” sagot ng mangkukulam.
ANG PAGLUSOB NG HATORIA
Sa pagdidiwang ng taga-Haliwas, biglang nagdilim ang paligid at
lumitaw ang pulang buwan sa kalangitan.
“Kalaki naman iyang pulang buwan na iyan. Kadungaw-dungaw are
sa itaas pati na rin sa ibaba ng palasyo eh. ” wika ni Ibawa.
“Isa itong babala na may lulusob sa atin. Mga kababayan maghanda
na kayo sa paparating na paglusob sa Haliwas.” sigaw ng hari.
Bago pa man maghanda ang mga kawal ng Haliwas, lumitaw ang
mga bolang apoy sa itaas at nagbagsakan sa buong lupain ng Haliwas.

Unang Markahan | 53
Nasunog ang mga bahay at ang mga paninda nila. Doon na nga
nagsimula ang digmaan sa pagitan ng Hatoria at nang Haliwas. Sa
pakikipagdigmaan, nagtaka ang Hari kung bakit hindi natatablan ng
kanyang kapangyarihan ang mga taga Hatoria. Tumawa na lang si
Hagorn sa Hari at sinabi na may mahika sila na pantabla sa
kapangyarihan niya. Nagalit ang hari at nagpatuloy pa rin ang labanan.
“Mahal ko, ako’y papanaog sa palasyo at tutulungan ko ang Hari sa
pakikipaglaban.” daing ni Ibawa.
“Sige mahal ko. Magiingat ka nang mabuti.” sagot naman ng
prinsesa.
Sa pagbaba ni Ibawa sa palasyo, nakita niya ang hari na
nakahandusay sa lupa na puno ng sugat sa katawan. Sa harap ng hari
ay nakita niya si Hagorn na tuwang tuwa sa nangyari sa hari.
“Hagorn! Bakit mo ga are’y ginagawa sa mag tao ay? Wala kaming
kasalanan sa inyo.” wika ni Ibawa.
“Wala kang pakialam. Kukuhanin ko ang prinsesa dito at huwag
kang pahara-hara diyan sa daan.” galit na sinabi ni Hagorn.
“Ipapatapisak kita ngayon, at humanda ka na.” sagot ni Ibawa.
Naglabanan ang dalawa na napayanig sa buong Haliwas. Kara-
karakay may gintong balisong na lumipad patungo sa kamay ni Ibawa at
itoý kanyang nagamit upang isaksak kay Hagorn. Naglaban ang dalawa
subalit parehong malakas ang kanilang taglay na sandata. Sa sobrang
pagod ni Ibawa ay napasigaw siya at maging siya ay nagitla din nang
may mga butil ng kapeng barako ang lumabas mula sa kanyang bibig
na nang dumapo sa balat ni Hagorn ay kaagad nito itong ikinasilab.
Nagtatakbo si Hogorn papunta sa tuktok ng palasyo upang gawing
bihag ang Prinsesa dahil alam niyang maari siyang mamatay sa taglay
na kapangyarihan ni Ibawa.
“Ako’y papanhik sa itaas at hahabulin ko si Hagorn.” sabi ni Ibawa
sa kawal.
“Sige po.” sagot naman ng kawal.
Pagdating naman ni Ibawa sa itaas ng palasyo, nakita niya na
sinaksak ni Hagorn ang kanyang minamahal.
“Hahaha. Hindi naman ikaw ang aking kailangan dito kundi ang
makamtan ko ang inyong mga kayamanan at lupain. Napakabobo ninyo
talaga.” malakas na sinabi ni Hagorn sa buong palasyo.
“Walanghiya ka Hagorn!! Ngayon matutupad ko na ang ating
pinangakuan!” galit na sinabi ni Ibawa.

Unang Markahan | 54
Tumakbo si Ibawa sa likod ni Hagorn at sinaksak siya gamit ang
kanyang gintong balisong. Umilaw ang buong katawan ni Hagorn at
naglaho na lamang siya. Nagmadaling tumakbo si Ibawa sa minamahal
niya.
“Mahal ko. Patawad hindi kita naprotektahan. Wala akong silbi!!!”
iyak ni Ibawa sa mukha ng prinsesa.
Nang tumulo ang luha ni Ibawa sa mukha ng prinsesa biglang
nagliwanag ang katawan ng prinsesa at naghilom ang natamong sugat
niya.
“Paano nangyari ito?” gitlang gitlang bulalas ng bagong bayani ng
Haliwas.
“Utoy, iyan ang iyong gantimpala sa pagiging mababa ang loob at
matulungin sa akin. Patuloy kang maging mabuting anak ng Batangas.”
Turan ng isang tinig mula sa kalangitan, ang boses ng ermitanyong
kanyang natulungan sa daan.
“Maraming salamat amang! Maraming salamat sa kapangyarihang
iligtas ang aking minamahal at kababayan!.” Umaatungal sa sayang
sambit ni Ibawa at maya-mayaý napaumis na lamang dahil sa
kaligayahan.
Lumitaw na ang kapayapaan sa buong lupain ng Haliwas at bumalik
na ang mga Hator nang malaman nilang patay na ang kanilang prinsipe.
Namuhay nang masaya at mapayapa ang kaharian ng Haliwas na
pinamuan na nina Pyrena at Ibawa dahil sa pagpanaw ng hari sa
naganap na digmaan. Mula noon, higit na kinilala asi Ibawa bilang
mabuting Batangueñong hari.

 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya
SOCO
2 Mungkahing Estratehiya
(Scene of the Crime THE SINGING BEE
Operatives) Piliin at bigyang kahulugan ang
Ilahad ang layunin ng mga talinhagang ginamit sa
napakinggang epiko. epiko.

3 Mungkahing Estratehiya 4 Mungkahing Estratehiya


Game Show
MANEQUIN CHALLENGE
(Who wants to be a Millionaire?
Ipakita ang magkakaugnay na
Ibigay ang kahulugan at
pangyayari sa epiko sa
kasalungat ng mga piling salita sa
pamamagitan ng mga manequin.
epikong binasa.

Unang Markahan | 55
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailanga
Mahusay n ng
Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon ng naipahatid ang nilalaman naiparating ang nilalaman o
mga Kaisipan o ang nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
Mensahe o kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(3) kinakitasan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang kasiningan pamamaraang
ang pamamaraang ang ginamit ng
pamamaraang ginamit ng pamamaraan pangkat sa
ginamit ng pangkat sa g ginamit ng presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon ng pagkakaisa ang bawat ng ang bawat
(3) ang bawat miyembro sa pagkakaisa miyembro sa
miyembro sa kanilang ang bawat kanilang gawain
kanilang gawain (2) miyembro sa (0)
gawain (3) kanilang
gawain (1)

 Presentasyon ng bawat pangkat.

 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Bilang isang Batangueño, ano kaya ang nais iparating o layunin ng


epiko sa mamamayang katulad mo?

2. Paano ipinakita o inilahad ang mga pangyayari mula sa akda?

3. Ipaliwanag ang aral na napulot mo mula sa epikong napakinggan.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

Unang Markahan | 56
ALAM MO BA NA…

Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang mga epiko. Bukod sa


nagiging aliwan ito, ito rin ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at
pangkultura. Kadalasan ang mga epiko ay sumasalamin sa mga ritwal at
pagdiriwang ng isang lugar upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga
mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga
tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.

Sanggunian: Pinagyamang Pl uma 8, Alma M. Dayag et. al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : E-PICK- KO!


Piliin ang mga di kapani-paniwalang kapangyarihang (taglay ng
bida sa isang epiko) na naglalaman ng kaisipang natutunan sa aralin,
pagkatapos ay bumuo ng pangkalahatang konsepto gamit ang mga
kapangyarihang ito.

Ginagamit sa Kultura at kaugalian May komedya at


panliligaw pang-uuyam

Mapanatili sa isipan epiko Sumasalamin sa


at damdamin mga ritwal

Pagsagot sa pokus na tanong: Ang Epiko ay sumasalamin sa


mga ritwal at pagdiriwang ng isang lugar upang maitanim at mapanatili
sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala
APLIKASYON

Unang Markahan | 57
Mungkahing Estratehiya : LIKE, LOVE KO TO!
Panonood/ pakikinig sa isang serye ng epikong Super Inggo. Kung LIKE
nila ang napanood ay ilalahad ng mga mag-aaral ang layunin ng
napakinggan/napanood; kung LOVE nila ang epiko ay ipapaliwag ang
ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari

Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=NWljtW-zdiM

EBALWASYON

Panuto : Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng


pangungusap kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng
panaklong.

(pakalat-kalat) 1. “Hahaha! Huwag kayong pahara-hara sa daan, kundi


gagawin ko kayong abo,” halakhaw at sigaw ng isang
matipunong lalake.

(ikinasunog) 2. Sa sobrang pagod ni Ibawa ay napasigaw siya at


maging siya ay nagitla din nang may mga butil ng
kapeng barako ang lumabas mula sa kanyang bibig na
nang dumapo sa balat ni Hagorn ay kaagad nito itong
ikinasilab.

Panuto : Isulat kung tama o mali ang mga sumusunod na


pangyayari sa epiko.

3. Si Hagorn ang napiling maging kabiyak ni Pyrena dahil sa


kanyang kababaang loob at kabutihan ng kanyang puso.

Unang Markahan | 58
4. Kaya nagkaroon ng kapangyarihan si Ibawa ay dahil sa
pagtulong niya sa matandang Ermitanyong kanyang
nakasalubong patungo sa Kaharian ng Haliwas.

5. Nagtataglay ng gintong balisong at nagbubuga si Pyrena ng


gintong butil ng kape na ikinamatay ng Hari.

SUSI SA PAGWAWASTO
1.pakalat-kalat 2.ikinasilab 3.Mali 4.Tama 5.Mali

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotion

IV. KASUNDUAN

1. Muling basahin ang Epikong “Ibawa: Epikong Batangueño”, ítala


ang mga kapanipani-wala at di kapanipaniwalang mga pangyayari
dito. Isulat sa T-chart ang inyong kasagutan.

Kapanipaniwala Di-kapanipaniwala

2. Kung ikaw ay magiging isang Tauhan sa epiko, ano ang pipiliin


mong kapangyarihan at bakit?

Unang Markahan | 59
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-Ig-h-24)


 Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:
- pagsusuri ng elemento ng isang epiko

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-Ig-h-24)


 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan
ng:
- paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
- dating kaalaman kaugnay sa binasa.

II. PAKSA

Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo – Epiko


“Ibawa: Epikong Batangueño”,
Wika : Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga
Pangyayari
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari

 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Kumintang Epiko ng mga Tagalog


Wika : Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga
Pangyayari

Unang Markahan | 60
AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : MANEQUIN EPIKO CHALLENGE
Ibibigay ng guro ang ilang mga mahahalagang pangyayari sa epikong Ibawa
pagkatapos ay maghihinuha ng susunod na pangyayari ang mga mag-aaral
sa pamamagitan ng pagpapakita nito sa istilong manueqin.

Lumipad ang gintong


balisong sa kamay ni May nakasalubong
Ibawa habang na ermitanyo si
naglalaban sila ni Ibawa
Hagor.

Galit na galit si Nagdala ng


Hagorn at dagling produktong
tumakas sa Hari Batangueño si
ng Haliwas Ibawa

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin.


 Pagpapabasa ng buod ng Epikong Kumintang
 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya
TALK SHOW
2 Mungkahing Estratehiya
BEAUTY PAGEANT
Aquino & Abunda Today G. at Bb. Batangas
Suriin ang elemento ng epikong Suriin ang elemento ng epikong
nabasa. (Banghay) nabasa. (Tauhan at Tagpuan)

3 Mungkahing Estratehiya
YOUR VOICE SOUNDS
4 Mungkahing Estratehiya
DULANG MUSIKAL
FAMILIAR Ipakita ang mahahalagang
Magbigay ng mga pangyayari, pangyayari sa akda at magbigay
karanasan ng iba o napanood na hinuha kung ano ang ideyang
kaugnay sa binasang epiko. nais nitong ipabatid sa
mambabasa.
.
Unang Markahan | 61
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailanga
Mahusay n ng
Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon ng naipahatid ang nilalaman naiparating ang nilalaman o
mga Kaisipan o ang nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
Mensahe o kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(3) kinakitaan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang kasiningan pamamaraang
ang pamamaraang ang ginamit ng
pamamaraang ginamit ng pamamaraang pangkat sa
ginamit ng pangkat sa ginamit ng presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon ng pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa ang bawat
(3) ang bawat miyembro sa ang bawat miyembro sa
miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain
kanilang gawain (2) kanilang (0)
gawain (3) gawain (1)
 Presentasyon ng bawat pangkat.
 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Batay sa iyong napanood na pangkatang gawain at sa nabasang


epiko, masasabi mo bang angkop ang naging tauhan at tagpuang
ginamit sa epiko?

2. Paano napagtagumpayan ng pangunahing tauhan ang mga


pagsubok sa kanyang buhay sa bahaging simula, gitna at wakas ng
epiko? (elemento ng epiko)

3. Ano mahihinuha mong mga kulturang Batangueño ang ginagamit


na noong Panahon ng Katutubo mula sa epikong nabasa?

4. Bakit kailangang pag-aralan at unawain ang epiko ng inyong lugar?

Unang Markahan | 62
 Pagbibigay ng input ng guro sa epiko.

ALAM MO BA NA…

EPIKO
Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa
kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa
mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay
pawang kababalaghan at di-kapani-paniwala. Isang kuwento ito na
punong-puno ng kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng
mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" na
nangangahulugang salawikain o awit. Isa itong mahabang salaysay na
anyong patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang
tradisyon tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga
tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at mithiin ng
mga tauhan. Ang haba ng mga epiko ay mula sa 1000 hanggang 5000 na
linya kaya’t ang pagtatanghal sa mga ito ay maaring abutin ng ilang oras o
araw. Karamihan sa mga rehiyon sa bansa ay may maipagmamalaking
epiko.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. Al

MAHAHALAGANG ELEMENTO NG EPIKO

 Matatalinghagang Salita
Ang epiko ay ginagamitan ng matalinghangang salita o idyoma.
Ang mga ito ay may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan.
Di tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang mga idyoma.
 Banghay
Ang epiko bilang tulang pasalaysay ay kakikitaan din ng
pagkakaugnay-ugnay ng pangyayari. Ito ay ang banghay. Maari
itong payak o komplikado. Makikita rin na maraming mga
pangyayari sa epiko ang hindi kapani-paniwala o hindi
makatotohanan.
 Tagpuan
Mahalaga ang tagpuan sapagkat ito’y nakatutulong sa
pagbibigay-linaw sa paksa, sa banghay, at sa tauhan.
 Tauhan
Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng
supernatural o di pangkaraniwang kapangyarihan.

Sanggunian: https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/alamin-natin/

Unang Markahan | 63
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : SUPER KONSEPTO


Bumuo ng lagom ng konseptong natutunan sa aralin sa tulong mga
mga susing salitang taglay ng mga superheroes sa ibaba.

Ang May di Mahala-


kapani- gang pag-aralan at unawain Kasasalaminan
natutunan
paniwa- ng kultura
ng Grado sa
Aralin 1.5….. lang pang-
yayari

Pagsagot sa pokus na tanong: Mahalagang kilalanin at unawain ang


epiko bilang akdang nagtataglay ng mga di-kapani-paniwalang pangyayari
at kababalaghan na kasasalaminan ng kultura ng rehiyong pinagmulan
nito.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : STORY FRAME


Sa pamamagitan ng story frame, ibuod ang napanood/nabasa mong ibang
epiko mula sa ibang lugar o rehiyon.(Iguhit ang mga pangyayari)

Tauhan Tagpuan

Unang Markahan | 64
Simula Gitna Wakas

EBALWASYON

Panuto : Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang letra


ng tamang sagot.

1. ”Sa sobrang pagod ni Ibawa ay napasigaw siya at maging siya ay


nagitla din nang may mga butil ng kapeng barako ang lumabas
mula sa kanyang bibig na nang dumapo sa balat ni Hagorn ay
kaagad nito itong ikinasilab.” Mahihinuhang __________ ang uri ng
panitikang ito sapagkat nagsasalaysay ito tungkol sa kabayanihan
at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway
na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawang
kababalaghan at di-kapani-paniwala.
a. epiko
b. maikling kwento
c. sarswela
d. tula

2. Dahil sa kabaang loob at pagiging matulungin ni Ibawa ay


a. Napatay niya si Hagor.
b. Napili siyang pakasalan ni Pyrena.
c. Nagalit ang Hari sa kanya.
d. Ginantimpalaan siya ng mahiwagang sandata.

3. Bumalik sa Batangas si Ibawa upang kumuha ng mga pagkain at


produktong ilalahad niya sa pagsubok ng Hari ng Haliwas. Anong
bahagi ng epiko matatagpuan ang pangyayaring ito?
a. Simula
b. Gitna
c. Wakas
d. Tauhan

4. Ang sumusunod ay mga tauhan sa epiko maliban kay:


a. Ibawa
b. Hagor

Unang Markahan | 65
c. Pyrena
d. Yagkang

5. Itinakas ng Binata ng Pangumanon sa Kuaman ang Dalaga ng


Buhong dahil sa matindi niyang pagkagusto dito. Ang pangyayaring
ito ay hango sa epikong _________________ ng mga Bagobo.
a. Biag ni Lam-ang
b. Kumintang
c. Maragtas
d. Tuwaang

SUSI SA PAGWAWASTO
1.A 2.D 3.B 4.D 5.D

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotion

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga epiko mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas,


kompletuhin ang chart sa ibaba.

REHIYON PAMAGAT TAUHAN

2. Makinig ng isang mahalagang balita sa telebisyon, humandang


ibalita ito sa klase.

Unang Markahan | 66
PAUNLARIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F8PD-Ig-h-21)


 Nauuri ang mga pangyayaring may sanhi at bunga mula sa napanood
na video clip ng isang balita.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-Ig-h-22)


 Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
(dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba pa)

II. PAKSA

Wika : Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga


Pangyayari
Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Alma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: IBA-IBALITA MO!
Panood ng balita ng iba’t ibang balita (video clip) at pagbibigay ng
mga pangyayari mula dito. Tatawag ng isang kamag-aaral at
ipasusuri ang sanhi at bunga sa ibinigay na pangyayari.

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin.


 Pagbasa ng lunsarang epiko.

Unang Markahan | 67
IBIGAN SA TAAL
Isinulat ni Angela Mae Fajilan
G8 - Diligence Batangas National High School

Sa di kalayuan mula sa maganda at ipinagmamalaking Bulkang


Taal nakalatag ang Bayan ng Ambo. Kilala ang bayan na ito sa
buong Batangas dahil sa pagiging matatapang at magigiting ng mga
tao dine. Ang mga kabilang bayan ay natatakot sa tuwing maririnig
nila ang pangalan ng Baryo Ambo, dahil alam nila ang natatagong
galing at lakas ng puwersang militar dito. Bukod sa kanilang
katapangan, sobrang masisipag, madiskarte at matalino din sila.
Wala ni isang kalaban ang nakaya silang linlangin kaylanman.
Singhirap ng pagsuot ng sinulid sa aguha ang pagpasok sa kanilang
bayan. Lahat ng ito ay pakana ng kanilang makapangyarihang
pinuno, siya si Datu Harris- isang magiting, matapang at matalinong
datu. Magaling siyang gumamit ng balisong at gulok. Isa siyang
mahigpit na pinuno. Ang kanyang kapangyarihan ay nasa kanyang
katalinuhan, sapagkat kaya niyang pumatay at magnakaw ng
kapangyarihan ng isang tao sa pamamagitan ng pagbasa at pagbilog
sa utak nito. Gayunpaman, siya ay mabait sa lahat. Madaling
nakakalapit ang bawat tao sa kanya. Ang bayan ng Ambo ay kilala sa
pagiging isang perpektong pamayanan.

Ngunit sa kabila ng pagiging perpekto ng datu, lungkot ang


kanyang nasa puso. Kaylanman ay hindi niya naramdaman ang
tunay na kasiyahan. Kahit ilang labanan pa ang kanyang maipanalo,
kahit ilang tumpok ng ginto pa ang meron siya at kahit ilang taon a
ang natulungan niya, ay di pa rin sya masaya. Palibhasa, sa kabila
ng pagiging mapagmahal niya ay wala ni isang babae ang
nagkagusto sa kanya. Kahit mga alipin ay di man lang naakit sa
kanya.

“Ano ga naman ang kulang sa akin, ay parang lahat ng dilag na


nililigawan ko ay di man lang nabihag e? Nakakahapong mamuhay
mag-isa,” tanong ng datu sa sarili habang nakatitig sa salamin.
“Mahal na datu! Mahal na datu! Are at may liham ho na galing sa
kaabay na bayan!” sigaw ni Batugan. Si Batugan ay ang kanang
kamay ng datu. Lahat ng pagsubok sa kanyang katapatan sa datu ay
kanyang nalagpasan, kayat nasa kanya ang buong tiwala ng datu.

“E, ano daw? Ay, ang sabi ay mayroon na namang mga


maharlika galing sa tribo ni Datu Impan ang bibisita sa ating baryo,
eh. Ay siya, ihatid mo ang balita sa lahat upang makapaghanda
natayo,” utos ni Datu Harris.

Unang Markahan | 68
ANALISIS

1. Suriin ang mga salitang may salungguhit. Nagbibigay- turing ba ito


sa mga salitang nakihilig?

2. Nakatulong ba ang mga salitang may salungguhit upang mabisang


maipabatid ang katauhan ng bida sa epiko? Patunayan.

3. Ano ang ipinahahayag ng mga nakahilig na mga parirala? ang mga


may salungguhit?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

MGA HUDYAT NG SANHI AT BUNGA NG MGA PANGYAYARI


Ang malinaw, mabisa, at lohikal na pagpapahayag ay naipakita sa
maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala at pangungusap.
Mahalaga rin ang pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga salitang
gagamitin upang higit itong maging malinaw sa lahat. Kagaya na lamang sa
pagpapahayag ng sanhi at bunga, may mga hudyat na ginagamit upang
maipahayag ito nang may kalinawan.

HUDYAT NA NAGPAPAKITA NG SANHI O DAHILAN


 Sapagkat…
 Pagkat…
 Dahil…
 Dahilan sa…
 Palibhasa…
 Kasi…
 Naging…

HUDYAT NA NAGPAPAKITA NG SANHI O DAHILAN


 Kaya…
 Kaya naman…
 Dahil dito…
 Bunga nito…
 tuloy…

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

Unang Markahan | 69
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : DINE SA BATANGAS!


Pagsunod-sunurin ang mga salitang nasa ilalim ng mga lugar sa
Batangas upang makabuo ng konsepto ng araling tinalakay.

sanhi at bunga pagpapahayag mabisa

nakatutulong nakatutulong pangyayari

Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 2. Nakatutulong sa mabisang


pagpapahayag ng isang pangyayari ang paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng sanhi at bunga.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : PICTURE ANALYSIS


Pag-aralan ang kasunod na larawan. Sumulat ng maikling talata
na binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap at
nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan tungkol ditto.

Unang Markahan | 70
RUBRIKS SA PAGTATAYA NG TALATA
Orihinalidad 2 puntos
May kaugnayan sa larawan ang mga 3 puntos
inilalahad na pangyayari
Nailahad nang maayos ang sariling 2 puntos
palagay at saloobin
Magkakaugnay ang mga pangyayari 3 puntos
KABUUAN 10 puntos

Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya: USE _____ IN A SENTENCE! USE IT!
Gamitin sa sariling pangungusap ang ss. Hudyat na mga salita sa
pagkilala ng sanhi at bunga.
a. Bunga nito
b. Dahil dito
c. Kaya naman
d. upang
e. nang sa gayon

EBALWASYON

Panuto : Uriin kung alin sa pangungusap ang Sanhi at bilugan


ito, pagkatapos ay salungguhitan naman ang Bunga.

1. – 2. Maraming mag-aaral ang natatakot magsumbong ng kaso ng


bullying kaya naman namimihasa ang mga mapang-abusong
kaeskwela.

Panuto: Tukuyin kung ang may salungguhit na bahagi ng


pangungusap ay sanhi o bunga. Pagkatapos ay
bilugan ang hudyat na salitang ginamit.

3. Minahal nang husto ni Adlaw si Bulan kaya’t pinakasalan niya ito.


4. Naging matamis ang pagsasama ng mag-asawa kaya’t nabiyayaan
sila ng maraming anak.
5. Naging mabigat para kay Adlaw ang pagkakaroon ng maraming
anak kaya naman naisip niyang patayin ang mga ito.

SUSI SA PAGWAWASTO

1. – 2. Maraming mag-aaral ang natatakot magsumbong ng kaso ng


bullying kaya naman namimihasa ang mga mapang-abusong
kaeskwela.
3.S 4.B 5.S

Unang Markahan | 71
INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

IV. KASUNDUAN

1. Balikan mong muli ang ” IBAWA: EPIKONG BATANGUEÑO”.


Itala ang mga pangayyari dito na nagpapahayag ng sanhi at
bunga.

IBAWA: EPIKONG BATANGUEÑO


Sanhi Bunga

2. Sino ang maituturing mong bayani sa iyong buhay? Humanda


sa pagsulat ng tula para sa kanila.

Unang Markahan | 72
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F8PU-Ig-h-22)


 Naisusulat ang talatang:
- binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap.
- nagpapa-hayag ng sariling palagay o kaisipan

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.3


Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.,
Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : CHAIN OF IDEAS
Bubunot ang mga mag- aaral ng mga parirala at pagkatapos ay
bubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap gamit
ang mga mabubunot. Kailangang ang pangungusap na bubuoin ay
may kaugnayan ng nauna.

Talamak na Sama-sama ang Dengue at


pagtatapon ng nabubulok at di- diarrhea outbreak
basura nabubulok sa barangay

Pagkawala ng Nakawan at pag- Maayos na


budget ng aaway away ng pamumuhay
barangay mamamayan

Unang Markahan | 73
 Pag-uugnay sa susunod na gawain.

 Pagbibigay ng input tungkol sa pagsulat ng isang


mabisang talata.

ALAM MO BA NA…

ANG PAGTATALATA
Ang talata ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na
magkakaugnay, may balangkas, may layunin, at pag-unlad ng kaisipang
nakasaad sa pinapaksang pangungusap na maaring lantad o di-lantad.
Layunin ng isang talata ang makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa
tulong ng mga pangungusap na magkakaugnay.
Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang
paksang diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at
may tamang pagkakaugnay-ugnay at pagkakasunod-sunod ng mga
kaisipan.
May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposisyon. Ito
ay ang sumusunod:
1. Panimula – ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito
nakasaad ang paksa na nais talakayin ng manunulat at kung ano
ang kanyang ipinaliliwanag, isinasalaysay, inilalarawan,o
binibigyang katwiran.
2. Gitnang talata o Talatang Ganap – ito naman ang nasa bahaging
gitna ng isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o
palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga
sumosuportang ideya upang ganap na matalakay ang paksang nais
bigyang-linaw ng manunulat.
3. Wakas o Talatang pabuod – ito naman ang kadalasang pangwakas
ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipan
na nabanggit sa gitnang talata. Minsan, ginagamit ito upang
bugyang linaw ang kabuoan ng komposisyon.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

 Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

G R A S P S

GOAL Nakasusulat ng maikling talata na binubuo ng


magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
at nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
tungkol dito

Unang Markahan | 74
Ikaw ay naatasang sumulat ng isang talata
ROLE
tungkol sa mga sinaunang uri ng Panitikang
Batangueño at sariling palagay tungkol sa mga
ito.

AUDIENCE Mga guro at kapwa kamag-aaral.

Magkakaroon ng patimpalak sa may


SITUATION
pinakamagandang talata tungkol sa Panitikang
Batangueño sa Panggradong Paligsahan sa Ala-
Eh Festival.

P R O DU C T Talatang may magkakaugnay na pangungusap.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
S T A N D AR D
Binubuo ng magkakaugnay
at maayos na mga
pangungusap.
Nagpapahayag ng sariling
palagay o kaisipan tungkol
sa magandang epekto ng
sinaunang panitikang
Pilipino mula noon hanggang
ngayon.
Nagpapakita ng simula, gitna
at wakas sa kabuoan ng
talata.
Taglay ang lahat ng
katangian ng isang mabuting
talata.

LEYENDA
5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang di-
3 – Katamtamang Husay mahusay

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

 Pagbasa ng ilang mag-aaral na kinakitaan ng kaakit-akit na


talata.

Unang Markahan | 75
IV. K A S U N D U A N

1. Sumulat ng isang napapanahong balita sa inyong paaralan gamit


ang mga hudyat ng sanhi at bunga.

2. Magsaliksik sa mga tulang umusbong noong panahon ng Katutubo.

Unang Markahan | 76

You might also like