You are on page 1of 5

Paaralan SAN JOSE PILI NATIONAL Baitang 10

HIGH SCHOOL
Guro LORENEL S. INTERINO Asignatura FILIPINO 10
Petsa/Oras Marso 25,2021, / 1:00 ng Markahan IKALAWA
hapon

PINAKAMAHALAGANG KAKAYAHAN sa PAG-AARAL


Naisusulat ang sariling tula na hawig sa paksang tinalakay.

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

 Nasusuri ang nilalaman ng tula.


 Nakapagbabahagi ng sariling opinyon/ saloobin/ damdamin o pananaw batay sa
tulang napakinggan.
 Nakapagsasagawa ng isang presentasyon ng pagtula sa Youtube.

II. PAKSANG -ARALIN

 ANG PAMANA
ni Jose Corazon de Jesus

A. Sanggunian: Self Learning Module


Kwarter 2- Aralin 4, pahina 7

B. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo : Powerpoint presentation, manilapaper,


pentelpen, sipi ng tula, video clip ng tula, rekord ng awitin.

C. Integrasyong Asignatura : Matematika, Kasaysayan, Musika, Sining at


Edukasyon sa Pagpapakatao.
D. Konsepto : Pagpapahalaga sa pandamdamin at pangkaasalan;
Pagpapahalaga sa magulang.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain: ( 2 minuto)
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aral
4. Pagtala ng liban
5. Pagwawasto ng takdang -aralin
Balik- Aral – Magbibigay ng ilang katanungan hinggil sa katangian, uri at
mahahalagang elemento ng tula.
- Itatanong sa mga mag-aaral kung may katanungan o nais
malaman pa sa nakaraang paksang aralin.

B. PAGLINANG NG GAWAIN
1. PAGGANYAK: (3 minuto)
Sa ating aralin ngayong hapon, inaasahan ko na ang lahat ay magiging

K.A.R.L.A
K-kailangan
A- ang maging
R-responsible ang
L-lahat para sa
A-aralin natin ngayon.

 Magpaparinig ng isang awitin na may pamagat na “ Iingatan Ka”.


 Matapos mapakinggan ang awitin, tatawag ng piling mag-aaral upang sagutin
ang sumusunod na katanungan)
1. Ano ang paksa ng awiting ating napakinggan?
2. Ano ang naging damdamin ninyo hinggil dito?

2. PAGLALAHAD ( 2 minuto)

a. Paglalahad ng paksa: Ilalahad ang paksang aralin at magbibigay ng pahapyaw


na kaalaman tungkol sa may-akda.

Jose Corazon de Jesus -kilala rin bilang Huseng Batute, ay isang makatang


Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog, upang ipahayag ang
pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya noong panahon ng
pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946). Tinawag ring
"Pepito" noong kanyang kapanahunan. Siya ay tinaguriang “ Hari ng
Balagtasan “

b. Paglalahad ng layunin: Ipababasa sa isang mag-aaral ang layunin para sa


paksang aralin.

 Nasusuri ang nilalaman ng tula.


 Nakapagbabahagi ng sariling opinyon/ saloobin/ damdamin o
pananaw gamit ang mga hugis na pantulong.
 Nakapagsasagawa ng isang presentasyon ng pagtula sa Youtube.

c. Pagbibigay katuturan sa mga mahihirap na terminolohiya

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na mga matatalinghagang pahayag na


mula sa akda. Matatagpuan ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng paghanap
ng mga katumbas na letra ng bilang sa ilalim ng patlang. Gamitin sa pangungusap
ang kahulugan ng salita.

A B C D E F G H I J
1 3 5 7 9 11 13 15 17 19

K L M N O P Q R S T
21 23 25 26 24 22 20 18 16 14

U V W X Y Z
12 10 8 6 4 2

1. Ngayon ay namamanglaw siya sa pagkawala ng kanyang lolang iniibig.


__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
23 1 3 17 16 26 1 26 1 23 12 23 12 26 13 21 24 14

2. Dahil sa labis na pagtutol ng kanilang magulang tinangka ng magkasintahan na lumisan.


__ __ __ __ __ __
26 1 7 1 23 1

3. Habilin ng aking ina na huwag pababayaan ang aking mga kapatid.


__ __ __ __ __ __ __ __
22 1 1 23 1 1 23 1

4. Mga ginigiliw kong mga kapamilya, kamag-anak, at kaibigan, sana sa darating na aking
kaarawan ay huwag ninyong kalilimutan ang inyong mga regalo sa akin.
__ __ __ __ __ __ __ __ __
23 1 26 1 25 1 15 1 23

5. Sa gunita ng aking pagkabata hindi nawawaglit sa aking isipan ang kanyang sinabi sa
akin.
__ __ __ __ __ __
1 23 1 1 23 1

 Bago iparinig, palilipatin ng guro sa unahang bahagi ang mga mag-aaral na may
mahinang pandinig at paningin upang higit na maunawaan.
 Pagpaparinig/ pagpapanood ng Record/ Video clip ng tulang
“Ang Pamana”

AKTIBITI
 Hahatiin sa apat na pangkat at bubunot ang bawat isang mag-aaral sa
kahon upang malaman kung saan pangkat nakabilang.
 Ibibigay ang pamantayan sa pagmamarka.
 Itatanong sa mga mag-aaral kung sumasang-ayon sa pamantayan sa
pagmarka.

Daymensyon Pursyento
(Cooperative Learning )
A. Malikhaing presentasyon 40%
B. Angkop na kasagutan 30%
C. Pagkakaisa ng grupo 20%
D. Takdang Oras 10%
(1-20, 2-18, 3-15 , 4-12)
Kabuoan 100%

 Bawat isang pangkat ay bibigyan ko ng sipi ng akda .

Panuto: Susuriin ninyo ang diwa na nakapaloob sa saknong. Bawat pangkat ay may
nakatalagang gawain na naayon sa inyong nasuri. Bibigyan ko kayo ng
limang (7) minuto upang pag-usapan at tatlong (3) minuto sa pagbabahagi
sa klase.

P1- Unang saknong - pumili ng isang awitin na may kaugnayan sa diwang nasuri.
P2- Ikalawang saknong- gumuhit ng larawan na nagpapakita sa diwang nasuri.
P2- Ikatlong saknong – gumawa ng isang interpretatib na sayaw ayon sa diwang nasuri.
P4- Ikaapat na saknong- magpakita ng senaryo ayon sa diwang nasuri.

 Ilalahad ng lider ng bawat grupo ang ginawang pagsusuri.


 Ipapasa ang ginawang out-put na nakasulat ang miyembro ng pangkat.

ANALISIS

(Magbibigay ng feedback ang guro batay sa inuulat ng bawat lider ng pangkat).

Daymensyon % P1 P2 P3 P4
Malikhaing 40
presentasyon
Angkop na kasagutan 30
Pagkakaisa ng grupo 20
Oras 10
Kabuuan 100

ABSTRAKSYON

Mga gabay na katanungan

1. Ano ang kahulugan ng ideyal na pag-ibig (ng ina sa anak , ng anak sa ina) na
mababasa sa tula?
2. Bakit ginamit na sukatan ang mga materyal na bagay sa abstraktong damdamin
gaya ng pag-ibig sa tula?
3. Saan mauugat ang pagkakamali ng tao sa materyal na bagay o pagiging
materyalistiko? Ano ang posisyon ng makata hinggil dito?
4. Sa iyong palagay ano kaya ang nais ipabatid ni Jose Corazon de Jesus sa mga
kabataan at mag-aaral na katulad ninyo?
5. Bilang isang anak, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong
magulang?

APLIKASYON

Panuto: Punan ang mga hugis sa ibaba ayon sa mga hinihinging kasagutan.

Pangkat 1 -Pumili ng isang pinakamalapit sa iyong puso na linya sa tula at isulat


ito sa loob ng puso. Ipaliwanag kung bakit.

Pangkat 2 - - Iguhit sa loob ng parisukat ang apat na mahahalagang bagay na nais


ninyong pamanahin sa inyong magulang at ipaliwanag kung bakit ito
ang inyong napili.

Pangkat 3- -Pumili ng tatlong konseptong nakapaloob sa tula. Alin dito ang


pinakaimportante saiyo? Bakit?

Pangkat 4- -Sa loob ng bilog isulat ang mga aral na nais ipabatid ng tulang “ Ang
Pamana”.

 Presentasyon ng bawat pangkat sa kanilang napagkasunduang gawain.

(Mamarkahan ang ginawang aktibiti sa pamamagitan ng dating pamantayan sa


pagmamarka. Ipapasa ang ginawang ng bawat pangkat na may pangalan ng
mga miyembro sa likuran ng manila paper).

E. PAGLALAGOM ( 2 minuto)

 Naranasan mo na ba na pamanahan o nabigyan ng isang bagay ng iyong mga


magulang? Paano mo ito pinahalagahan?
 Bakit mahalagang sundin natin ang kanilang tagubilin?

IV. EBALWASYON (5minuto)

 Panuto: Sagutan ng buong husay ang mga katanungan.


1-3. Ano ang mga bagay na pamanang nabanggit sa tula?
3-6. Batay sa unang kasagutan kanino ito hinihabilin?
7. Ano ang pangalan ng may akda?
8. Ang may akda ng Ang Pamana ay mas kilala sa alyas na___
9-10. Magbigay ng kaisapan at mensahe na nakapaloob sa tula.

( Bibigyan ng panuto ng guro ang mga mag-aaral kung paano ipapasa ang papel )

H. KASUNDUAN

1. Sumulat ng sariling tula na may hawig sa paksang tinalakay. Ivideo ang sarili
habang binabasa o binibigkas ang tulang ginawa at i-upload ito sa You Tube.

Pamantayan sa Pagmamarka

Napakagaling Magaling Katamtaman Kailangan ng pagsasanay


(10) (8) (6) (4)
Napakalalim at Malalim at makabuluhan Bahagyang malalim at Mababaw at literal ang
makabuluhan ang ang kabuuan ng tula. makabuluhan ang labuuan ng tula.
kabuuan ng tula. kabuuan ng tula.

Gumamit ng Gumamit ng simbolismo/ Gumamit ng 1-2 Wala ni isang


simbolismo/ pahiwatig na simbolismo na nakalito pagtatangkang ginawa
pahiwatig na nakapagpaisip sa mga sa mga mambabasa. Ang upang makagamit ng
nakapagpaisip sa mambabasa.May piling mga salita ay di-gaanong simbolo.
mga mambabasa. salita at pariralang pili.
Piling-pili ang mga ginamit.
salita at pariralang
ginamit.
Napakalinaw na Malinaw na nabigkas at Hindi gaanong malinaw na Hindi malinaw na nabigkas
nabigkas at nalapatan ng wastong nabigkas at ang lapat ng ang tula at walang himig.
nalapatan ng himig ang tula himig ay hindi gaanong
wastong himig ang wasto.
tula
Lubos na naiangkop Naiangkop ang lakas at Hindi gaanong naiangkop Hindi naiangkop ang lakas
ang lakas at paghina paghina ng tinig sa ang lakas at paghina ng at paghina ng tinig sa
ng tinig sa damdamin damdamin at diwa ng tinig sa damdamin at diwa damdamin at diwa ng tula.
at diwa ng tula. tula. ng tula.
Lubos na kawili-wili Naging kawili-wili at Hindi gaanong kawili-wili Hindi naging kawili-wili at
at nahikayat ang nahikayat ang lahat na at kaunti lamang ang walang nakinig.
lahat na making. making. nakinig.

2. Magsaliksik ng kahulugan ng tayutay at mga halimbawa nito, isulat ito sa


inyong kwaderno.

Inihanda ni:

LORENEL S. INTERINO
Guro 1

You might also like