You are on page 1of 3

DIVINA PASTORA COLLEGE

Basic Education Department (2020-2021)

FIRST QUARTER PRE-TEST IN PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

NAME: ________________________________ SCORE: ___________/


GRADE & SEC: _________________________ DATE: ____________

“Lahat ng libro na iyong mababasa, ay libro ng iyong pag-asa”.


-Pandayan bookshop
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang.

_____1. Anong uri ng teksto ang tumutukoy sa mga babasahing di-piksyon at


naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa iba’t-ibang paksa tulad ng sa hayop,
isports, agham, at iba pa?
a. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Prosidyural
c. Tekstong Impormatibo
d. Tekstong Argumentatibo

_____2. Anong teksto ang naglalarawan ng mga katangian ng mga bagay, pangyayari,
lugar, tao. Ideya, paniniwala at iba pa?
a. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Deskriptibo
c. Tekstong Impormatibo
d. Tekstong Argumentatibo

_____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga mapaghahanguan ng


tekstong impormatibo?
a. Encyclopedia
b. Pahayagan
c. Textbook
d. wattpad

_____4. Isa sa mga libangan ni Lina ay ang pagbabasa ng iba’t ibang uri ng sulatin.
Ginagawa niya ito upang makangalap ng mga esensyal na impormasyon at para mas
maintindihan ang kanilang aralin. Sa iyong palagay, anong uri ng pagbasa ang
ginagawa ni Lina.
a. Ekstensibo
b. Intensibo
c. Primarya
d. Sintopikal

_____5. Anong teksto ang may layuning lumikha ng isang malinaw at pangunahing
impresyon sa mga mambabasa?
a. Deskriptibo
b. Impormatibo
c. Naratibo
d. Persweysib

_____6. Sa anong uri ng babasahin matatagpuan ng mga estudyante ang iba’t-ibang


elemento at ang mga sangkap na bumubuo sa mga kemikal.?
a. Arkeolohiya
b. Biyoholiya
c. Kimika

PAGBASA, PRE-TEST, 1ST Q;SALVADOR, L. 1


d. Pisika

_____7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring maging uri ng tesktong
impormatibo?
a. Pag-uulat
b. Paglalarawan
c. Pagpapaliwanag
d. Paglalahad ng totoong pangyayari

_____8. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng pinakamalapit na


pagpapakahulugan sa tekstong deskriptibo?
a. Nagbabahagi ng kaalaman
b. Nagbibigay ng mga impormasyon
c. Nagbibigay ng pangangatwirang hahantong sa isang lohikal na konklusyon
d. Maaring obhetibo o subhetibo at maari ring gamitan ng iba’t-ibang tono o
paraan.

_____9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa proseso ng pagbasa ayon kina
Wixson et al.?
a. Pagsuri ng panandang diskurso
b. Interaksyon ng imbak na kahulugang konteksto ng kalagayan sa pagbabasa
c. Impormasyong ibinigay ng tekstong binasa
d. Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may-akda.

____10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng analitikal na antas ng


pagbasa?
a. Alalmin ang argumento ng may-akda.
b. Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto.
c. Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may-akda.
d. Tukuyin ang pinagmulan na tinatangkang bigyang-linaw ng may akda.

____11. Si Noel ay inatasan ng kanilang guro na sumulat ng isang teksto patungkol sa


kasalukuyang pangyayari sa ating gobyerno. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan
ng pagsulat ng teksto ang dapat na isaalang-alang ni Noel?
a. Argumentatibo
b. Deskriptibo
c. Naratibo
d. Persweysib

____12. Alin sa mga sumusunod na katangian ng tekstong Persweysib ang nagsasaad


ng katotohanan?
a. Ito ay isang uri ng piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa
na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isyu.
b. Naglalahad ng iba’t ibang impormasyon o katotohanan upang suportahan ang
isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat.
c. Sa pagsulat ng tekstong ito, maaring magpahayag ng mga personal at walang
batayang opinyon ang isang manunulat.
d. Gumagamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga pag-aaral at
pagsusuri ng opinyon lamang.

____13. Inatasan ni Ginoong Ramos ang kanyang mga mag-aaral na basahin at


intindihing mabuti ang teksto patungkol sa ekonomiya at matapos ay sagutan ang mga
katanungan kaakibat nito. Ano sa iyong palagay ang pinaka mabisang antas
pagkatapos magbasa ang dapat na isakatuparaan ng kanyang mga mag-aaral?
a. Pagbuo ng sintesis
b. Pagbuo ng ebalwasyon
c. Pagbubuod ng mga detalye
PAGBASA, PRE-TEST, 1ST Q;SALVADOR, L. 2
d. Pagtatasa ng komprehensiyon

____14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian at nilalaman ng mahusay na


tekstong Argumentatibo?
a. Matibay na ebidensya para sa argumento.
b. Malinaw at ilohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
c. Maiklli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng
teksto.
d.Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya ng
argumentatibo.

15. Ikaw ay inatasan ng iyong guro na sumulat ng tekstong argumentatibo. Ano sa


iyong palagay ang pinakamainam na ipaksa para sa iyong sulatin ukol sa pagtaas ng
pamasahe ng LlRT at MRT?

a. “Makatutulong ang pagtaas ng pamasahe sa mga pasahero”.


b. “Ang pagtaas ng pamasahe ay makatarungan at katanggap-tanggap”.
c. “Sinunod ng Kalihim ng DOTC, LlRT Board, at MRT 3 office ang tamang proseso at
awtorisado silang magtaas ng pamasahe.
d. “Sa pamamagitan ng pagtaas ng pamasahe sa MRT at LRT, malilipat ang pondo ng
gobyerno para sa subsidyo papunta sa edukasyon, kalusugan, at mga proyektong
pang-kaunlaran sa Visayas ata Mindanao.

Inihanda ni:

BB. LORIE-LYN G. SALVADOR


Guro sa Pagbasa

Please write the Honor Code Pledge Here:


(On my honor I pledge that I completed this task without giving or receiving any
unauthorized assistance.)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

___________________ ___________________
Signature of Student Signature of Parents

PAGBASA, PRE-TEST, 1ST Q;SALVADOR, L. 3

You might also like