You are on page 1of 3

LESSON PLAN

FILIPINO 3

I. Layunin
A. Nasasabi ang paksa o tema ng teksto, kwento o sanaysay

II. Paksang Aralin


A. Pagtukoy ng Paksa o Tema F3PB-IIId-10
B. Ikatlong Markahan ; Ikatlong Linggo

III. Pamamaraan
A. Tanungin ang mga bata tungkol sa mga kalamidad na nangyayari sa bansa. Hayaang magbigay ng
opinyon ang mga bata tungkil dito at pag-usapan ito sa klase.
B. Ipakita ang larawan sa mga bata

C. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng opinion ukol sa mga larawang ipinakita.
D. Talakayin ang tungkol sa Paksa o Tema ng Teksto, Kwento o Sanayasay.
E. Ipasagot ang mga pagsasanay
F. Paglalahat
 Ang Paksa o Tema ay ang pangunahing ideya o kaisipan na pinag-uusapan o tinatalakay sa
isang pangungusap o talata

 Dito umiikot ang kwento. Ito rin ang itinatampok ng mga pangkat ng salita.
 Maaari itong makita sa unahan, gitna, o huling bahagi ng talata.

IV. Pagtataya
I. Bilugan ang paksa o tema ng talata.

Ang ating paaralan ay may iba’t-ibang pagdiriwang. Ang Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12 ay
ginugunita ang unang pagtaas ng bandila ni Pangulong Aguinaldo. Pinagdadala naman ng
masusustansiyang pagkain tulad ng prutas, gulay, itlog at iba pa ang mga mag-aaral tuwing Hulyo para sa
Buwan ng Nutrisyon. Habang pinagsusuot naman ng kasuotang Filipino ang mga mag-aaral kapag Buwan
ng Wika tuwing Agosto.

II. Sumulat ng 5 pangungusap na sumusuporta sa ibinigay na paksang pangungusap.


Paksa: Ang isang mabuting mag-aaral ay may tungkulin na dapat gampanan sa

paaralan.
1. __________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________

Prepared by: Noted by:


IVY P. GUEVARRA ROSALINA M. GARCIA
Teacher Principal I

You might also like