You are on page 1of 1

Activity Sheet

FILIPINO VI
Ikalawang Markahan (Unang Linggo)

Pangalan: ________________________________________
Grade Level: __________________
Section: __________________
Date/Petsa: ________________
Title:
Gamit ng Pang-Uri

Panimula (Susing Konsepto):


Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na naglalarawan ng ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari,
lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan, ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang pangngalan.

Halimbawa :
1. Si Dr. Jose Rizal ay matalinong bayani. (matalino - naglalarawan sa bayani)
2. Ang alaga kong aso ay makapal ang balahibo. (makapal - naglalarawan sa balahibo)
3. Tahimik ang mga paaralan ngayon sa panahon ng pandemya. (tahimik - naglalarawan sa paaralan)

Kasanayang Pampagkatuto at koda:


 Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon (F60L-IIa-e-4)

Gawain 1: Salungguhitan ang pang-uri na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Si Joanna ay masipag na bata.


2. Tumutulong siya sa kanyang ina na linisin ang kanilang malaking hardin.
3. Isang kayumangging aso ang alaga ni Joanna.
4. Hinahandaan niya ang kanyang mabait na alaga ng pagkain araw-araw.
5. Maagang umaalis si Joanna patungo sa malayong paaralan.
6. Naglalakad siya sa makipot na daan upang makarating sa paaralan.
7. Maingay ang mga kaklase ni Joanna.
8. Nagtatakbuhan ang mabibilis na mga bata sa palaruan.
9. Nagtutungo si Joanna sa tahimik na silid-aklatan upang mag-aral.
10. Humihiram siya ng mabigat na libro upang basahin sa bahay.

Gawain 2: Panuto: Gamit ang ibinigay na pang-uri, sumulat ng makabuluhang pangungusap.

1. parisukat _____________________________________________________________________
2. sampu _____________________________________________________________________
3. bughaw _____________________________________________________________________
4. maliit _____________________________________________________________________
5. matulungin _____________________________________________________________________

Repleksyon:
Ang natutuhan ko sa araling ito ay_____________________________________________.

You might also like