Professional Documents
Culture Documents
MULA SA HARAPANG UGNAYAN MULA SA MGA MATERYAL NA IBA PANG BATIS:
SA KAPUWA-TAO NAKA-IMPRENTA SA PAPEL NA
MADALAS AY MAY KOPYANG
ELEKTRONIKO:
Pagtatanong-tanong Awtobiyograpiya Harapan o online na survey
Pakikipagkwentuhan Talaarawan Artifact kagaya ng bakas o labi ng
dating buhay na bagay, specimen,
pera, kagamutan, at damit
Panayam o interbyu Sulat, koreo at email Nakarekord na audio at video
Pormal, inpormal, estrukturado, Tesis at disertayon Mga blog sa internet sa internet na
semi-instrukturadong talakayan naglalahad ng sariling karanasan o
obserbasyon
Umpukan Sarbey Website ng mga pampubliko at
pribadong ahensya sa internet
Pagbabahay-bahay Artikulo sa journal Mga likhang sining tulad ng pelikula,
musika, painting, at music video
Balita sa diyaryo, radyo, at
telebisyon
Mga record ng mga tanggapan ng
gobyerno kagaya ng konstitusyon,
katitikan ng pulong, kopya ng batas
at kasunduan, taunang ulat, at
pahayagang pang-organisasyon
Orihinal na dokumento kagaya ng
sertipiko ng kasal at testamento
Talumpati at pananalita
Larawan at iba pang biswal na
grapika
SEKONDARYANG BATIS
1.Ilang artikulo sa diyaryo at magasin kagaya ng editorial, kuro-kurong tudling, sulat sa patnugot, at tsismis o tsika
2.Enyclopedia
3.Teksbuk
4.Manwal at gabay na aklat
5.Diksyunaryo at Tesoro
6.Kritisismo
7.Komentaryo
8.Sanaysay
9.Sipi mula sa orihinal na hayag o teksto
10.Abstrak
11.Mga kagamitan sa pagtuturo kagaya ng PowerPoint presentation
12.Sabi-sabi
•Alin man sa mga sekondaryang batis ay maaaring maging primaryang batis kung ito ang mismong paksa ng
pananaliksik.
•Sa pangkalahatan, sa dalawang uri ng batis, mas binibigyang prayoridad ng isang mananaliksik ang primarya
kaysa sekundarya
MEDIADONG UGNAYAN
Maaring makakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng ICT, lalo na kung may limitasyon sa distansya at panahon.
Kalakasan ng Mediadong ugnayan:
1. Pagkakataong makausap ang mga tagapagbatid na nasa malalayong lugar sa anomang oras at pagkakataon
kung kailan nila maisisingit ang pagresponde
2. Ang makatipid sa pamasahe at panahon
3. Ang mas madaling pag-oorganisa ng datos lalo na kung may elektronikong sistema na ginagamit
Sa pagpili ng tagapagbatid dapat na isaalang-alang ang disenyo ng pananaliksik
Kwantatibong disenyo - hangad ang random na pagpili ng kalahok laolo na kung hangad ang paglalahat mula sa
sample ng isang populayon
Kwalitatibong disenyo - pakay ang dibersidad sa katangian ng mga tagapagbatid, maliban kung kahingian sa
pananaliksik ang pagkakatulad ng isa o ilang partikular na katangian ng paksa.
- Dapat ding isaalang- alang kung saang uri ng komunikasyon ipapahayag ang mga nakalap na datos
- Man-on-the-street, isang madaliang interbyu sa sinomang indibidwal na pumayag na magbigay ng opinyon
MIDYA BILANG BATIS NG IMPORMASYON
Kailangan ding pag-isipang mabuti ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito sa binubuong pahayag ng
kaalaman.
Iminumungkahing rebyuhin ng mananaliksik ang mga pamamaraan sa pagpili ng batis ng impormasyon.
Kwantatibong disenyo:
1.Probability sampling
2.Non-probability sampling
Kuwalitatibong disenyo:
1.Purposive o purposeful sampling
2.Theoretical
3.Maximum variation
4.Typical case
5.Critical case
6.Extreme o deviant case
7.Art criterion
Mga Pamamaraan ng Paghahagilap
- Ang pamamaraan ng pagkalap ng datos ay bahagi ng disenyo ng saliksik
Eksperimento
Kuwantitatibong Disenyo ng pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng independent variable, na nagsisilbing
interbensiyon, sa dependent variable, na tinatalaban ng interbensiyon.
SURVEY
• Ginagamit sa malakihang populasyon upang sukatin ang kaalaman, persepsiyon, disposisyon, kilos, gawain,
, nararamdaman, at katangian ng isang tao (Baxter & Babbie, 2014).
• Talatanungan, harapan o online
INTERBYU
• Interaksyon sa pagitan ng mananaliksik bilang tagapagtanong at tagapakinig, at ng tagapagbatid na siyang
tagapagbahagi ng impormasyon (Baxter & Bannie, 2014).
• Estrukturadong Interbyu – Gabay na tanong.
• Semi-estrukturadong Interbyu – mayroon ding gabay na tanong subalit puwedeng baguhin ang
pagkakaayos depende sa takbo ng interbyu.
• Di-estrukturado – walang gabay na tanong.
KAHINAAN:
- May dominante
- Magkasalungat na ideya
- Hidwaan sa mga kalahok
- Kahiyaan
PAGTATANONG-TANONG
• Ito ay mainam sa sumusunod na pagkakataon
1. ang impormasyon ay makukuha sa higit sa isang tagapagbatid
2. hindi tuwirang matatanong ang mga taong may direktang karanasan
3. di-tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan
4. beripikasyon ng sagot.
PAKIKIPAGKUWENTUHAN
• Di-estrukturado at pormal na usapan ng mananaliksik at mga tagapagbatid hinggil sa isa o higit pang mga paksa
kung saan walang ginagamit na tiyak na mga tanong.
• Malaya magbahagi ng opinyon ang mga kalahok.
PAGDALAW-DALAW
• “Pagpunta-punta at pakikipag-usap” ng mananaliksik sa tagapagbatid upang makakuha ng datos.
PAKIKIPANULUYAN
• Pagdalaw sa isang lugar at pakikisangkot at pakikisalamuha sa mga aktibidad ng mga tao upang makakuha ng
datos.
• Inaasahang malalim at komprehensibo ang impormasyon dahil pang matagalan ito.
PAGBABAHAYBAHAY
• Pagbisita o pagpunta sa iba’t ibang tirahan upang makakuha ng datos.
PAGMAMASID
• Obserbasyon
TAGAPAGMASID
• Complete Observer (ganap na tagapagmasid) – Hindi alam o napapansin ng mga kalahok na sila ay
inoobserbahan. Hindi nakikilahok ang mananaliksik.
• Complete Participant (ganap na kalahok) – Hindi alam o napapansin ng mga kalahok na sila ay inoobserbahan
ngunit nakikilahok ang mananaliksik.
• Observer as Participant (tagamasid bilang kalahok) – Alam ng mga kalahok na sila ay inoobserbahan ngunit
walang interaksyon sa mananaliksik.
• Participant as Observer (kalahok bilang tagamasid) – Alam ng mga kalahok na sila ay inoobserbahan at may
interaksyon sa mananaliksik
TALAAN SA FIELDWORK
• Ang talaan ay hindi lamang nagsisilbing listahan ng mga tao, bagay, lugar, at pangyayari na may kaugnay sa
pananaliksik, kundi naglalaman din ng iniisip, agam-agam, repleksiyon, at napagtanto ng mananaliksik habang
nangangalap ng datos sa isang lugar
• Dito isinusulat ang obserbasyon hindi nasagap sa rekorder; at kung nairekord man ang isang interaksyon
mahalaga pa rin ito sa pagbeberipika ng impormasyon ng gagamitin sa pananaliksik.
REKORDER
• Maaring irekord sa audio o video ang nagaganap na usapan ng mananaliksik at tagapagbatid kung ito ay pahintulot
sa huli
• Karaniwang inirerekod ang panayam at pangkatang talakayan kagaya ng Focus Group Discussion
• Ang paggamit ng rekorder, lalo na kung alam ito ng tagapagbatid, ay maaring makapagdulot sa kaninya ng agam -
agam na magbahagi nang bukal sa loob.
-CPL-