You are on page 1of 21

5

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4
(Week 5-6)

Kaugnayan ng Pakikipaglaban ng mga


Pilipino sa Pag-usbong ng Kanilang
Nasyonalismong Damdamin

Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4 (Week 5-6) Kaugnayan ng Pakikipaglaban ng mga
Pilipino sa Pag-usbong ng Kanilang Nasyonalismong Damdamin

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatangsipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Yurineil J. Basan

Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas Johanna S. Tampus


Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente
Tagaguhit: Frances Zarah Pantonial
Tagalapat: Maria Teresita D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE Curriculum
Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
5

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4 (Week 5-6)

Kaugnayan ng Pakikipaglaban ng mga


Pilipino sa Pag-usbong ng Kanilang
Nasyonalismong Damdamin

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang
mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa aralin tungkol sa Kaugnayan ng Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Pag-usbong ng Kanilang
Nasyonalismong Damdamin.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag -aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa aralin tungkol sa Kaugnayan ng Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Pag-usbong ng Kanilang
Nasyonalismong Damdamin.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa
Alamin modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa


aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Subukin
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Balikan
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Tuklasin

ii

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin


Suriin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula
Isaisip sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto


sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Karagdagang
Gawain
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sapamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikalimang Baitang!
Noong nasa ikaapat na baiting ka ay natutunan mo ang tungkulin at
karapatan bilang isang mamamayang Pilipino sa ating bansa. Nalaman mong isa
sa mga tungkulin bilang Pilipino ay ang maipagtanggol ang bansa laban sa mga
gusting sumakop nito. Tungkulin din natin ang alagaan ang ating Inang Bayan at
mahalin ito dahil ditto tayo nakatira. May mga tumangka at sumakop sa ating bansa
noon pero hindi tayo tumigil upang makamit muli ang ating inaasam na kalayaan.
Ngayon ay mapapalawak ang iyong isipan tungkol sa kaugnayan ng
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Sa
modyul na ito ay mapapahalagahan mo ang kanilang pakikipaglaban upang
matamo ang matagal ng inaasam na kalayaan para sa Pilipinas.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Kaugnayan ng Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Pag-usbong ng Kanilang


Nasyonalismong Damdamin

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong
ng nasyonalismong Pilipino (MELC);

2. Natutukoy ang mga pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong ng


nasyonalismong damdamin at;

3. Napapahalagahan ang ginawang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa


pagusbong ng nasyonalismong damdamin.

Subukin
1
Panuto: Basahin ang mga katanungan at piliin sa mga sumusunod na pahayag
ang hinihingi ng tanong. Isulat ang titik ng iyong mga napiling sagot sa isang
hiwalay na papel.

Maraming pinagdaanan ang mga Pilipino bago nila nakuha ang kalayaan mula sa
mga mananakop na mga Espanyol. Marami ang sumakop sa ating bansa at
naghirap ang mga sila dahil sa pangyayaring ito. Masasabi kong matapang ang
mga Pilipino dahil sa ipinagtanggol nila ang kanilang kasarinlan mula sa mga
makapangyarihang Espanyol at Amerikano.

1. Sinu-sino ang mga sumakop sa ating bansa?


A. Espanyol C. Hapones
B. Amerikano D. Wala sa mga nabanggit

2. Sa iyong palagay, bakit naghirap ang mga Pilipino sa kamay ng mga


mananakop?
A. Dahil sa sobrang paniningil ng buwis
B. Dahil sa mga patakaran sa ilalim ng mananakop
C. Dahil sapilitan silang pinatatrabaho na walang bayad
D. Lahat ng mga nabanggit

3. Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa mga Espanyol?


A. Reduccion C. Death March
B. Polo Y Servicio D. A at B

4. Masasabi mo bang matapang ang mga Pilipino?


A. Oo, dahil lumaban ang mga Pilipino upang makamit ang kalayaan ng
bansa
B. Oo, dahil wala silang magawa kundi magtapang-tapangan nalang C. Oo,
dahil nangangaso sila para may makakain
D. Oo, dahil hindi sila namimili ng pagkain.

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga Pilipino noon, lalaban ka ba sa mga
mananakop?
A. Oo, dahil hindi na tama ang ginagawa nila sa mga Pilipino
B. Oo, upang magkaroon ng kalayaan ang mga Pilipino
C. Oo, dahil tungkulin ko bilang Pilipino ang ipagtanggol ang bansa D. Lahat
ng mga nabanggit

2
Aralin Kaugnayan ng Pakikipaglaban ng mga
Pilipino sa Pag-usbong ng Kanilang
4 Nasyonalismong Damdamin
Isang masayang pagtuntong sa Ikalimang Baitang!
Sa naunang modyul ay natutunan mo ang impluwensya ng mga
Espanyol sa kultura ng mga Pilipino. Natutunan mo rin ang tugon ng mga
Pilipino sa kolonyalismong Espanyol at ang pagtatanggol ng mga Pilipino
laban sa kolonyalismong Espanyol.
Ngayon ay mas mapapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa
kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino. Mauunawaan mo kung ano ang naging papel ng
pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kanilang inaasam-asam na
kasarinlan sa damdamin ng mga Pilipino para sa bansa.
Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Balikan
Panuto: Basahin ang mgatanong at piliin ang wastongsagot. Bilugan ang titik ng
napilingsagot. Sagutan ito ng may integridad at katapatan.

1. Bakit malaki ang naging papel ng mga prayle sa pag-unlad na paniniwala at


relihiyon ng mga katutubong Pilipino?
A. Dahil sila ang nagturo at nagpalaganap ng Kristyanismo sa bansa
B. Dahil ang mga prayle ang nagbigay ng pera sa mga Pilipino
C. Dahil sila ang naging at itinuring na mga diyos ng mga Pilipino
D. Dahil ang mga prayle ang namuno sa Espanya

2. Maraming mga prayleng Espnayol ang dumating sa ating bansa upang ipalaganap
ang Kristiyanismo sa mga Pilipino. Aling sa mga sumusunod ang HINDI kabilang
sa mga order ng prayle ang tinutukoy ng pahayag? A. Heswita C.
Pransiskano
B. Augustino D. Benedictino

3. Isa sa mga tugon ng mga katutubo sa kolonyalismong Espanyol ay ang


pakikidigma ng mga Muslim sa kanila. Ano ang ibig sabihin ng tugon na ito ng
ating mga ninunong Muslim laban sa mga dayuhang mananakop? A. Ayaw ng mga
Muslim na sakupin sila ng mga Espanyol
B. Tanggap ng mga Muslim ang pagsakop ng Espanyol
3
C. Tanggap ng mga Muslim ang patakaran ng Espanyol
D. Wala sa mga nabanggit

4. Hindi naging maganda ang pagtrato ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino
kaya nag-alsa at hindi tinanggap ng mga Pilipino ang ilan sa mga patakaran na
ipinatutupad ng pamahalaang kolonyal. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
ng pagsuway ng mga Pilipino sa mga patakarang ito?
A. Pagbebenta ng mga tabako sa ibang mangangalakal maliban sa mga hinirang
ng pamahalaang Espanyol
B. Pagtanggap sa trabahong gusto ng mga prayle
C. Pagbibigay ng buwis sa mga Espanyol
D. Pakikiisa sa mga prayle at hindi paglaban sa kanila

5. Bakit pinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang kalayaan?


A. Dahil mahal at handa silang lumaban para sa kalayaan ng bansa
B. Dahil hindi na makatuwiran ang ginagawa ng mga mananakop
C. Dahil hirap na sila sa kamay ng mapanirang mananakop
D. Lahat ng mga nabanggit

Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg.1: KUMPLETUHIN MO, PARA SA BAYAN MO!
A. Panuto: Tingnan at suriin ang larawan sa ibaba. Pagkatapos ay buuin ang konsepto
na siyang magiging paksa ng modyul na ito sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga
salita na makikita sa ibaba.

https://www.getrealphilippines.com/wp-content/uploads/2014/07/new_kind_of_nationalism.jpg

K __ U __ N __ Y __ N NG P __ K __ K __ P __ G __ A __ AN

4
NG MGA P __ L __ P __ N O SA P __G – U__ B __ NG

NG KANILANG N __ S __ O __ A __ I __ M __ NG

D __ M __ A __ IN

B. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pangyayari kung ito ba ay


nagpapakita ng pakikipaglaban ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan sa
pamamagitan ng pagsulat ng salitang KALAYAAN at isulat naman ang salitang
PANANAKOP kung ang pahayag ay naglalahad ng kanilang hindi pakikipaglaban
sa mga Espanyol.
____________1. Natakot ang mga katutubong Pilipino sa pamahalaang kolonyal
ng mga Kastila kaya tinanggap nalang nila ang pang-aabuso at
pangaapi nito sa kanila.
____________2. Matapang na hinarap at lumaban ang mga katutubong Pilipino
upang makamit muli nilang ang kanilang matagal na inaasam-
asam na kasarinlan.
____________3. Dahil sa kakulangan o walang kakayahan ng mga armas ay
napagtanto ng mga Pilipino na kahit lumaban pa man sila ay wala
parin itong magagawa upang matalo ang mga Kastila kaya hindi
nalang sila lumaban.
____________4. Kahit alam ng mga Pilipino na magiging alanganin para sa kanila
ang lumaban sa mga Kastila ay ipinapatuloy nila ang kanilang
pakikibaka upang mahimok ang mga katutubo na panahon na
upang ipagtanggol nila ang kanilang mga karapatan at makamit
mula ang kalayaan.

____________5. Maliit lamang ang bilang ng mga Pilipino ang determinadong


lalaban sa mga Espanyol kaya agad itong natalo at nasupil kaya

5
mula noon wala ng nangahas na lumaban pang muli sa
pamahalaang kolonyal ng mga Kastila.

Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.2: KUWENTO NI BEN, ALAMIN MO
Panuto: Basahin at intindihin ang kuwento sa ibaba. Gawin ang Data Analysis Chart
upang masuri ang kuwento at kaugnayan nito sa paksa ng modyul na ito.

DATA ANALYSIS CHART


NASYONALISMONG DAMDAMING NG
PAHAYAG MULA MGA PILIPINO
SA KUWENTO
Lagyan ng tsek (/)
Nagpapakita Hindi Nagpapakita
1. “Gusto kong magserbisyo sa bansa ate.
Gusto kong ipagtanggol ang bansa laban
sa mga gustong sumakop o sumira nito.”

2. “Ikararangal ko pang mamatay sa


pagtatanggol sa bansa, kaysa mamatay
ng walang ginagawa para sa bansa ate
Marie.”
3. Palagi niyang sinasabi sa amin na gusto
niyang maging sundalo paglaki.
4. “Delikado ang pagiging sundalo Ben,
puwede kang mamatay sa gitna ng iyong
trabaho.”
5. “Gusto kong ipagtanggol ang bansa laban
sa mga gustong sumakop nito.”

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Tungkol saan ang kuwentong binasa mo?

6
2. Ano ang nararamdaman mo matapos basahin o malaman mo nasyonalismong
damdamin ni Ben para sa kanyang bansa?
3. Kung pagbabatayan ang mga impormasyong iyong nakalap mula sa binasang
kuwento, masasabi mo bang naintindihan mo na ang aralin?
4. Paano mo magagamit ang paksa na ito upang maipakita ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa iyong bayan o sariling bansa?
5. Anong konklusyon ang mabubuo mo mula sa binasang kuwneto?

Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: KANTAHIN MO, PARA SA BAYAN MO
Panuto: Kantahin at intindihin ang liriko ng awitin sa ibaba. Gawin ang nakalaang
gawain para sa iyo upang maproseso at magkaroon ka ng pagkakataong
maipahayag ang iyong nasyonalismong damdamin para sa sariling mong bayan o
bansa.

7
PILIPINAS KONG MAHAL
Francisco Santiago
Bayan sa silanga’y hiyas
Pilipinas kong mahal
Ang bayan ko’y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal Kami’y iyo hanggang wakas
Ang puso ko at buhay man Pilipinas kong mahal
Sa iyo’y ibibigay Mga ninuno naming lahat
Tungkulin ko’y gagampanan Sa iyo’y naglingkod ng tapat
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo’y babantayan Ligaya mo’y aming hangad
Pilipinas kong hirang Pilipinas kong mahal.

Oo Hindi
Linya ng kanta

1. Ang bayan ko’y tanging ikaw, Pilipinas kong mahal.

2. Ang puso ko at buhay man, sa iyo’y ibibigay.

3. Tungkulin ko’y gagampanan na lagi kang paglingkuran.

4. Ang laya mo’y babantayan, Pilipinas kong hirang.

5. Bayan sa silanga’y hiyas, Pilipinas kong mahal.

8
6. Kami’y iyo hanggang wakas, Pilipinas kong mahal.

7. Mga ninuno naming lahat, sa iyo’y naglingkod ng tapat.

8. Ligaya mo’y aming hangad, Pilipinas kong mahal.

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Ano ang masasabi mo sa isinulat mong sagot?
2. Sang-ayon ka ba o hindi sa mga ibinigay mong sagot?
3. Mula sa mga ibinigay mong sagot, naging malinaw na ba para sa iyo na dapat
pahalagahan ang mga nasabing kaalaman para sa kabataang tulad mo?
Ipaliwanag?
4. Paano kaya ito bibigyang-halaga ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon ang
mga nasabing impormasyon o kaalaman? Ipaliwanag.

Isaisip

Kaugnayan ng Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa


Pag-usbong ng Kanilang Nasyonalismong Damdamin

NASYONALISMO - Dahil sa galit at pagkadismaya ng mga Pilipino sa mga


Espanyol ay nag-alsa sila at umusbong ang nasyonalismong Pilipino. Ang nasyonalismo
ay ang pagmamahal sa bansa. Isang kamalayan sa lahi na nag-uugat
s apagkakaroon ng isang relihiyon, wika, kultura, kasaysayan at pagpapahalaga.

PAGKAKAISA - Dulot ng pag-agaw ng mga Espanyol sa kalayaan ng mga


Pilipino at pagtapak sa karapatan ng mga Pilipino ay naging mas napagtibay nito
ang ugnayan at pagkakaisa ng mga Pilipino para sa iisang hangarin.

9
PAMPROSESONG MGA TANONG:

1. May mga bahagi ba ng buod ng paksa ang hindi mo nakuha sa mga nagdaaang
mga gawain sa pagkatuto?
2. Bilang isang Pilipino, bakit mo kailangang malaman ang paksang ito?
3. Bilang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang paksa na nalaman mo sa
modyul na ito?
4. Ano ang konklusyon na mabubuo mo ukol sa paksang araling ito?

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: PILIIN ANG TAMANG GAWAIN
Panuto: Ilista ang mga salitang may kaugnayan sa nasyonalismong damdamin ng mga
Pilipino.

MAPAGMAHAL MAY RESPETO BASTOS PANGIT

MAKATAO PALABAN MAKABANSA MASAMA

MAKAKALIKASAN MAKADIYOS MAPAGKAKATIWALAAN

B. Panuto: Sa pagkakataong ito, maipapamalas mo ang iyong damdamin bilang


isang mag-aaral sa pagpapahalaga mo sa samu’t-saring damdamin ng mga
Pilipino noon. Gumawa ng isang sulat (letter) naibibigay mo sa mga Pilipinong
nakipaglaban sa ating bansa at nagkaisa.
Petsa _____________

Para sa Mahal Kong Kababayan,

10
Ako si _________________________________, nasa ikalimang baitang ngayon.
Nais kong sabihin na ______________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Nagmamahal,
____________________

Tayahin
Panuto: Basahin ang mga katanungan at piliin sa mga sumusunod na pahayag
ang hinihingi ng tanong. Isulat ang titik ng iyong mga napiling sagot sa isang
hiwalay na papel.

1. Tuso ang mga Espanyol dahil gusto nilang sakupin ang bansang Pilipinas.
Maraming ginawang nakakasama sa mga Pilipino ang mga Espanyol at ito ang
isa sa naging dahilan ng digmaan. Bilang mag-aaral, ano ang aral ang
natutunan mo sa digmaan sa pagitan ng dalawang lahi?
A. Bilang mag-aaral, natutunan ko na importante ang respeto sa bawat tao
B. Bilang mag-aaral, natutunan ko na hindi mabuti ang paggawa ng masama sa
kapuwa tao
C. Bilang mag-aaral, natutunan ko na hindi digmaan ang sagot sa lahat ng
problema dahil marami ang masasawi bagkos dapat pag-usapan ang
problema at mahinahon na ayusin ito
D. Lahat ng mga nabanggit

2. Paano mo maipapakita bilang isang mag-aaral ang pagmamahal sa bayan?


A. Mag- aral ng mabuti
B. Maglaro palagi
A. Maglinis ng kapaligiran
B. A at C

3. Umusbong ang nasyonalismong Pilipino dahil sa pakikipaglaban nila bilang


Pilpino laban sa mapaniil na mga Espanyol. Napahalagahan ng mga Pilipino
ang kakayahan ng bawat isa sa pagnanais nilang makawala at makalaya sa
kolonyalismong Espanyol. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong tungkulin sa
iyong bansa upang maipakita ang pagkakaroon ng nasyonalismong damdamin?

11
A. Maghanap at doon magtrabaho sa ibang bansa upang magkaroon ng mas
malaking kita
B. Magpaturok ng glutathione upang pumuti dahil hindi maganda ang iyong
balat kayumanggi
C.Pagtulong kahit sa pinakamaliit na bagay sa kapuwa mo na
nangangailangan
D.Pagbibigay ng tulong sa mga botante dahil tatakbo ka sa pagiging opisyal
ng pamahalaan

4. Samu’t saring damdamin ang naranasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga


Espanyol dahil sa kanilang pananakop sa bansa. Kung ikaw ang nasa
kalagayan ng mga Pilipino noon, ano ang maari mong gawin upang makatulong
sa kanila?
A. Manumbat at makipag- away
B. Tumulong sa mga magulang
C. Magsawalang bahala
D. Kumain ng marami

1. Bilang isang Pilipino na nabubuhay sa panahon ngayon kung saan malaya na


ang ating bansa laban sa mga Espanyol, ano ang iyong maipapayo sa mga
kabataan na kapupulutan nila ng aral at repleksyon?
A. Hindi na kailangan pang gunitain ang ginawang pakikipaglaban ng mga
Pilipino noon sa kamay ng mga Kastila dahil iiyak ka lang
B. Bigyang-pugay ang kabayanihan ng mga Pilipinong ipinagtanggol at
lumaban upang makamit muli an gating kasarinlan
C. Mas mabuting pumunta sa ibang bansa dahil nawawalan ka na ng pag-
asa dahil sa mataas na antas ng korapsyon sa bansa
D. Huwag ng maniwala sa mga tao ngayon dahil manloloko lamang sila

Karagdagang Gawain
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: NATUTUNAN KO
Panuto: Punan ang Car Chart ng mga natutunan mo sa modyul na ito.

12
Bagongaral nanapupulotok
___________________________
______________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Mga bagay naagagawa


m ko
mulasaakingnatutunan

___________________________
______________________________
________________________________________________________

13
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Palu-ay, Alvenia P. (2006), Makabayan Kasaysayang Pilipino BatayangAklatsaIkalimangBaitang(Araneta
Ave.cor. Maria Clara Street, Quezon City: LG and M.)pahina 28-33

https://lrmds.deped.gov.ph/create/type/1?page=10
https://www.slideshare.net/jaredram55/aralin -2-pag-usbong-ng-nasyonalismo-at-paglaya-ng-mga-bansa-sa-timog-
atkanlurang-asya
https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-8-pagsibol-ng-kamalayang-pilipino
http://ohspmodularlearningforgrade8.weebly.com/pag-usbong-ng-nasyonalismo-sa-timog-asya.html
https://commons.deped.gov.ph/melc_k12

14

You might also like