You are on page 1of 3

Paksa: Barayti ng Wika

I. PAGKILALA

PANUTO: Kilalanin ang mga tinutukoy na konseptong pangwika sa bawat pahayag


batay sa nakalahad na kahulugan. Isulat ang sagot sa linyang nakalaan sa bawat
bilang.

_______________1. Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula
bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa
komunidad.

_______________2. Barayti ng wika na nangyayari kapag may dalawang taong


nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may
magkaibang unang wika at di nakaaalam sa wika ng isa’t isa.

_______________ 3. Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti ng wika.

_______________4. Ito ang tawag sa wika ng mga bakla o beki na nagsimula bilang
sikretong wika subalit kalauna’y ginagamit na rin ng nakararami.

_______________5. Ito ang barayti ng wikang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan


ng isang pangkat-etniko.

_______________6. Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba sa


katayuan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.

_______________7. Tinatawag din itong wikang rehiyonal.

_______________8. Barayti ito ng wika na nadedebelop mula sa mga salita ng mga


etnoligguwistikong pangkat.

_______________9. Anong barayti ng wika ang ginagamit ng pamilya sa loob ng


tahanan?

_______________10. Ito ang barayti ng wika na tumutukoy sa mga salita na


espesyalisadong nagagamit sa isang partikular na domeyn.

_______________11. Ito ay may sariling set ng bokabularyo maging sa punto o tono at


sa estruktura ng pangungusap.

_______________12. Ito ay ang barayti ng wikang nalilikha dahil sa natatanging


paggamit ng wika ng isang tao.

_______________ 13. Ito ay barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong sosyal batay


ito sa mga pangkat panlipunan.
_______________14. Ito ang barayti ng wika na kung saan lumulutang ang personal na
katangian ng taong nagsasalita.

_______________15. Ito ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa.

_______________16. Ang tawag sa tamang paggamit at pagkontrol ng tao sa


dalawang wika na maituturing tila ang dalawang wikang ito ay ang kanyang
katutubong wika.

_______________17. Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang.

_______________18. Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang


nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.

_______________ 19. Ito ay may kaugnayan sa relasyon ng nagsasalita sa kausap.

________________20. Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit


ng mga tao sa bansa.

II. PAG-UNAWA

PANUTO: Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan, tukuyin kung
sa anong barayti ng wika nabibilang ang mga sumusunod na mga pahayag o
sitwasyon. Isulat ang sagot sa linyang nakalaan.

______________1. “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”

______________2. Maririnig sa kanilang usapan ang mga salitang charot, bigalou,


chaka, aketch at iba pa.

______________3. “Handa na ba kayo?” ito ang linyang binibigkas ni Korina Sanchez


sa kanyang programang Rated K.

______________4. Madalas nag-uusap ang mga guro tungkol sa pagbuo ng lesson


plan, quizzes, essay, at grading sheets.

______________5. Come on na. We’ll gonna make pila pa. It’s so haba na naman for
sure.

______________6. Ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa


ulo sa init man o sa ulan.

______________7. Ang mga linyang ito ni Mike Enriquez “Hindi naming kayo
tatantanan”

______________8. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga


katutubo sa binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong
walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang
sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.

______________9. Nagbabago ang paraan ng pagsasalita at pinapalitan ang gamit ng


mga salita depende sa kausap.

______________10. “Nandito na ako” pinaiikli at nagiging ‘d2 na me”.

III. PAGPAPALIWANAG

PANUTO: Gamit ang mga natutunan sa sariling pagbabasa, pagsasaliksik at talakayan


tungkol sa barayti ng wika. Ipaliwanag sa sariling pananalita ang nais ipahiwatig sa
saknong na ito na halaw sa tulang isinulat ng makatang si Jose Corazon de Jesus sa
kanyang tulang pinamagatang PAG-IBIG.

“Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso!

Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.

Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’y naglalaho;

Layuan mo at kay-lungkot nananagho’y ang pagsuyo!

PAMANTAYAN:

Mensahe 5

Kakintalan 5

10 puntos

You might also like