Professional Documents
Culture Documents
Demo Module
Demo Module
I. Nilalaman
A. Paksa: Isip at Kilos Loob
B. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learner’s Module
C. Kagamitan:
Power Point Presentation, LCD at Laptop
D. Subject Integration: Araling Panlipunan
II. Mga Pamantayang Pampagkatuto
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa isip at kilos-loob.
B. Pamantayang Pagganap
Naisasagawa ang mga pasyang patungo sa katotohanan at kabutihan batay sa mga konsepto tungkol sa
isip at kilos-loob.
Pagtala ng kakayahan:
KAKAYAHAN
HAYOP HALAMAN TAO
Paglalahad ng Aralin:
- Modyul 5 Isip at Kilos Loob. Natatangi kang tao na nabubuhay sa mundong ito. Wala kang katulad at
hindi ka naulit sa kasaysayan. Tawagin mang ito ay isang talinhaga subalit ito ay totoo. Sa madaling
salita ikaw ay espesyal, mayroon kang taglay na kakayahan na siyang nagpapabukod-tangi sa iyo.
- Ang guro ay magsisimulang tatalaklayin ang tao ay espesyal sa lahat ng antas ng nilikha ng Diyos.
- Kasunod ng pagpapaliwanag ng pagbubuglot ng katangian ng tao base sa aspeto ng isip at kilos loob
sa pagpapaliwanag ng pilosopiya nina Aristotle, Plato, St. Thomas Aquinas at manuel Dy.
- Ipapaliwanag na ang isip ay nagpapabukod tangi sa tao upang maabot ang kasarinlan ng kabutihan sa
pag-papasiya.
- Ipapaliwanag ang kilos loob ang siyang resulta ng ng tamang impormasyon sa isip at magbibigay
kilos sa katawan.
- Ipapaliwanag na ang isip at kilos loob ay siyang batayan sa pagpapaunlad ng dignidad ng tao.
- Ipapaliwanag ang isip at kilos loob sa pagpapakita ng illustration o diagram sa paanong mapapaunlad
ang isip at kilos loob.
V. Paglalahat o Sintesis
- Sa pagtatapos ng talakayan ang mga magaaral ay magninilay sa short film na kwento ni “Agustin Laude”.
- Ang Guro ay magsisimulang magtanong matapos panuurin ang short film.
VI. Takdang Aralin
Panuto: Sabihin kung ang mga sumusunod na pagpapasiya ng isip at ginawa ng loob na nakapaloob sa mga
sumusunod na pangyayari ay patungo sa pagkakamit ng katotohanan at kabutihan.
A. Mahirap ang pagsusulit ninyo sa isang asignatura. Hindi ka gaanong nakapagbalik-aral nakita mong may
mga nagkokopyahan kaya naisip mong mangopya narin kaysa bumagsak. Ito ba ay magiging isang
mabuting pagpapasya tungo sa katotohanan at kabutihan? Bakit?
B. May dalawang taong kumatok sa bahay nina Faye. Nang pagbuksan niya ng pintuan ang mga kumakatok,
sinabi nila sa kanya na mga kawani sila ng munisipyo at inatasan silang magsagawa ng pagdidisimpekta
sa kanilang bahay dahil sa corona virus. Hindi siya nag-atubiling papasukin ang mga tao sa kanilang
bahay. Tama ba ang ginawa ni Faye? Bakit?
VII. Pagtatapos:
Panalangin.