You are on page 1of 3

Ferreol, Dominic Gerard L.

2017-00073 BS Psychology
Sa aking Sapot ng mga Salita, makikita na nakagrupo ang mga salitang

ibinigay ayon sa mga pagkakatulad nila. Unang-una, nilagay ko ang salitang “wika”

sa pinakagitna dahil, sa aking palagay, ito ang pinakaimportanteng salita sa listahan,

at siya lang ang nakakaugnay sa lahat ng mga ibang konsepto at salita sa listahan.

Para naman sa mga ibang konsepto at salita sa listahan, hinati ko sila sa apat na

rehiyon kung saan sila mas nabibilang at mas mauugnay ng maayos. Makikita rin na

nilagyan ko ang aking Sapot ng mga Salita ng kaunting disenyo, at ginawa kong

space-themed​ ito dahil sa aking paniniwala na dahil sa wika ay kahit saan ay pwede

nating puntahan.

Sa unang grupo, nakikita ang mga salitang Fonoloji, Morfoloji, Sintaks, at

Semantiks. Grinupo ko ang mga salitang ito dahil ang kahulugan nila ay nakatuon sa

teknikal na aspeto ng wika, mga pinagmulan ng mga nilalaman nito, at kung paano

natin ginagamit ito. Nakagrupo din ang mga ito dahil kung iisipin natin ay

magkakasunod ang mga ito sa pagbuo ng wika, mula sa artikulasyon ng mga tunog

ng isang wika (fonetiks), papunta naman sa kombinasyon ng mga tunog na ito

(fonoloji) para makabuo ng salita (morfoloji), hanggang sa pagbigay kahulugan sa

mga salita (semantiks). Kumbaga, lahat ng mga ito ay may kinalaman sa mga

patakaran ng wika at gramatika, at magkaugnay silang lahat sa isa’t isa dahil kung

wala ang isa sa kanila ay hindi na tayo magkakaroon ng wika, o hindi na natin ito

maiintindihan at magagamit ng wasto.

Sa pangalawang grupo, nakalagay ang mga salitang mayroong kinalaman sa

pananalita at pagbigkas ng wika. Nilagay ko ang mga ito sa isang grupo dahil lahat

sila’y nakatuon sa mga iba’t ibang paraan ng pananalita ng anumang wika, at ang

pagkakaiba nila ay tungkol lamang sa aspeto ng pagbigkas kung saan sila nakatuon.

Ang Diglossia naman ay nakalagay sa ilalim ng Dayalek dahil ang Diglossia ang
nangyayari kapag mayroong dalawang anyo ng pananalita sa loob ng isang lugar, at

nakita naman natin sa konsepto ng Panlipunang Dayalek na mayroon talagang

pagkakaiba sa pagbigkas kapag pormal at impormal.

Sa ikatlong grupo naman, makikita ang mga salitang mayroong kinalaman sa

pag-aaral tungkol sa wika. Ang pangunahing salita na mayroong kaugnayan sa

salitang Wika ay ang salitang Linggwistiks, dahil ang kahulugan nito ay ang

siyentipikong pag-aaral ng wika, kaya ko ito nilagay na pinakamalapit sa grupong ito.

Sa ilalim naman nito, nakalagay ang Hypothesis ni Sapir at Whorf at ang

Determinismong Linggwistik, dahil ang dalawang konseptong ito ay nabuhay mula

sa disiplina ng linggwistiks, at dalawa ito sa pinakamalaking teorya mula sa relasyon

ng pag-iisip at ng wika. Grinupo ko silang dalawa sa ilalim ng Linggwistiks dahil alam

ko rin mula sa nakaraang karanasan sa Lingg 1 na makikita ang dalawang

konseptong ito sa linggwistiks.

Panghuli, sa pang-apat na grupo naman makikita ang mga baryasyon ng wika

na binibigkas. Para sa akin ay pinakatama na igrupo ang mga konseptong ito dahil

maraming baryasyon ng wika na binibigkas, at dito lamang sila pwedeng maiugnay.

Nilagay ko ang Lingua Franca, Istandard na Wika at Creole na mas malapit sa

gitnang salita na Wika dahil nakita ko na sila’y mga pangunahing baryasyon ng mga

wikang binibigkas, ang Istandard na Wika ay para sa mga opisyal na paggamit ng

wika, ang Creole naman ay nagmula naman sa pangangalakal, at ang Lingua

Franca naman ang nagsisilbing tulay sa gitna ng dalawang grupong magkaiba ang

pangunahing wika. Sa ilalim naman ng Istandard na Wika, makikita ang konsepto ng

Pambansang Wika, Opisyal na Wika, at Wikang Panturo. Sa aking pagkaunawa ng

mga konseptong ito, grinupo ko sila dahil naniniwala ako na sila’y nanggagaling sa

Istandard na Wika, at ginagawa sila gamit ang istandard.

You might also like